LOGINOne night, One secret and One unexpected beginning. Isang gabi lang ang akala ni Syrnn isang pagkakamaling hindi na mauulit. Isang lalaking dumaan sa buhay niya na hindi man lang niya nakilala. Pero may naiwan isang batang magiging buong mundo niya. Sa loob ng limang taon, pinili niyang itago ang lahat. Lumaki ang anak niya na walang alam sa tunay niyang ama… at walang kaalam-alam ang lalaking minsang nakasama niya. Hanggang sa muli silang nagkita hindi bilang lovers. Kundi bilang dalawang estrangherong pinaglapit ng isang inosenteng bata. Fate has a strange way of bringing hearts back together. Sa bawat pagkikita, sa bawat ngiti ng bata, unti-unting nabubuo ang koneksyon na hindi nila maipaliwanag. Hanggang sa ang dating isang gabi lang naging dahilan para mahalin nila ang isa’t isa. Pero paano kung ang pag-ibig na iyon ay may lihim na kayang sumira sa lahat? Because some truths… change everything.
View More“P-Please… stop na… ayoko na…” nanginginig ang boses ni Syrnn habang yakap-yakap niya ang batang umiiyak sa gilid ng malamig na sahig.
“Mommy…” hikbi ng bata, nangingitim ang mata sa kakaiyak. “Daddy… don’t leave me again, please… I’ll be good… I promise…” Tumigil sandali ang mundo pero hindi ang puso ni Syrnn na unti-unting nadudurog. Nakatayo sa harap nila si Rynz, malamig ang mga mata, tila walang kahit anong emosyon. Sa tabi niya, nakapulupot ang braso ni Xyrx sa kanya, nakangisi na parang nananalo sa isang larong siya mismo ang gumawa. “Ang ingay niyo,” malamig na sambit ni Rynz, saka tumingin pababa sa bata na parang hindi niya ito kilala. “Can someone shut that kid up?” Napahigpit ang yakap ni Syrnn sa anak. “Huwag… please, huwag niyo siyang saktan… bata pa siya” Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya. Napahiga si Syrnn sa sahig, habang lalong lumakas ang iyak ng bata. “MOMMY!” sigaw nito, gumapang papunta sa kanya. “Don’t hurt my mommy!” “Ang drama niyo, nakakairita,” sabat ni Xyrx, sabay hila sa bata palayo kay Syrnn. “Ang kulit mo, ha?” “NO! Mommy!” nagpupumiglas ang bata, nanginginig ang maliit niyang katawan. “S-stop! Please, Xyrx… bitawan mo siya!” umiiyak na pakiusap ni Syrnn habang pilit bumabangon. Pero mas lalong hinigpitan ni Xyrx ang hawak sa braso ng bata. “Ang tigas ng ulo. Kanino ba nagmana ‘to? Hindi naman kay Rynz, obviously,” mataray niyang sabi, sabay tulak sa bata pabalik sa sahig. Umalingawngaw ang iyak nito sa buong silid. “Mommy… mommy…” paulit-ulit nitong tawag, parang iyon na lang ang tanging kaya niyang gawin. Lumapit si Rynz, dala ang isang folder. Marahang ibinagsak iyon sa harap ni Syrnn. “Sign it.” Nanginginig ang kamay ni Syrnn habang tinitigan ang papel Divorce Papers. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. “Rynz… please… don’t do this… hindi natin kailangang” “Stop,” putol niya, walang emosyon. “Pagod na ako, Syrnn. I’m done.” Napailing siya, luhaang nakatingin sa lalaking minsan niyang minahal. “Hindi ka ganito… you’re not like this… please, remember us… remember your son…” Napatingin si Rynz sa bata isang segundo lang. Isang segundo na puno ng katahimikan pero kasunod noon ay malamig na tawa. “I really regret na pinasok ko pa kayo sa buhay ko… at nakilala kita, Syrnn,” dahan-dahan niyang sabi, bawat salita parang kutsilyong tumataga sa puso niya. “Lalo na yang batang ‘yan…” Parang tumigil ang paghinga ni Syrnn. “Ano’ng… ibig mong sabihin…?” halos pabulong niyang tanong, takot na takot sa sagot. “Wala siyang kwenta sa’kin,” diretsong sagot ni Rynz. “He’s just a mistake.” “NO!” sigaw ni Syrnn, gumapang papunta sa anak at agad itong niyakap. “He’s not a mistake! Anak mo siya” “Don’t remind me,” malamig na sagot ni Rynz. “That’s exactly the problem.” Lalong humigpit ang yakap ng bata sa kanya. “Mommy… ayoko na dito… please, let’s go… please…” Napatitig si Syrnn sa papel. Nanginginig ang kamay niya habang hinahawakan ang panulat. “Please…” bulong niya, nakatingin kay Rynz. “For him… kahit siya na lang…” Ngunit walang kahit anong awa sa mga mata ng lalaki. Sa halip, lumapit si Xyrx at muling hinila ang bata. “Ang kulit talaga,” iritadong sabi nito, sabay sapak sa balikat ng bata napahagulgol ito sa sakit. “STOP!” sigaw ni Syrnn, halos mawalan ng boses. “Please! Sasaktan niyo siya!” “Then sign it,” malamig na sabi ni Rynz. “End this already.” Nanginginig, umiiyak, at wasak na wasak unti-unting lumapit si Syrnn sa papel. Habang ang anak niya ay umiiyak sa likod niya, paulit-ulit na nagmamakaawa. “Mommy… please don’t let them take Daddy away… I need him… Daddy… please… don’t leave me again…” Ngunit si Rynz ay nanatiling nakatayo, walang galaw, walang emosyon. Parang hindi niya naririnig ang bawat hikbi. Parang hindi siya tinatawag, parang wala siyang pakialam. Isang patak ng luha ang pumatak sa papel at kasabay noon. Lumagda si Syrnn napahinto ang iyak ng bata, parang may nawala sa kanya na hindi na maibabalik. “Mommy…?” nanginginig nitong tanong hindi makasagot si Syrnn. Hindi niya kayang ipaliwanag kung bakit niya ginawa iyon. Pero alam niya wala na siyang laban agad kinuha ni Rynz ang papel, tinignan, at tumango. “Good.” Isang simpleng salita pero iyon na ang tuluyang pumatay sa lahat. Lumapit ang bata kay Rynz, nanginginig, puno ng luha ang mukha. “Daddy…” mahina nitong tawag, hinawakan ang laylayan ng polo niya. “I’ll be good na… please… don’t leave me…” Sandaling tumigil si Rynz pero sa halip na yakapin. Tinabig niya ang maliit na kamay napaatras ang bata, napaupo sa sahig. At doon tuluyan siyang umiyak hindi na simpleng hikbi kundi iyak ng batang nawalan ng mundo. “Daddy… please… please don’t leave me…” Ngunit tumalikod na si Rynz kasama si Xyrx at walang kahit isang beses na lumingon. Niyakap ni Syrnn ang anak, pareho silang umiiyak sa gitna ng malamig na sahig.RYNZ POVPagbukas ko ng pinto wala literal na wala, isang service crew lang ang nakatayo sa harap ko, hawak ang tray na may pagkain. Nakayuko pa ito, halatang kinakabahan.“Good evening, sir… room service po” Napapikit ako nang mariin napahinga nang malalim. At doon ko narealize ano ba ‘yon, Rynz…?“I didn’t order anything,” malamig kong sabi.“Ahhh... s-sorry po, sir! Baka po nagkamali lang ng room” Napasapo ako sa noo ko, inis na inis.“Next time, make sure,” dagdag ko. “Or I’ll report this to your manager.”“Sorry po, sir! Hindi na po mauulit!” Tumango ako nang bahagya at hindi na nag-aksaya ng oras. Bogssshhhh..... Isinara ko ang pinto at sumandal ako roon tahimik pero sa loob ko magulo.“Hallucination lang ‘yon…” bulong ko sa sarili ko. “Pagod ka lang, Rynz. Overthinking.” Pero bakit ganon? Ang linaw ng narinig ko, Ang linaw ng nakita ko, Yung anino, Yung kwintas parehong-pareho napailing ako.“Enough.” Lumakad ako papunta sa kama at basta na lang bumagsak doon nakatingin sa kisa
THIRD PERSON POV Mabigat ang hangin sa loob ng eroplano tahimik si Rynz, nakaupo sa business class, habang mahigpit na hawak ang maliit na pendant sa kanyang palad. Ilang oras na ang byahe, pero ni isang segundo, hindi niya ito binitawan parang doon nakasalalay ang lahat ng sagot na matagal na niyang hinahanap. “Good afternoon, ladies and gentlemen,” mahinahong boses ng captain ang pumuno sa cabin. “This is your captain speaking. We are now cruising at 35,000 feet and expected to arrive in Cebu in approximately one hour. Weather is clear, and we hope you enjoy the rest of your flight.” Kasunod noon, ang malambing na ngiti ng flight attendant habang naglalakad sa aisle. “Sir, would you like something to drink?” tanong nito kay Rynz hindi siya agad sumagot. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana sa ulap sa kawalan. “Sir?” Napakurap siya, saka bahagyang umiling. “No. I’m fine.” Ngumiti ang flight attendant at tumango bago tuluyang lumayo. Pero hindi napansin ni Rynz ang lahat ng iy
RYNZ POVHanggang ngayon… hindi ko pa rin siya nahahanap. Ilang buwan na ang lumipas, pero nananatili pa rin siyang misteryo sa buhay ko parang multong dumaan, pero nag-iwan ng bakas na hindi ko kayang burahin. Mahigpit kong hinawakan ang kwintas sa palad ko 'yung pendant…YRNN.“Sir, nandito na po ‘yung reports for this quarter.” Naputol ang pag-iisip ko nang pumasok ang secretary ko.“Leave it there,” malamig kong sagot, hindi man lang siya nilingon. Narinig ko ang mahinang pagtapik ng mga papel sa mesa ko, kasunod ang marahang pagsara ng pinto.Tahimik ulit lumapit ako sa glass window ng opisina ko. Mula sa taas ng building, tanaw ko ang buong siyudad mga ilaw, mga sasakyan, mga taong abala sa kani-kanilang buhay. At ako? Nakatayo dito may lahat pero may hinahanap.“Kung sino ka man…” bulong ko habang pinagmamasdan ang pendant, “mahahanap din kita.” Hindi ko alam kung bakit, Hindi ko alam kung anong meron sa babaeng ‘yon. Isang gabi lang ,Isang gabing hindi ko man lang nakita ang
STILL SYRNN POVHalos hindi pa bumababa ang kaba sa dibdib ko nang biglang bumalik yung lalaking naka-hoodie.“Mi—Miks…” mahina kong tawag, parang mawawalan na ako ng boses. Napalingon si Miks, hawak pa rin ang kalahating mangga. “Ano na naman, girl? May multo na naman ba”Natigil siya kasi paparating na ‘yung lalaki diretso walang lingon-lingon. At sa totoo lang… parang mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko hindi ko alam kung bakit.“Hoy! Sino ka ba talaga?!” sigaw ni Miks, nakahanda pang ihagis ang mangga na parang granada. Pero biglang tinanggal ng lalaki ang hoodie niya at sa isang iglap—“BABE?!” Sigaw iyon ni Miks napaatras ako.Ha? Babe?! “Anong babe?!” napatingin ako kay Miks, gulat na gulat. At bago pa ako makareact tumakbo si Miks. Hindi… hindi lang basta tumakbo PARANG KABAYO. Literal pa-talon-talon pa siya habang sumisigaw.“RICAN ANGELOOOOOO!!!” Ako naman napanganga.“Anong klaseng entrance ‘yon?!” bulong ko sa sarili ko yung lalaki este si Rican Angel napakunot ang noo






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews