LOGINIlaria POVHindi na napagbigyan ang pagiging mainit ni Keilys dahil may nangyaring hindi inaasahan. Hindi namin inaakalang lalala nang ganito ang kalagayan nina Manang Lumen at Tatay Iggy.Nung tanghali, maayos pa silang dalawa, nilalagyan ko lang ng bimpo sa noo, pinapainom ng paracetamol, at iniisip ko, baka simpleng trangkaso lang talaga. Pero ngayong gabi, habang pinupunasan ko ulit si Tatay, ramdam ko na iba na ‘to. Mainit pa rin ang katawan niya, pero nanginginig na siya kahit nakabalot na sa kumot. Si Manang Lumen naman, halos hindi na makabangon. Maputla, nanginginig at parang hirap huminga.“Tatay,” nauutal kong tawag. “Bakit parang lumalala ang lagay ninyo ni Manang Lumen?”Hindi ko na napigilang kabahan. Tumakbo ako palabas ng kuwarto at tinawag si Keilys, na agad ding bumaba mula sa itaas, mukhang nauntol ko pa ang dapat ay pagtulog niya.“Keilys! Hindi maganda lagay nila!” halos pasigaw kong sabi sa kaniya. “Sabay na silang nanghihina, na para bang hindi na ordinaryong la
Ilaria POVToday ay pahinga day. Landian day na rin with Keilys. Bakit? Wala kasi akong pasok. So, maghapon lang akong tatambay sa villa ni Keilys. Bagay na hinihintay ko dahil dalawang araw na akong palakad-lakad sa magkaibang ospital dahil sa clinical hours.Pagdating ko sa sala, napansin kong nakabukas ang ilaw sa guest room. Sumilip ako, at doon ko nakita si Manang Lumen na nakahiga, balot na balot sa kumot. Pawis na pawis siya pero nanginginig. Agad ko tuloy siyang nilapitan.“Manang, okay lang po ba kayo?” tanong ko habang pinapakiramdaman ang temperature niya gamit ang likod ng palad ko. Naramdaman kong mainit siya. Sobrang init.“Ilaria…” mahina niyang banggit sa pangalan ko. “Ang sama ng pakiramdam ko. Nilalagnat ako. Si Iggy rin ata, kanina pa sumasakit ang katawan namin. Sa tingin ko, dahil ito sa pagbibilad namin kahapon sa garden, tapos biglang ligo sa ulan. Tinapos kasi namin ang pagtatanim at pagpapaganda ng gardem kahapon.”Nataranta tuloy ako. Tumakbo na rin ako papun
Ilaria POVBandang tanghali, nagdala ng lunch si Rica—obvious na hindi ordinaryong hospital food. May mga pagkain galing sa restaurant, at may pa-dessert pa. Habang kumakain sila, inalok pa niya ako.“Nurse Ilaria, kumain ka muna. Hindi ko alam kung anong schedule mo pero baka wala ka pang lunch.”Medyo nahiya pa ako. “Ay, naku, Ma’am, bawal po kaming tumanggap—”Ngunit pinutol niya agad ang sasabihin ko. “Ay hindi, huwag ka mag-alala. Kaunting spaghetti lang ‘to. Pareho pa naman tayo, mahaba ang duty,” sabi niya, sabay ngiti. Talagang malaki ang kaibahan niya sa pinsan niyang si Lorcan.Hindi ko na tuloy tinanggihan. Umupo ako saglit at sabay kaming kumain. Feeling close nga ako, pero maganda na rin ito para hindi boring ang maghapon ko dito sa ospital.Habang kumakain, napansin kong tahimik lang si Rica. Parang may iniisip siya.“Okay lang po ba kayo, Ma’am Rica?” tanong ko.Ngumiti siya, pero halatang may malalim siyang iniisip. “Okay naman. Medyo nalulungkot lang ako dahil mag-isa
Ilaria POVNgayon pangalawang araw ko para sa clinical hours, sa Pediatrics Department ng Saint Evalia Medical Center naman ako napunta. Ibang-iba ang pakiramdam ko kumpara sa mga nakaraang rotation. Kung sa Medical-Surgical, puro sugat, IV lines, at post-op pain management ang kaharap ko, dito naman—mga bata ang puro makikita. Masaya, maingay, pero puno rin talaga ng emosyon.Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa ward, tanaw ko agad ang mga pader na makukulay, may mga poster ng cartoon characters, rainbow murals, at mga papel na may drawing ng mga batang pasyente. May mga laruan din sa gilid, at amoy baby powder ang paligid. Nakakaaliw at nakaka-relax.“Good morning po, Ma’am.” Nginitian ko ang Clinical Instructor naming si Ma’am Felina, isa sa mga kilalang pedia nurse sa ospital.“Good morning, Ilaria,” sagot niya habang nagche-check ng chart. “Ikaw ang na-assign sa Private Room 203. Ang pasyente mo ay si Ica Villanueva, five years old. May mild pneumonia. Ang mother niya ay n
Ilaria POVHabang inaayos namin ang mga gamit—sterile gloves, forceps, cotton balls, betadine—ramdam ko ‘yung tensiyon sa paligid. Dapat maingat, dapat eksakto ang galaw. Pero hindi ako kinakabahan. Steady lang ako. Sanay na ako sa amoy ng antiseptic at sa tunog ng gunting na nagpuputol ng tape.Habang hawak ko ang forceps, inabot sa akin ni Nurse Reina ang gauze. “Okay, proceed with sterile technique,” sabi niya.Sinimulan kong linisin ang sugat sa tamang paraan, mula sa gitna palabas, circular motion, gamit ang sterile cotton balls. Maingat akong gumalaw, walang talsik, walang kalat. Kita ko sa peripheral vision ko na nakamasid si Ma’am Loura mula sa malayo, kaya dapat magpakitang gilas ako lalo.Pagkatapos kong maayos ang dressing, tumango si Nurse Reina. “Good job. Perfect aseptic technique.”Ngumiti ako, ‘yung hindi ngiti na mayabang, dapat pa-humble lang ng very light. “Thank you po.”“Magaling ka, Ilaria,” sabat ni Ma’am Loura nang lapitan kami. “Hindi ko akalaing kaya mo nang
Ilaria POVAlas-singko pa lang ng umaga, gising na gising na ako. Ang araw na ‘to kasi ang simula ng clinical rotation namin sa Saint Evania Medical Center, isang malaking ospital sa isang bayan na kilalang disiplahin sa training ang mga student na nurse.Graduating na talaga ako kaya may mga ganito nang kailangan gawin.Nakakatuwa, kasi ito ‘yung isa sa mga pinakahuling clinical hours na kailangan kong tapusin bago ako makapasa sa board review.Habang inaayos ko ‘yung buhok ko sa harap ng salamin, hindi ko maiwasang mapangiti.“Medical-Surgical,” bulong ko sa sarili ko. “Kaya mo ‘yan, Ilaria.”Nakaayos na ang uniform kong puting-puti, plantsado na rin, at talaga namang maayos na maayos na. Si Manang Lumen kasi ang nagplansya nito kagabi dahil late na ako nakauwi. Si Keilys kasi, inaya akong mag-lugaw sa isang bayan. Eh, nadaan pa kami sa isang park, tumambay saglit at saka na rin kumain ng balot at penoy. Ayon, mabuti na lang at alam ni Manang Lumen na kailangan maplanysa ang uniform







