LOGINSylaila POVHindi ko akalain na babalik pa ako rito. Sa farm na kung saan limang taon akong nabuhay sa kasinungalingan. Pero, okay na, naka-move on na ako kasi bumawi naman na si Nardo at naitama na ang dapat itama. Ayun nga at ang mission niya ngayon, bantayan at pahirapan si Sera habang nabubuhay pa ito. Kaya habang busy kami ni Chusan, si Nardo na muna ang bahala sa kaniya.Kagabi, pagka-propose ni Chusan sa akin, naghanap agad kami nang matutuluyan bago pa maggabi. Nakahanap naman agad kami kasi kabisado ko pa rin ang lugar na ito. Aba, limang taon akong nanirahan dito kaya talagang kabisado ko pa rin. Sa tinagal na nawala ako rito ay wala rin namang pinagbago. Gaya nga nang sinabi ko noon, mabagal o matagal ang pag-asenso ng lugar na ito. Kaya nung marinig ko kahapon ang mga plano ni Chusan, okay, support ako doon kasi gusto ko ring maranasan ng mga tagarito ang masarap na buhay. O kahit pa paano, maranasan manlang nilang maging updated gaya nang nangyayari sa ibang bayan o sa ci
Sylaila POVNakasakay kami ni Chusan sa isang private airplane. Sabi niya, gumayak lang daw ako dahil may mahalaga kaming pupuntahan. Tinatanong ko siya kung saan, pero ngiti lang ang sinasagot niya kaya nahihiwagaan tuloy ako.“Trust me, Ila,” iyon lang ang clue niya, ganoon lang.Kaya wala na rin akong nagawa kundi sumandal sa passenger seat at pagmasdan ang magagandang tanawin sa labas ng bintana.Habang tumatagal ang biyahe, unti-unting nagiging pamilyar sa akin ang mga lugar na nadaraanan namin. Hanggang sa tuluyan na akong natigilan.Napailing ako nung tapunan ko na nang tingin si Chusan.“Sandali,” sabi ko kaya agad na ring napatingin sa akin si Chusan.“Why?” nakangisi niyang tanong.Napatingin ako ulit sa labas bago nagsalita.“Parang papunta ata ito sa Amontala?”Hindi na siya naglihim pa. Doon na siya napangiti ng husto.“Yes, oo, doon nga tayo patungo ngayon,” pag-aamin niya.Gusto kong mainis, pero gusto ko ring malaman kung bakit niya ako gustong dalhin ulit doon.Pakira
Sera POVAkala ko, impyerno na ang labas ko kapag nagising na ako, pero nung unti-unti akong nagkamalay, parang wala pa naman kasi puting kisame ang bumunga sa akin.Pero ang bigat ng pakiramdam ko. Iyon agad ang una kong naramdaman. Pakiramdam ko ay may napakabigat na bato na nakapatong sa buong katawan ko. Kahit ang simpleng pagdilat ng mga mata ko ay parang isang napakahirap na gawain sa akin.Papikit-pikit pa ako nang ilang beses kasi nanlalabo pa ang paningin ko. Nung unti-unti kong naaninag ang paligid, tama nga ako. Kisameng puti ang nakikita ko. Doon palang, alam kong nasa ospital ako. Ibig sabihin, nakaligtas pa rin ako?Pero, ano ito, bakit parang napakaluma na ng lugar na ito? May bakbak na kasi ang mga pintura ng kisame at wall. May umiikot na electric fan sa itaas na maingay pa ang tunog.Napansin ko, hindi iyon ang kisame ng isang mamahaling ospital na madalas kong pagpuntahan. Hindi rin iyon ang klase ng kuwartong nakasanayan kong makita, lalo na kapag na-o-ospital ako.
Sera POVDahan-dahan, idinilat ko ang mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko. Parang may kung anong bumubulong sa tenga ko habang unti-unti akong nagkakamalay. Nagtaka pa ako dahil parang nasa loob ako ng sasakyan. Nung unti-unti kong mapagtantong totoo nga, nakasakay ako sa loob ng sasakyan kaya tuluyan na akong nagising.“What the fuck?!”Napakapit ako agad sa gilid ng upuan habang pilit na inaalala ang huling nangyari. Ang naaalala ko lang ay nasa bahay ako, stress kasi panay ang panggugulo sa akin ng mga fans ni Chusan at Ila. Tapos, sumabay pa ang mga reporter at mga tauhan ng pamilya Merritt na panay ang pananakot sa akin. May mga araw na may nambabato na ng salamin sa bintana. Maging ang mga kasambahay ko ay iniwan na akong mag-isa, kaya araw-araw, gutom ang dinanas ko dahil hindi naman ako sanay magluto. Simula nang lumabas ang bobong si Nardo, nagsimula na ring mag-umpisa ang impyerno sa buhay ko.Nung tignan ko ang driver ng sinasakyan ko ngayon ay lalong nanlaki ang mga mata ko.
Sylaila POVIsang linggo na ang lumipas, pero pakiramdam ko ay kahapon lang nang tuluyan naming marinig ang buong katotohanan mula kay Nardo.Isang linggo, oo, pitong araw na agad ang lumipas, pero hanggang ngayon, sariwa pa rin ang bawat salitang binitiwan niya. Hindi ko akalaing ganoon pala kalalim ang kasamaan ng taong minsan kong itinuring na matạlik kong kaibigan.Napapapikit pa rin ako sa inis kapag naiisip ko ang lahat nang ginawa niya sa akin. Unti-unti na namang bumalik sa isip ko ang araw na nasa malaking sala kami ng mansion. Kumpleto ang pamilya ko, naroon sina Mama Keilani, Papa Sylas, Kuya Keilys, Ate Ilaria, Chusan, Toriana, at maging ang Helltrace. Nakaupo naman sa gitna si Nardo, nanginginig ang buong katawan habang umiiyak.Hindi ko malilimutan ang unang sinabi niya.“Ako na ang magsasabi ng lahat... dahil hindi ko na kayang dalhin ang konsensiya.”Tahimik ang lahat noon. Nag-aabang sa kung ano bang isisiwalat niya.Doon na niya ikinuwento ang lahat. Ayon kay Nardo,
Chusan POVTumawag si Calder sa akin. Sinabi niya sa akin na may nagte-trending na live ngayon sa Starbook ng isang mukhang sinaunang tao, panuorin ko raw agad kasi magugulat ako.Pagbaba ko ng linya, agad ko iyong hinanap at hindi naman ako nahirapan dahil pagkabukas na pagbukas ko ng Starbook account ko ay live nung isang sikat na vlogger ang nakita ko.Libo-libong tao ang nanonood. Paglabas ng video, isang lalaking halos hindi ko na makilala ang nakita ko. Mahaba ang buhok. Makapal ang balbas. Halos kulay kayumanggi na ang balat. Suot nito ang kupas na polo at lumang pantalon. Kung hindi lang ako nakatingin nang mabuti, hindi ko talaga siya makikilala. Pero ilang segundo lang ay nanlaki ang mga mata ko.“Nardo?”Hindi ako puwedeng magkamali. Siya iyon. Ang lalaking matagal na naming hinahanap. Ang lalaking makakasagot sa lahat ng tanong namin.Pinakinggan ko ang sinasabi nito. “Tulungan niyo po ako. Gusto kong makausap ang pamilya Merritt.”Huminto siya sandali. Kitang-kita ko ang
Ilaria POVDinala sa ospital ang tatlong tindero na lalaki, pero iniwan din agad namin. Sino ang gagastos sa kanila, ako pa? No! Mamatay sila doon. Pero, for sure, tatawagan nila si Lorcan. Mainam din, nang malaman niyang palpak ang mga inutusan niya.Dahil sa nangyari, dito sa bahay namin nag-lunc
Ilaria POVPilit kong pinakalma ang sarili ko. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto ng banyo at sumilip sa siwang. Nakatalikod si Ruffa, hawak pa ang cellphone, nakatingin sa bintana habang nagsasalita pa rin.“Basta Gerson, siguraduhin mong nandito ka bago mag-gabi. Hindi ako puwedeng mabuking, ha?
Ilaria POVKakatapos ko lang maglaba. Nakita ko kasing tambak na ang mga lagayan ko ng malilibag na dami, kaya pagkagising ko kaninang umaga, go, laba na agad.Saktong alas nuebe ng umaga ay natapos na ako, kaya nagsampay na ako dito sa likod ng bahay namin. Tinulungan pa nga ako ni Manang Lumen pa
Ilaria POVAgad akong nag-charge ng cellphone ko. Nanginginig pa ang mga kamay ko.n Pag-vibrate ng phone ko, mabilis kong dinampot. Bumukas ang screen. Nasilaw pa ako sa liwanag kasi kapag nasa labas ako, tinataasan ko talaga ang brightness. Pero wala na akong pake. Ang unang ginawa ko ay ang tawag







