Share

Chapter 8.8

[LIA TANAKA]

"Gusto daw po kayo makausap ng suspect mam." Agad na tumayo at kumontra si Kurt sa sinabi ng Police in charge.

"No! That would never happened. There is no reason for them to talk." galit at nanlilisik ang mga mata ni Kurt. May diin ang bawat salitang bitiwan. Hawak nito ang kamay ko at ramdam ko ang higpit nito.

Ramdam kong may pagmamahal pa siya para sa akin kaya paano ko naman siya igigive up...

"Hun, it's fine. I'll be fine as long as you're with me." Humigpit lalo ang hawak niya sa kamay ko at talagang hindi sang ayon.

"Have you gone crazy Jade? After what He did to you? You're expecting me to allow you see him? No! It's a no Jade."

Ramdam ko ang galit ng asawa ko pero gusto ko din malaman ang sasabihin ng taong halos isumpa ang mga babae sa mundo.

I think my pinagdaanan siyang hindi naging maganda kaya siya nagkaganun. Everyone deserves a second chance but I don't know if I can give that.

"I can manage Hun. Besides you are there. Is He with you officer?" Bumalin ako sa kaharap namin at sumagot ito ng maikli.

Tumango saka ko binigay ang hudyat ko. Pumasok ang salarin. Nakaramdam ako ng takot at panginginig ng katawan.

Humigpit ang kapit ko sa kamay ng asawa ko. Alam kong ramdam niya ang biglang pagkabalisa ko.

"Mam patawarin nyu po ako. Pinagsisisihan ko po ang ginawa ko. " napahagulgol ang lalaki at lumuhod.

Abot langit ang paghingi ng kapatawaran pero hindi ako santo para ipagkaloob yun agad.

Sariwa pa sa isip ko ang lahat ng nangyari at may kirot pa sa mga sugat na dinulot nya sa'ken.

"Jade enough with this. Officer palabasin mo na ang hayop na yan. Pagbabayaran niya ang kasalanan niya sa bilangguan."

Muling nag makaawa ang lalaki. Hawak ang binti ni Kurt, halos maglupasay siya sa sahig. Iniwawaksi lang ni Kurt ang kamay niya.

"Bugbugin niyo na ho ako sir pero nag mamakaawa po ako wag niyo po ko ipakulong. Kailangan po ako ng mga anak ko. Iniwan kami ng asawa ko. Ako na lang ang meron sila."

Naghihinagpis ang lalaki at nakaramdam ako ng awa para sa mga bata. Anong nangyari at may nanay na nagawang abandunahin ang mga anak?

"Patawarin niyo ho ako mam. Lasing po ako at wala sa matinong pag iisip. Nakita ko po ang mukha ng taksil kong asawa sa inyo. Patawarin nyo ho ako. Niloko nya po ako kaya ganun na lang ang galit ko.

Maling mali po ako mam at sa inyo ko un nilabas. Hindi dapat kahit na kaninong babae mangyari ang ginawa ko. Nagsisisi ho ako, nagmamakaawa para sa mga anak ko. Nakikiusap po ako sa inyo. "

How about Kurt? Why did he cheated on me? What would be his reason? I need to know kasi mababaliw ako.

Hindi ko alam ang isasagot. Sukdulan ang galit ko sa taong ito pero naiisip ang magiging kalagayan ng kanyang mga anak sa oras na pati siya ay mawala. Wala na silang nanay mawawalan pa sila ng tatay.

"Palabasin nyu na ho siya officer. Tama na ho." umiyak ako at hinila palabas ng officer ang lalaki habang patuloy pa din sa pag tangis.

Niyakap naman ako ng asawa ko. Hinahaplos ang likuran ko at ulo. Sumiksik ako ng husto sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

Hindi ko alam kung anung pwedeng mangyari sa'ken kung hindi siya dumating ng mga oras na yon.

Hindi ko yun makakalimutan pero paanu ang mga bata. Wala silang kasalanan para mawalan ng magulang. Nagtatalo ang utak ko at puso.

"Hun I will not sue him. Let him out. " Kumalas si Kurt sa pagkakayapos sa' ken at saka ako hinarap.

"No Jade! What are you thinking? Are you out of your mind? Dapat niya pagbayaran ang ginawa sayo! Mabubulok siya sa bilangguan and I'll make sure of that."

Walang makakapigil rito pero hindi para sa taong ito ang desisyon ko kundi para sa mga bata. Buo na ang pasya ko.

"Just do what I say Kurt. Let him out. Hindi naman ikaw ang muntik magahasa kundi ako. It's for his kids not for him. Si God na ang bahalang maningil sa kanya Kurt. "

kumunot ang noo nito. Lumapit sa wall at pinag sasasapak ito hanggang dumugo ang kamao niya.

"Kurt please! Stop it. Lalo mo lang pinahihirap ang sitwasyon. Do you think it's easy for me? I almost want him die Kurt but I can't do that for the innocent kids. Hindi ako matatahimik ng kalooban ko at maiisip lang ang mga bata. "

"That's bullshit. Fuck that criminal." lumabas siya ng room matapos sabihin yun.

I know even its against his will He will do it for me. Muling tumulo ang luha ko ng maalala ang mga pangyayari. Bakit ko ba to dinadanas.

[KurtPOV]

Hindi ako sang ayon sa gusto ni Lia pero sinunod ko pa din ito. Galit na galit ako sa sarili ko. Bakit sobrang buti niya?

Nagagalit ba ako dahil pinakawalan niya ang hayop na yun o nagagalit ako sa sarili ko mismo dahil masahol pa ang ginawa ko sa kanya.

I pretended to be her husband yet hindi ako nag paka asawa sa kanya. Tapos nilayo ko pa siya sa totoong pamilya niya.

Sinadya kong pasakitan siya at nagpahuling nakikipag halikan. Despite on it pinipili pa din niyang manatili sa akin. She's such an angel or even more than that.

Hindi muna agad ako bumalik ng room ni Lia at nagpahangin sa labas ng hospital. I need to absorve everything and think my next step.

Lia needs a therapist. I know na trauma siya sa nangyari but she's brave. She's really different. She is something. Habang palakad lakad nag ring ang phone ko.

Naalala ko ang minsang pagtatagpo namin ni Aki Tanaka ang sumira sa buhay ng kapatid ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status