“P-PAANO mo ako nakilala?” tanong ni Clarisa nang kaharap niya na si Helena ng mga sandaling iyon. Oo. Kaharap niya ito ngayon. Ipinasundo siya nito sa driver nito at ngayon ay naririto silang dalawa sa isang restaurant. Tinawagan siya nito kahapon. Nagpakilala ito sa kan’ya. At inimbita siya na kung maaari’y magkakilala sila ng personal at makapag-usap. Nag-atubili pa siya na pagbigyan ang paanyaya nito, dahil bakit? Sa anong dahilan? Pero nang marinig niya ang pakiusap nito, nagpakumbinsi na rin siya. At saka interesado rin siyang malaman ang dahilan nito kung bakit biglang-bigla’y ibig siya nitong kilalanin at kausapin. At heto nga. Magkaharap na sila ngayon ng babaeng itinururing niyang karibal niya kay Markus. Napakaganda nga pala nito. Higit na maganda sa malapitan. Ano ang binatbat niya rito? Wala! Maski sa kutis nitong ala-porselana, mapapahiya ang balat niya…! Hindi nga nakapagtataka na magustuhan ito ni Markus. Kahit hindi ito nababalutan ng yaman, maski sinong lalaki,
LINGID sa kaalaman ni Markus ang pakikipagkita niya kay Clarisa at ang pag-aalok niya ng tulong dito, kaya hindi na nagtaka si Helena nang kumpirmahin ito sa kan’ya ng asawa kinabukasan.Nakalimutan niya, sobra nga palang malapit sa isa’t-isa ang dalawa kaya tiyak na ipararating ni Clarisa kay Markus ang inalok niya rito. Siguro’y para ipahamak siya sa kan’yang asawa.For sure, kilala rin ni Clarisa si Markus bilang ma-prinsipyong tao, at alam ng dalaga na hindi magugustuhan ni Markus ang ginawa niya. Pero bakit ba? Ano ba ang masama sa ginawa niya? Gusto niya lang namang makatulong…“Tumawag sa akin si Risa. Nagkita pala kayo.” ani Markus sa pagitan ng kanilang pag-aalmusal ng umagang iyon.Tinitigan ni Helena ang asawa. Wala siyang mabasang reaksyon sa anyo nito. Hindi ito tumitingin sa kan’ya. Tuloy lang ito sa pagsubo.“I j-just want to help.”Tumango-tango si Markus. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na makikipagkita ka sa kan’ya?”“I thought you might not agree.”Huminto si Markus
NADATNAN ni Markus si Helena ng gabing iyon na nasa harap ng tv. Sumisinghot at nagpapahid ng luha. Bigla siyang nataranta. “H-helena? Bakit? May nangyari ba?” Mabilis na pagdalo niya rito.Natawa si Helena sa naging reaksyon ng asawa. “Wala. Nanonood lang kasi ako ng MMK. The story touched my heart so much.” Napasinghap pa ang buntis.Sinulyapan ni Markus ang tv na advertisement ang kasalukuyang umeere. Naihilamos nito ang palad sa mukha. “Sus! Akala ko naman…!”“Sorry po, mister. Kasi, sobra talaga akong naapektuhan ng pinanonood ko. You know, this is how the story goes. When Almira’s father died, her mother left her to work abroad. But when her mother was in another country, she was forgotten and left to their relatives because her mother remarried there. Her life became miserable because her auntie’s husband exploited her.” Napabuntong-hininga pa si Helena. Apektado talaga ng sobra sa istorya ng programa.“Ano nang nangyari pagkatapos?” ibig matawa ni Markus. Dumarami ang nadidisk
NAGISING si Helena na nakatunghay sa kan’ya ang lahat sa harap ng hospital bed niya. Ang kan’yang pinakamamahal na lola, si Markus na mahalaga na sa kan’ya, ang biyenan niya at ang mga kapatid ng kan’yang asawa.“Kumusta ka na, apo? Maayos na ba ang iyong pakiramdam?” Nakangiting bungad ni Doña Amanda sa apo nang magmulat ito ng mga mata. Hinalikan pa nito sa noo si Helena.Napapikit si Helena. Waring pinakikiramdaman ang sarili. “O-okay na ako, lola. Magaan na ang pakiramdam ko…” sumulyap siya kay Markus na nasa may paanan niya at nakangiti ring nakatunghay sa kan’ya. “Mac…” aniya.Dumistansiya si Doña Amanda nang lumapit si Markus sa asawa. Tinanguan nito ang manugang sa apo.Ginagap ni Markus ang isang kamay ni Helena. Masuyo itong hinalikan sa noo. “K-kumusta?”Napapikit uli si Helena sa ginawing iyon ni Markus. May gumitaw na luha sa sulok ng kan’yang mga mata. “M-mabuti na ang pakiramdam ko, Mac. Salamat…” pinisil pa niya ang kamay ni Markus na nakahawak sa kamay niya. “A-ang a
ISA NANG GANAP na mag-asawa ngayon sa tunay na kahulugan noon sina Markus at Helena matapos nilang aminin ang totoong damdamin sa isa’t-isa. Sa harap ng mga nakapaligid sa kanila lalo na sa harap ni Doña Amanda, hindi na pagkukunwari ang ipinakikita nilang pagmamahalan. “So, since na-settle na ang lahat, ready na bang lumabas ng hospital ang mommy ni baby Amanda?” Matamis ang ngiti ni Raquel nang mag-round uli ito sa bestfriend niyang pasyente. Nasa wheelchair na si Helena habang kalong-kalong ang kan’yang sanggol. Nakahanda na sa kanilang pag-uwi. Si Markus nama’y nasa likod nito at siya ang magtutulak sa wheelchair habang may nurse na naka-asiste rin sa likuran nila. Alam na ni Raquel ang masayang nangyari sa kaibigan at sa asawa nito. Sa naging sobrang kaligayahan ni Helena sa damdamin ni Markus sa kan’ya, hindi nito napigilan na i-share agad sa matalik na kaibigan ang nangyaring ganap nilang pagkakaunawaan ni Markus. At masaya si Raquel para kay Helena. “I’m ready, Doc. Lalo at
MASARAP sa pakiramdam pero mahirap nga pala ang maging isang ina. Iyon ang napatunayan ni Helena habang hinehele niya si Baby Amanda.Ito ang unang gabi nila ng kan’yang sanggol sa mansyon. Hindi muna sa nursery room niya ipipirme ang anak habang hindi pa sila nakakapag-hire ng magiging yaya nito. Gusto niya munang enjoy-yin ang pag-aalaga rito habang bakasyon pa siya sa trabaho at ang gusto niya ay katabi ito sa pagtulog. Katabi nila ni Markus.Oo, katabi nila ni Markus. Nakapagitan ito sa kanila. Nasa gitna nila.Kasi ano pa ba ang dapat asahan ngayong nagkamabutihan na sila ng lalaking pinakasalan niya? ‘Di ba dapat ay magkatabi na nga sila nitong matutulog sa kama? At kung sakaling darating na sila sa punto na gawin nang ganap ang pisikal na ugnayan nila bilang mag-asawa, nakahanda siyang ibigay ang sarili niya rito.Napangiti si Helena sa isipin na iyon. Tunay na silang mag-asawa ni Markus. Sa totoong kahulugan ng salitang iyon. Hindi niya iyon inaasahan pero dumating. At nangyar
ANG sumunod na mga araw ay naging saksi ang mga taong nasa paligid nila sa pagmamahalang ipinamamalas nina Markus at Helena sa isa’t-isa. Tuluyan nang nagpasya si Markus na sa mansyon na sila tumigil na mag-anak alang-alang kay Doña Amanda na hindi man diretsong nagpahayag sa kan’ya ng kagustuhan nitong manatili na lamang sila roon, batid niyang iyon ang nais ng matanda. Patunay ang sobrang kaligayahan na nararamdaman niya rito ngayong kapiling na uli nito ang nag-iisang apo at ang apo nito sa tuhod.Wala namang naging problema si Markus sa pakikitungo sa abuela ng asawa. Ramdam niya rin ang pagmamahal at pagpapahalaga nito sa kan’ya bilang padre de pamilya. Sa mga desisyon na may kinalaman sa kan’yang mag-ina, hindi nakikialam ang donya at hinahayaan na siya ang gumawa ng hakbang. Anito pa’y nakuha na niya ang tiwala at simpatya nito sa kan’ya.“Thank you Mac, ha?” ani Helena isang araw.Nakaupo sila noon sa gilid ng swimming pool. Nakahilig ang ulo ni Helena sa balikat ng asawa haba
TINATAHIP ng matinding kaba ang dibdib ni Helena nang mga sandaling iyon. Iyon ang unang gabi na magtatabi na sila ni Markus na silang dalawa na lamang at wala na sa pagitan nila si Baby Amanda. May sariling yaya na ito na nag-umpisa noong isang araw.Makaraan ang mahigit dalawang buwan, kanina ay kinumpirma sa kan’ya ng kaibigang doktor na si Raquel, na puwede na siyang ‘magpatabi’ uli. At sa pagkakataon na iyon ay sa lalaki nang pinakasalan niya.“Ready?” May panunukso pa sa tinig ni Dra. Raquel nang itanong iyon sa kan’ya kanina.Namula si Helena. Biglang nahiya at hindi makasagot sa kaibigan.Natawa si Raquel. “Alam mo, para kang teenager na nag-blush diyan!” natutuwa ang doktora sa kaibigan. Pagkuwa’y hinaplos nito ang pisngi ni Helena. “You deserve to be happy, sis. This time, with Markus. Your husband. Unti-unti, napapalagay na rin ang loob ko sa asawa mo. Mabuti siyang tao. At karapat-dapat din siya sa pagmamahal mo.”Naluluhang napatango si Helena. “I told you, ‘di ba? Na mas