Chapter 10
Dahan-dahan kong inikot ang door knob, sobrang kinakabahan talaga ako. Binuksan ko na ng tuluyan ang pintuan, si Charlene pala. May dala siyang mga damit at binigay ito sa akin.
"Naglinis kasi ako, sa tingin ko naman ay magagamit mo ang mga 'yan." sabi nito.
"S-Salamat." nginitian ko siya.
Hindi naman siya nagtagal at umalis din. Muli kong ni-lock ang pintuan. Akala ko may nakahuli na sa akin, buti na lang hindi si Caden yung kumatok.
Itinuloy ko ang pagtingin sa mga dokumento na nakuha ko. Bukod sa passbook ni Leo at sobre, mayroon ding maliit na notebook. Una kong binuksan ang selyadong sobre na nakalakip sa mga dokumento ni Julieta.
"P-Pera?" binilang ko pa ito.
Pera. Madaming pera. May sulat sa likod ng sobre.
'Julieta; Maraming salamat sa pagsisilbi mo sa amin. Maligayang Pasko at Maligayang Kaarawan din sa 'yo! — Amira Rhett'
Hindi manlang nagastos ng pamilya ni Leo ang fifty-thousand pesos na binigay sa asawa niya. Paano nangyari 'yon? Imposible na hindi manlang nagalaw ni singko sa perang ito.
Binuklat ko ang maliit na notebook. Sa pinaka-unang pahina ay nakasulat ang napakagandang calligraphy, 'Sumpa ng Red Mansion'. Awtomatiko akong kinilabutan sa aking nabasa. Sa ibabang bahagi ng pamagat ay nakasulat din ang pangalan ni Julieta.
Ikalawang pahina; 'Araw ng Linggo, kailan kong magsamba sa mahal na Panginoon. Ako'y nakahanda na't hinihintay na lamang ang aming anak na si Lira. Sa aking paglalakad palabas ng maid's quarter ay sinalubong ako ni Charlene na nakalabas ang pangil at tila galit na galit,'
Tumigil ako sandali sa pagbabasa. Mukhang hindi maganda 'to.
'nagtaka ako dahil bigla niya akong sinabunutan. Kinagat niya ang kamay ko at parang nababaliw siya,'
May bumato sa bintana kaya napatigil na naman ako.
"Kinabahan ako."
Sinilip ko ito, wala namang tao. Mabuti pa'y matulog na ako. Baka kung ano pa ang mangyari, tinago ko muna sa ilalim ng kama ang mga papel na aking nakuha mula sa opisina sa ibaba.
****
Kinabukasan ay maaga akong gumising at bumaba sa kitchen area upang tulungan ang mga maid na maghanda ng almusal. Hinayaan naman nila akong magluto at mangialam sa kanila.
"Kailangan ko po ng bacon." sambit ko.
"Doon sa fridge Miss Brielle." kalmadong saad ng isa sa mga maid na nagluluto.
Bongga ang fridge nila na mala-aparador sa laki. Pagbukas ko nito ay tumambad sa akin ang isang bowl ng— mata?! Napaatras ako sa takot at pandidiri. Agad naman akong nilapitan ng isa sa mga katulong na si Neri.
"Okay ka lang?" taranta niyang tanong.
"B-Bakit may mga mata rito?" takot kong sabi.
"Normal na sa amin 'yan, Miss Brielle. Sanay na kami makakita ng iba't ibang parte ng katawan ng mga tao. Kung minsan pa nga ay fresh na atay ang inihahanda para kay Miss Charlene at Madam Amanda." ani ni Neri.
Pinilit kong hindi maduwal, kailangan kong ipakita sa kanila na normal ang lahat.
"H-Hindi ka ba nandidiri?" sabi ko.
Kinuha ni Neri ang bowl ng mga mata at nilagay ito sa blender, lalo pa akong nanghina sa kaniyang ginawa. Diyos ko po! Hindi ko kinakaya ang sistema nila rito.
Tumingin si Neri sa akin at isa-isa niyang sinalinan ng dinurog na mata ang apat na baso.
"P-Pati si Caden umiinom ng ganyan?" nagtataka kong sabi.
"Hindi ko alam. Si Madam Amanda kasi ang nag-request nito." tugon ni Neri.
Maya-maya pa ay dumating si Caden, kumuha siya ng tubig sa mini ref na nakapatong sa kitchen counter.
"Good morning, sir." sabay-sabay na bati ng tatlong maid na nagluluto sa kusina.
Tumingin si Caden sa akin pero mabilis din siyang umalis.
Matapos magluto ay sabay-sabay na kaming nagtungo sa dining area para kumain. So fifty percent ng pagkain nila ay patay na tao, at ang natirang fifty percent naman ay pagkain ng mga normal na tao gaya ng pancakes, bacon and egg. Inihanda na ni Neri ang shake.
"You want?" nakangiti na sabi ni Amanda sabay inom ng shake.
Bumabaliktad ang sikmura ko, hindi ko na sila kayang sabayan.
"Mommy ano ba?! Brielle, ito ang apple juice." inis na sabi ni Caden.
Marahan ko idinikit ang aking labi sa baso, amoy mansanas naman. Sarap na sarap yung mag-ina sa shake na ginawa ni Neri, habang si Dylan naman ay kumakain ng steak. Hindi ko alam kung anong klaseng karne 'yon, pero sarap na sarap din siya.
Natapos na ang almusal at kaniya-kaniya na silang nagpunta sa mga trabaho nila. Sila Amanda at Caden ay pupunta sa launching event ng magazine cover, si Charlene naman ay tutungo sa Amazing Wines, habang si Dylan ay narito lamang sa mansyon.
Paano ako makakagawa ng plano, kung sa bawat pagkilos ko mahahalata ito ni Dylan. At bigla kong naalala yung cabinet sa office niya!
"Maids!"
Sinasabi ko na nga ba. Nakaupo lamang ako sa sofa dito mismo sa kanilang sala, galit na lumabas si Dylan mula sa opisina nito. Nagtipon-tipon naman ang mga maids sa sala at pare-pareho itong nakayuko't tila natatakot.
Hindi ako makaalis sa aking kinauupuan dahil baka pati ako ay punahin.
"Sinong walanghiya ang pumasok sa aking opisina? Sino?!" napaatras sila.
Bigla namang humangin ng malakas, grabe! Nilamig ako, nagtayuan ang mga balahibo ko.
"Walang sasagot?" dumampot ng flower vase si Dylan.
"H-Hindi po namin alam." kabado ang boses ni Neri.
Pati ako natatakot sa mga nasasaksihan ko.
"Bukas yung cabinet at nawawala ang dalawa sa pinakamahahalagang dokumento sa mansyong ito!" gigil na gigil si Dylan.
Nadamay pa yung mga maid sa kapalpakan ko. Hindi na ako mapakali, masyado na akong nakokonsensiya sa ginawa ko. Inangat ni Dylan ang flower vase na hawak niya at ipinalo ito sa maid na katabi ni Neri sa bandang kanan. Humandusay ito sa sahig na talaga namang ikinatakot ko.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Dylan, sakto naman at dumating si Kent.
"Tito!" inawat niya si Dylan.
Tumayo naman ako.
"Pasensya ka na, Brielle." mahinahon na saad ni Dylan.
"B-Babalik po muna ako sa taas." at dahan-dahan akong naglakad patungo sa kwarto.
Pawis na pawis ako, nanginginig sa takot at hindi mapakali. Ano ang gagawin ko? Hindi ko dapat ibalik ang mga dokumentong nakuha ko, kailangan kong i-send kay Grace ang mga impormasyon upang makapag-imbestiga sila ni Rex.
Pero paano ko 'yon magagawa kung wala naman akong sariling cellphone?
Ito na siguro ang tamang oras para sakyan ko ang mga trip ni Caden. Makikisabay lang ako sa kung ano'ng gusto niya, paaamuhin ko siya upang mas maging malapit kami sa isa't isa. Labag man sa kalooban ko, I badly need to do this for the sake of Leo's case.
****
|Caden's POV|
Today is the launching day of the newest volume of Blue Pages Magazine kung saan ako nag-cover. Kasama ko si Mommy, si Charlene naman ay binisita ang Amazing Wines, naiwan naman si Brielle sa mansyon kasama ang Daddy ko.
Sana okay lang siya doon. Kaninang umaga kasi hindi siya na-trato ng maayos ni Mommy, at naramdaman kong nawalan siya ng ganang kumain. Hays! Kailangan mag-adjust ng pamilya ko dahil may kasama kaming normal na tao sa mansyon.
"Hello po!" binati kami ni Michelle.
"Siya si Michelle, editor ng Blue Pages." sabi ko.
Kinamayan siya ni Mommy.
"Thank you for choosing my son to become the cover boy for Blue Pages magazine." sabi ni Mommy.
Niyaya na niya kami na pumasok sa loob ng venue kung saan magaganap ang interview. Sinalubong ako ng mga press at ilan sa mga babaeng may dalang magazine at pinapapirmahan ito sa akin. Nakangiti naman ang Mommy ko, alam kong may iba siyang binabalak.
Nagpunta na ako sa harapan. Naupo na ako upang masimulan na ang interview, pero mabilis na nawala si Mommy sa aking paningin. Hindi maganda 'tong nararamdaman ko, alam kong may binabalak siyang hindi maganda. Wala rin ang tatlong bodyguard na kasama namin.
"Hello Mr.Rhett!"
Napatingin ako sa mga taong nasa harapan ko. Hindi ko maiwasang mangamba at mag-isip.
"How was it feel to be the Blue Pages magazine cover?" tanong ng babae sa akin.
Marahan kong dinampot ang microphone upang sumagot.
"Masaya, nakaka-proud and exciting,"
Tumingin muna ako sa paligid, hindi ko pa rin makita si Mommy at ang iba pa naming mga kasama.
"Mababait ang mga staffs at talaga namang masarap silang kasama." tugon ko.
Hinahanap ko pa rin si Mommy. Argh! Nasaan na ba sila? Hindi na ako mapalagay, baka pati ako mapahamak sa ginagawa nila.
****
|Amanda Rhett's POV|
Interesado ako sa lugar na ito, madaming mababait na tao, gusto ko silang isama sa mansyon. Tutal busy naman si Caden sa interview, isinama ko ang tatlong bodyguard namin upang maghanap ng mga makakain mamayang hapunan.
Kailangan ko rin makaipon ng dugo ng mga batang babae upang muling mabuhay ang Lolo't Lola ng mga anak ko.
Nagtungo kami ng tatlong bodyguard sa waiting room kung saan may dalawang babaeng model na nakaupo sa couch at nag-aayos ng kanilang sarili.
"Hello mga magagandang dilag." nakangiti kong bati sa kanila.
Naupo sa pagitan ng dalawang dalaga, habang yung tatlo ko namang kasama ay nakatayo sa harapan namin.
"Kayo po ba ang nanay ni Caden?" tanong sa akin ng babaeng naka-bodycon dress.
Tumango naman ako.
"Mana po sa inyo ang anak ninyo, maganda talaga ang lahi ng Rhett." nakangiti namang sabi ng isa pang babae na naka-slip dress.
Ngumiti naman ako at magkasabay na sinakmal ang kanilang leeg, ito na rin ang signal na kailangan na silang dalhin sa van na dala namin. Two down! Lumipat ako ng lokasyon, mas madaming babae, mas madaming dugo at mas mataas ang posibilidad na mabuhay ang hari't reyna ng mga bampira.
Nagsisimula pa lang ako. Ito na ang simula ng bangungot ninyong lahat!
~
🖊 author_mj
Chapter 11Nagpatuloy ako sa paghahanap ng biktima. Kung saan-saan na ako napadpad, at sa tingin ko'y benteng babae na ang nakuha namin. Sapat na bilang na 'yon ngayong araw, kaya babalik na ako sa venue ng interview.Kasalukuyang sumasagot ang aking anak sa mga tanong na ibinabato sa kaniya. Naupo ako sa gilid, pinanood ko lang siya."Bukod sa pagiging businessman, ano pa ba ang iba mong gustong propesyon? Pwede kang mag-artista."Napangisi akong mag-isa. Pinoprotektahan ko ang totoong pagkatao ni Caden dahil ayaw kong maging sentro na naman siya ng pangungutya at issue. Minsan nang nasangkot sa bullying ang anak ko, at hindi ko na hahayaang mangyari pa ulit 'yon.Kahit sadista at strikta akong ina, sobrang mahal na mahal ko sila Charlene at Caden. Ginagawa ko lang naman ang mga bagay na ito upang mas mahubog sila bilang bampira. Gusto ko silang maging malakas at matapang, dah
Chapter 12|Caden's POV|"Hindi pa ba sapat 'to? Benteng babae na ang napatay natin." sabi ko."Hindi ko rin alam." tugon ni Mommy.Napaupo ako sa sahig habang pinagmamasdan ang aking ina na isinasalin ang mga dugo sa isang lagay para sa gagawing ritwal upang muling mabuhay ang Lolo't Lola ko.Pero matapos ang ritwal na ginawa ni Mommy, wala namang nangyari. Nanatili silang nakahimlay at hindi nabuhay. Walang gana akong lumbas ng kwarto at nagtungo sa sala."Yaya, paki-linis ang kwarto nila Lola." utos ko kay Yaya Neri.Naupo ako sa sofa. Akala ko epektibo ang ideya ni Mommy. Gusto kong maiyak, gusto kong magalit, pero wala pa rin naman akong magagawa kung nakatadhana na talaga silang mamatay.Teka—Nakalimutan kong balikan si Brielle s
Chapter 13Isang araw na ang nakalipas magmula nang magkasagutan kami ni Charlene. Sa tuwing papasok siya rito sa kwarto upang maghatid ng pagkain ay nag-iiwasan kaming dalawa. Hindi ko naman ginusto yung nangyari, nabigla lang ako dahil sabik na talaga akong makita sila Mama at Papa.Baka sobra na ang pag-aalala nila sa akin. Halos hindi ko magalaw ang pagkain na inihanda nila para sa akin. It's three-layered pancake topped with strawberry syrup. Red? Tss! Ang hirap magtiwala sa kanila pagdating sa pagkain. Mayroon ding strawberry juice na tila nakapagtataka rin ang pagkakatimpla."Brielle." bumukas ang pintuan."Yaya Neri." tumayo naman ako upang salubungin siya.May dalang mga damit si Yaya Neri at mukhang bagong laba."Pinalabhan ni Sir Caden ang mga damit mo, nag-bilin din siya na pwede kang gumala
Chapter 14|Caden's POV|Hindi ko ginusto ang mga nangyari, hindi ko rin kontrolado na nakita ni Brielle ang ulo ng kaniyang Papa. Wala akong magagawa, dahil hindi ko hawak ang buhay ng bawat isa. Kaya minabuti kong dalhin si Brielle sa pinagtataguan ng kaniyang mga magulang. At hindi ko inaasahan na mangyayari na pala ang oras ng kamatayan ng kaniyang Papa.Habang nag-uusap ang mag-ina ay sinundan ko kung saan naganap ang insidente. Umuulan ng malakas, madulas ang daan. Walang kontrol sa pagmamaneho ang driver kung kaya't bumangga sila sa isang poste dahilan upang humampas ang ulo ni Mr.Mendoza, duguan ang dalawang biktima.Gustuhin ko mang buhayin siya, pero hindi ko naman 'yon kayang gawin. Nagkakagulo sa lugar na pinangyarihan ng aksidente, may mga pulis, imbestigador at ambulansiya. Nakatitig lang ako sa kaawa-awang lalaking naliligo sa sarili niyang dugo habang hawak ang litrato ni Brielle noon
Chapter 15Bumuhos na naman ang luha sa loob ng kwarto kung saan naka-himlay ang mahal kong Papa. Parang kailan lang nagbabalita pa siya, tapos ngayon tatahimik ang aming telebisyon dahil wala na kaming aabangan na idol reporter namin.Dahan-dahan akong lumapit sa kabaong niya. Pero habang papalapit ako nang papalapit ay nakararamdam ako ng panlalamig, kaba at takot. Hindi ko maintindihan ang aking sarili, pero may something talaga na bumabagabag sa akin.Nagsimula nang tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Lakad. Dahan-dahan."Anak."Napatigil ako. Lumingon ako sa likod, nakita ko si Mama na nakikipag-usap sa mga bisitang nakikiramay sa amin. Nagtataka akong tumingin sa kabaong ni Papa. Sino naman kaya ang tatawag sa akin ng ganun.Nagpatuloy ako sa paglalakad at nang marating ko ang pwesto ng kabaong ay biglang namatay ang mga
Chapter 16|Caden's POV|Pumatak na ang alas syete, naisip kong puntahan si Charlene sa basement. Kahit galit ako sa kaniya, obligasyon ko pa rin ang alagaan siya. She's still my sister after all. Naabutan ko siyang nakayuko, lumapit ako sa kaniya upang tanggalin ang lock ng kadena."Kumain ka muna." sabi ko.Naupo siya sa lumang sofa. Salubong ang kilay niya at parang gusto niya akong labanan."Naisip mo pa palang gawin 'yan." saad ni Charlene sa galit niyang tono.Hiniwa ko ang paborito niyang atay sa maliliit na piraso."Kahit papaano naman ay may awa pa akong natitira para sayo. Magpasalamat ka na lang." sabi ko.She smirked. Aish! Masyadong mataas ang pride niya. She has no right to be angry because it's her fault that I'm punishi
Chapter 17Hindi ako nakatulog ng maayos dahil pilit kong iniisip kung sino ba talaga ang batang 'yon. Kaya maaga akong nagising. Naalala ko rin na kailangan ko pa palang ihatid si Grace sa condo na kaniyang tinutuluyan. Maiiwan muna si Rex upang samahan si Mama habang namamalengke ako.Habang nasa byahe kaming dalawa ni Grace ay hindi ko mapigilang mag-isip tungkol sa kaligtasan niya."Okay ka na ba?" tanong ko sa kaniya.Tumingin si Grace sa akin."May takot pa akong nararamdaman. Pero kailangan ko lang talagang lakasan ang loob ko." tugon niya."Tawagan mo lang kami ni Rex kapag kailangan mo ng kasama." saad ko.Tumango naman si Grace. Makaraan ang ilan pang minuto ay nakarating na kami sa condo kung saan siya tumutuloy. Hindi na ako sumama sa kaniya, kailangan ko na
Chapter 18"Grace?" hindi ako makapaniwala sa aking nakita.Nakagapos ang kaibigan ko habang nakaupo sa bathtub na puno ng dugo. Gustuhin ko man siyang alisin sa kaniyang kinalalagyan ay pinipigilan naman ako ni Caden. Kung nandito si Grace sa loob, e sino yung nalaglag sa baba? Ano ba'ng gulo 'to?!Sumilip ako sa balkonahe, wala na roon ang bangkay. Malinis na rin. Muli akong bumalik sa cr upang tingnan ang bangkay ni Grace."Sino ba talaga sa kanila ng kaibigan ko?" tanong ko kay Caden.Naka-pamulsa lang siya at nakatitig sa katawan ni Grace. Sinilip ko sila Tito at Tita, umalis na sila. Kaming dalawa na lang ni Caden ang tao dito sa unit."Sabi ko sa 'yo, makapangyarihan si Leo kung kaya't pati ako