ASAWA KO ANG LIHIM NA BILYONARYO

ASAWA KO ANG LIHIM NA BILYONARYO

last updateLast Updated : 2026-08-21
By:  Helaena StarkOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
230views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Pumalit si Sophie sa kanyang kapatid upang magpakasal sa isang lalaking kilala lamang bilang tambay at barumbado. Namumuhay sila sa matinding kahirapan. Ngunit hindi niya inaasahan na ang kanyang asawa ay isa pa lang misteryosong bilyonaryo na may hawak ng napakalaking kapangyarihan at impluwensya. Hindi makapaniwala si Sophie sa kanyang natuklasan; nagmadali siyang bumalik sa kanilang maliit na inuupahang bahay at sumugod para yakapin ng kanyang asawa. “Sinasabi ng lahat na ikaw daw si Young Master Creighton… totoo ba ‘yon?” Hinaplos ng lalaki ang kanyang buhok. “Magkamukha lang kami.” Sumimangot si Sophie. “Napakasama ng ugali ng lalaking iyon! Pinipilit niyang ako daw ang asawa niya. Mahal, parusahan mo siya para sa akin!” Kinabukasan, lumitaw si Creighton sa harap ng lahat pagkatapos mabugbog at may pasa ang buong mukha, ngunit nakangiti pa rin ito. “Sir, ano po ang nangyari?” Bahagyang itinaas ni Young Master Creighton ang kanyang mga labi at sumagot nang walang pag-aalinlangan. “Inutusan ako ng asawa ko na bugbugin ko ang sarili ko, kaya sinigurado kong ginawa ko tulad ng gusto niya.”

View More

Chapter 1

Chapter 1

“Gabi na. Halika na, matulog na tayo.”

Ang malalim at nakakaakit na tinig ng lalaki ang biglang nagpabalik ay Sophie Catañeda sa katinuan. Nang magtaas siya ng tingin, tumama agad ito sa mga mata ng lalaki, malalim at maitim ang mga mata nito, na tila may mga emosyong hindi niya matukoy o mabasa.

Napahawak nang mahigpit si Sophie sa laylayan ng kanyang gown at hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib. Mula nang pumasok siya sa silid na ito, nakaupo lamang siya sa gilid ng kama, nanatiling tuwid hanggang sa manigas at mangalay ang kanyang likod, suot pa rin ang kanyang wedding gown. Nagising lamang siya sa katotohanan nang lumabas na ang lalaki mula sa banyo. Ngayong gabi, kailangan niyang matulog kasama ang lalaking ito sa unang gabi nila bilang mag-asawa.

Ngunit ang totoo, hindi niya alam kung paano niya ito pakikisamahan, lalo pa’t pinalitan lamang niya ang kanyang kapatid na siyang dapat mapangasawa nito.

Bilang anak sa labas, nagpakasal siya sa lalaking walang-wala sa buhay upang tuparin ang kasunduang itinakda ng kanilang mga magulang at upang matanggap ang malaking halagang dowry. Ang pera ay magagamit niya para mapagamot ang sakit ng kanyang ina, sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid, at magkaroon ng maayos na buhay ang kanyang pamilya.

Huminga nang malalim si Sophie at parang kunehong takot na takot ay dahan-dahang naglakad patungo sa banyo. “M-Maliligo rin ako…”

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ng lalaki. Mabilis na pumasok si Sophie sa loob ng banyo, ngunit nang isasara na sana niya ang luma at sirang p***o, napagtanto niyang kahit isang kandado ay wala ito. Natigilan siya. Kahit noong mga panahong mahirap ang kanilang buhay, hindi naman sila umabot sa ganitong antas ng kahirapan.

Bahagyang namula ang kanyang mga mata, at nanatili siyang nakatayo sa loob ng banyo, hindi makapagdesisyon kung huhubarin ang kanyang wedding gown

Mula sa labas, tila naramdaman ng lalaki ang kanyang alalahanin, at dahan-dahang nagsalita sa mababang tinig, “Lalabas muna ako para manigarilyo. Take your time.”

Nabawasan ang kaba ni Sophie. Inilapit niya ang kanyang tainga sa pintuan upang makinig, hanggang sa tuluyan nang lumayo ang mga yabag nito, at sa huli ay wala na siyang marinig pa.

Ang pulang wedding decoration sa lumang pader ay tila kupas na. Isang malakas na bagyo ang humagupit sa syudad noong nakaraang araw, kung saan makikita sa mga kalsada ang mga nasirang tarpaulin at mga punong nabali at bumagsak. Sa gitna ng ganitong kaguluhan at kalamidad, itinuloy pa rin ni Sophie ang pagpapakasal.

Walang magandang sasakyang sumundo sa kanya. Naglakad siya nang malayo hanggang sa makasakay sa isang luma at walang kulay na van, at matapos ang mahabang biyahe ay nakarating din sa baryo, ngunit ang maputik na daan ay nagdulot ng dumi sa kanyang sapatos at maging sa kanyang wedding gown.

Sinasabi ng mga matatanda na ang pagpapakasal sa ganitong panahon ng bagyo ay hindi kailanman magdadala ng kaligayahan. Ngunit matagal nang hindi inaalala ni Sophie ang sarili niyang kaligayahan.

Lumabas siya habang pinatutuyo ang kanyang buhok. Ngunit hindi pa rin bumalik ang kanyang asawa. Tila napakatagal ito sa paninigarilyo

Tiningnan niya ang dalawang kwarto na gawa sa luma at marupok na kahoy, may mga bahagi pa ng kisame na tumutulo kapag umuulan, at marami ring palatandaan ng pagkasira. Ngunit kung lilinisin at aayusin, siguradong magiging maayos din itong bahay. Napangiti si Sophie sa kanyang naisip, at habang wala pa rin ang kanyang asawa, sinamantala niya ang pagkakataong iyon upang linisin at ayusin ang buong kwarto mula sa loob hanggang sa labas.

Ngunit noong siya ay nakaluhod at inaayos na ang kumot, biglang bumukas ang p***o at pumasok ang lalaki. Mabilis na lumingon si Sophie at dahil sa biglaang pagkagulat, ang tanging tuwalya na nakabalot sa kanyang katawan ay biglang dumulas at nahulog. Napasinghap siya sa takot at agad na niyakap ang kanyang sarili gamit ang kanyang mga kamay, ngunit huli na. Nakita na ng lalaki ang kanyang buong katawan.

Nataranta at mabilis na kinuha ni Sophie ang kumot upang takpan ang sarili, habang namumula ang kanyang mukha. Mapapansin ang paggalaw ng Adam’s apple niya at lalong lumalim ang mga tingin niya na mahirap basahin. Dahan-dahan siyang lumapit, at sa kanyang mababa at malamig na tinig ay may halong malambing na pabulong: “Gabi na. Matulog na tayo.”

Binigyang-diin niya ang salitang tayo.

Hindi maipaliwanag ni Sophie ang kabang naramdaman. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata nang biglang maramdaman ang isang bisig na yumakap sa kanyang baywang. Isinandal niya ang sarili sa bisig ng lalaki, at dahan-dahan siyang inihiga nito sa kama.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status