Se connecterKINABUKASAN...Maliwanag ang araw. Puno ng kulay at tawanan ang malawak na bakuran ng Paaralan. Mga mag-anak ang magkakahawak-kamay, nagpipicture, at naghahanda para sa iba’t ibang palaro.Nakatayo si Krystal sa gilid, suot ang puting t-shirt na may logo ng paaralan, habang inaayos ang kwintas ni Thalia. Si Thunder naman ay abala sa paglalaro ng bola kasama ang ibang mga bata.Masaya sila. Nakangiti sila. Pero alam ni Krystal na sa likod ng mga ngiting iyon, may pagkukulang. Ramdam niya iyon sa tuwing sumusulyap si Thunder sa mga batang may kasamang tatay na binubuhat sila o tinutulak sa swing.“Okay lang ba tayo?” bulong ni Krystal sa sarili, pilit na pinatibay ang loob.Nagsimula na ang mga palaro. Una na rito ang “Tatay-Anak Relay”.Nagsigawan ang mga bata habang tumatakbo ang mga ama kasama ang kanilang mga supling. Masaya ang paligid, pero para kay Krystal, bawat sigaw ng “DADDY!!” ay parang kutsilyong tumatarak sa kanyang puso.Hanggang sa...“Next! Next group!” sigaw ng guro. “
Nakatitig lang si Krystal sa puting kahon na nakapatong sa kanyang mesa. Ilang minuto na siyang walang kibo, parang natansan ang lahat ng lakas niya dahil sa maikling sulat na galing kay Rafael.“bakit kaya ganyan sya?" tanong ni Krystal sa kanyang sarili .Narinig naman iyon ni Arian at lumapit sya sa kanyang kaibigan .Naging assistant na sya ni Krystal at iyong ang kanyang pinagpapasalamat dahil lagi silang magkasama ." hanggang ngayon ba hindi mo pa sya mapapatawad?" agad na tanong nito pagkalapit kay Krystal .Napatingin ulit si Krystal sa kahon na pinadala ni Rafael sa kanya ." alagaan mo ang sarili mo Krystal dahil kailangan ka ng mga anak natin " parang gusto niyang sumigaw dahil parang nanadya lang si Rafael .Bawat salita ay parang tinik na tumutusok sa kanyang konsensya. Gusto niyang itapon ang kahon. Gusto niyang sunugin ang papel. Ito si Rafael—magaling maglaro ng damdamin, magaling magpaamo. Dapat sanay na siya. Dapat matigas na ang puso niya pagdating sa lalaking iyon."
: ✦ ALEJANDRO COMPANY At sa ilalim ng pangalan ng kumpanya, nakasaad ang pangalan ng taong naging sentro ng kanyang impyerno at paraiso. Rafael ALEJANDRO – Chief Executive Officer “Ang pamilyang Alejandro ang makikipagsanib sa atin,” paliwanag sa kanya ng vice chairman na walang kaalam-alam sa nakaraan nila. “At dahil ikaw ang pinakamahusay sa disenyo at pagpaplano, ikaw ang magiging Head ng Proyekto. Ibig sabihin... ikaw ang direktang makikipag-ugnayan kay Mr.Alejandro.” Nanlamig ang buong katawan ni Krystal. Ang hawak na folder ay halos madurog na sa lakas ng kanyang pagkakuyom. Bakit? tanong niya sa sarili. Bakit kailangang siya pa? Bakit sa libo-libong tao sa mundo, kami pa rin ang pinagtatagpo ng tadhana? “Sir... baka may ibang pwedeng pumalit?” garalgal na tanong niya. “Mayroon pa namang ibang kwalipikado—” Umiling agad ang chairman “Hindi pwede, Krystal. Ikaw ang napili. At gusto rin ni Mr.Alejandro na ikaw ang makakatrabaho. Espesyal ang hiling niya.” Espesyal. Ang
Pagkalabas nila sa ballroom, humingang malalim si Krystal. Tila guminhawa ang pakiramdam niya dahil wala na ang mabigat na enerhiya na bumabalot kanina sa loob ng ballroom. “Tara, magpahinga muna tayo,” alok ni Lucas. Inabot niya wine glass kay Krystal. “Tabing dagat. Mas presko dun.”malapit lang sa venue ang tabing dagat at nakita niyang maayos nga kung doon sila magpahinga muna para ma relax Tumango si Krystal. Hindi siya tumingin kay Rafael na nasa gilid, hawak ang baso pero hindi iniinom. Mukhang kanina pa ito nakatitig sa kanya . Pag-upo nila sa buhangin, tahimik lang muna. Alon lang ang maririnig. At hangin. At malayong musika mula sa loob. Ininom ni ang Krystal wine. Isa. Dalawa. Tatlo. Mabilis. Parang namanhid sya dahil sa tama ng wine . “Ang bigat sa dibdib, Lucas,” bulong niya. Hindi siya lumingon. Nakatingin siya sa dagat. Madilim. Walang buwan ngayong gabi. “Ang bigat maging ako.”ito na siguro ang pagkakataon para sabihin niya ang lahat kay Lucas ..ang nakaraan nila
Pagkasara ng pinto ng CR, doon lang bumagsak ang maskara ni Krystal,maskara na akala mo ang tapang niya . Tumakbo siya papunta sa pinakadulong cubicle. Lock. Upo. Yakap ang sarili habang umiiyak .Wala siyang pakialam sa mukha niya sinadya niya talagang hindi gumamit ng make up dahil minsan natulo bigla ang mga luha niya at ngayon hindi lang tulo kundi buhos na .na para bang walang katapusan . Tahimik lang sa labas. Tunog lang ng tumutulong gripo at ng hangin ng aircon ang naririnig sa loob ng banyo .Biglang sumabog ang kinikimkim niyang galit at inis .Hindi niya alam kung saan ba ito galing .Nakita niya lang naman si Rafael kanina ,naging matapang sya habang kausap nito kanina na animo lagi silang nag uusap . Hindi siya umiyak nang malakas. Hindi siya sumigaw. Puro hikbi lang. Pigil. Para walang makarinig. Para walang makakita na wasak siya.Kagat labi lang sya habang pigil ang kanyang iyak . Pinunasan niya ang kanyang mukha . . Sayang ang ngiti na pinilit niya kanina sa harap n
Rafael's POV Hindi ako mahilig sa event. Lalo na charity gala. Plastik lahat. Ngiti. Camera. Champagne. Kung hindi lang para sa mga bata ang gala na ito hindi sya aattend . Pero nandito ako. Kasi sabi ni Marco: “Boss, pupunta si Krystal. May invitation siya bilang representative ng company.”lingid sa kanilang kaalaman si Lucas ang nabigyan bilang representative ng kompanya. Kaya nandito ako. Naka-tuxedo. Nakangiti sa camera. Pero ang mata ko naghahanap sa isang pigura na pinakasasabikan niyang makita . Tapos nakita ko siya. Krystal. Naka-black gown. Simpleng design. Pero bagsak na bagsak sa kanya. Buhok naka-low bun. May isang hibla na nalaglag sa pisngi niya .Mas gumanda ang babaeng sobra kong mahal .Pero pumayat na para bang wala parin kinang sa mga mata nito .Nakangiti ngunit hindi ang mga mata . 7 years ago, naka-uniform lang siya sa bar. Basang-basa ng pawis at luha dahil sa ginawa ko noon sa kanya m Ngayon elegant siya. Malakas. Pero pag dumaan siya sakin... amoy baby po
Pagkapasok pang ni Mela sa kanilang kwarto nadatnan na niya si Richard na may hawak na baso na may lamang alak .Napailing nalang siya habang papunta sana sa banyo ngunit agad siyang pinigilan ni Richard.Nanatiling nakatingin ang mga mata niya sa kamay ni Richard na nakahawak sa kanyang kamay . '
''sama ka sa akin '' walang araw na hindi sila magkasama .Tuwing galing sa site o kompanya si Rafael dumeretso ito sa kanila para dalawin siya at ganun din ang makipaglaro sa mga anak niya . May trabaho na din si Arian at bigay ni Rafael ang trabaho na iyon kaya masaya siya dahil hindi na ito nabab
Isa siya sa mga tangang babae na nangangarap at nagbabakasalikng mamahalin din siya ng lalaking minamahal niya . Kahit sino naman sigurong nagmamahal ay aasa na balang araw ay mamahil din siya ng taong mahal nila . Pero kasamaang palad hindi iyon mangyayari dahil nararamdaman niya walang pag
Habang papunta sa altar si Mela nilibot niya ang kanyang tingin kung naroon ba sina Arian at Krystal ngunit wala ang mga ito na para bang iniiwasan nga siya . Sa kanyang isip baka natakot lang silang magpakita sa mismo niyang kasal kasi naroon ang kanyang lola . Nakaramdam siya ng lungkot dahil







