Share

Kabanata 0027

last update Terakhir Diperbarui: 2024-12-14 18:59:58

Keilani’s POV

Hindi ko akalain na sa gitna ng abalang araw ko sa coffee shop ay magkakaroon ng eksena na ikakahiya ko. Kanina pa puno ang shop; maraming customers ang nagpapalipas ng oras habang ini-enjoy ang mga drinks at pastries namin. Tahimik ang paligid, hanggang sa biglang bumukas nang malakas ang pinto at bumungad ang galit na galit na mama ni Braxton.

Unang tingin ko pa lang sa mukha at tingin niya, alam kong gulo ito. Siya pa naman ‘yung taong parang walang pinag-aralan.

“Keilani! Ano bang ginawa mo kay Beatrice?!”

Malakas ang boses niya, rinig hanggang sa dulo ng shop kaya nahiya talaga agad ako.

Napatingin ang lahat ng customers. Ang ilan, halatang naguguluhan; ang iba naman ay nagbubulungan na. Napansin kong pati ang mga staff ko ay nagkatinginan. Kinailangan kong kumalma kahit ramdam ko ang init ng dugo ko.

Lumapit ako sa kaniya habang pilit ang mga ngiti ko. “Ma, puwede po ba tayong mag-usap sa office?”

Padabog siyang sumama sa akin, tapos tinitignan pa niya ang mga cus
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
skibidough
kawawa nman c braxton🥹
goodnovel comment avatar
Ashley ا
More updates author na broken ako kasi isa lang hehe, pero baka pagod ka kaya okay lang Salamat poo..
goodnovel comment avatar
Ashley ا
Naawa tuloy ako kay Braxton, pero bakit naman kaya ganun sya? Hirap din lalo pag baog..
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 44)

    Ilaria POVPagdating namin sa city, tapik-tapik na ni Toph ang balikat ko, nakatulog pala ako. Nakakahiya, baka nakanganga pa ako.“Sorry, Sir Toph, baka nakanganga at naghihilik pa ako,” sagot ko habang inaayos ko ang sarili ko.“Ayos lang, nakakaantok kasi ang daan kanina sa probinsya, panay ang ulan, mabuti at okay na pagdating dito sa city.”Tumango ako, ngumiti at saka na bumaba sa magara niyang sasakyan.Agad kaming dumiretso sa isang derma clinic. Malamig ang aircon sa loob, makintab ang puting sahig, at puro mga naka-all white na staff ang abala sa loob. Nakakapanibago. Hindi ako sanay sa ganito. Pero si Toph? Para bang siya ang may-ari ng lugar. Kumportable siyang naglakad patungo sa receptionist at nag-English agad.“Hi! We have an appointment for facial, under the name Toph Davis,” aniya sabay ngiti. Sanay na sanay si Topg magpa-cute sa mga tao.Ngumiti rin ang receptionist, “Yes sir, kindly take a seat. Our dermatologist will call you in a minute.”Hindi ko alam kung saan

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 43)

    Keilys POVBoring simula nung umalis kanina si Ilaria. Walang nakabuntot at wala akong makausap. Sina Manang Lumen, hindi ko naman makausap kapag alam kong marami siyang ginagawa kasama ang ibang mga kasambahay. Talagang si Ilaria lang ang nasanay na akong kausap kapag nandito. Sa ilang araw na lumipas na kasama ko siya palagi bilang personal maid ko, nasanay na ako na palagi siyang nasa paligid ko.Pero, ayos lang, gusto kong makaranas naman siya ng kaligayahan habang nagwo-work sa akin. Alam ko rin kasi na mag-e-enjoy siya sa magiging lakad nila ngayon ni Toph ngayon.Habang nasa kuwarto ako, biglang nag-vibrate ang cellphone sa gilid ng unan ko. Nakita ko sa screen ng phone ko ang pangalan ng taong matagal ko nang kinausap para hanapin ang may sala sa pagkaka-hit and run ni Aling Laria.“Hello,” sagot ko agad nang bumangon ako. Tumayo ako at naglakad palapit sa bintana. Nakasanayan ko na kasi, na kapag may tatawag sa akin, sa bintana ako lumalapit at nag-stay.“Sir Keilys,” anang l

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 42)

    Ilaria POVMaaga pa lang ay gising na ako. Maaliwalas na ang panahon, kagabi kasi, biglang umulan at magdamag walang tigil, kaya akala ko ay magtutuloy-tuloy, mabuti na lang at hindi.Maaga akong bumangon para maghanda ng request ni Sir Keilys na healthy breakfast, kasi puro hindi healthy ang kinain namin kagabi, babawi raw siya ngayong umaga.Kagabi kasi, bago kami matulog, hiniling niya na igawan ko raw siya ng masarap at healthy na almusal bago ako isama ni Toph papunta sa city ngayong araw. Pabiro niya lang sinabi ‘yun, pero gusto kong tuparin o sundin para kahit absent ako ngayong gabi, may nagawa pa rin ako para pagsilbihan siya.Habang inaayos ko ang buhok ko papunta sa likod ng tainga, pumasok na ako sa kitchen at agad na inayos ang apron ko. Pinag-isipan kong mabuti ang mga gagawin kong pagkain para sa kaniya. Gusto kong maging perfect ang bawat sangkap ng lahat ng nasa isip ko.Nag-isip ako ng menu—kailangan healthy, colorful, at mukhang comforting.Kaya naisip kong gumawa n

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 41)

    Ilaria POVNasa kalagitnaan kami ni Sir Keilys ng pinapanood naming Korean thriller nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng pambahay kong shorts. Nakatutok pa rin ang mata ko sa eksena kung saan may kumakatok sa pinto ng bida, pero agad ko rin itong sinilip nang hindi masyadong halata.Pagtingin ko sa screen, nakita ko ang notification. Toph Davis sent you a friend request.“Uy, si Toph,” bulong ko na halos magulat pa. Nakita ko rin kasi agad ang display picture niya kaya nakilala ko agad.Napalingon sa akin si Sir Keilys, nakataas ang isang kilay, nakita niya kasi ang malakas na pag-ilaw ng screen ko. “Sino ‘yon at tila gulat na gulat ka?” tanong niya, habang sumubo ng bibimbap gamit ang chopsticks. “Who texted you?”Nahihiya pa akong sabihin sa kaniya ‘yun, kasi baka kung anong isipin niya. “Uhm, si Toph po… in-add ako sa social media.”Napangiti siya at saka umiling. “Nauna pa siya sa’kin, ha.” Bahagyang tumawa si Sir Keilys at umayos ng upo. “Baka may itatano

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 40)

    Ilaria POVNagising ako bandang alas nuebe ng gabi. Mainit pa rin ang pakiramdam ko kahit may aircon sa kuwarto, siguro dahil pa rin sa maanghang na dinner namin, samgyup kasi ang request ni Sir Keilys, sobrang naanghangan ako sa dami ng kimchi na nakain ko, pero masarap ah. Nakakatuwa nga, kung hindi pa ako maging kasambahay, hindi ako makakakain ng mga masasarap na pagkain. Sobrang suwerte namin dahil kung anong pagkain ng amo namin, ‘yun ang pagkain namin mga kasambahay niya.Nanunuyot ang lalamunan ko kaya agad akong bumangon. Gusto ko nang masarap na malamig na malamig na tubig, pero pagkalabas ko ng kuwarto, may narinig akong mahinang hikbi.Napahinto tuloy ako sa paglakad. Sa una, akala ko may multo dito sa villa—dahil sa dami ng mga kuwento-kuwento ni Manang Lumen tungkol sa mga nagpaparamdam dito sa lupang tinayuan nitong Villa. Pero hindi. Hindi iyak ng multo ang naririnig ko. Malinaw sa pandinig ko na hikbi ng isang lalaki ang naririnig ko. Parang pamilyar. Naglakad ako pap

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 39)

    Ilaria POVAFTER ng lunch, matutulog na si Sir Keilys, pero hindi ko siya sasabayan ngayon. Hindi ko kailangang matulog, kailangan ko muna kasing umuwi para kumustahin si Nanay. Si Tatay lang kasi ang kasama nito sa bahay, hindi puwedeng ‘di ko sila sisilipin, lalo na’t habang tumatagal, palabo na nang palabo ang mata ni Tatay, baka kasi mali ang napapainom niyang gamot kay Nanay.“Five hours lang, Ilaria. Basta bumalik ka bago mag-dinner,” 'yun ang bilin ni Sir Keilys kanina bago siya pumasok sa kuwarto niya. Payag naman siya agad nang malaman niyang si Nanay ang pakay ko. Wala na siyang sinabi pa, kundi ang usual niyang pagtango at pag-instruct kay Manong Egay na ihatid ako gamit ang sasakyan.Bitbit ko ang malaking supot ng mga gulay, prutas at pagkain na binigay ni Manang Lumen. Tuwing may sobrang pagkain sa villa, sinisigurado niyang may mai-uuwi ako. Sobrang suwerte ko sa amo at sa mga kasama ko sa villa na ‘to, lahat kasi sila ay mababait.“O, Ilaria, bigay mo ‘yan kay Aling La

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status