Vera’s Point of View
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang napakaraming kasuotan na naka-arrange na talaga ayon sa kung saan sila karapat-dapat suotin.
"Ano bang style ang gusto mo?" tanong ko habang isa-isang sinisilip ang mga polo shirt niyang branded pa. Mapapa-sana all ka nalang talaga kapag harap-harapan mong nakita ang mga damit at gamit ni Ares.
"That polo shirt your holding, ayos na ba 'yan?" tanong niya sa isang polo shirt na nahawakan ko.
Kulay navy blue ito kaya kinuha ko ito at naglakad ako papalapit sa kanya sabay takip sa litaw na litaw niyang pang-itaas.
"Oo, suot mo na," saad ko at nakaramdam na naman ako ng pag-iinit ng pisngi nang bahagya siyang natawa.
Tini-trip niya ba ako?!
"Siguro naman may underwear ka na ano?" inis na saad ko sabay kuha ng isang khaki shorts na ipapasuot ko sa kanya.
Ayos na ang ganoong porma dito lang naman sila sa bahay ni Clara, hindi na niya kailangan magsuot pa ng magagarang damit.
"Oo naman, hindi naman kita tatawagin dito ng hubu't hubad ako," tugon niya kaya nakahinga ako nang maluwag.
Lumapit ako sa kanya at inabot ang khaki shorts na isusuot niya. Wala na siyang ginawang kumento at tinanggap iyon ng maluwag sa kalooban.
"Hintayin na lang kita sa labas," paalam ko at inangat niya ang tingin sa akin. Sandaling nagtama ang mga mata namin at saka pa lamang siya tumango nang matapos na mangyari iyon.
Mabuti naman at medyo umaayos na ang kalagayan sa pagitan namin. Mabuti at hindi na siya masungit sa akin hindi katulad noong unang araw ko rito sa pamamahay nila.
Nang makaapak ako sa sahig ng mismong kwarto niya ay isinara ko ang pinto ng walk in closet niya sabay hakbang patungo sa kanyang kama na medyo magulo. Hindi ko naman siya masisisi dahil hindi pa naman siya ganoon kagaling mula sa pagkakaaksidente.
Dahil mabait ako, inayos ko ang kama niya. Inayos ko na rin ang unan niya na wala sa pwesto.
Nang maiayos ko iyon ay saktong natapos siya mag-bihis. Suot niya ang kinuha ko para sa kanya. Naka-tsinelas lang siya sa pang-ibaba which is tama naman dahil pipilayin ko siya lalo kung babalakin niya pang magsapatos.
"Well... how do I look?" tanong niya sa isang curious na tono kaya napatango ako.
"You look fine," maikling saad ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.
Pinagulong niya ang wheel chair niya papalapit sa akin. Sinalubong ko naman siya para hindi na siya mahirapan pa. Nang saktong mahawakan ko ang handle ng wheel chair niya ay bumukas ang pinto ng kwarto niya at iniluwa nito si Olivia. Tumaas ang kilay niya bago siya tuluyang pumasok.
I can really feel that she doesn't like me. Well, I have no problem with that. Hindi ko naman kailangan na gustuhin niya ako dahil hindi ko naman siya makakasama habang buhay.
"Pinapunta ako rito ni 'Nay Mila para tawagin kayo dahil medyo nagtatagal kayo para sa agahan. And Ares, nandiyan na si Clara..." pagkawika niya ng bagay na iyon ay tila bulang naglaho siya sa paningin ko.
"She is?" paninigurado ni Ares habang nakakurba pa ang isang kilay.
"Oo bakit?"
"Why didn't you told me earlier? E 'di sana nagmadali ako!" Mukhang nagbabalik na siya sa pagiging masungit.
"Hindi mo naman tinanong duh. Malay ko ba kung gusto mong ma-spoil na narito na nga sila," pahayag ko at inikutan niya ako ng mata kaya nahulog ang panga ko.
Ang taray! Pinagulong niya pa ang wheel chair niya ng mag-isa at iniwan na ako. Aba tingnan mo 'to!
"Hoy, hintayin mo 'ko!" tawag ko at nilakihan ko ang mga hakbang ko para mas mapabilis ang pagsunod ko sa kanya.
Nang mahawakan ko ang handle ay nagparaya na siya at hinayaan na akong itulak ang wheel chair niya. Aba, itataas niya pa ang pride niya gayong lagi na lang ako ang hinahanap niya kapag may ipapatulong siya.
"Kilala rin ni Olivia si Clara?" tanong ko habang tinutulak ko ang wheel chair niya.
"Yeah, and she also knows about me and Clara," sagot niya gamit ang isang kaswal na tono kaya umarko ang kilay ko at dumiretso ang mga mata ko sa kanya.
"Bakit hindi niya sinabi sa parents niyo nang ipaalam nila sa inyo na balak tayong ipakasal?" tanong ko sa isang takang-taka na tono.
"As simple as she knows her limit well. Madaldal si Olivia pero alam niya kung papaano magtago ng sikreto na dapat ay walang makaaalam," wika niya sa isang kalmadong tono.
"You two must be really close," wika ko nang marinig ko ang sagot niya. Hindi na siya nag-respond pa at hinayaan na lamang akong dalhin siya sa dining room.
Pagdating namin sa dining room ay kinuha na siya sa akin ni Clara si Sandra naman ay sumunod lang sa kanyang ate.
Nagsimula ang pagkain na magkakatabi silang apat. Si Sandra, si Clara, si Ares at si Olivia.
Ako lang ang nasa kabilang side ng table at katapat ko pa ay si Sandra. Sa dating ng batang ito mukhang madaldal ito at malikot. Ang hirap sigurong alagaan nito.
Natapos ang agahan ng maayos at syempre si Ares at Clara ay nagkaroon na ng moment sa garden at sa tabi ng pool. Nakabantay lang ako sa hindi kalayuan. Nakaupo ako sa upuan na gawa sa bato at may table rin ako na gawa rin sa bato. Nakapatong sa table na iyon ang juice na iniinom ko kasama ang chips na kanina ko pa pinapapak pero hindi ko maubos-ubos.
Habang nakatulala ako sa pool at nag-iisip ng kung anu-ano ay narinig ko ang boses ni Ares, tinatawag niya ang pangalan ko. Labag man sa kalooban ko na itigil ang pagtulala na ginagawa ko ay itinigil ko pa rin para lapitan si Ares.
"Verania, pwede bang ikaw muna ang magbantay kay Sandra?" tanong ni Ares kaya namulagat ang mga mata ko sabay baling kay Sandra na takbo ng takbo sa ilalim ng mainit na sikat ng araw.
"Ares, I told you okay lang sa akin na ako ang magbantay sa kapatid ko—" pagkontra ni Clara pero pinatigil siya ni Ares sabay baling sa akin.
"Oo na, tuloy niyo lang loving loving niyo d'yan," labag sa kalooban na sagot ko pero hindi ko pinahalata.
"Ayos lang ba talaga sa 'yo Vera? Malikot ang kapatid ko. Tsaka baka may ginagawa ka," saad ni Clara kaya napatango ako habang may malaking pekeng ngiti pa sa labi.
"Walang ginagawa 'yan," pagsingit pa ni Ares kaya napairap ako sa kawalan nang tanggalin ni Clara ang titig niya sa akin. Binaling niya kasi kay Sandra kaya naging malaya sa pagtataray ang mga mata ko.
"Sandra, come here!" tawag ni Clara sa kapatid.
Nakailang tawag pa muna si Clara bago sumunod ang kapatid niya sa kanya. Kaya lalo akong napangiwi. Patay ka sa akin mamaya, Ares, sa lahat ng trabaho sa mga bata ako nahihirapan.
"Sandra, this is Ate Vera. Siya muna ang nagbabantay sa 'yo okay?" pagpapaalam ni Clara sa kapatid.
Tumango lamang ito sabay takbo na ulit. Nagtama ang mga mata namin ni Ares. Binigyan niya lang ako ng nakakaasar na tingin habang ako ay sinamaan ko siya ng titig.
Sumunod ako kay Sandra na dumiretso sa gilid ng pool.
"Uy, Sandra huwag ka diyan!" pagbabala ko pero nang humarap siya sa akin ay gumuhit ang malaking ngiti niya sa labi at itinulak ako sa pool.
"Ate Vera, let's swim hihihi!" paghagikgik niya nang tumalsik ng malakas ang tubig sa pagkahulog ko.
Napahilamos ako ng mukha nang umangat ang mukha ko at agad na binalingan ng masamang titig ang gulat na mukha ni Ares.
"Bwisit kang Montero ka, lagot ka talaga mamaya sa akin!" saad ko na sapat lang para sa aking pandinig at kasabay nito ang pagtalon din ni Sandra sa pool.
Ugh! Bwisit bakit ba ako pumayag na mag-alaga ng kapatid ng may kapatid? Kasalanan ito ni Ares eh!
--
snsp
Third Person's Point of View Dumating na nga ang panahon at ang oras ng pag-alis ni Ares. He was accompanied by his grandfather Thaddeus Montero. Gaya nga ng naisip ni Verania ng mga panahon na kumbinsihin niya siya Ares ay hindi siya sumama. Ares texted her that he'll wait at the airport for her before he finally leave pero, hindi na naisip ni Verania ang pumunta. She know that she'll ruin everything again, once she goes to him. Kaya naman sa halip na dumiretso nga sa airport, sa bar ni Olivia siya nagtungo, tanghaling tapat 'yon kaya naman walang mga tao sa loob, tanging si Verania lamang at syempre si Olivia na siyang taga-bigay ng inumin sa dalaga. "Hindi ko iniisip na mas pipiliin mong uminom kaysa ihatid si Kuya," pahayag ni Olivia kay Verania na nilalaro ang yelo sa kanyang inumin. She's drinking non-alcoholic drinks kaya naman malakas ang loob niyang dire-diretsuhin ang paglagok sa bawat baso. "Joke ba 'yan?" nakataas ang kilay ni Verania nang tanungin iyon. Napahalakh
Verania's Point of View Isang buwan na rin ang nakalipas mula noong mahuli ang may sala sa pagkakapahamak sa buhay nina Tito Stan at Ares. Hindi ko na rin gaanong napansin ang mabilis na pagtalon ng mga buwan. Maging ang feelings ko nga ay hindi ko rin namalayan ang pagbabago.
Third Person’s Point of View"Glad you asked me that, First Lieutenant," maligayang saad ni Sid sabay baling sa katabing si Gustavo."Pwede bang ako na ang babaril ng isa sa kanila?" paalam ni Sid na may malapad na ngiti, ngumiwi naman si Gustavo sa tanong ni Sid."Sino sa kanila? Si Ares ba?" tamad ang tono na tanong ng Congressman."Oo sana, kung pwede.""Go ahead, bago pa magbago ang isipan ko," tamad na responde ni Gustavo at binaba ang baril niya.Samantalang si Sid naman ay mahigpit na hinawakan ang baril saka kinasa iyon. Dahan-dahan niyang inangat ang braso at tinutok ang baril kay Ares na nagpagulantang kay Verania.
Third Person's Point of View"Napakarami niyo naman!" reklamo ni Gabriella dahil marami-rami na ang naigapos at napabagsak niyang kalaban nila."Miss Gab, hindi pa rin po namin makita si First Lieutenant, Sir Ares at ganoon na rin si Greg," pahayag ni Tristan nang malapitan niya si Gab na kasalukuyang nag-iinat."Hanapin niyong mabuti, alam kong malaki ang lugar na 'to at maraming pasikot-sikot pero mahahanap niyo rin sila, bilisan niyo lang, nakakapagod umiwas sa mga pananakit ng mga kalaban dito!" reklamo ng dalaga at mabilis na sumaludo si Tristan at sinunod na nga ang sinabi ni Gab, ipinamalita niya sa mga kasamahan niya ang utos ng dalaga nang mas mapabilis sila."Second Lieutenant," pagtawag ni Josefa, isa sa mga kagrupo nina Verania kay Gabriella na agad
Third Person's Point of View"Pinapakawalan ka," maikling tugon nito kaya sarkastikong napahalakhak naman si Verania sa kanya."Nagbibiro ka ba?" inis na tanong ni Verania na hindi pa rin nawawala ang pagiging sarkastiko."Nagbibiro ako kung sinabi kong pinapakawalan kita tapos hinih
Third Person's Point of View"Boss, may nakahanap sa atin!" malakas na sigaw ng isang lalaki kay Gustavo kaya biglang lumiwanag ang mukha ni Verania, dahil panigurado kung sino man ito, magagawa nitong mailigtas si Ares."At paano naman kaya nila tayo nahanap? Tayo lang naman na narito ang nakakaalam ng lugar na 'to!" nakahawak sa batok na wika ni Gustavo at muling binalingan ng mga mata ang lalaking nagsabi ng kalagayan sa labas."Make distraction, harangan niyo muna kung sino man sila!" sigaw pa ni Gustavo at mabilis na nawala sa paningin ang lalaking kanina lamang ay narito."Huwag na huwag niyong hahayaan na makapunta sila rito!" dagdag pa niya kaya ang ibang kanina lamang na nasa loob ay mabilis na nagsilabasan sa loob ng kwarto kung saan sila naroon, para