MasukNardo POVPagod na pagod na ako. Mula umaga hanggang hapon, halos malibot ko na ang buong Colmenares Town pero wala pa rin akong nakikitang bakas nina Sylaila at Isla. Nakakainis at nakakabuwisit. Parang mga bula silang naglaho sa hangin.Napailing ako habang naglalakad sa gitna ng palengke. Mainit pa rin kahit papalubog na ang araw. Nanlalagkit ang likod ko sa pawis at mabigat na mabigat na ang mga paa ko.“Lintik, Sylaila at Isla, nasaan na ba kayo?” bulong ko.Kung hindi lang dahil sa utos ni Sera at dahil nandito siya, hindi ko gagawing mag-isa ito. Pero hindi puwede. Alam kong hindi biro ang mga banta niya kanina sa akin. Ang dami niyang pananakit na ginawa sa akin, kaya nakakatakot siyang magalit.Kapag sinabi niyang babarilin niya ako, kaya niya talagang gawin.Kaya kahit sawa na ako sa kakahanap, wala akong magawa kundi magpatuloy.Habang naglalakad ako sa loob ng palengke, bigla akong napahinto. May naamoy akong parang mabangong pagkain na lalong nagpakulo sa tiyan ko.Napali
Sylaila POVNakakahiya kasi na-late ako ng gising ngayong umaga. Pagtingin ko sa orasan ay halos alas otso ng umaga. Oras na para hakutin sa palengke ang mga ihaw-ihaw na tinda namin.Kaya nang makita kong naghahanda sina Lusing at Fabian para magtinda na ay agad akong lumabas para tignan sila sa apartment ni Lusing. Nandoon kasi ang ibang stock namin, at ang isang fridge.“Hala, pasensya na kayo at late ako ng gising,” sabi ko habang inaayos ang buhok ko.Ngunit sabay na umiling sina Lusing at Fabian.“Hindi po puwede.”Nagulat ako.“Bakit hindi puwede?”“Dahil magpapahinga ka po ngayon,” sagot ni Fabian.Napabuntong-hininga ako. “Hindi, ayos na ako.”“Hindi, magpahinga ka muna ngayon, Ate Ila,” sabat naman ni Lusing.“Lusing naman—”“Ayos ka nga po ngayon,” putol agad ni Lusing sa sasabihin ko. “Pero paano kung sumakit na naman ulo mo sa palengke?”“Hindi, maayos na ako talaga,” pangungulit ko pa.“Paano kung mahilo ka ulit?” dagdag pa niya.“Sayang naman ang kita, saka baka mahirap
Sera POVHindi ko gusto ang lugar na ito. Mula pa lamang nang tumuntong ako sa Amontala Province, pakiramdam ko ay sinasayang ko ang oras ko rito. Dapat nagtatrabaho ako, nagsu-shooting, nagpo-photoshoot, pero need kong pumunta rito para siguraduhing wala ng babalik na Sylaila sa city.Grabe, sobrang kadiri rito. Maalikabok, mainit, at nakakairita ang mga tao.Ngunit kailangan ko talagang gawin ito. Kailangan kong makasigurado sa naumpisahan na namin ni Nardo. Kailangan kong malaman kung nasaan na ba talaga si Sylaila.Huminto ang sasakyan na inarkila ko sa harap ng bahay kubo ni Nardo. Agad akong bumaba. Hindi ko na hinintay pa ang driver ko. Mabilis akong naglakad papunta sa bahay kubo dito sa farm niya habang nakataas ang baba ko.Paglabas ni Nardo, agad kong nakita ang takot sa mukha nito. Para siyang nakakita ng multo.Napairap ako. Hindi ko alam kung bakit nagtiwala ako sa tangang ito. Mukha siyang tatanga-tanga ngayon. Ayos na sana, e. halos limang taon niyang naitago si Sylail
Sylaila POVMatapos ang pakikipaglaban ko kanina, heto at bumalik na ang ilan sa mag customer namin na bumibili ng ihaw-ihaw food namin.Sunod-sunod ang order ngayong tanghali. May isang dosenang isaw, tatlong stick ng tenga ng baboy, sampung pork barbecue, at isang buong manok na espesyal na pinaihaw ng isang suki namin.Naglalaban ang usok, init, at amoy ng nagmamantikang karne sa paligid.Sa kabilang banda, naririnig ko si Fabian na nakikipag-usap sa mga customer habang si Lusing naman ay abalang nag-aayos ng mga bayad at sukli.Masaya ang negosyo. Halos hindi kami magkanda-ugaga sa dami ng bumibili.“Dagdagan mo ng pahid ng sauce, Ate Ila!” sigaw ni Fabian kasi busy siya sa pagbubuhat nung mga palanggana na pinakuha ko sa apartment. Maaga palang kasi ay paubos na agad kami ng stock.“Okay,” mabilis kong sagot.Napangiti ako habang binabaliktad ang mga barbecue. Unti-unting nangingintab ang karne dahil sa matamis at malinamnam na sarsa.Nakakatuwang pagmasdan na ang daming pila. Na
Sylaila POVAraw-araw ay palaging sold out ang ihawan namin. Simula nung mag-opening, naging matunog na ito sa mga tagarito. Sabi ni Lusing, dinadayo pa kami nung taga ibang bayan.Natutuwa ako kasi sumisikat kami dahil masarap daw ang ihaw-ihaw naming tinda.Napaisip ako, hindi pa kaya kami napapansin nung mga assassin na nagpapatayo ng beach resort? Isa kasi sila sa dahilan kung bakit gusto kong magtinda ng ganito. Gusto kong makuha ang atensyon nila. Gusto kong humingi ng tulong sa kanila kung paano makakarating sa city. At sa tingin ko, hindi malabong mangyari na iyon dahil kilalang-kilala na ang ihawan namin.Heto nga at halos hindi na magkasya ang mga inihaw na manok sa puwesto namin.“Dagdagan pa po natin ang ihawin,” sabi ni Fabian habang nagpupunas ng pawis. “Kahapon, alas kuwatro pa lang, ubos na naman tayo.”Napailing ako at natawa. Noong nagsisimula pa lang kami, nangangamba pa kami kung may bibili ba. Ngayon, kabaligtaran na ang problema namin.Minsan, hindi pa sumasapit
Nardo POVAraw-araw na lang akong nai-stress. Hindi ko na nga maalala kung kailan ako huling nakatulog nang mahimbing. Sa umaga, iniisip ko kung nasaan sina Sylaila at Isla. Sa tanghali, ganoon pa rin. Sa gabi, ganoon pa rin.Para bang bawat oras na lumilipas ay lalo akong kinakabahan. Ilang araw na silang wala. Ilang araw nang hindi ko sila makita. Ilang araw nang hindi ko alam kung nasaan sila.At higit sa lahat, ilang araw nang hindi ko napapainom ng gamot si Sylaila. Iyon ang pinakamalaking problema. Hindi ang pagkawala nila. Hindi ang pera. Hindi ang oras, kundi ang posibilidad na unti-unti nang bumalik ang mga alaala niya.Napahigpit ang hawak ko sa baso ng alak habang nakaupo sa harap ng maliit na lamesa.Hindi puwede iyon. Hindi dapat mangyari iyon.Kapag bumalik ang lahat ng alaala ni Sylaila, tapos na ako. Hindi lang ako, pati ang lahat ng itinago ko sa loob ng maraming taon. Pati ang lahat ng kasinungalingan. Pati ang lahat ng ginawa ko matapos ang aksidente niya. Mabubunya
Keilys POVTahimik akong nakatayo sa hallway ng mansion namin habang pinagmamasdan ko ang bumabagsak na niyebe sa labas. Ang lamig-lamig, sobra. Kung nandito lang si Ilaria, okay sana kasi palagi ko talaga siyang mayayakap.Kanina pa ako nag-iisip. May apoy sa loob ko na gusto nang lumiyab ng husto
Ilaria POVAlas diyes ng umaga nang makalabas ako ng Yay town. Ang biyahe mula rito hanggang Tagaytay ay halos apat na oras, depende pa traffic. Mabuti na lang at maaliwalas ang panahon ngayon. Habang nagmamaneho ako, napapatingin ako sa tanawin ng mga bukirin, bundok at mga maliliit na karinderya
Ilaria POVTapos na akong maligo, habang siya naman ang nasa banyo. Wala na akong suot na brạ at pạnty. Naka-bathroab na lang ako, gaya nang napag-usapan. Habang nagsisimula palang siyang maligo, lumabas ako saglit sa kuwarto para kunin ang mga nuts na dinala ko rito sa condo niya. Nagmadali ako s
Keilys POVPagmulat ko ng umagang iyon, ramdam ko agad ‘yung gaan ng paligid. Kaninang madaling araw palang, puro good news na ang nakikita ko about sa balita sa Pinas. Wala na raw ‘yung nakakabinging kulog, wala na rin daw ‘yung malakas na hangin na halos gawing tambourine ang mga bintana ng mga b







