Mag-log inSera POVMalamig at payapa naman ang naging tulog ko rito sa nakita kong apartment dahil may aircon. Malibag nung una, oo dahil maalikabok kaya bago ako nag-stay dito ay pinalinis kong mabuti. No choice kasi dahil ito lang ang apartment na nakita kong may aircon. Hindi kasi ako makakatulog ng walang aircon, kaya pinalinis ko na lang.Pagkagising ko, nagpatimpla ako ng kape sa driver ko. Doon siya natulog sa sala.Tuwing umaga, chill lang ako sa kuwarto. Ganito ako palagi. Ang una kong ginawa ay kunin ang cellphone ko.At iyon ang pinakamalaking pagkakamali kong ginawa ngayong umaga. Pagkabukas ko ng social media, agad na bumungad sa akin ang sunod-sunod na video clips. Mga repost. Mga screenshots.Mga edits. At lahat ay iisa ang laman.Si Chusan.Hindi ko alam na nag-live pala siya kagabi. Ang galing lang, ang dami kong message at call sa kaniya pero ni isa ay wala siyang sagot. Iyon pala, umiinom kasama ang mga kaibigan niyang tanga.Nanlamig agad ang mukha ko.“Ano na naman ito, Chu
Chusan POVTahimik na rito sa yate. Tanging tunog lamang ng alon ang maririnig sa paligid habang marahan nitong hinahampas ang gilid ng yate.Nasa gitna pa rin kami ng dagat. Malayo sa city. Malayo sa mga tao. Malayo sa magulong mundo. Sa unang tingin, parang perpekto ang gabing ito. Pero hindi para sa akin. Nakasandal ako sa railings ng yate while holding my wine glass. The air was cold. My vision was also starting to blur a little from drinking so much wine.But it wasn’t enough to knock me out. It wasn’t enough to let me sleep. Napalingon ako sa lounge area. Nakahandusay na roon sina Calder, Stellan, Zyric, at Arthyl.Mga lasing na. May naghihilik pa nga.Napangiti ako. Mga mahihina talagang uminom. Ako na yata ang pinaka-malakas uminom sa amin. Humigop ako ng wine ulit. At doon ko napansin ang bago kong cellphone na nakapatong sa lamesa.I just bought a new one because my old phone, which held so many memories of Sylaila and me, was lost at Amontala.Tinitigan ko ang bago kong na
Sylaila POVTahimik na ang apartment nang gabing iyon. Nakauwi na kasi sina Lusing at Fabian matapos ang masayang hapunan namin.Masaya akong nakitang busog silang umalis.Lalo na si Fabian na halos hindi na makatayo sa dami ng nakain niyang tinola at pancit. Nag-uwi pa nga siya ng pancit para raw may almusal siya bukas. Hinayaan ko na lang at marami din kasing natira. Pati si Lusing ay nag-uwi na rin. Imbis na masira at masayang, mainam na ipauwi ko na lang din talaga sa kanila.Si Isla nasa sala. Nakahiga sa lumang sofa habang nanonood ng cartoon sa maliit naming telebisyon. Yes, binigay sa akin ni Lusing ‘yung lumang TV niya na hindi na nagagamit. Naisip niya kasing walang ibang pinaglilibangan si Isla kundi ang mag-color ng mga books niya. Binabayaran ko nga, kaya lang ay ayaw niya, gift na lang daw niya sa matalino at cute na si Isla. Tuwang-tuwa kasi siya palagi sa anak ko. Kung buntis lang siya, naku baka pinaglilihian na niya si Isla.Tinignan ko si Isla. Paminsan-minsan ay na
Sera POVKanina pa ako naghihintay. At kanina pa rin ako naiinis. Nakakita na ako ng matutuluyan ko rito sa Amontala, kaya bumalik ako rito sa lugar ni Nardo. Nakatayo ako sa harap ng kubo ni Nardo habang nakapamewang at masamang nakatingin sa malayo.Palubog na ang araw. Unti-unti nang nagiging kulay orange ang kalangitan. Oo, maggagabi na, pero ni anino ni Nardo, wala pa rin.Napasipa ako sa pinto ng kubo. Nakakairita. Hindi ko ugaling maghintay ng tao. Lalo na ng ganito katagal.At lalong-lalo na kung ang taong hinihintay ko ay si Nardo lang naman. Lintik siya, sino ba siya? Kanina ko pa rin siya tinatawagan. Paulit-ulit ko nang ginagawa, pero wala, hindi siya sumasagot. Hindi manlang nagre-reply. Ni hindi man lang nagte-text.Parang bigla na lang naglaho.Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Kung nandito lang siya ngayon, baka naibato ko na ito sa ulo niya.Ano ba ang ginagawa ng lalaking iyon? May balita na ba? Nakita na ba niya ang mga pinapahanap ko?May nabalitaan na ba siya
Chusan POVMinsan, kahit gaano ka kasikat, kahit gaano karami ang pera mo, at kahit gaano karaming tao ang nakapaligid sa iyo, may mga bagay pa ring hindi kayang punan ng lahat ng iyon.At iyon ang nararamdaman ko ngayon. Nakatayo ako sa gilid ng yate habang pinagmamasdan ang malawak na karagatan. Maalon ngayon pero dito ay tahimik.Mahina ang hangin na sumasalubong sa mukha ko habang nakasuksok ang isang kamay ko sa bulsa.Sa likuran ko ay naroon ang mga matalik kong kaibigan na sina Calder, Stellan, Zyric, at Arthyl.We all have free time right now, so we decided to take a break from the chaotic world of showbiz. Out here in the middle of the sea, there's no shooting, no interviews, no endorsements. No manager calling every five minutes.Right now, we just want to relax, catch up, and drink wine in the middle of the sea.Nakaupo sa komportableng lounge area habang nakatanaw sa malayong horizon.“Aaminin ko,” sabi ni Calder habang iniikot ang wine glass niya, “na-miss ko ang ganitong
Sylaila POVMula nang makita namin ni Isla si Nardo sa palengke, hindi na talaga nawala sa isip ko ang posibilidad na baka makita niya kami. Kaya naman ilang beses akong sumilip sa bintana ng apartment.Ilang beses kong siniguradong nakasara nang maayos ang pinto. At ilang beses ko ring pinagsabihan si Isla na huwag basta-basta lalabas mag-isa.Ayokong magkamali. Ayokong mabigyan ng pagkakataon si Nardo na malaman kung nasaan kami.Kaya nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at ang mga pamilyar na boses nina Lusing at Fabian, agad akong napalingon.“Nandito na po kami, Ate Ila!”Napangiti ako. “Kumusta ang benta?”Hindi pa man nakakalapit si Lusing ay malaki na agad ang ngiti nito. At nang makita ko ang ekspresyon niya, alam kong may gusto siyang ikuwento.“Ay naku, Ate Ila!”Napakunot agad ang noo ko. “Bakit?”Napahawak siya sa bewang niya. Tapos ay tila proud na proud na ngumiti. “May nailigaw akong salot sa buhay ninyo ni Isla.”Agad akong natigilan dahil sa sinabi niya.“Anong ibig
Ilaria POVSimula kahapon matapos ang parada, pakiramdam ko parang may malaking nagbago sa paligid ko. Kahit hindi ako nakaayos ngayon, walang makeup, simpleng shirt lang at palda, ramdam ko na may mga matang sumusunod-sunod sa akin. Hindi ko alam kung dahil lang sa imahinasyon ko, pero halata masy
Ilaria POVPagdilat pa lang ng mga mata ko, ramdam ko na agad ang bigat ng ulo ko. Para bang pinupukpok ng martilyo ang sentido ko sa sobrang sakit. Ngayon ko na lang ulit ito naramdaman. Napasinghap ako at napapikit muli, umaasang baka kapag ipinikit ko pa ng kaunti ang mata ko ay mawala ang sakit
Ilaria POVHabang patuloy kaming nagtatawanan at nagkukuwentuhan sa loob ng coffee shop, hindi ko napansin agad na may papalapit pala sa lamesa namin. Nakatuon kasi ako kina Golda at Jopay na nagtutuksuhan kung sino raw sa amin ang unang magkaka-boyfriend sa mga amo namin. Naputol lang ang halakhak
Keilys POVGutom ako, kaunti lang kasi ang kinain ko kaninang umaga, kaya pinatulan ko ang pag-aaya ni Ilaria sa secret place kunong sinasabi niya. Paborito raw niya iyon noon pa, mula nang nagsimula siyang mag-aral sa college. Ang totoo nga, ako dapat ang mag-aaya, libre ko, kaya lang ay nakipag-u







