MasukSylaila POVHindi ko akalain na babalik pa ako rito. Sa farm na kung saan limang taon akong nabuhay sa kasinungalingan. Pero, okay na, naka-move on na ako kasi bumawi naman na si Nardo at naitama na ang dapat itama. Ayun nga at ang mission niya ngayon, bantayan at pahirapan si Sera habang nabubuhay pa ito. Kaya habang busy kami ni Chusan, si Nardo na muna ang bahala sa kaniya.Kagabi, pagka-propose ni Chusan sa akin, naghanap agad kami nang matutuluyan bago pa maggabi. Nakahanap naman agad kami kasi kabisado ko pa rin ang lugar na ito. Aba, limang taon akong nanirahan dito kaya talagang kabisado ko pa rin. Sa tinagal na nawala ako rito ay wala rin namang pinagbago. Gaya nga nang sinabi ko noon, mabagal o matagal ang pag-asenso ng lugar na ito. Kaya nung marinig ko kahapon ang mga plano ni Chusan, okay, support ako doon kasi gusto ko ring maranasan ng mga tagarito ang masarap na buhay. O kahit pa paano, maranasan manlang nilang maging updated gaya nang nangyayari sa ibang bayan o sa ci
Sylaila POVNakasakay kami ni Chusan sa isang private airplane. Sabi niya, gumayak lang daw ako dahil may mahalaga kaming pupuntahan. Tinatanong ko siya kung saan, pero ngiti lang ang sinasagot niya kaya nahihiwagaan tuloy ako.“Trust me, Ila,” iyon lang ang clue niya, ganoon lang.Kaya wala na rin akong nagawa kundi sumandal sa passenger seat at pagmasdan ang magagandang tanawin sa labas ng bintana.Habang tumatagal ang biyahe, unti-unting nagiging pamilyar sa akin ang mga lugar na nadaraanan namin. Hanggang sa tuluyan na akong natigilan.Napailing ako nung tapunan ko na nang tingin si Chusan.“Sandali,” sabi ko kaya agad na ring napatingin sa akin si Chusan.“Why?” nakangisi niyang tanong.Napatingin ako ulit sa labas bago nagsalita.“Parang papunta ata ito sa Amontala?”Hindi na siya naglihim pa. Doon na siya napangiti ng husto.“Yes, oo, doon nga tayo patungo ngayon,” pag-aamin niya.Gusto kong mainis, pero gusto ko ring malaman kung bakit niya ako gustong dalhin ulit doon.Pakira
Sera POVAkala ko, impyerno na ang labas ko kapag nagising na ako, pero nung unti-unti akong nagkamalay, parang wala pa naman kasi puting kisame ang bumunga sa akin.Pero ang bigat ng pakiramdam ko. Iyon agad ang una kong naramdaman. Pakiramdam ko ay may napakabigat na bato na nakapatong sa buong katawan ko. Kahit ang simpleng pagdilat ng mga mata ko ay parang isang napakahirap na gawain sa akin.Papikit-pikit pa ako nang ilang beses kasi nanlalabo pa ang paningin ko. Nung unti-unti kong naaninag ang paligid, tama nga ako. Kisameng puti ang nakikita ko. Doon palang, alam kong nasa ospital ako. Ibig sabihin, nakaligtas pa rin ako?Pero, ano ito, bakit parang napakaluma na ng lugar na ito? May bakbak na kasi ang mga pintura ng kisame at wall. May umiikot na electric fan sa itaas na maingay pa ang tunog.Napansin ko, hindi iyon ang kisame ng isang mamahaling ospital na madalas kong pagpuntahan. Hindi rin iyon ang klase ng kuwartong nakasanayan kong makita, lalo na kapag na-o-ospital ako.
Sera POVDahan-dahan, idinilat ko ang mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko. Parang may kung anong bumubulong sa tenga ko habang unti-unti akong nagkakamalay. Nagtaka pa ako dahil parang nasa loob ako ng sasakyan. Nung unti-unti kong mapagtantong totoo nga, nakasakay ako sa loob ng sasakyan kaya tuluyan na akong nagising.“What the fuck?!”Napakapit ako agad sa gilid ng upuan habang pilit na inaalala ang huling nangyari. Ang naaalala ko lang ay nasa bahay ako, stress kasi panay ang panggugulo sa akin ng mga fans ni Chusan at Ila. Tapos, sumabay pa ang mga reporter at mga tauhan ng pamilya Merritt na panay ang pananakot sa akin. May mga araw na may nambabato na ng salamin sa bintana. Maging ang mga kasambahay ko ay iniwan na akong mag-isa, kaya araw-araw, gutom ang dinanas ko dahil hindi naman ako sanay magluto. Simula nang lumabas ang bobong si Nardo, nagsimula na ring mag-umpisa ang impyerno sa buhay ko.Nung tignan ko ang driver ng sinasakyan ko ngayon ay lalong nanlaki ang mga mata ko.
Sylaila POVIsang linggo na ang lumipas, pero pakiramdam ko ay kahapon lang nang tuluyan naming marinig ang buong katotohanan mula kay Nardo.Isang linggo, oo, pitong araw na agad ang lumipas, pero hanggang ngayon, sariwa pa rin ang bawat salitang binitiwan niya. Hindi ko akalaing ganoon pala kalalim ang kasamaan ng taong minsan kong itinuring na matạlik kong kaibigan.Napapapikit pa rin ako sa inis kapag naiisip ko ang lahat nang ginawa niya sa akin. Unti-unti na namang bumalik sa isip ko ang araw na nasa malaking sala kami ng mansion. Kumpleto ang pamilya ko, naroon sina Mama Keilani, Papa Sylas, Kuya Keilys, Ate Ilaria, Chusan, Toriana, at maging ang Helltrace. Nakaupo naman sa gitna si Nardo, nanginginig ang buong katawan habang umiiyak.Hindi ko malilimutan ang unang sinabi niya.“Ako na ang magsasabi ng lahat... dahil hindi ko na kayang dalhin ang konsensiya.”Tahimik ang lahat noon. Nag-aabang sa kung ano bang isisiwalat niya.Doon na niya ikinuwento ang lahat. Ayon kay Nardo,
Chusan POVTumawag si Calder sa akin. Sinabi niya sa akin na may nagte-trending na live ngayon sa Starbook ng isang mukhang sinaunang tao, panuorin ko raw agad kasi magugulat ako.Pagbaba ko ng linya, agad ko iyong hinanap at hindi naman ako nahirapan dahil pagkabukas na pagbukas ko ng Starbook account ko ay live nung isang sikat na vlogger ang nakita ko.Libo-libong tao ang nanonood. Paglabas ng video, isang lalaking halos hindi ko na makilala ang nakita ko. Mahaba ang buhok. Makapal ang balbas. Halos kulay kayumanggi na ang balat. Suot nito ang kupas na polo at lumang pantalon. Kung hindi lang ako nakatingin nang mabuti, hindi ko talaga siya makikilala. Pero ilang segundo lang ay nanlaki ang mga mata ko.“Nardo?”Hindi ako puwedeng magkamali. Siya iyon. Ang lalaking matagal na naming hinahanap. Ang lalaking makakasagot sa lahat ng tanong namin.Pinakinggan ko ang sinasabi nito. “Tulungan niyo po ako. Gusto kong makausap ang pamilya Merritt.”Huminto siya sandali. Kitang-kita ko ang
Ilaria POVNasa kusina naman ako, abala sa pagpre-prepare ng iba’t ibang klase ng pulutan—inihaw na liempo, crispy tokwa, lumpiang shanghai at nachos na may giniling. Galing ang request, siyempre, kay Sir Keilys. Grabe nga e, itong mga pagkaing ito, sobrang dalang ko lang matikman sa amin, siguro k
Ilaria POVYehey, tapos na ang trabaho ko.Maaga pa lang pero wala nang magiging utos sa akin si Sir Keilys. Tulog na rin siya at nasa bedroom na. Nakaayos na rin ang mga gamit, malinis na ang kusina, sala at pati ang mga bisita ay wala na rin sa paligid. Tahimik na tahimik na.Habang hinihimas ko
Ilaria POVHINDI pa rin ako makapaniwala sa mga guardian angel ko na dumating.Hawak-hawak ko pa ang plastic folder ng mga medical records ni Nanay habang kasama ko sina Keilys, Jake, Ryle, at Toph papasok ng ospital. Parang ang bigat pa rin ng dibdib ko sa lahat ng nangyari. Pero ngayon, may kasam
Ilaria POVMangiyak-ngiyak ako. Sa wakas, safe na si Nanay. Tapos na ang operasyon. Maayos ang naging procedure ayon sa doctor. At ngayon, tulog na siya sa kama ng public room kung saan kami pansamantalang inilagay. Kita ko sa mukha niya na hirap pa rin siyang gumalaw, pero sa wakas… wala na ‘yung







