Share

CHAPTER TWENTY SEVEN

NAKANGITI si Helena habang pinagmamasdan niya ang himbing na himbing nang si Markus na nakahiga sa mahaba nilang bamboo sofa. Medyo nakanganga pa ito. At naririnig din niya ang mahinang paghilik nito.

Napailing siya. Minsa’y pinagtawanan siya nito at sinabing napakaganda niyang babae pero nakanganga raw pala siyang matulog at naghihilik pa. Para bang ang isang katulad niya ay walang karapatang maghilik. Of course nagbibiro lang naman ito noon nang sabihin iyon. Pero nakakatawa nga pala talagang pagmasdan ang nagiging gesture sa pagtulog ng ilang tao. Katulad niya at ni Markus. Heto nga at baka maya-maya’y tumulo pa ang laway nito dahil sa sarap at pagkahimbing ng tulog. Impit siyang napahagikgik sa naisip na iyon. Para siyang bata.

Sa isang banda nama’y nakadama siya ng awa sa asawa. Alam niya kasing sobra itong napagod kanina sa trabaho. Nag-request kasi siya rito na sumama sa pag-iikot sa mga malalaking supermarket sa Metro Manila para sa production checking ng kanilang mga produkto
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
d p tlga maamin sa sarili Helena na unti unti ka ng napamahal kay Markus.. huli ka ngaun .........ano alibi ang sasabihin mo kay Markus Helena...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status