LOGINSylaila POV“Girl, saang lugar ka ba talaga galing?” basag ni Doti sa katahimikan.“Bakit mo naman natanong?”Nakatingin siya sa balat ko. Pati na rin sa balat ni Isla na nalalangoy sa mababaw na bahagi ng ilog. Nandito kasi kami ngayon sa dulo ng Calye Karunsil.“Kasi, ang puti mo kahit ilang taon ka nang nandito sa Amontala small town. Hindi manlang umiitim ang balat mo. Kutis artista ka at kutis mayaman talaga,” sagot ni Dotie habang manghang-manghan sa balat ko.“Sabi nga nung mga suki ko sa palengke, hindi raw ako bagay na tindera roon, mukha raw akong mayaman,” natatawa kong pagbibida sa kanila.“Totoo naman, e, mukha kang taga city, hindi tagarito sa probinsya,” sabi pa ni Rasha.“Huwag na huwag ninyong sasabihin ‘yan kapag kasama natin si Nardo, magagalit iyon, baka tanggalan kayo ng trabaho sa farm namin,” sita ko sa kanila habang nag-iihaw kami na kami ng manok.Napangiwi ang mukha ni Mishalyn. “Ewan ko ba diyan kay Nardo. Ang dami rin atang lihim. Bakit ayaw niyang sabihin
Chusan POVPaglapag na paglapag ko rito sa Pilipinas after three years, puntod ni Sylaila ang una kong pinuntahan.I’ve been really busy these past few years because of the TV series, the movie, and various projects I did in Korea.May dala akong bulaklak at kandila. Inaya ko si Sera dito kanina pero ayaw niya, pagod daw siya at may jetlag, kaya pinili na lang mamahinga sa condo namin.“How are you, Sylaila? How are you and Baby Nari doing up in heaven?” tanong ko kay Sylaila kahit alam kong hindi naman siya sasagot.Kung buhay pa siguro silang dalawa, baka nagsasalita at naglalakad na si Baby Nari ngayon. Baka mag-asawa at masayang-masaya kami ni Sylaila. Kahit limang taon na siyang wala, sariwa pa rin sa puso ko ang lahat ng alaala naming dalawa.Even though Sera Park is my girlfriend now, parang mas matimbang pa rin sa puso ko si Sylaila.Hindi ko mapigilang maiyak sa tuwing maaalala ko ang lahat ng masasayang ginawa namin noon ni Sylaila.Tandang-tanda ko pa, nagkakilala kami noon
Sylaila POVSimula pa kahapon ay hindi na kami masyadong nagkikibuan ni Nardo. Nung hindi siya pumayag sa pangalawang pag-aaya ko na pumunta sa Manila ay nagtampo na rin talaga ako ng husto sa kaniya.Pero kahit na hindi ko siya kinikibo, hindi pa rin niya kinakalimutan ang tsaa o kape ko kapag nagwo-work ako rito sa farm. Araw-araw, hindi niya kinakaligtaan ang pagtitimpla ng tsaa at kape sa akin. Iniwan lang niya ang pagkain at maiinom ko sa may lamesa sa gitna ng farm, na kung saan ay merienda-han place koMag-isa ako ngayon dito sa gitna ng farm. Namimitas naman ako ng sili kasi balak kong gumawa ng chili garlic. Ubos na kasi ang mga stock ko sa kubo at ang paninda ko na rin.“Ila!” sigaw bigla ni Aling Doreng, kaya nagulat at napatayo ako.“Aling Doreng, nandito na po pala ulit kayo!” sigaw ko rin habang nakangiti.Si Aling Doreng kasi ay pinaka-kinakainggitan kong taga-rito sa Amontala.Bakit?Pabalik-balik lang naman kasi siya sa Amontala at sa Manila City. May cake shop si Ali
Sylaila POVNasa palengke ako rito sa Calye Lumipak. Dito kasi sa calye na ito ang lugar kung saan maraming nagbebenta ng iba’t ibang pagkain. Nasa puwesto na ako, habang nakabalandara ang mga gulay at prutas na pinitas namin sa farm kahapon.Maya maya pa ay dumating na ang isa sa mga suki ko.“Ila, magkano itong petchay mo?” tanong ni Ate Lala.“Sampung piso na lang ang isang tali para sa iyo, Ate Lala,” sagot ko sa kaniya. “Kakapitas lang niyan at fresh pa,” dugtong ko pa para ma-salestalk ko siya.“Halata naman, kaya nga palagi akong napapabili sa iyo,” sagot niya habang patuloy na namimili ng petchay na gusto niya. “Ito oh, okay na sa akin ang tatlong tali,” sabi pa niya, sabay abot nung tatlong taling petchay. Sinupot ko iyon at saka ko tinanggap ang binayad niyang trenta pesos.Napansin kong napatingin siya kay Isla. “Ila, napaka-cute talaga ni Isla, habang lumalaki. Habang tumatagal din at lalo ata siyang nagiging parang Koreana dahil sa singkit nitong mata,” sabi pa ni Ate Lal
Sylaila POV“Isla, anak, tara na sa loob, kakain na tayo,” tawag ko sa limang taon gulang kong anak na si Isla.“Oh, Isla, tara na, tawag ka na ng nanay mo,” sigaw rin ni Nardo—asawa ko na halos limang taon ko nang kasama rito sa Amontala province.“Nandiyan na po,” masaya namang sigaw ni Isla mula sa maliit niyang kubo. Sinalubong siya ni Nardo.Magkahawak-kamay sina Nardo at Isla habang papunta sa maliit na kusina nitong munting kubo namin. Dinala siya ni Nardo sa running water sa maliit na lababo para ugasan ang kamay nito. Minsan kasi ay naglalaro ng lupa si Isla.“Nanay Ila, adobong kangkong po ba ang ulam, tapos may sahog na tokwa?” tanong agad ni Isla nung lapitan na niya ako rito sa likod ng kubo namin—na kung saan may lamesa na sakto lang para sa aming tatlo. Dito na ang hapagkainan namin tuwing umagahan, tanghalian at hapunan.“Opo, tama ka, anak,” sagot ko sa kaniya habang sinasandok na siya ng kanin sa maliit niyang plato.Simula nung mag-three years old na si Isla, pabori
Iliana POVWala si Kuki, nasa kumpanya, may mahalagang meeting na kailangang harapin, kaya si Mama Davina at kasama ko ngayon dito sa bahay. Nakakatuwa kasi parang mommy bonding ang nangyayari. Bigla siyang dumating dito sa mansion para galain ako. Sakto, wala akong kasama kasi kahit si Ceska na ilang araw nang nandito ay may biglaang lakad, kailangan umuwi dahil may sakit ang anak niya.“Napaka-cute talaga ni Iluki,” masayang wika ni Mama Davina habang bitbit ito. Simula nung dumating siya, bitbit-bitbit na niya ito at hindi na binitawan.Habang siya muna ang nag-aalaga kay Iluki, may kinuwento siya. Noong si Sylas Merritt pa raw ang nobyo niya, baog daw talaga si Mama Davina. Kahit anong gawin nila ay hindi siya mabuntis-buntis. Dahil sa kawalaan ng pag-asa, naramdaman niya raw na parang tinatabangan na ito. Sa ilang taon na pagkakaroon nila ng relasyon ay hindi siya mabuntis-buntis. Nagpakasal sila, oo, pero hindi pa rin iyon sapat dahil anak ang gusto ni Sylas.Hanggang sa dumatin
Keilys POVSumusobra na talaga si Lorcan Trey. Hindi pa makapagsalita si Ilaria hanggang ngayon, pero mabuti na lang at naglakas-loob si Doberlyn na kausapin ako. Sinabi niya sa akin ang lahat-lahat nang nalalaman niya at tungkol sa mga madidilim na gawain ng hayop na iyon. Hindi ko gets kung bakit
Ilaria POVDay off, parang ganoon ang eksena ko ngayon. Day off sa pagiging personal maid at dila napaliktad ang sitwasyon. Naging parang driver ko kasi ngayon si Sir Keilys. Nagpaalam kasi ako kaninang umaga sa kaniya para lumuwas sa Manila. Kailangan ko na kasing mag-enroll dahil malapit na ang p
Ilaria POVMinsan lang kami magkakasama-sama ng mga kaibigan ko sa labas ngayon dahil pare-pareho ay mayroon ng trabaho, pero dahil lahat ay free ngayong araw, ayon, game na agad kaming magkita-kita matapos ang napakasayang fiesta. Oo, ngayon na lang ulit kami nagkita-kita.Pagkatapos ng ilang lingg
Ilaria POVNasa kusina kami ngayon nila Nanay at Manang Lumen. Gumawa kami ng turon at mainit na kape para sa merienda ng mga gumagawa sa bahay namin. Ako ang naghihiwa-hiwalay ng balat ng turon, habang si Nanay Laria naman ang naghihiwa ng mga saging na saba. Si Manang Lumen naman ang tagabalot ng







