Share

Chapter 9.9

Meron akong business meeting nuon sa New York at hindi ko isinama si Lia kahit anu pang pilit niya. Muntik ng mabulilyaso lahat nung araw na yun.

Nag tungo ako ng airport palipad ng New York para sa business matter. Si Lia naman ay naiwan sa Mansion.

Hindi pa kami nakakapag usap ulit ni Lia that time after a light fight.

Paglapag ko ng New York agad kong kinatagpo si Mr. Smith sa anniversary party nito sa Mansion mismo sa New York.

"Mabuti at nakarating ka Mr Morgan. Akala ko bibiguin mo nanaman akong muli. I'd like to introduce you my beloved wife. " I smiled and extend my hand for a handshake.

"Sige love bigyan ko muna kayo ng time okay . Asikasuhin ko lang ang ibang bisita pa naten. "Pagpapaalam ni Mrs Smith saka iniwan kami ng kanyang asawa.

"Alam mo Kurt I love your proposal but where is your wife? Aren't she with you? " Kunot ang noo ni Mr. Smith.

"She's not feeling well kaya hindi ko siya sinama pero maybe next time mameet mo siya sir. " Formal na sagot ko at iginaya naman ako ni Mr Smith.

"Oh that's bad. I see. She need to take rest. By the way what would you like to drink? " Pag aalo nito at agad na kinuha ang dalawang baso ng alak sa waiter na dumaan.

"Here Morgan. There you go. " Hindi pa man ako nakapag sabi ay may binigay na tong alak at agad ko namang ininom ng diretso.

"Oo nga pala may isa pa akong gustong ipakilala sayo. Halika duon. " Sumunod lamang ako at wala masyadong imik.

"Hey, Mr. Tanaka, meet Mr. Morgan. Kurt, siya ang tagapag mana ng kilalang Japanese Tycoon na si Don Juancio Tanaka."

Nagitlag ako sa narinig. Mang Caloy told me about Juancio Tanaka, Lia's father.

"Hello. Aki na lang."Inabot nito ang kamay para makipag shake hands pero natulala lang ako—Ito ang taong kinamumuhian ko ng husto.

"Hey Kurt, are you okay?" Natauhan ako ng tapikin ako ni Mr. Smith.

"Sorry, medyo may jetlag pa." Pagdadahilan ko kay Aki Tanaka.

"Siya ang napangasawa ng anak ng best friend kong hapon. They are a good businessman as well kaya gusto ko sana isama siya sa proposal mo. Ah, collaboration. I think that would be great diba. "

Nanigas lang ang panga ko at kuyom ang palad. Tila pinaglalaruan ako ng tadhana. Lumiliit ang mundo namin ng taong ito.

Mom told me about Natalie's ex-boyfriend. The day that she witnessed my sister break down was also when this asshole got married.

"You are Morgan am I right? " Bumaling muli si Aki sa'ken na napaisip naman ako.

Kilala kaya ako nito. Nabanggit kaya ako ni Natalie dito.

Kumabog ang dibdib ko ng bahagya. Mabuti na lang din at hindi ko kasama si Lia.

Masisiwalat lahat ng kasinungalingan ko.

" Yes. I'm Kurt Morgan. Why? You know someone having surname Morgan? " Usisa ko. Gusto kong malaman kung naaalala pa niya ang kapatid ko through our same surname.

"Ah no. I just heard so much about you. Balita ko at the young age madami ka ng achievements in terms sa field, industry ng business.

Kaya naman nung sinabi ito sa'ken ni tito hindi na ako nag dalawang isip. I'm in, sa business proposal mo. I wanna be part of it kasi gusto ko din makatulong sa mga mahihirap nating kababayan.

By the way I'm also a filipino. Half, my mother is pinay." Formal lang ang mukha ko at wala masyadong reaksyon sa mga sinasabi nito.

Matagumpay kong naclose ang deal kay Mr. Smith at Aki Tanaka ng araw na yun.

Ang liit ng mundo at naging parte pa siya ng There's a way project.

Paanu niya maiintindihan ang puso at konsepto ng there's a way project kung wala man lang sa kanya ang pagpapakamatay ng isang walang kalaban labang babae dahil sa mabilis nitong pagpapakasal.

He's the reason my sister ended her life.

Bumabalik lahat ng sakit tuwing ma aalala ko ang mga ito. Nagtatalo nanaman ang puso at utak ko patungkol sa nararamdaman ko para kay Lia.

NANG gumaling si Lia ay inuwi ko siya agad sa Mansion. Agad na inungkat ni Lia ang kahalikan kong babae sa opisina.

"I want you to fire her!" Singhal ni Lia.

"That's impossible, Jade. Matagal na sa akin si Carrie. I told you what you see is a mistake. I did it on purpose!"

"Then why? Bakit? Para saan? Para saktan ako? Bakit? Anung kasalanan ko sayo?!" humihikbing pahayag ni Lia.

"Enough of this, Jade. And dito ka sa bahay mag papa therapy.."

"No! I'm going to a clinic. Ikukulong mo nanaman ako dito sa bahay?!"

"Hindi ikaw ang masusunod!"

"Alam mo sana hindi mo na lang ako binalik dito sa mansion kung heto ka nanaman! Hindi na kita maintindihan, Kurt! Naguguluhan na ako sayo. Naguguluhan na ako sa mga pabago bago mong pakikitungo sakin."

"Fine! Hatid sundo ka at may kasamang body guard. No more but and why.." Mabilis na nilisan ko ang kwarto.

Ibinagsak ni Lia ang kanyang katawan sa kama. Nag iiyak ito sa sama ng loob.

[Lia POV]

Hindi ko lubos maisip kung bakit ayaw niyang tanggalin sa trabaho ang babaeng dahilan kung bakit ako lumayas at muntik ng magahasa.

At anu tong sinasabi niya? He did it on purpose?! Para saan?! Bakit?! Sumasakit na ang ulo ko sa lahat ng kaganapan sa buhay namin. Isama pa ang pagkakaroon ko ng amnesia.

Did I cheat on him before? May ganun bang senaryo kaya gusto niya kong pasakitan ngayon? Tang ina wala akong ma alala! Kailan ba babalik lahat ng memorya ko..

KINAUMAGAHAN>>>

[Narrator]

Pagdating ni Lia sa clinic ng kanyang therapist ay nagulat siya. Ang nakausap niya sa phone para maging Doctor niya ay hindi ito.

"I'm so sorry but I've been scheduled to Dra. Jones? The one I'm talking with on the phone last time." kunot ang noo ni Lia.

"Oh yeah ikaw nga yung binilin sa'ken ni Charlotte." Maikling sagot nito at pinauupo siya.

"Who is Charlotte?" nagtatakang tanung ni Lia hindi pa din umuupo.

"Dra. Charlotte Jones." muling kumunot ang noo ni Lia at napakagat labi sabay nguso. Tumayo ang Doctor.

"Yeah! where is she then? Clinic niya to diba?" Hindi pa din umuupo si Lia.

"She's sick. My sister is sick. Binilin ka nya sa'ken. I'm also a Doctor don't worry."

"I know but you're a man. I preferred a woman Doctor for my therapy." Lia sounds irritated already.

"I understand then nice meeting you. You have the right to find another Doctor. I'm sorry for the inconvenience. I will just tell to my sister what happens. "

"Fine. What is your name?" formal na tanung ni Lia. Wala ito sa mood.

"Noah. My name is Noah Walker." Inabot ang kamay nito kay Lia pero tinignan lang siya nito.

"Then how are you related to Dra. Jones? " pilosopo ang tono ni Lia.

"She's my sister like what I said earlier." umirap si Lia sa kaharap na pinagtaka naman nito.

"Oh I'm sorry. I got it what you mean by that. Where siblings in mother side. Magkaiba kami ng father but we're close. Just few weeks ago she's diagnozed with Cervical Cancer stage 2b." humina ang boses ng Doctor sa mga huling salita.

"Oh I'm so sorry to hear that. By the way I'm Jade Morgan." Tumango lang ang Doctor at itinuro ang upuan para siya ay umupo.

"Yes. I read your files. I will do my best to help you recover from your not-good experience. And you have amnesia as well?"

[LiaPOV]

Ang Doctor ay nasa 30+ na pero hindi maikakaila ang kagwapuhan nito.

Katamtaman ang taas, maputi at may kalakihan ang katawan.

Halatang nag wowork out. Ang mukha nito ay mas friendly kumpara kay Kurt na laging seryoso.

Kurt knows that my therapist is a girl. I don't know how would He react if He found out that it was a man now. His sister has a cancer that's a valid reason naman kaya wala siya dapat ikagalit.

Sa unang araw ko kay Doctor Walker hindi lang ang nangyari sa black pool beach ang napag usapan namin kundi ang ibang personal ko din na buhay.

Ang pagkakaroon ko ng Amnesia at ang pagkakaroon ni Kurt ng babae. Hindi ko alam kung bakit pati ang mga bagay na yun ay naibahagi ko sa Doctor.

"Until tomorrow then Mrs. Morgan." nagpaalam kami sa isa't isa at hinatid pa ako nito hanggang lobby.

Mabait siya at magaan ang loob ko rito kahit sa maikling oras lamang na nakapag usap kami.

"Thanks Doc and sana maging okay na ang sister mo. Prayers lang at family support ang kailangan niya maliban sa mga gamot at treatment. Bye."

Nakita ko na agad ang body guard at nilapitan ako saka sumabay sa akin sa paglabas.

Sumunod naman na dumating ang driver ko dala na ang sasakyan.

Nanggaling pa to marahil sa parking lot. Nakita kaya nila si Doc Walker. Kurt should not know about it baka mag isip siya ng hindi maganda.

Nakakahiya naman kasi sa Doctor kung mag iiba pa ako ng therapist dahil lang sa lalaki siya.

I need to be professional. Maswerte ang asawa nito kasi mabait ang asawa niya at gentleman.

Ganun din naman ang asawa kong si Kurt nung nasa Pinas pa kami.

Nagbago ang lahat ng makabalik kami ng London. Hindi ko alam kung anong dahilan at sobra na akong naguguluhan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status