Elaidia
Napadilat ako nang biglang tumama sa mukha ko ang sikat ng araw. Pupungas-pungas akong bumangon. Pagtingin ko sa side table, napataas ako ng kilay nang makitang 9a.m na ng umaga. Seryoso? Gano'n ako katagal nakatulog? 'Di ko rin namalayan na nakatulog ako.
Tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang may message si Xaito. Agad-agad ko itong binasa.
From: Xaito
Goodmorning beautiful.Simpleng text pero nakakakilig. Isurprise ko kaya siya? Hehe. I'm sure tulog na naman 'yon.
PAGKABABA ko, nadatnan kong kumakain si mommy sa dining. Nilapitan ko ito at binati.
"Elaidia, upo ka," yaya nito. Umupo rin naman ako sa tabi niya. "Kumain ka. Kahapon 'di ka nag-dinner," dugtong niya.
"Sorry mom, 'di ko po namalayan na nakatulog ho ako. By the way, where's dad?"
"Nasa office na siya. Ang aga niya nga umalis e," sabi niya sabay inom ng kape. "Hindi ko makausap nang maayos ang dad mo. Napapansin ko rin ay 'di siya natutulog sa gabi. Nag-aalala ako baka mag-kasakit siya." Nakalaylay ang dalawang balikat ni mommy habang nakatingin kung saan.
Kasalanan ko ba talaga? Masyado na ba akong nagiging makasarili? Makasarili kasi ang gusto ko lang ay 'yung gusto ko. Ako pa may ganang magsabi kay dad ng selfish. Ako rin naman pala.
"Mom?" tawag ko sakaniya. Tumingin din naman siya sa akin at matipid na ngumiti. "I'm sorry kung ayaw ko sundin ang gusto niyo."
"Ano ka ba naman Elaidia, I respect your decision okay? If that's what you want, sino ba naman ako para pigilan ka?" Lumapit siya sa akin at hinagod ang nakalugay kong buhok. "I love you baby," bulong niya sa akin. Parang piniga ang puso ko nang sabihin niya 'yon.
"I love you, mom," sagot ko at niyakap siya.
Gusto ko sana umiyak kaso 'di ito oras ng drama. Ang sarap sa feeling na ramdam mo ang pag-mamahal ng isang ina. I swear to God, she's the best mom ever. Sa kalagitnaan ng kain at pag-uusap namin, nakarinig kami ng kalabog sa sala. Agad napatayo si mommy at nagmadaling lumakad. Sinundan ko naman siya.
"Chris! What happened!?" alalang tanong ni mom. Kitang-kita namin ang mga basag na vase sa sahig. "Chris!" tawag niya ulit kay dad. Hindi siya nito pinapansin at nakatuon lang ito sa sahig. "Chris, please tell me. What happened?" malumanay ulit na sabi ni mom.
"Wala nang pag-asa," malungkot na sabi ni dad. Kitang-kita ang pag-bagsak ng dalawang balikat niya. "Ang mga investors natin ay gusto bawiin ang pera nila. Ano naman ang ibibigay natin?" problemadong sabi pa ni dad. Umiiling-iling pa ito na tila'y nadidismaya.
Nakita ko namang niyakap siya ni mommy at inalo. Para akong estatwa sa pwesto ko. Kasi simula kanina ay di man lang ako gumalaw. Kitang-kita ko ang nakakunot na noo ni dad at ang kaniyang sama na tingin.
"Why are you still doing here?" takhang tanong nito sa akin.
"D-Dad?"
"Don't call me dad!" Napaigtad ako nang bigla siyang sumigaw.
"Chris, ano ba!!!" singit ni mommy.
"What is the meaning of this Edalyn? Hindi ba't sinabi ko sayong ayoko na makita pa 'tong batang 'to simula ngayon?" asik ni dad habang nakaduro sa akin.
"Chris, 'di ko siya pwedeng paalisin dito. Anak pa rin natin siya!"
"Wala akong pakialam! Hindi na sana lalala pa ang problema natin kung sumunod lang siya!"
"I-I'm sorry dad," sinsero kong sabi. Yumuko nalang ako para di ako makatingin sa mata niya. Para itong nag-aapoy at kahit ilang oras ay pwede ako sunugin.
"Sorry? 'Yan nalang ba ang masasabi mo Elaidia? Kung alam mo lang, wala kang natutulong sa pamilyang 'to! Dagdag ka lang sa problema!"
"Chris!!" pagmamakaawa ni mom. Kitang-kita ko na rin ang paghikbi niya at awang tingin sa akin. Gusto niya akong lapitan pero parang 'di niya magawa. "Tama na Chris, please? Tama na."
"Paalisin mo na lang 'yan Edalyn. Dahil baka kung ano pa ang magawa ko r'yan," galit na sabi ni daddy.
Nag-iinit ang mga mata ko at wala man lang masabi. Nakatingin sa akin si mommy habang umiiling.
"Bakit nandiyan ka pa!? Layas!" sigaw na naman ni dad.
Wala na akong nagawa, para akong mauubusan ng hangin kakahikbi at walang tigil ang luha ko sa pagtulo. Tiningnan ko lang si mom at tinalikuran na sila.
"Elaidia, no!!" rinig kong sigaw ni mommy. "Elaidia, anak ko! 'Wag kang umalis." Parang tinusok ang puso ko ng marinig ang pag-iyak ni mom.
Hindi ko na sila pinansin. Patuloy lang ako hanggang makalabas ng bahay. Sobrang lakas ng ulan. Pero 'di ako nagpatinag dito. Patuloy pa rin ako sa paglakad. Kasabay ng luha ko ang pagbuhos ng malakas na ulan. Basang-basa ang damit ko at nakakaramdam na rin ako ng lamig.
Halos isang oras ako naglakad bago makarating sa bahay ni Xaito. Nanginginig kong pinindot ang doorbell. Ilang beses ko pa itong inulit. Wala ba siya? O tulog lang? Umupo ako sa labas ng pintuan nila. Kahit papaano ay may silong. Pero basang-basa pa rin ako. Niyakap ko ang sarili ko at hinayaan ang sarili umiyak. Siguro kapag nakita akong ganito ni mom papagalitan ako no'n. Sinandal ko ang ulo ko sa pader at pumikit. Nakakaramdam din ako ng antok.
MAYA-MAYA lang ay may naramdaman akong haplos sa aking mukha. Dahan-dahan akong dumilat at direkta sa kulay puting kisame ang piningin ko.
"X-Xaito?" Nakita ko siyang nakaupos sa gilid ko. "Paano ako napunta rito? At b-bakit iba na ang suot ko?"
Bumuntong hininga muna siya at lumapit sa akin. Hinipo niya ang noo at leeg ko.
"Kumusta pakiramdam mo?" tanong niya. "Buti nalang tinawagan ako ni Manang. Sabi niya nasa labas ka natutulog at basang-basa."
Hindi naman ako nakapagsalita agad. Para akong napipi at naging estatwa. Tumitig ako sakaniya at lumunok.
"P-Pinalayas ako ni dad," nahihiya kong sabi at tumingin kung saan habang pinipigilan ang luha.
"Bakit? Ano nangyari?" nag-aalala niyang tanong.
"Mayroon lang kaming 'di pagkakaintindihan. Palagi naman kaming gano'n hindi ba? Grabe lang ngayon," pagsisinungaling ko.
Hindi ko alam kung naniwala siya o hindi. Matagal muna siyang tumitig sa akin bago tumango.
"Kumusta na nga pakiramdam mo? Sobrang init mo kanina. Binihisan ka nalang ni Manang, kasi nanginginig ka na sa lamig," pag-iiba niya ng usapan.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang sabihin niyang si Manang ang nagbihis sa akin.
"Why?" natatawa niyang tanong. "Akala mo ako nag-bihis sayo 'no? Pwede naman kung pipilitin mo ako. Aray!!"
Hinampas ko sa braso niya. "Kalokohan mo talaga." Natawa nalang din ako sakaniya. "Gusto ko ng sopas," nakanguso kong sabi sakaniya. Hinaplos naman niya ang pisngi ko at hinawakan ang baba. Napangiti naman ako nang bigla niyang halikan ang tungki ng ilong ko.
"Sure! Hintayin mo ako rito. Pahinga ka muna r'yan lulutuan kita."
Ang gwapo niya talaga, lalo na kapag ngumingiti. Nawawala kasi yung cute niyang mata. Tumayo na siya at lumabas ng kwarto. Pipikit na sana ako nang bumukas muli ito at tumakbo sa akin si Xaito. Mabilis niyang hinalikan ang labi ko.
"I love you!" sigaw niya at tumakbo na ulit palabas.
'Di ko napigilan mamula. Kahit kailan ka talaga. Sabay nakangiting pumikit.
ElaidiaPinulot ko ang mga saplot ko sa sahig. Tinignan ko si Vincent na mahimbing na natutulog. So ganito ang 'talk' na sinasabi niya?Humarap ako sakanya upang pagmasdan ang mukha niyang mahimbing na natutulog. Napangiti ako nang mapagtantong sobrang gwapo niya talaga lalo sa malapitan. Ang tangos ng ilong at pula ang mga labi. Pero sa likod ng ganda ng mukha niya ay triple ang kapangitan ng ugali. Mukhang inosente pero nuknukan ng kademonyohan.Nagbago na naman tuloy ang mood ko. Para akong nabwiset. Gusto ko siyang sampalin tapos magkunwaring nanaginip lang. Ganyan ka ba talaga? Pero bakit kahit sinasaktan mo ako, 'di ko magawang magtanim ng sama ng loob. Oo masakit para sa akin pero, nagugustuhan na ba kita? Anong dahilan ba para magkagusto ako sayo? Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Sinasaktan mo na ako pisikal, pati emosyon ko ay pinaglalaruan mo."Elaidia?" Humarap ako sakanya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Are you crying?""Huh? No.""O-Okay," ilang
ElaidiaNamilipit ako nang maramdaman kong humapdi ang pagkababae ko. Wala na si Vincent sa tabi ko. Talagang ginawa niya 'yon? Niyakap ko ang sarili ko at hinayaan ang sariling umiyak nang umiyak.'You're mine now Elaidia.'Ang baboy mo. Demonyo ka! Agad akong nagbihis at tumakbo papunta sa kwarto ko. Hinanap ko ang cellphone ko para matawagan si Tyche. Ngunit 'di ko ito makita."Nasaan na 'yon?" Panay ang halughog ko sa drawer. Kinalat ko na lahat ng laman nito pati sa bag ko ay wala.Nagmadali akong pumuntang sala at nadatnang nando'n ang mga maids."Manang? Nakita niyo po ba 'yung cellphone ko?" tanong ko. Gulat pa iting tumitig sa akin. Nakalimutan ko palang punasan ang mukha ko."Ma'am bilin po sa amin ni Sir na huwag kayo pagamitin ng kahit na anong devices daw po.""Ano!? Paano ko matatawagan sina Mom?""Ayon nga po Ma'am. Pagbabawalan na raw po niya kayong kausapin ang kahit na sino. Hindi na rin daw po tatanggap ng bisita rito. At bawal na rin daw po kayo lumabas," nakayuk
ElaidiaDay 2..."Elaidia pa-encode naman nito," utos ni Rain at inilapag ang napaka-kapal na papers sa table ko."Elaidia timpla mo ako kape.""Elaidia, pwede ikaw muna gumawa nito?"At marami pang utos. Ganito ba talaga kapag baguhan? Sayo lahat itatambak. Hays, for sure masakit na naman likod ko nito.Day 3...Pagkababa ko ng scooter ko ay masasamang tingin agad ang napansin ko sa mga kasamahan ko."Goodmorning!" bati ko pa rin kahit halos mamuti na ang mga mata nila kakairap.Saktong upo ko ay lumapit sa akin si Rain habang magkakrus ang mga kamay."You're 10 minutes late!""Sorry, tumirik kasi yung scooter ko kanina. Tsaka 10 minutes pa lang naman.""10 minutes is still important!" sigaw niya. "Dahil nagrereklamo ka, ito gawin mo 'to." Binagsakan niya na naman ako ng mga files. Makapal na naman. "Rush 'to. After that, file the TPS report in alphabetical order." Napatingin naman ako sa kaniya. "Why? May reklamo?""Wala po Ma'am."Day 4...While eating my lunch, my phone suddenly b
Elaidia"Serenity?" Napatingin din ito sa akin nang may pagtataka."Elaidia. What are you doing here?""D-Dito ako magtatrabaho.""Oh I see. Good for you. May tumanggap din sayo sa wakas," pang-iinsulto niya."Welcome Mrs. Lincoln!" biglang sabi nila at sabay-sabay yumuko. Lumapit sa kaniya ang supervisor na si Rain."My name is Rain Hamilton. The supervisor. Sir Vincent told us to take care of you while you're here."Matagal bago nakasagot si Serenity. "Oh? Is that so? How sweet he is," sabi niya at ngumiti. "Where is he?" "May business trip po sila sa Guam. 2 weeks po siya ro'n. 'Di niyo po ba alam?""2 weeks!?" bigla kong sigaw."Yes 2 weeks! Why do you care!?" sigaw din sa akin ni Rain. "You're a newbie. Tapos 'di ka man lang nagbigay respect sa asawa ni Sir?""Don't mind her Rain. I know her," pigil sakaniya ni Serenity."Talaga po Ma'am? Friends po kayo?""Friends?" bigla itong tumawa. "Ofcourse not. Actually malaki utang ng pamilya niya sa amin. Paano ba naman kasi 'yung tatay
Vincent's POV"Sir, these are the CV of some applicants," sabi ni Sarah at nilapag ang mga ito sa table ko. She's my secretary. Soon to be 'former' secretary. She already gave her resignation form and I already signed it.That's why I need new secretary. Habang tinitingnan ko isa-isa ay sumasakit lamang ang ulo ko. Lahat naman ng nasa paper mukhang mga tanga."Vincent!"Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin. Serenity."What are you doing here?" She sat on my table and crossed her legs. She expose her flawless skin infront of me."I can be your secretary," she said and slowly touch my necktie. She never change. Still a flirt."No thanks, I already have my secretary.""Who? Is she pretty like me? Sexy?" "Yes!" I don't hesitate to answer. "Who is she?" galit itong tumayo."Why do you care?""I need to know who's that flirt, Vincent.""You are the one who flirt here.""W-what?" she shocked. She looks funny. "I'm your girlfriend!""Before!" I exclaimed. "You cheated on me remember? N
WARNING: VIOLENCEElaidiaAgad kong ni-lock ang pinto. Humarap ako sa salamin at pilit pinipigilan ang mata kong lumuha. Ano bang nangyayari sa akin? Apektado ba ako? 'Di ko maintindihan.Napatingin ako sa cellphone ko. Isa lang ang pumasok sa isip ko. Si Xaito. 'Di na niya talaga ako kinausap. Mukhang bi-nlock na rin niya ako sa lahat ng social media niya. Mas lalo tuloy akong nalungkot.Maya-maya lang ay nakarinig ako ng katok."Elaidia," boses ni Vincent. Hindi ako umalis sa pwesto ko. Nakatingin lang ako sa pintuan.Lalo pang lumakas ang kalabog nito."Elaidia!" sigaw na niya. Lumapit ako sa pinto at dahan-dahan itong binuksan."V-Vincent--" Nagulantang ako nang bigla niya akong tulakin papasok at mabilis niyang nilock ang pinto.Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko."V-Vincent, na-nasasaktan ako," daing ko at nagpupumiglas. Ngunit mas lalo niya lang itong hinigpitan."What the hell are you doing!?" nanggagalaiti niyang sabi."A-anong ginawa ko?" "I introduce you as my maid! Wh