Share

KABANATA 5- KARMA

Kahit Ayaw Mo Na

Written by LovieNot

Kabanata 5

Lilah Daza

"Lilah!" Awtomatiko akong napahinto sa paglalakad at nilingon ang tumawag sa akin. Si Dara iyon at mukhang meron talaga siyang pakay sa akin. 

Hinintay ko siya at sabay na kaming sumampa sa elevator pataas. Ngayon na lang ulit kami nagkasabay. 

"Ano 'yon?" usisa ko naman sa kanya. Narinig ko pa ang pasimpleng pagsinghap niya.

"About you and Ale." Hindi naman agad ako nakaimik hanggang sa bumukas na ang elevator hudyat na nasa floor ko na ako. Sumabay siya sakin palabas kahit pa nasa 4th floor naman talaga siya.

"What about me and Les?" nakakunot-noo ko ring tanong. Sumeryoso ang kanyang mukha kaya mas naguluhan pa ako. Dalawang araw na kaming hindi nagkikita ng lalaking iyon mula noong natulog ako sa kanila.

"Ako na ang girlfriend niya."

"I know," kaswal kong sagot. Hindi niya na kailangan pang ipagyabang iyon sa akin.

"Pero he's in a relationship with you pa rin sa social media. Tsaka hindi niyo pa rin sinasabi ang break-up niyo sa mga taong malalapit sa inyo?" sarkastiko niyang sambit. Pinigilan ko namang mapataas kilay dahil sa kamalditahan niyang ito.

"About sa relationship thingy na yan, siya dapat ang kinakausap mo dahil wala akong panahon para magbukas pa ng F******k para lang sa bagay na iyan, I have so much to do Dara. Isa pa, my friends already knew about our break-up, iyong sa kanyang na lang ang hindi. Kung meron ka mang kinakausap ngayon, diba dapat ay siya at hindi ako?" kalmado kong paliwanag at suhestiyon.

Nagkatuosan pa kami ng tingin. Hindi niya na maitatago pa sa akin ang totoong kulay niya. Ang bait kapag si Alester ang kaharap pero kabaliktaran naman iyon kapag hindi.

What a double-sided face,tsk.

"Ikaw ang nakipaghiwalay, ikaw dapat ang magsapubliko ng hiwalayan ninyo." Sa pagkakataong ito ay nabuhay na rin ang kasupladahan ko sa katawan. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Isapubliko? Immature lang ang gumagawa niyan. Tahimik kami nong kami pa tapos gusto mo mag-ingay ako para malaman ng lahat ang tungkol sa break-up namin? Ayos ka lang ba talaga?"

"Hindi kami makakapagsimula ng maayos kung nasa eksena ka pa rin," may diin niyang saad. Pinigilan ko ang sarili kong samaan siya ng tingin kahit pa higit pa doon ang gusto kong gawin sa kanya ngayon. Pagod ako tapos ganito pa? Ang saya lang eh 'no?

"Gusto mo ako pa ang gumawa ng paraan para makapagsimula kayo ng maayos? Wow naman. Responsibilidad ko pa ba 'yan?" sarkastiko ko ring tanong sa kanya. 

"I wanna slap your damn face," asik niya. Natawa naman ako.

"The feeling is mutual," asik ko rin.

"Baka kasi hindi kayo makapagsimula dahil hindi pa siya tapos sa akin?" pang-aasar ko pa kahit naman hindi ako siguradong ako pa rin ang mahal ni Alester.

"Umaasa ka pa rin na mahal ka niya sa kabila ng ginawa mo sa kanya? Crazy."

"Kung ikaw ang mahal, bakit ako pa rin ang girlfriend niya sa harap ng kanyang pamilya?" pambabara ko. Hindi naman agad siya nakasagot. Gusto kong matawa dahil sa galit na bumalandra sa kanyang mukha pero pinigilan ko lang.

"We're both talking nonsense Dara. Let's cut this," dagdag ko at napakamot pa sa noo. Akmang tatalikod na ako nang magsalita na naman siya.

"Lubayan mo na si Ale." Tinitigan ko siya diretso sa kanyang galit na mga mata.

"Paano kung ayaw ko?"

"Gusto mong makipag kompetensiya na naman sa akin? Bakit ba ganyan ka? Binitawan mo na siya diba? Anong nangyari? Bakit ngayon ay naghahabol ka na naman?" Aaminin ko ring na insulto ako katagang binitawan niya.

"Naghahabol? Hindi pa nga eh. Isang malaking pagkakamali ang bitawan ang isang Alester Hernandez, pero lahat naman ng mali ay pwedeng maitama kapag ginusto mo eh."

"Sa tingin mo ba babalikan ka pa niya after what you did to him."

"Oh well, hindi rin ako sigurado."

"Bitch."

"Pareho lang tayo. Mauna na ako at gusto ko nang magpahinga. Kalma, nasa kay Alester pa rin  ang desisyon at wala sa atin." Nakangiti kong sambit at tuluyan ng pumasok sa unit ko.

Diretso ako sa kwarto at ngayon pa lang nakaramdam ng panghihina. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa para maayos ang tungkol sa amin ni Lester. Maayos ko pa nga ba?

Nagbihis lang ako at pumanhik na sa kitchen. Kinuha ko ang wine na nabili ko kahapon nang mag grocery ako sa LC Mall. Napapadalas na ang pag-inom ko, parang stress reliever ko na rin. 

Nakatatlong shot na ako ng maisipan kong tawagan si Alester. Dinampot ko ang aking phone at walang alinlangang tinawagan ang lalaki. Sa ganitong oras ay alam kong nasa opisina niya pa rin siya, parang hindi niya rin kasi hinatid iyong girlfriend niya eh.

Nakailang ring na pero wala pa ring sumasagot. Inis kong pinatay ang linya at ipinagpatuloy ang pag-inom. Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng kirot sa aking sentido kaya nagdesisyon na akong bumalik ma sa kwarto. Hindi pa nga ako nag dinner pero uminom na agad.

Ang saya lang Lilah.

Pabagsak akong humiga at malalim ang buntong hiningang pinakawalan. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Hindi ko na namalayan pang nakaidlip na pala ako kung hindi lang may narinig akong ingay mula sa cellphone ko. Nakapikit man ay inilagay ko iyon sa bandang tenga ko at automatic naman na nasasagot ang call ng kung sino kapag ginagawa ko iyon. 

Napatingin ako sa wall clock at pasado 9:00 p.m na din pala. Naalala ko ding mga ganitong oras tumatawag si Rich sa akin kung minsan.

"Hmmm? Inaantok na ako," pambungad ko pa bago ako kulitin ng kugtong. Sa lahat ng kaibigan ko ay siya pa naman ang nagpapasakit ng panga ko.

"I'm sorry for not answering your call, I was in the middle of a meeting kanina." Naimulat ko naman ang aking mga mata at napabalikwas ng bangon ng makilala kung sino iyon.

"Ay, akala ko si Rich. Okay lang, pasensiya sa abala."

"Hindi naman ako naabala, actually I was happy."

"Na?"

"Na tumawag ka." Hindi naman agad ako nakasagot. Masaya siya na tumawag ako? Bakit?

"Bakit naman?"

"Ewan, siguro dahil sa minsan ka lang nauunang tumawag sa akin eh, kahit nong... Tayo pa." Binagabag naman ako ng aking konsensiya. Sa simpleng sinabi niyang iyon ay napagtanto ko kung gaano talaga kalaki ang pagkukulang ko sa dalawang taon naming relasyon.

"I'm sorry," tanging nasambit ko.

"Ano't napatawag ka pala?"

Oo nga, bakit tinawagan ko siya? Mukhang nawala na ang epekto ng alak sa sistema ko.

"About sa relationship status natin sa F******k." Napakagat ako sa aking labi. Kung ako ang tatanungin ay ayokong palitan namin iyon pero baka nga tama si Dara. Hindi sila makakapagsimula kung nasa eksena pa rin ako.

"Gusto mong palitan?" usisa niya pa. Napapikit na lang ako. 

"H-indi... I mean..."

"Me too, ayokong palitan." Tila ba lumukso ang aking puso dahil sa sinabi niyang iyon. "Pero kung gusto mo talaga ay ayos lang naman sa akin Lah, after all ay wala na rin naman tayong relasyon." Isa na namang sampal sa akin ang katotohang iyon. 

"Les," mahinang sambit ko habang pinipigilang umiyak. 

"Lilah, masaya ka ba ngayon?" Hindi ako nakasagot sa tanong niyang iyon. Nakapikit lang ako habang ninanamnam ang boses niya sa aking pandinig. "Ako kasi sinusubukan ko ng maging masaya ulit. Gusto kong maging masaya ka din kasama ng taong mamahalin mo ng lubusan." 

Tuluyang nagsilaglag ang aking mga luha. Bakit parang... Ipinapaubaya niya na ako sa iba?

"H-indi mo na ba ako mahal?" wala sa sarili kong usal. Abot-abot ang kabang naramdaman ko dahil sa posibleng magiging sagot niya. 

"Hindi naman sa hindi kita mahal Lah, gusto ko lang makita ka na maging masaya. Sorry kung hindi ko iyon naibigay sa iyo."

"Napasaya mo ako Les."

"Pero..."

"Masaya ako noong tayo, hindi ko lang nakita kasi talagang ang selfish ko." Pinigilan kong mapasinghot at baka malaman niyang umiiyak ako. 

"Are you drunk?" bigla ay tanong niya. Napangiwi na lang ako. 

"Why?" Narinig ko ang mahinang tawa niya. Napabusangot na talaga ako. Porket ganun ang sinasabi ko ay nakainom na agad? Hindi ba pwedeng nagpapakatotoo lang? 

"Wala. Where are you?"

"Nasa condo, malamang. Ikaw yata itong nakainom eh."

"Nasa baba ako." Napakunot-noo naman ako. Anong ginagawa niya rito sa ganitong oras? Gabing-gabi na, dapat ay nagpapahinga na siya.

"Gabi na ah! Patay na patay ka na ba kay Dara?" Sinikap kong huwag maging sarkastiko at nagtagumpay naman ako. Narinig ko ang kanyang pagsinghap.

"Baba ka muna."

"What? Why? Baka makita tayo ni Dara." Napabuntong-hininga naman siya.

"Ikaw kasi eh," aniya pa na ikinakunot na naman ng noo ko. Hindi ko makuha ang gusto niyang sabihin.

"Anong ako?"

"Wala. Magkita tayo sa La Conchita CS."

"Ngayon?" Hindi ko makapaniwalang tanong. 

"Yes."

"Why? Wait..." Napabusangot na lang ako ng bigla niyang ibaba ang linya. Gabing-gabi na eh. Ano bang trip niya?

Padabog akong pumasok sa shower room at nagmadaling naligo. Siguro ay wala pang ten minutes ay nakapagbihis na din ako.  Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko at hindi na rin ako naglagay ng kolorete sa mukha, ni powder ay wala dahil gabi naman eh.

Nagmadali na din akong bumaba bitbit ang susi ng kotse ko. Ang weird lang. Kanina ay kinausap ako ni Dara ng tungkol sa set-up ng relationship namin. Pinapalayo na rin ako sa kanya ng girlfriend niya pero heto ako at makikipagkita pa sa kanya sa oras na dapat ay tulog na ang mga nilalang sa mundo.

Pagkarating ko sa La Conchita CS ay agad kong nakita ang kanyang kotse. Ipinark ko rin ang sasakyan ko sa katabi niyon. 

Mabagal na lamang ang aking kilos hanggang sa makapasok ako. Fortunately ay nakita ko naman agad siya. Mabibilang na lang din ang customers na nandidito rin. 

"Hi, good evening," bati ko pa at nakiupo na rin sa table na kinaroroonan niya. Napansin kong merong mga pagkain na mukhang kakahain pa lang din naman. Kailan pa naging resto ang coffee shop? Sabagay, sila naman ang may-ari nito kaya naman he do can do whatever he wants to.

"Good evening. Hindi pa ako kumain eh, that's why." Paliwanag niya pa.  Napatango na lang ako.

"Kumain ka ba?" dagdag tanong niya. Pasimple akong napangiwi nang maalalang hindi rin pala ako kumakain pa.

"Nakatulog agad ako eh," pagsisinungaling ko. Naglasing ka kasi agad Lilah.

"Let's eat then." 

Hindi ako kumilos. Pinagmasdan ko lang ang  bawat galaw niya. Sobra ko talaga siyang namimiss. Noong kami pa kasi ay araw-araw talaga siyang may oras para kitain o makasama ako. Kung noon ay kinaiinisan ko iyon, ngayon naman ay hinihiling ko na maulit muli ang ganung senaryo.

Napansin niya sigurong nakatitig lang ako sa kanya kaya bahagya niya akong siniringan ng tingin. Kinuha niya iyong bakante pang plato at nilagyang ng pagkain at inilapag sa harapan ko.

"Eat Lalah, hindi ka mabubusog kong nakatitig ka lang sa akin," biro niya pa. Bigla naman akong bumalik sa aking katinuan. Nakaramdam ako ng hiya. Napalunok pa ako bago nagsalita.

"Pinapunta mo ako rito para kumain?" usisa ko pa. Ngumiti siya at umiling bilang tugon sa tanong ko tsaka kumain na.

Sa halip na kulitin siya ay kumain na lang din ako. Ngayon na lang din kami kumain ng kaming dalawa lang. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag dinner kami together sa isang CS. Lakas din ng trip niya.

Nang tapos na kami ay inabutan niya ako ng tubig tsaka tissue. Meron na ding nagligpit ng mga pinagkainan namin. Tumayo siya at pumunta sa counter saglit. Nang makabalik siya ay may dala na siyang dalawang cup ng drinks. Ibinigay niya sa akin ang isa.

"Thank you." Ngiti at tango lang ulit ang itinugon niya.

"Uhm... Kayo na ba ni Dara?" pangungumpirma ko pa. Mataman niya akong tinitigan. 

"Why?"

"W-ala, just asking." Nagbaba ako ng tingin. Hinintay ko lang na magsalita siya.

"Bakit mo natanong?" Nag-angat ako ng tingin at pinakatitigan din siya.

"Sagutin mo na lang ang tanong ko, please?"

"Hindi."

"Iyong totoo, Alester."

"Hindi nga kami."

Pero bakit sinabi ni Dara na sinagot niya na ito nong welcome party for Fei?

"Ayaw pang umamin eh," bulong ko pa at napairap na lang sa kisame.

Napapitlag pa ako ng ikulong niya sa pagitan ng kanyang mga palad ang mukha ko tsaka tumawa pa bago iyon binitawan. Nagtataka ko naman siyang tiningnan.

"Para saan 'yon?" bantulot kong tanong. Tumaas lang ang sulok ng kanyang labi.

"Cute mong mang-irap eh." Napaawang na lang ang bibig ko. Nakita niya? 

"Aminin mo na kasi. Nanligaw ka, diba?"

"Yeah."

"Oh, eh di siyempre sinagot ka na nun." 

Napasinghap naman siya. "I don't know."

"Anong I don't know? Hindi mo alam kung kayo?"

"Yeah."

"Why?"

"Ang alam ko kasi..." Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Sumenyas siyang sasagutin niya na muna kaya naman tumango na lang ako at pinagmasdan siyang tumayo at bahagyang dumistansiya.

Naguguluhan na tuloy ako. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko sa kanila eh pero alam kong hindi magsisinungaling sa akin ang lalaking ito.

So, posibleng si Dara ang nagsinungaling?

Maya-maya ay bumalik na rin siya. Nagkatuosan pa kami ng tingin. Napasinghap na lang ako at tumango para iparating na ayos lang kung ayaw niyang sabihin ang totoo.

"Kasi ayaw niyang ipaalam sayo ito. Siguro dahil ayaw ka niyang masaktan. Kaya sana, huwag mo ng mabanggit sa kanya na sinabi ko sayo ang totoong estado namin."

Baka tama nga si Dara, ayaw niyang ipaalam sa akin ang totoong status nila.

"Are you okay?" tanong niya pa. Tumango lang ako kahit ang totoo ay hindi naman talaga. Nakaramdam na ako ng antok pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magpaalam sa kanya para umuwi na. 

Bahagya kong inihilig ang aking katawan sa upuan at isinandal ang ulo ko. Ramdam ko ang titig niya pero mas pinili kong huwag salubungin iyon. Saglit kong ipinikit ang aking mata ng kumirot ang aking sentido.

"Inaantok ka na?" untag niya sa akin. 

"Slight," alangang tugon ko at nginitian siya.

"Gusto mo na bang umuwi?"

"Hindi! I mean, okay lang hindi pa naman gabing-gabi eh."

Lumipat siya sa tabi ko. Nagtataka ko naman siyang tiningnan. Walang salitang kinabig niya ang ulo ko at isinandal sa kanyang balikat.

Muli na namang naghumirintado ang puso ko. Pinaghalong kaba at saya ang aking nararamdaman. Bakit nga ba hindi ko naramdaman ito noon? O baka naramdaman ko talaga pero hindi ko lang pinagtuonan ng pansin dahil sa bawat segundo na kasama ko siya ay trabaho ko naman ang laging nasa kukuti ko? Ako nga talaga ang may mali sa umpisa pa lang.

Sinagot ko siya noong nanligaw siya sa akin dahil crush ko naman talaga siya eh. Parehong HU University ang pinasukan namin noong college pero mas ahead siya sa akin ng isang taon, magkaiba rin kami ng department since hindi naman kami parehong kursong kinuha.

Nagkakilala lang din kami dahil sa isang party. Hindi naman kami naging close talaga dahil nasa high society siya nabibilang eh samantalang ako ay nasa middle class lang. 

After kong grumaduate ay pumunta ako ng ibang bansa para sa additional trainings and experience ko bilang fashion designer. 

Noong bumalik ako ay nagkita ulit kami tapos nagulat na lang ako nang isang araw ay nanligaw na siya sa akin at aaminin kong isa sa nagtulak sa akin na sagutin siya ay ang mga kaibigan ko dahil nga perfect and boyfriend material talaga siya para sa mga ito. At ngayon ko lang iyon nakita kung kailan wala ng kami.

Hinubad niya ang kanyang coat na suot at ipinatong sa bandang likuran ko. Nakablouse lang kasi ako at hindi ko maipagkakailang nilalamig ako.

"Les."

"Hmmm?"

Hindi ko maisatinig ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya, bagay na ikinaiinis ko sa aking sarili. Lilah naman, sabihin mo na ang totoong nararamdaman mo bago pa mahuli ang lahat. Ego ba ang pipiliin mo o siya?

"Bakit Lah?"

Napasinghap pa ako at naglakas loob na hawakan ang kanyang kamay. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Isiniksik ko pa ang sarili ko sa kanya at wala siyang ibang pagpipiliin kundi ang ipulupot sa bewang ko ang isa niyang kamay para suportahan ang katawan kong nakahilig sa kanya.

"May problema ka ba? Work? Family? Friends?" Bakas ang pag-aalala sa kanyang tono. Bahagya ako tumingala para tingnan siya.

"Wala sa nabanggit."

"Then tell me what's your problem? May maitutulong ba ako?"

Actually ikaw ang sagot sa problema ko ngayon.

Pinipisil-pisil niya ang kamay ko at nagdudulot iyon ng magandang pakiramdam. Tila ba sa pamamagitan nun ay ipinaparating niya na lagi siyang nasa tabi ko at handa akong damayan sa anumang magiging problema ko.

"I'm sorry sa nagawa ko sayo. Alam mo bang nagsisisi na ako? Bakit kasi... Pinakawalan pa kita?" emosyonal ko na talagang saad habang direktang nakatingin sa kanyang mga mata. 

"Lah," mahina niyang usal, halo-halong emosyon din ang naglalaro sa kanyang mga mata. Kahit naman hindi ganun kaliwanag sa pwesto namin ay kita ko pa rin iyon ng malinaw.

"I'm sorry for breaking your heart."

Tuluyang nagsilaglag ang aking mga luha pero hindi ko inalis ang aking paningin sa kanya at gano'n din naman siya sa akin.

Tuluyan ko siyang niyakap habang humihikbi na. Mahigpit iyon at ni isang beses ay hindi ko pa  nagagawa ito sa kanya. Kung pwede nga lang na huwag ng kumalas sa kanya ay gagawin ko talaga. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko pinilit na humiwalay na sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya pero natatakot ako dahil sa pananahimik niya na naman.

"Les, I am asking for your forgiveness. Alam kong hindi madali pero willing akong maghintay kung kailan mo ako mapapatawad."

Nanatili lang talaga siyang nakatitig sa akin. Mukhang hindi makapa ang kanyang dila o baka ay ayaw niya lang talaga magsalita. Baka hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko.

"Alester, magsalita ka naman. Alam mong hindi ako romantikong tao, hindi rin ako sanay manuyo, hindi ako sweet at tanga ako kaya... Pagtiyagaan mo na lang ulit ako."

Ibinaba ko ang aking tingin sa sahig at inisip kung tama ba ang sinabi ko. Kung may koneksyon pa ba iyon. Hindi ko talaga maisatinig ng maayos ang mga gusto kong sabihin sa kanya. Inuunahan ako ng hiya at kaba.

"What do you want me to do Lilah?" kaswal niyang tanong. Bigla na lang akong nanlumo. Sa klase ng kanyang pananalita ay para bang hindi siya interesado sa mga sinabi ko.

"Gusto kong... A-ko pa rin ang mahalin mo."

"Why?"

Ito na naman tayo sa why eh, bakit ba kailangang may rason?

"Because..." Saglit akong nagbaba ng tingin ulit at napapikit. Speak Lilah. Tell him that you really love him. "Because... I love you B-abe," pagpapatuloy ko pa. Hindi ko na naialis pa ang paningin ko sa kanya.

Sa isang iglap ay agad na lumapat ang kanyang bibig sa labi ko. Kabado man ay nagawa kong namnamin ang unang halik sa labi na ibinigay niya sa akin.

"Say it again please?" pakiusap niya pa sa pagitan ng kanyang pino at mabagal ng halik. Nakakatuwang nasasabayan ko din iyon kahit wala pa akong karanasan sa ganitong bagay.

"I love you," lakas loob kong saad at ikinawit ang kamay ko sa kanyang leeg.

"Babe?" pahabol niya pa, nanunigurado kung nasambit ko nga ba ang tawagan naming siya lang naman ang madalas magbanggit lalo na kapag kaming dalawa lang.

"Babe," nakangiti kong sambit. Ngumiti din siya at tuluyan akong niyakap.

Ibig bang sabihin nito ay mahal niya pa rin ako? Malabo man pero at least nasabi ko na ang totoong nararamdaman ko.

"Kahit ayaw mo na sa akin, mamahalin pa rin kita Alester," bulong ko at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya.

Ngayon ay bumaliktad ang mundo Lilah, diba? Maybe this is an art of Karma.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status