LOGINBLURB: Marriage and love are a matter of choice. Ngunit paano kung ang dalawang bagay na ito ay hindi kayang panindigan? Will love conquer all? Will love endure pain? Or will it be just a choice you’ll regret in the end?
View MoreBawat simula, may wakas.Bawat wakas, may simula.Kung saan, kailan at paano . . . tayo mismong mga tao ang makasasagot nito.Tayo mismo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran, tayo mismo ang gumagawa ng ating tadhana. Subalit, hindi sa lahat ng pagkakataon ito ay masaya. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay walang iniisip na problema.Lalong hindi sa lahat ng pagkakataon ay kalmado ang dagat at walang along lilitaw para alugin ang bangkang sinasakyan.Sa lahat ng pagkakataon— anumang landas ang ating tatahakin, dadaan at dadaan pa rin tayo sa mga pagsubok na aalog sa pundasyong pinanday nang panahon. Dadaan ang maraming bagyo na magpapaluhod sa atin ngunit isa lang ang iiwan ng mga ito— ang aral.Aral na siyang magsisilbing gabay natin sa lahat ng sandali. Aral na siyang magsasabi kung tama pa ba tayo o mali. Aral na siyang magbubukas sa ating mga m
“Tsk! Paano ko ba kayo naging mga kaibigan?” mahinang wika ni Elias, gusot ang mukha, habang nakamasid sa bungad ng abandonadong gusali na kinaroroonan nila.“Ah . . . I missed this place,” natatawang wika naman ni Skyler. “Hindi pa pala ito ginigiba?”“Eh, para namang ang tagal na mula noong manggaling tayo dito. Hindi ba noong nakaraang taon lang iyon?” sabi ni Kristoff.“Hindi! Ang hina mo naman sa math. Akala ko ba businessman ka?” asik ni Kuatro dito.Ngumisi naman si Kristoff. “Ah, hindi ba? Sorry, my bad.” Kumamot pa ito sa ulo, halatang nang-aasar lang naman.“That was two years ago. Muntik na ring manganib noon ang propesyon ko,” singit ni Elias. “At ngayon, parang gusto ko na kayong itakwil. Dahil sa inyo nagiging makasalanan ako,” dagdag pa nito.Para na
It wasn’t an easy journey.Mula sa problema nila kay Emil— na madaling nahatulan ng panghabang-buhay na pagkakabilanggo dahil sa patong-patong na ebidensya laban dito, binalot pa rin ang mga puso nila ng pag-aalala dahil sa kalagayan ni Jarius.Sa loob ng isang taon, walang ginawa ang buong pamilya nila kung hindi ang magdasal para sa tuluyang paggaling nito. Minsan nakapapagod din, pero wala sa bokabularyo nilang mag-asawa ang huminto. Dahil ang ibig sabihin ng paghinto ay pagsuko. At hinding-hindi iyon mangyayari lalo pa’t magkasama na sila ni Anyah— lalo pa at napaliligiran na sila ng mga taong handang dumamay at sumuporta sa kanila.Isang taon, iyon ang naging basehan ng lahat kung gagaling nga ba si Jarius— na siya namang nangyari. And when they heard the news, their hearts filled with overflowing joy and relief. They also shed tears, but it wasn’t a sad one. Dahil ang lahat ng iyon ay bunga ng isang matagumpay na p
“No! No! Please don’t do that,” pagmamakaawa ni Anyah.Nang sumilip si Jacob, nakita niya kung paano ito manikluhod sa harapan ni Emil— na may hawak ng baril at nakatutok dito. Lalong nag-apoy ang galit sa kaniyang dibdib. Lalabas na sana siya sa pinagtataguan nang bigla siyang hilahin ng kapatid. Nang lumingon siya sa kaniyang Kuya Enrico, umiling-iling ito.“Oh, no . . . This is exciting! Luluhod ka talaga para lang sa walang kwenta mong asawa? Hah! Nakakatawa ka, Anyah! Hindi mo ba alam kung ano ang mga ginawa niya? Bulag ka ba o may sakit na pagkalimot? Saka, hindi ka niya mahal. Sinasabi niya lang iyon para mapaikot ka.”“Psycho!” mariing wika niya.“You read his text messages, right? He always cancelled your calls kaya huwag kang magpakata**a. Maraming lalaki diyan na kaya kang mahalin at ibigay ang lahat ng gusto mo. Parang ako.”












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.