Share

(9) white sheets, asleep,

Chapter 09

BAGAMA’T WALANG KLASE ay kung ano-ano na lamang ang ginagawa ng mga kaklase ni Satsuto. Hinayaan niya ang mga ito sa kung anong gustong mga gawin basta hindi sila lalabas ng classroom, mag-iingay at makaka-istorbo sa ibang nagkaklase.

Nakabilog ngayon ang sampung estudyante sa sahig sa may may likuran ng silid. Kabilang dito sina Satsuto, Condoriano, Gelo, Mia, Ian, at Dexter na naglalaro ng UNO. Isa na lamang ang hawak na card ni Satsuto at naghihintay na lamang siyang itapon ito dahil color wheel naman ito ng bigla siyang babaan ni Condoriano ng +4 na unang tatapon bago siya.

Nginisian siya ng nasa harapan na si Condoriano na wala ng hawak na cards at dahil siya na lamang ang mayroong cards, awtomatikong talo na siya. Masyado siyang nakuntento sa color wheel na hawak niya, nakalimutan niyang isa na lang din pala ang baharang hawak ni Cruz.

“Truth or dare, pres?” tanong ng babaeng si Muyak na katabi niyang naka-injan sit.

“I’ll go for the truth,” mabilis niyang sagot dahil mas komportable siyang sumagot na lamang kaysa tumayo pa sa puwesto niya at baka kung ano pang ipagawa ng mga ito sa kanya.

“Okay so ano kayang itatan---”

“Bakla ka ba?”

Pinutol ni Condoriano ang sinasabi ni Mia at pare-parehong natahimik na parang mga pipi ang mga estudyanteng nasa bilog dahil sa biglaang tanong na kanilang narinig. Napatingin naman ng masama ang mga katabi ni Satsuto kay Condoriano kaya naman nagkibit balikat ito at nag wika, “Bakit? Ako ang nakatalo sa kanya, wala ba ‘kong karapatan?”

Napabuntong hininga si Muyak at lumingon sa katabing si Satsuto. “Pres, huwag mo na lang pansini---”

“I like guys so yeah, bakla ako.” Diretsong nakatingin sa mga mata ni Condoriano, walang halong hiya ang tono nito ng sabihin niya iyon na para bang matagal na niyang inamin sa sarili ang totoo niyang kasarian. Hindi naman talaga kaso para kay Satsuto na sabihin sa iba na mas attracted siya sa mga lalaki kaysa babae. Taas noo niyang inaamin ‘yon dahil nagpapakatotoo lang naman siya sa kanyang sarili. Kaysa namang itago at itanggi niya pa ito, siya lang din mismo ang mahihirapan at loloko sa sarili niya.

Ilang segundong katahimikan ang nanaig nang umamin si Satsuto. Ang ibang babaeng kalaro nila ay nakaawang ang bibig at kitang kita na hindi sila makapaniwala sa narinig. Pero ang mas nakapukaw ng atensyon ni Satsuto ay ang lalaking nakaupo sa may arm chair sa likuran ng mga babaeng ito. Si Snow Benesisto.

Nakatagilid ito at nakahalumbaba kaya hindi niya makita ang itsura ni Snow, pero napansin niya ang mapulang tainga nito.

Sino naman kaya ang pumingot noon? Hindi ako makapaniwala na nagpapapingot si Snow at namula ng sobra ang tainga niya.

“A-Anyway laro na ulit tayo.”

Pagbasag ni Ian sa katahimikan saka niya inabot ang maayos na magkakapatong na cards na nasa gitna ng bilog na ginagawa nila.

Napansin ni Satsuto na nag iba bigla ang simoy ng hangin sa bilog na iyon kaya naman nagboluntaryo na siya at tumayo. “Kayo na lang pala mag laro. Bigla kong naalala, nanghihingi nga pala ng tulong sa akin si Ma’am Ante sa library. Mia ikaw muna ang mag bantay sa room, huwag kang magpapalabas.”

Tinignan siya ni Mia ng nag-aalala kaya naman binigyan niya lang ito ng isang matamis na ngiti. “I’ll be back later.” Saka na nga siya lumabas ng silid na iyon.

Bumaba siya sa may first floor ng building nila at nagpunta sa may banyo na nasa may ilalim ng hagdan. Dumiretso siya sa may lababo pagkapasok. Hinugasan niya ang sariling mga kamay saka nag hilamos ng mukha. Itinunghay niya ang ulo at nakita sa salamin sa harapan ang repleksyon ng mukha niyang basang basa habang nag uunahan ang mga butil ng tubig papunta sa kanyang panga hanggang sa tumulo ito sa lababo. Para siyang nahimasmasan at doon niya lang ulit naalala na sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin niya sa harap ng madaming tao ang totoo niyang kasarian.

Hindi na naman nag-alala pa si Satsuto sa pag-amin niya sa mismong harap ng mga kaibigan niyang kasali sa laro dahil matagal ng alam ng mga ito ang totoo. Isa iyon sa mga nakapagpalakas ng loob niya para hindi matakot na lumantad dahil tanggap siya ng mga bilang niyang mga kaibigan.

Bigla n’yang narinig ang pagbukas ng gripo sa tabi niya kaya napatingin siya roon. Nakita niya si Condoriano na hindi pa rin naaalis ang ngisi sa sulok ng labi habang nag huhugas ng kamay at diretsong nakatingin sa sarili niyang repleksyon sa salamin.

Umayos ng tayo si Satsuto at napangisi rin siya habang dinudukot ang pulang panyo sa kanyang bulsa.

“Noong una kitang makita hindi ko alam kung bakit masama na agad ang mga tingin mo sa ‘kin,” panimula ni Satsuto.

Patuloy niyang tinutuyo ang kamay at mukha gamit ang hawak na panyo habang itinutuloy ang mga gusto niyang sabihin sa kasama niya ngayon sa banyo.

“Galit na galit ka sa mga baklang nakikita mo. Kitang kita ko sa mga mata mo ang pandidiri sa tuwing nakikita kong nakatingin ka sa kanila, at noong umamin ako kanina ay binigyan mo rin ako ng parehong tingin ng kagaya sa kanila.” Natawa ng mahina si Satsuto habang iniisip ang mga susunod niyang sasabihin.

“Pero mali ako. Hindi ka talaga nandidiri sa kanila.” Huminto siya at pinakatitigan si Cruz.

“Sa amin,” dagdag nito.

Napatigil si Condoriano sa pag ikot niya sa gripo para patayin saka niya nilingon si Satsuto na ngayon ay nakatagilid habang naka-krus ang mga braso sa may bandang dibdib. Magkasalubong ang mga kilay niya habang nakikipag sukatan ng tingin dito at biglang bumilis ang kanina ay nananahimik niyang puso.

Kinakabahan siya. May masama siyang kutob at mukhang alam na niya ang mga susunod na sasabihin ni Satsuto.

Alam ni Satsuto ang itinatago niya.

Naglakad ito papalapit sa kanya at nanigas naman ang mga paa niya. Hindi niya magawang kumilos sa puwesto niya na tila ba nakapako ito sa lupa.

“Puno ng inggit ang mga mata mo, Cruz. I should’ve known it.” Itinaas ni Satsuto ang kamay at hinawi niya ang maikling buhok na nakaharang sa mukha ni Condoriano saka inilagay sa likuran ng tainga nito. Hindi pa siya natapos doon at hinawakan niya rin ang dulong bahagi ng tainga nito na agad nakapag painit ng buong mukha ni Condoriano.

Mabilis nitong tinabig ang kamay ni Satsuto bago pa man mahuli nito ang totoong siya.

“Huwag mo ‘kong hawakan,” matigas niyang sabi habang hindi matibag tibag ang matalim niyang tingin kay Satsuto. “Huh! Ganyan mo ba inaakit ang mga gusto mong kumantot sa ‘yo? F*cking homo!”

May pang iinsulto na ang tono ni Condoriano ngayon. Mas lalo lang lumaki ang ngisi sa labi ni Satsuto hanggang sa nagpipigil na siya ng tawa habang nakatingin kay Condoriano. Naiyukom naman ni Condoriano ang kamay at nauubos na ang pasensya niya dahil sa hindi niya magawang tibagin ang matibay na si Satsuto.

Bakit hindi ito naiinsulto sa mga sinasabi niya rito? Bakit siya pa ang nakakaramdam ng galit at inis?

“Oh god, that was a good laugh pffft---” Itinuon ni Satsuto ang kanang kamay sa lababo habang ang isang kamay ay nakatakip pa rin sa bibig niya para pigilan ang mga tawang gustong lumabas.

“You don’t need to look tough anymore in front of me. Alam ‘ko na ang sikreto mo. You’re one of us,” dire-diretsong turan ni Satsuto saka ipinatong ang kaninang kamay na nakatakip sa bibig niya sa kanang balikat ng kausap. Saglit na parang lumulutang ang pakiramdam ni Cruz at nahihilo siya. Nangyari na nga ang masamang kutob niya.

Totoo ang mga sinabi ni Satsuto. Hindi dahil sa mga baklang nakikita niya kaya bumabaliktad ang sikmura niya, dahil ito sa sarili niya. Nandidiri siya sa mismong sarili niya sa sobrang inggit. Naiinis siya dahil hindi niya magawang gumaya sa ibang malalakas ang loob at buong pusong tinatanggap ang totoo nilang pagkatao. Kaya naman itinutuon niya ang inis, galit, at pandidiri sa mga taong kinaiinggitan niya. Ang lahat ng mga sinasabi niyang panlalait sa mga ito ay ang mga salitang gusto niya talagang sabihin sa totoong kasarian niya. Gusto niyang patayin ang kabaklaan sa loob niya pero mas malakas ito kaysa sa pagkal*l*ki niya, kagaya ngayong mga oras na ito na tinatraydor siya ng pagkal*l*ki niya dahil naaamoy niya ang nakakaakit na pabango ni Satsuto kasabay ng kaba niya dahil nalaman nito ang itinatago niyang sikreto. Nararamdaman niyang may tumitigas paunti-unti sa pagitan ng hita niya.

“But sorry, you see, hindi kita type.” Napalunok si Condoriano ng inalarma ng malalim na boses ni Satsuto ang tainga niya. Nakalapit na pala ito sa kanya at binubulungan siya. Nakiliti tuloy siya sa lapit ng bibig nito sa kanya at ramdam na ramdam niya ang paghinga nito.

“And I don’t let others do it to me. I do it to them.” Muling hinarap ni Satsuto si Condoriano at halos isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha nila sa isa’t isa. Natatawa naman si Satsuto sa loob looban nito dahil sa hindi maipintang itsura ng binatang nasa harapan niya. Hindi pa nga rin ito gumagalaw sa puwesto nito kanina pa at parang isang pitik niya lang ay lalaglag na ito sa kinatatayuan.

“Your face wasn’t actually my type, but your hard-to-get aggressive attitude was kind of seductive. I wanna see your tough face crying beneath me.” Hinaplos nito ang pisngi ni Cruz at naramdaman na nag-iinit iyon. Mas natuwa tuloy siyang asarin ito. “Maybe if you put your wiggling ass up in front of me while begging for me to stir you up, I might consider.” Pilyo pa ring nakangiti si Satsuto habang patuloy na pinapanood ang mga nagiging reaksyon ni Condoriano.

It’s fun teasing him. I can see all of it on his tough-looking face. So easy to read when he’s cornered, huh?

“SAT-SU-TO!”

Biglang lumitaw si Gelo sa bukas na pintuan ng banyo habang may malawak na ngiti sa mukha.

“Nakita ko si Ma’am Tababad na papunta na rito at may nag-aaway ngayon sa classroom. Inaawat sila ni Mia pero ayaw nilang makinig,” kuwento nito.

“Ang galing talaga ng mga ‘yon kapag wala ako. Magbabanyo ka ba?” Nilampasan na ni Satsuto ang hindi pa rin makakilos na si Condoriano saka siya lumapit kay Gelo na hindi pa rin maalis ang malaking ngiti sa pagmumukha niya.

“Yup. Mauna ka na, susunod na agad ako.”

“Hindi ba nangangalay ‘yang mukha mo?” Hindi na niya napigilan magtanong dahil hindi siya sanay nakikitang ganoon ang mukha ng kaibigan niya.

“No,” tipid nitong sagot.

“Sige na magbanyo ka na, bilisan mo.” Muling sumilip si Satsuto sa loob ng banyo ng maalala niya ang iniwang si Condoriano. “Pati ikaw.”

Pagkakuwan ay mabilis siyang umakyat sa classroom nila dahil naririnig na niya sa kanyang puwesto ang away mula sa room nila.

***

KASABAY ng pag-alis ni Satsuto ay ang pag-alis ng malaking ngiti sa mukha ni Gelo. Kung kanina ay mukha siyang masiyahin, ngayon naman ay hindi mo na mabasa kung ano bang nasa isipan niya.

Nakatingin lang siya ngayon sa lalaking nasa loob ng banyo sa gilid ng lababo at nakatalikod sa kanya. Naglakad siya papalapit doon dahil tila walang balak itong gumalaw kahit na wala na ang lalaking dahilan kung bakit siya nasa ganoong kalagayan.

Mula sa likuran ni Condoriano, ipinulupot ni Gelo ang mga kamay niya sa bewang nito at doon ay natauhan siya ng maramdaman ang pamilyar na kamay at amoy nito. Mas matangkad si Gelo kay Condoriano kaya naman tapat na tapat sa ilong ni Gelo ang buhok nito. Sinasamyo niya ang buhok nito hanggang sa bumaba ang ilong niya sa may batok ni Condoriano at magmula roon ay pinunpon niya ng marahang halik ang balat ng binata hanggang sa makarating siya sa gilid ng leeg nito.

Tuluyan ng nanlambot ang mga tuhod ni Condoriano, sinalo naman siya ni Gelo gamit ang mga kamay na nasa bewang pa rin nito.

-

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status