Share

(8) He lay upon

Chapter 08

KINUKUSOT PA NI Satsuto ang mga mata nang makarating siya sa dinning area nila. Naabutan niyang naghahain na ng agahan ang Mama niya at napansin nitong magara ang kasuotan nito. Isang dentista ang Mama noya at kahit mag-fo-forty years old na ito ngayong taon ay maganda pa rin ang pangangatawan niya kaya bumabagay talaga sa kanya ang suot niyang baggy pants na may sinturong itim habang naka-tuck in naman ang itim na tee shirt na may SELINE na nakasulat sa bandang dibdib. Kitang-kita sa suot ang maliit na bewang nito.

“Morning Satsat,” bati ng Mama niya saka naman siya naupo sa hapag at dinampot ang kutsarang nasa platong may lamang kanin at ulam na delatang tuna sa harapan niya.

“Kala ko day off mo, Ma?” Naghihikab pa siya nang itaas niya muli ang tingin sa Mama niyang parang tubig na iniinom ang kape sa hawak na mug.

Paniguradong nakalimutan na naman niyang may iniinom siyang kape hanggang sa manlamig na ito kakahanap sa mug niya.

Iiling-iling na naisip ni Satsuto.

“Oo nga. Magkikita kami ni Tita Nana mo mayamaya. Maaga na ‘ko nag gayak kasi sasabunutan na naman ako noon kapag na-late ako,” reklamo nito habang inilalagay sa lababo ang platong wala ng laman na nasa lamesa na kanina ay pinagkakainan nito.

“Siguro dapat hindi ka na pumunta sa lakad niyo, Ma. Baka lagnatin ka, sobrang aga ng gayak mo. Dati halos tatlong oras mo pinaghihintay si Tita Nana.”

“Eh paano ba naman kasi ang aga-aga niya palaging dumadating.”

“So it’s Tita Nana’s fault?” tanong ni Satsuto saka na nag-umpisang kumain. Mabagal siyang ngumunguya habang pinapanood ang Mama niya na nagsusuklay na ngayon ng buhok. Inaantok pa siya at talaga namang tinatamad ang buo niyang katawan kaya mabagal ang kanyang mga pag nguya.

Matagal na katahimikan ang nanaig sa kanila at mukhang ayaw ng sagutin ng mama niya ang kanyang katanungan. Biglang naupo ang Mama niya sa kabilang bahagi ng lamesa at nakangiti siya nitong tiningnan.

“Anyway, birthday ng anak niya next month at gusto sana kitang isama---”

“No,” mabilis na pagtutol ni Satsuto kaya naman agad na bumusangot ang mukha ng Mama niya.

“Tch.” Umirap ang Mama niya at muli itong tumayo saka siya tinalikuran. Dahil sa inis ay naglakad ito sa kusina upang ayusin ang mga kalat doon.

“Naku, Ma. Dapat hindi ka muna nag gayak kung maglilinis ka pa r’yan.”

“Tch.” Pinatunog lang muli nito ang dila na parang sinasabi kay Satsuto na huwag siya nitong kausapin dahil naiinis siya.

Matagal na siyang inaaya ng Mama niya na sumama sa gala nila ng Tita Nana nito dahil gusto niyang ipakilala siya nito rito pero palagi siyang tumatanggi dahil tinatamad siyang sumama sa mga ito. Naisip niyang wala rin naman siyang gagawin doon at siguradong maboboring lang siya habang paikot-ikot ang Tita Nana at Mama niya sa buong mall. Siguradong gagawin lang siyang alalay ng mga ito kaya huwag na lang. Naranasan na niyang maging alalay ng isama siya ng Mama niya mamalengke at mag-shopping at talaga namang hindi siya makapaniwalang mas bata siya sa Mama niya dahil wala itong kapagurang inikot ang malawak at malaking mega mall.

Kahit ilang beses ng nakapunta ang Tita Nana niya sa bahay nila ay hindi niya pa ito nakikita. Hindi niya alam ang itsura nito at lagi silang hindi nagkakaabutan kapag nadalaw ito sa bahay nila. Siguro, balang araw ay makikita niya rin ito kapag ginusto ng tadhana. Pero may parte sa kanya na ayaw makita ito dahil may masama siyang kutob sa tuwing naririnig niya sa Mama niya na gustong gusto raw siyang makita at makilala ng Tita Nana niya. Ipasintabi pa na single mom din ito... ayaw niya ng gulo.

“Nga pala tumawag si Kuya Rhain mo, kunin mo na raw ‘yung motor mo sa shop nila. Sigurado ka bang ayaw mong bilhan kita ng bago? Alam kong mahalaga ‘yong motor na ‘yon sa ‘yo pero baka maaksidente ka sa susunod dahil sa luma na noon,” ani Mama niya.

Kung kanina ay tamad na tamad siya, ngayon naman ay parang awtomatikong bumalik ang lahat ng sigla sa katawan niya at binilisan ang pagkain. Bumibilis ang tibok ng puso niya sa pananabik habang iniisip ang motor niyang puwede na ulit niyang sakyan.

“Maingat naman ako mag-drive. Saka paano nakatawag si Kuya Rhain sa inyo?” Nilingon niya ang Ina at tinaasan ng isang kilay. Tinitigan niya ito na para niyang tinutugis ang isang kriminal at napaiwas naman ng tingin ang Mama niya.

“Anong tingin ‘yan? Siya kaya nanghingi ng number ko para kapag pinapaayos ko rin ‘yung washing machine puwede niya ‘kong tawagan kapag puwede ng kunin.” Bigla siyang binato ng plastic na baso ng Mama niya. Mabuti na lang at mabilis siyang nakaiwas at halos atakihin siya sa puso dahil sa biglaang ginawa ng Mama niya. “Kung anong iniisip mong bata ka!” sermon nito at pinatunog na naman ang dila sa inis.

Mayamaya pa ay natapos na siyang kumain at nang matapos na siyang maligo ay naabutan niyang paalis na ang Mama niya.

“I-lock mo ‘yung pinto at mag-iingat ka sa pagmomotor mo ah, aalis na ‘ko,” habilin ng Mama niya saka niya narinig ang pag sara ng pintuan.

Napatingin siya sa orasan habang kinukuskos ng tuwalya ang basa niyang buhok at nakita niyang ala-sais na. Mabilis siyang nagbihis at pagkalabas ng bahay ay dumiretso siya sa shop ng Kuya Rhain niya.

***

“IS that what I think it is?”

Parehong napatigil sa may tapat ng parking lot ng university nila sina Danica at Hazel. Sinundan ni Hazel ang tingin ni Danica kung ano bang pinagmamasdan nito at bigla silang napatigil. Natanaw ni Hazel si Satsuto na hindi kalayuan ang puwesto sa kanila na inihihilera ang sinasakyang motor niya sa tabi ng iba pang mga motor.

“The infamous honda baby!” nasisiyahang wika ni Danica na parang ngayon lamang ito nakakita ng motor.

“Yeah it is. Honda click 125i. Ginagamit na niya ‘yan since Grade 7 siya. Sabi niya bigay raw ‘yan ng Papa niya sa kanya,” ani Hazel habang pinakatititigan ang itim na motor at tanging upuan lamang ang kulay pula. Bigla niya tuloy naalala na lagi niyang inaabangan noong nasa junior high pa lang siya ang motor na ito na dumaraan sa gilid ng room nila.

“No! That’s not what I mean! That model was so common pero hindi famous ang motor niya dahil bigay ‘yan ng Papa niya.” Bigla siyang hinila ni Danica sa braso papalapit at bumulong sa tainga niya, “Is it true? Wala pang babae o kahit sino sa mga kaibigan niya ang nakakasakay sa motor niya?”

Biglang nanlaki ang mata ni Hazel at nanigas siya sa kinatatayuan.

“Even you? Kahit matagal na kayo magkakilala?” usig nito.

Nginitian siya ng tipid ni Hazel. “O-Of course not! Nakasakay na ko r’yan dati. Mga tatlong beses!”

“Liar. That seat was the queen’s throne. But yeah, you’re not his queen. You’re his bitch,” nakangising sabi ni Danica at ipinagkrus ang kanyang mga braso. Napayuko naman si Hazel. Sanay na siya sa mga makatotohanang pananalita ni Danica, but this time it hurts her.

Tama ang mga sinabi ni Danica.

Hindi lang si Hazel ang sumisinta kay Satsuto, halos lahat ng babae sa unibersidad nila ay may pagtingin kay Satsuto. Sino ba naman hindi mapapaluhod sa makakakita rito? Matangkad ito, magaling sa sports, matalino at kahit kayumanggi ang balat ay napaka-guwapo pa rin, bagay na bagay sa kanya ang kahit anong skin tone. He’s unbelievably handsome, they say.

“Yeah, I’m his bitch... for now. But surely, soon he will realize that that seat was meant for me. And only mine, alone. Don’t worry Danica, I’ll let you be my personal slave if that happens.” Nginisian niya pabalik ang kaibigan at ipinulupot naman ni Danica ang kamay sa kanang braso ni Hazel.

“That’s the confidence! Oh well, it will be my pleasure to serve you, your majesty.” And they both chuckled.

***

NATANAW nina Dexter, Ian at Gelo si Satsuto na kakababa lang ng bagong gawang motor nito kaya nagtakbuhan sila papalapit dito.

“Wow! Akala ko hindi na ulit magagawa ‘to after mong mabangga ‘to sa puno noong may hinahabol kang snatcher,” bungad ni Ian kaya napalingon sa kanila si Satsuto.

“Well, it has my Papa’s will kaya matibay ‘to.” Satsuto shrugged.

“So kailan mo kami papasakayin dito? Gusto kong ma-feel ‘yung Papa’s will na sinasabi mo,” turan ni Dexter habang hinahaplos ang upuan ng motor ni Satsuto.

“Kapag naging dalawa na ang buwan.” Naglakad pauna si Satsuto at nang papaliko na sila ay nakasalubong nila si Condoriano. Saglit silang nagkatitigan ni Satsuto hanggang sa ngumisi si Condoriano sa kanya. Ngisi na siguradong sumira sa araw ni Satsuto.

“Step aside. F*cking homo.” Tinabig siya nito pagkalampas.

Napapikit na lang si Satsuto at huminga ng malalim. Mabuti na lang at mahaba ang pasensya niya at noong imulat niya ang mga mata ay saktong nahagip nito si Snow na naglalakad sa harapan niya. Napalingon din ito sa kanya pero mabilis din itong umiwas ng tingin at tuloy-tuloy lang ang paglalakad.

Naglakad na ulit din sila at nasa likuran sila ngayon ni Snow. Napansin naman ni Satsuto ang mga babaeng napapatigil sa paglalakad at napapatingin kay Snow, tapos ay mamumula ang mga pisngi at halatang halata na nahuhumaling sa nakikita.

Well, I can’t fault them. People tend to like pretty things and since Snow was breathtakingly beautiful I know they want him. They can’t help looking at him, like a beautiful rare jewelry at display.

Masama niyang tinitignan ang mga babaeng napapatingin kay Snow na tila ba itinataboy niya ang mga ito at nagdadamot siyang ipatitig ito sa iba. Kung puwede niya nga lang lagyan ng sako ang ulo ni Snow para hindi makita ng iba ang lalaking ito ay ginawa na niya.

Tapos na ang magulong pag-iisip ni Satsuto ng kung ano-ano tungkol kay Snow dahil kahit anong gawin niyang pag-iisip ay palagi lang siyang nahahantong sa iisang sagot.

He desire him. Gusto niyang angkinin ang buong pagkatao nito.

Tapos na niyang takasan ang pag-iisip kay Snow. Kung ayaw nitong umalis sa isipan niya edi huwag. Gagawin niya ang kabaliktaran ng ginagawa niya noon. Kagaya ng pag may hinahanap ka pero hindi mo mahanap, at kapag hindi mo na hinahanap ay magpapakita ito ng kusa.

Kung dati ay hindi nito magawang kausapin at lapitan si Snow, ngayon naman ay uunti-untiin niyang mapalapit dito, kahit alam niyang ayaw ni Snow makisalamuha sa ibang lalaki.

Matagal na panahon na rin simula nang may pumukaw ng interes niya at siguradong kapag bumigay na sa kanya si Snow ay pagsasawaan niya rin ito kalaunan. Kaya bakit n’ya pa pipigilan ang uhaw ng pagnanasa n’ya? Kung abot kamay naman niya ito at sigurado siyang makukuha n’ya.

Itinaas ni Satsuto ang kamay hanggang sa mahawakan niya ang ulo ni Snow na nasa harapan niya.

“It’s mine,” nakangiti niyang wika.

Napatigil si Snow sa paglalakad pati na ang mga kasama ni Satsuto.

“Dude, what are you doing?” tanong ni Gelo. Napaurong si Satsuto at binawi ang kamay. Mabilis namang nagtatakbo si Snow palayo ng hindi man lang lumingon sa puwesto niya.

“Akala ko bola ‘yung ulo niya, nananaginip pa ata ako. May liga kami sa sabado e. Kabado.” Pilit niyang nginitian ang mga kasama.

“Parang hindi ikaw ah,” sabi ni Dexter.

“Kabado raw, ulol! Iba talaga kapag prodigy, nag-vivisualize ng laro habang gising. Wow, p*ta ang astig!” si Ian naman ang nagkomento.

“Nagtayuan ‘yung balahibo ko sa it’s mine,” pang gagaya naman ni Gelo.

Hindi niya pinansin ang mga kaibigan at nanatili lang itong nakatingin sa direksyon na tinahak ni Snow.

-

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status