LOGINSumumpang hindi na muling magmamahal si Erzel matapos siyang iwan ni Alfred Caballero—ang lalaking nangakong pakakasalan siya. Imbes na magmukmok, ibinuhos na lang niya ang oras sa trabaho. Sa umaga, kilala siya bilang albularyo. Pagsapit ng gabi, tumatanggap siya ng mga pribadong appointment mula sa mayayamang kliyenteng handang magbayad ng malaking halaga kapalit ng serbisyo niya. Hanggang sa isang gabi, na-set up siya at pinahiya ng asawa ng isa sa kanyang mayayamang kliyente. Akala niya, iyon na ang katapusan ng lahat. Pero dumating si Juan Miguel Cervantez—isang makapangyarihan at bilyonaryong negosyante na nagligtas sa kanya sa kahihiyan. Ngunit hindi basta pagtulong ang sadya ni Juan Miguel. Naniniwala itong isinumpa siya matapos mabigo ang lahat ng doktor na gamutin ang sakit niya. Desperado siyang magbayad ng malaking halaga para lang gumaling sa pag-asang babalikan pa siya ng ex-fiancée niyang si Zunshine Agustin. Desidido si Erzel na lokohin ang desperadong lalaki habang itinatago ang sikreto sa likod ng kanyang pagiging albularyo. Ngunit habang tumatagal ang pagsasama nila, mas lalo naman silang napapalapit sa isa't isa. Kasabay nito ang muling paglitaw nina Zunshine Agustin at Alfred Caballero—ang dalawang taong unang sumira sa kanilang mga puso. Kung ang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para paglapitin ang dalawang pusong parehong iniwan, sapat na kaya iyon para matutunan nilang magmahal muli? Lalangitngit na ang langit... sasama ka ba?
View More"Iri-iri, buri-buri bam! Mata ng hangin, mata ng buwan... ipakita sa akin ang mukha ng mangkukulam!"
Mariing nakapikit si Erzel habang dahan-dahang iniikot ang kahoy na sandok sa malaking tansong kawaling puno ng iba't ibang dahon. Unti-unting kumapal ang usok sa loob ng consultation room, dahilan para lalo pang kabahan ang eleganteng babaeng nakatayo sa harapan niya.
Muli siyang huminga nang malalim.
"Iri-iri, buri-buri bam! Mata ng hangin, mata ng buwan... ipakita sa akin ang mukha ng mangkukulam!"
Mas mabilis na bulong niya. Bahagya siyang yumuko at sinadyang panginginigin ang katawan, na para bang may espiritung unti-unting sumasapi sa kanya.
"M-Miss..." halos pabulong na sabi ng babae. "S-sino ang nakikita mo? Sabihin mo na sa akin."
Hindi agad sumagot si Erzel. Sa halip, mas binilisan pa niya ang paghahalo sa kawali. Unti-unti niyang binuka ang labi.
"B-bay..."
Napahawak sa dibdib ang babae.
"B-Bayani?" gulat nitong sabi. "Si Bayani? Ang asawa ko?"
Biglang napadilat si Erzel at napatingin sa maliit na mesa sa gilid.
"Mrs. Evangelista..." sabay turo niya sa maliit na basket. "Yung bayad po."
Napakurap ang babae. "B-bayad? Hindi Bayani?"
"Opo, yung consultation f*e po." Napangiti si Erzel. "Hindi n'yo pa po kasi nailalagay."
"Oh, I'm sorry. Nakalimutan ko." Agad nitong binuksan ang mamahaling handbag at kumuha ng sampung libong piso bago marahang inilapag sa mesa.
"Salamat po." Mabilis na itinabi ni Erzel ang pera bago muling umayos ng upo.
"Eto na..." bulong niya habang nakapikit ang mga mata at dahan-dahang iniikot ang ulo kasabay ng paghahalo sa kawali.
Lumipas ang ilang segundo bago siya napailing.
"Naku..."
"Bakit?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Evangelista.
"Kayo naman kasi, Mrs. Evangelista." Nakanguso siyang tumingin dito. "Naputol tuloy ang koneksyon. Hindi ko na nasilip kung sino."
Napahawak sa noo ang babae.
"Oh, no... I'm so sorry."
Napabuntong-hininga si Erzel bago marahang ngumiti. "Hayaan n'yo po. Susubukan ko ulit sa susunod."
"Salamat ha, at sana... manatiling confidential ang pagpunta ko rito at kung ano man ang pinag-usapan nating dalawa."
Basag ang boses ni Mrs. Evangelista habang pinupunasan ang mga luhang tuloy-tuloy na pumapatak.
"H-hindi ko na kasi talaga alam ang nangyayari sa akin. Malakas talaga ang kutob ko na kinukulam ako."
Napakunot-noo si Erzel.
"P-paano n'yo po ba nasabing kinukulam kayo?"
"Ang totoo niyan, Miss Erzel, unti-unti nang nalalagas ang buhok ko." Napahawak ito sa suot nitong wig. "Kaya nga napilitan na akong magsuot nito. Halos araw-araw akong nakakakita ng mga hibla ng buhok sa unan at sa banyo."
Napatango-tango si Erzel.
"May ginamit po ba kayong bagong shampoo? Hair treatment? O baka naman may allergy lang kayo sa isang product?"
Saglit na natigilan si Mrs. Evangelista bago dahan-dahang binuksan ang mamahalin niyang handbag.
"Nagsimula lang naman 'to nang gamitin ko 'tong ibinigay ng asawa ko." Inilabas nito ang isang maliit na bote at inabot kay Erzel. "Sabi niya, gamitin ko raw ito para mas gumanda ang pagsasama naming mag-asawa. Parang excited na excited pa nga siyang ibigay sa akin 'to. Pero sa halip na gumanda ang pagsasama namin, mas lalo siyang nanlamig. Lagi na siyang late umuwi... Para bang iniiwasan na niya akong makita."
Saglit na pinagmasdan ni Erzel ang bote, saka muling tumingin sa ginang.
"Mrs. Evangelista..." Bahagya siyang napayuko. "Kaya naman pala nalalagas ang buhok n'yo."
Napakurap ang babae. "What do you mean?"
"Pubic hair removal cream po ito..."
Saglit silang natahimik bago sabay na humagalpak ng tawa.
"Kaya pala excited na excited siyang ibigay sa akin!" namumulang sabi ng ginang habang marahang hinahampas sa balikat si Erzel. "May balak pala siyang kainin ako ulit!"
Nang mahimasmasan, unti-unting sumeryoso ang mukha ni Mrs. Evangelista.
"Buong akala ko, pinapakulam na ako ng asawa ko at may ginagawa siyang kalokohan. Maling akala ko lang pala."
Sandaling natahimik si Erzel. Hindi niya alam kung bakit, pero niyakap niya ang ginang at marahang tinapik ang likod nito.
"Ngayon pong malinaw na hindi naman talaga kayo kinukulam, hangad ko po ang kaligayahan ninyong mag-asawa. Sana po, subukan n'yong mag-usap nang maayos. Minsan kasi, hindi kulam ang sumisira sa isang relasyon—kundi ang kawalan ng tiwala at komunikasyon."
Tahimik na tumango si Mrs. Evangelista. "Thank you, Erzel. Hindi ako nagkamaling lumapit sa 'yo."
Ngumiti lang siya. "My pleasure! Ingat po kayo sa pag-uwi."
Paglabas ni Mrs. Evangelista sa consultation room, walang ganang umupo si Erzel sa upuan niya habang pinagmamasdan ang buong silid. Kahit mga gamit sa panggagamot ang laman nito, malinaw pa rin sa isip niya ang orihinal na itsura ng lugar—ang silid na dating may kama at puno ng mga larawan nila ng lalaking pinangarap niyang makasama habang buhay.
Pero hindi na ito bumalik.
Kusang tumulo ang luha niya, na agad din naman niyang pinahid. Huminga siya nang malalim bago pilit na ngumiti.
“Next!”
Biglang bumukas ang píntó ng consultation room, napatayo pa siya sa gulat sa lakas ng kalabog ng píntó. Unti-unting humakbang papalapit ang lalaking hindi niya maaninag kung sino dahil sa kapal ng usok.
“Excuse me, s-sino ka?” nauutal na tanong niya habang marahang umaatras palayo.
Hindi man lang nagsalita ang bagong dating. Marahan nitong inilapag ang isang itim na briefcase sa mesa.
Saglit itong yumuko at binuksan iyon. "One billion pesos. Pagalingin mo lang ako."
“I-isang... bilyon?” halos pabulong niyang sabi. Lumapit siya sa briefcase at hinawakan ang makakapal na bundle ng tig-iisang libong piso. Inamoy-amoy pa niya ang mga ito bago kumuha ng isang libong piso at itinaas, para bang tinitiyak kung peke ba o totoong pera ang hawak niya.
Tumango lang ang binata at tipid na ngumiti. “Down payment lang 'yan.”
Kusang umawang ang labi ni Erzel habang nakatingin sa binata. Hindi niya alam kung matatawa ba siya, sisigaw, o yayakapin ang lalaking nasa harapan niya.
“Kapag napagaling mo 'ko, doble pa ang matatanggap mo.”
Saglit na natahimik si Erzel. Pinagtitripan ba 'ko ng lalaking 'to? Obviously, mayaman siya at mukha namang disente, pero… bakit sa isang albularyo siya pupunta? Hindi kaya may krung-krung ang isang 'to?
“Deal?” sabay lahad ng kamay ng binata.
Aabutin na sana ni Erzel ang kamay nito para makipagkamay nang biglang bumukas ang p***o. Hinihingal na humawak sa braso niya ang assistant niyang si Jane.
“Miss Erzel! Sibat na!”
Napasinghap si Erzel habang nakasalampak sa banyo. Nilakasan pa niya ang shower para hindi marinig ni Juan Miguel ang paghagulgol niya.Muling bumalik sa isip niya ang katawan ni Mrs. Evangelista na nakasabit sa puno. Mariin siyang napapikit habang umiiling na tila ba inaalis sa isip ang itsura ng ginang.“I’m sorry… sorry… hindi ko po alam… Hindi ko alam na kabit ka lang ng gagóng ’yon… kung alam ko lang… matagal na sana kitang pinalayo sa kanya… hindi ka— hindi ka sana namatay…”Mariin niyang tinakpan ang bibig, pilit na pinipigilan ang paghikbi. “I’m sorry… Mrs. Evangelista.”Paulit-ulit niyang kinakabog ang dibdib hanggang sa mapatingin siya sa mga paa at braso niyang puro sugat.Kung hindi dumating si Juan Miguel… baka kung ano na rin ang nangyari sa kanya.Kusang umangat ang ulo niya nang bahagyang umingit ang píntô. “Sweetheart… hindi ka pa ba tapos? Tara, kain na tayo!”Pilit siyang ngumiti. “Sige, sandali lang.”Paglabas niya, nakahanda na ang pagkain. Napako ang tingin niya
“Pakawalan n’yo ’ko rito! Ano ba?!”Nagpupumiglas si Erzel, pilit na hinihila ang mga kamay niyang nakatali sa dalawang magkabilang poste. Pero kahit anong hila niya, hindi siya makawala.“Darling, calm down. Mage-enjoy ka sa gagawin natin. Promise, ipapatikim ko sa ’yo ang sarap na ngayon mo pa lang mararanasan.”Dinuraan niya ito sa mukha. “Nakakadiri ka! Pútángína mo! Nirespeto kita at itinuring na parang tunay kong ama, tapos ito lang ang igaganti mo?!”“Binayaran ko ang serbisyo mo. Sobra pa nga, ’di ba?! At lahat ng sobra, babawiin ko sa paraang gusto ko. After that… quits na tayo.”“Pútángína mo! Kaya kong ibalik sa ’yo lahat ng ibinayad mo, triple pa! Pakawalan mo lang ako!”Parang sinasakal ang dibdib niya. Kasalanan niya ’to, eh. Kung sinunod lang sana niya si Juan Miguel at ang Daddy niya na huwag na munang lumabas ng bahay, edi sana… hindi mangyayari ang lahat ng ’to.Bigla siyang napaliyad nang hatakin nito ang buhok niya.“Hindi ko kailangan ng pera mo! Bóbó ka ba talaga
Walang ganang napaupo si Erzel sa sofa. Ilang araw na silang nakabalik sa Manila. Pero hanggang ngayon, pinipigilan pa rin siyang lumabas ni Juan Miguel. Sobrang bored na siya sa condo, pero natatakot naman siyang may mangyaring hindi maganda kung susuwayin niya ito.“Bakit may mga pulis?” kunot-noong tanong niya, pero bago pa makasagot si Juan Miguel, may narinig ulit silang putok ng baril. Mabuti na lang at mabilis siyang nahila nito papasok sa loob ng hotel.“A-ano bang nangyayari?” Nanginginig ang katawan niya sa sobrang takot.Hindi ito sumagot agad. Niyakap lang siya nito nang mahigpit habang marahang tinatapik ang likod niya. “Hindi ko pa alam sa ngayon.”Hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung ano talaga ang nangyayari o kung sino talaga ang may balak na saktan sila. Kahit ang Daddy niya, sinabihan siyang mag-ingat at huwag na munang lumabas. Pero hindi siya sanay na walang ginagawa. Paano na lang ang mga clients niyang naghihintay sa kanya?Napabuntong-hininga na lang si
Bakas ang inis sa mukha ni Erzel nang bigla na lang itong tumayo. Pero bago pa siya makahakbang, hinawakan ni Juan Miguel ang kamay niya.“Stay here, I’ll handle it.”Tumango naman si Erzel at naupo sa kama.“Sigurado ka ba?” nag-aalangang tanong nito.Ngumiti lang siya at bahagyang ginulo ang buhok nito. “Don't worry.” Mabilis niyang dinukot ang baril at dahan-dahang naglakad papalapit sa píntó.“Who’s there?!” mariing tanong niya.Walang sumagot. Pagbukas niya ng píntó, walang tao. Naglakad-lakad pa siya sa pasilyo, pero wala siyang nakita.Pumasok siya ulit sa loob ng silid.“Sweetheart, lock the door. Lalabas lang ako sandali.”“Wait, iiwan mo ’ko dito? Sasama na lang ’ko—”“Dito ka na lang, okay? Babalik din ako agad.”She smiled. “Mag-ingat ka, ha? Hihintayin kita.”“Uy… concern ang asawa ko!” Mapang-asar na biro niya.Napanguso ito at hinagisan siya ng unan.“Umalis ka na nga!”Bahagya siyang natawa at hinalikán ito sa noo.Paglabas niya, sinalubong agad siya ng mga tauhan niya












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore