Se connecterSebastian Zamora is a ruthless, cold-hearted CEO. Feared by his employees and respected by his competitors, he has always believed that emotions are nothing but a weakness. Until Madhel Madrigal becomes his secretary. She was only supposed to work for him, follow his orders, and stay out of his way. Pero mula sa unang araw pa lang, alam na ni Sebastian na magiging problema ang bagong sekretarya. Madhel is stubborn, outspoken, and completely unafraid to challenge him. Ibang iba si Madhel sa mga nauna niyang sekretarya. Sa halip na matakot sa malamig niyang ugali at matalim na pananalita, palagi nitong nasusubok ang pasensya niya sa paraang walang ibang taong nagawa. What started as constant arguments slowly turns into something neither of them expected. Hanggang sa isang gabi, sa gitna ng kanilang galit, nangyari ang isang bagay na pareho nilang pinagsisihan kinabukasan. Pero ilang linggo matapos malaman ni Madhel na buntis siya, nagdesisyon siya na umalis sa mundo ni Sebastian bago pa nito malaman ang katotohanan. Limang taon ang lumipas, muling nagbalik si Madhel. Pero hindi na siya nag-iisa. Kasama niya ang isang batang lalaki na may mga matang pamilyar kay Sebastian. A child he never knew existed. At nang makita ni Sebastian ang bata sa unang pagkakataon, isang bagay ang agad niyang napansin...pareho sila ng mga mata. Five years ago, Madhel walked away from Sebastian without telling him the truth. Now, she has returned with that one SECRET that could change everything for the COLD-HEARTED CEO.
Voir plusMHADEL POV:
“Six billion pesos?! How the hell did you manage to screw up a financial report with a ₱6 billion discrepancy?!" Muntik ko nang matapon sa dibdib ko ang hawak kong black coffee nang biglang umalingawngaw ang boses ng CEO mula sa loob ng kanyang opisina. I adjusted my grip on the coffee cup and took a small step back. Para sana sa kanya ang kape na dala ko. Pero sa narinig kong sigaw niya, parang napako ang mga paa ko sa sahig. Nagdadalawang-isip na tuloy ako kung papasok pa ba ako o hindi na. But judging from the tone of his voice, mukhang hindi magandang timing kung papasok ako. Napatingin ako sa hawak kong kape bago muling bumaling sa bahagyang nakaawang na p***o. Nakita ko ang dalawang taong nakatayo sa loob ng opisina. Si Mr. Reyes, ang head ng Finance Department, kasama ang accounting head na si Ms. Villanueva. May meeting ata sila tungkol sa quarterly financial report, pero sa lakas ng boses niya, parang hindi na 'yon meeting. It sounded more like a public execution. "Six damn billion pesos! Do you even realize how serious this discrepancy is? Pinapasahod ko kayo para gawin nang maayos ang trabaho niyo!" Parehong nakayuko ang financial head at accounting head. Their shoulders were tense and neither of them dared to speak. And honestly, I couldn't blame them. Kahit ako, na nasa labas lang ng opisina, parang gusto ko na lang magtago sa ilalim ng mesa. "Mr. Reyes and Ms. Villanueva, I am giving you one chance to explain this nonsense!" Agad na nag-angat ng tingin si Mr. Reyes, halatang nanginginig ang mga kamay niya habang itinuturo ang hawak nitong folder. "S-Sir Sebastian, standard procedure naman po ang ginawa namin. Kasi base sa submission ng Procurement Department last week, may mga pending invoices pa na hindi naipapasok sa system kasi nagkaroon ng system migration issue. Inakala po namin na—” “Inakala?!” Putol ni Sir Sebastian sa kanya sabay hampas ng malakas sa mesa. Napapitlag ako sa gulat at mabilis na inayos ang pagkakahawak ko sa tasa. Ramdam ko ang init ng kape sa palad ko, pero sa tingin ko mas mainit ngayon ang ulo ng boss kong pinaglihi sa dinosaur. “You made an assumption involving six billion pesos?! Is that how you run your department now, Mr. Reyes? By guessing?” Hindi nakasagot si Mr. Reyes, napalunok na lamang ito at muling yumuko. Habang si Ms. Villanueva naman ay tila nag-ipon ng lakas ng loob bago nagsalita. “Sir Sebastian, the discrepancy wasn’t caused by Finance or Accounting alone. We were relying on the figures submitted by—" "I don’t want to hear any more of your pathetic excuses. I am giving both of you until five o'clock this afternoon to fix this report and locate every single centavo of that six billion pesos. Ayusin niyo 'yan nang malinis, kumpleto, at walang kulang. Dahil kung alas-singko na at hindi pa rin maayos ang report na iyan, consider your resignations effective immediately. Now, get out of my office before I lose my patience completely.” Mabilis pa sa alas-kwatro na naglakad palabas ng opisina sina Mr. Reyes at Ms. Villanueva. Halos mapatid pa ang accounting head sa bilis ng hakbang nito habang hawak ang mga papeles. Si Mr. Reyes naman ay nagpupunas ng pawis sa noo gamit ang kanyang panyo. Ni hindi man lang sila nag-abalang tingnan ako dahil nagmamadali silang naglakad patungo sa direksyon ng elevator. Napalunok ako. Hindi ko alam kung papasok pa ba ako sa lungga ng dinosaur para ihatid ang kape, o maghihintay na lang ng magkaroon ng isang himala. Pero bago pa man ako makapagdesisyon, biglang bumukas nang todo ang p***o ng opisina. Napaatras ako nang isang hakbang . “Why are you standing there?” Salubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin na parang ako naman ang susunod niyang sisigawan. “Ah—” Mabilis kong itinaas ang hawak kong tasa. “Your coffee, sir.” His eyes narrowed and stared at me for a few seconds. “And who the hell are you?" "Ako po si Madhel Madrigal. Your new secretary.” Saglit siyang natigilan. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang may mali sa sagot ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong ngumiti, yumuko, o tumakbo papunta sa elevator at magpanggap na hindi ako ang bagong secretary niya. “You're my new secretary?” ulit niya na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Tumango ako nang marahan. “Yes, sir.” “Since when?” “Today po.” “Today?” Umangat ang isang kilay niya. “Yes, sir, today po, as in ngayon, right now, at this very moment." Bahagya siyang napailing habang nakatitig sa akin. Para bang hindi niya matanggap na may bagong secretary siya at mas lalong hindi niya matanggap na ako iyon. “Who hired you?” “HR po." “I know that.” Umiling siya, halatang nauubusan na naman ng pasensya. “I’m asking who approved your assignment to my office?" “Ah…” Napakamot ako sa gilid ng ulo. “I believe it was Ms. Santos from HR, sir.” “And what exactly did Ms. Santos tell you?” “That I’ll be working directly under you, sir.” He went quiet. Muli niya akong pinagmasdan mula ulo hanggang paa. This time, mas mabagal ang tingin niya, as if he was trying to figure out why the hell HR had decided to put me in his office. “You don't look like a secretary.” Napakurap ako. Anong ibig niyang sabihin na hindi ako mukhang secretary? I instinctively looked down at myself. Maayos naman ang suot ko. White blouse, black slacks, at flats. Simple lang, pero professional naman para sa first day ko. Saka ko naalala na madalas pala ako makatanggap ng compliment sa dati kong trabaho na masyado raw akong cute para maging office girl. I find it funny whenever people say that. Not because I think I’m exceptionally cute or anything. I just never understood why being cute had anything to do with doing my job properly. “Ah, opo, sir. Sa dati kong trabaho, ganun din po sinasabi nila sa’kin. Masyado raw akong cute for a corporate office. Pero sa tingin ko, kung cute man ako sa paningin nila, wala naman 'yong kinalaman sa trabaho ko. Being cute doesn't mean you can't work efficiently. In fact, standard corporate rule din naman po 'yon di ba? Do not judge a book by its cover. O kaya, do not judge a cute girl by her face.” “Excuse me? I wasn’t complimenting you when I said you don’t look like a secretary. As you know, hindi na pagbubuhat ng sariling bangko yan, sala set na ang binubuhat mo. And you don’t look cute either." "Po?" Napakurap ako nang ilang beses. “I was simply saying that you don't look like someone who can handle this job. Being my secretary means you need to be competent, efficient, and mentally stable enough to survive working in this room. And frankly, with that mouth of yours, I doubt you’ll last until tomorrow.” Aba. Wala pang limang minuto mula nang ipakilala ko ang sarili ko, hinusgahan na agad ang qualifications ko. Mabilis kong inayos ang posture ko, itinaas nang kaunti ang baba, at ibinigay sa kanya ang pinakapropesyonal kong ngiti, kahit na sa loob-loob ko ay gusto ko na siyang buhusan ng mainit na kape sa mukha. “Ah, ganoon po ba, sir?” malumanay kong sagot kahit na gusto ko ng magmura. “Pwes, wag niyo po akong husgahan agad, sir. I'm more resilient than I look. Kahit pa pinaglihi kayo sa dinosaur, makikita niyo po, tatagal ako rito sa—" "Wait, wait... what did you just call me?" Napatahimik ako nang marealize ko ang lumabas sa bibig ko. Shît! Did I just say that out loud? Gusto kong lamunin na lang ako ng sahig nang biglang lumaki ang mga mata ni Sir Sebastian. Ang bahagyang salubong niyang kilay kanina ay lalo pang nagsalubong na halos magkadikit na. “Did I hear you correctly? You just called me a dinosaur?”MADHEL,Habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Sir Sebastian, paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang mga sinabi ni Luna kanina sa cafeteria.Huwag magpa-cute. Huwag siyang hahawakan. Kapag sinabi niyang no, it means no. Kapag sinabi niyang leave, leave. At bawal sumagot nang pabalang.Napahinto ako sa tapat ng elevator at napabuntong-hininga.“Okay, Madhel. Kaya mo 'to.” Huminga ako nang malalim at inayos ang blouse ko.Pagdating ko sa executive floor, mabilis akong naglakad papunta sa opisina niya.Hindi muna ako kumatok sa pinto. Nanatili muna ako sa labas.At dahil ayaw kong magkaroon ng panibagong dahilan para tanggalin niya ako, gumawa ako ng mental checklist sa utak ko.One, don't call him dinosaur.Two, don't touch him.Three, don't say anything stupid.Four, don't make unnecessary jokes.Five, keep my mouth shut.Pero mukhang mahihirapan yata ako sa number five. Minsan kasi bida-bida ang bibig ko at may sarili itong desisyon.Napabuntong-hininga ako habang nasa tapat ng ma
MADHEL,Lunch break na, pero imbes na makaramdam ako ng ginhawa dahil nakaligtas ako sa unang kalahati ng araw ko bilang secretary, mas lalo lang akong nainis habang nakaupo sa cafeteria kasama ang kaibigan kong si Luna.Si Luna ang nag-recruit sa akin para mag-apply dito sa kompanya. HR siya rito, kaya nang sabihin niyang may hiring ng secretary at malaki ang sahod, hindi na ako nagdalawang-isip na magpasa ng application at resume.Binigyan niya pa ako ng tips kung paano ko raw makukuha ang trabaho.At dahil desperado talaga akong magkaroon ng bagong trabaho, sineryoso ko ang lahat ng sinabi niya.Pinag-aralan ko ang background ng kompanya. Minemorize ko ang mission at vision. Binasa ko ang mga core values.Pinag-aralan ko rin ang organizational structure ng kumpanya para alam ko kung sino ang mga taong kailangan kong kausapin at kung kanino ako dapat maging professional.At dahil sinabi ni Luna na malaking advantage kung alam ko kung sino ang mga department head, minemorize ko rin a
MADHEL,Dahil hindi ko na talaga kayang magpigil kaya halos isuksok ko na sa dibdib niya ang tasa ng kape.“Here, sir. 'Yong kape niyo po."He instinctively took the cup from my hand. Maging siya parang nagpa-panic na rin.Kahit na natatae na ako, parang gusto kong matawa sa reaksyon ng mukha niya. Halatang tuliro siya at hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng pagbabago ng sitwasyon. Kanina, iniisip niyang àssâssin ako. Ngayon, mukhang mas iniisip niya ang desperasyon kong makapunta sa CR.“Sir, saan po ang CR?”Bahagyang kumunot ang noo niya. “Restroom?”“Yes, sir. The restroom. CR. Toilet. Banyo. Whatever you want to call it. Saan po?”Parang ilang segundo pa niyang kailangang iproseso ang tanong ko bago siya tuluyang nakasagot. “At the end of the hallway. Second door on the left.”Napatingin ako sa direksyong itinuro niya. End of the hallway!? Sa estado ng tiyan ko, mukhang hindi na ako aabot doon.Napatingin ako sa loob ng opisina niya, at saka ko napansin ang isang pinto sa gil
MADHEL POV:Gusto kong ipanalangin na sana biglang magkaroon ng earthquake drill para naman makatakbo agad ako palabas ng building. Bakit naman kasi lahat ng pwedeng lumabas sa bibig ko, bakit 'yun pa?!"You’re the first secretary who’s ever had the audacity to insult me directly.”"Wala naman po akong sinabi na pang-iinsulto sa'yo sir. Baka mali lang po kayo ng rinig.” Kung may best actress lang ang maang-maangan, malamang ako na yon."Don't play dumb with me, Miss. I clearly heard you just called me a dinosaur.” Humakbang siya palapit. Dahil nasa 6'3 ft ata ang tangkad niya, parang biglang nagdilim ang paligid ko nang tumapat siya sa harap ko. Halos tumabon sa akin ang anino niya, kaya napilitan akong bahagyang iangat ang mukha ko para lang makita ang expression niya.At base sa itsura niya, mukhang wala siyang balak maniwala sa kahit anong sasabihin ko.Napakagat ako sa ibabang labi habang pilit na naghahanap ng matinong sagot. "Sir, I think you misunderstood me. Ang ibig ko lang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.