Beranda / Romance / Kakaibang Tikim / Season 3 (Kabanata 62)

Share

Season 3 (Kabanata 62)

last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-04 16:46:49

Ilaria POV

Nabitin ako sa siomai. No dinner pa kasi ako kaya gusto ko pang kumain. Pero hindi na siomai ang binili ko, pumunta naman ako doon sa nagtitinda ng fried noodless, mayroon din pala kasi rito sa may gilid.

“Anong sa iyo, ate?” tanong ng lalaking tindero paglapit ko doon.

“Friend noodless po, teriyaki ang sauce at fried egg ang toppings at saka japanese siomai na rin,” sagot ko.

Naalala ko tuloy noong first year college pa ako. Hindi talaga ako sumasabay sa mga kaklase ko kapag nag-aaya silang kumain sa labas. Nagtitipid kasi ako dahil kulang na kulang ang baon ko noon. Itong fried noodless ang nagtatawid palagi ng tanghalian ko. Yes, hindi nakaka-healthy pero kailangan, no choice ako. Pag-uwi sa bahay, saka na lang ako bumabawi nang inom ng buko juice na pinapaakyat ko kay Tatay sa likod ng bahay namin para balance pa rin.

“Isa rin po ako, gaya ng order niya,” singit bigla ng isang lalaki sa gilid ko. Pagtingin ko sa tabi ko, si Kiyo na pala. Nagulat ako nang mag-abot na rin
LiaCollargaSiyosa

Ayan na, huh! umuulan na ulit ng update. Sorry kasi dahil panay ang bagyo nitong nakaraang araw, bumabaha palagi rito sa Bulacan, madalas walang internet at kuryente. Ngayon okay na, heto, sobrang init na ulit ng panahon hahahaha! Anyway, bukas na ulit ang update, sa ibang book naman ako mag-a-update at galit na rin ang ibang readers doon. Ito nga pala 'yung ibang book na sinusulat ko. Diary Ng XXX Celebrity (Bago ito) at Alipin ng Tukso. Wala lang, beke lang naman ma-trip-an niyo rin. Salamat, mahal ko kayo, readers. God bless you all, huwag niyo akong inaaway kasi nasa-sad ako hahahahahaha! Susumbong ko kayo kay Sir Keilys, kay Boy Presa hahahaha!

| 21
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (9)
goodnovel comment avatar
susana Tan
yehey nagseselos n c keilys,
goodnovel comment avatar
LiaCollargaSiyosa
Hindi sa akin yan
goodnovel comment avatar
Teresita Olivares
Ms. A ask ko lang, kaninong sulat o kaya writer ung MY HOT YOUNG PROFESSOR BECAME MY HUSBAND? Tagal na kc na walang update, sana tapusin na
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 70)

    Ilaria POVNasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng kapeng barako na inihanda ni Kiyo nang may maramdaman akong panginginig ng cellphone sa bulsa ng suot kong bag. Kinuha ko iyon kasi alam kong nag-reply na si Manang Lumen.“Ilaria, anak, kailangan mo nang umuwi. Galit si Sir Keilys mo. Sabi niya, linisin mo na daw ang kuwarto niya, ngayon din.”Napangisi ako. Galit na naman siya. Dahil nga ito kay Kiyo. Bakit naman kaya? Magkagalit ba sila? Dati ba silang magkakilala at magkaaway?Napabuntong-hininga ako at sa halip na sumagot, pinatay ko ang cellphone. Kunyari, lowbat na lang ako. Galit na rin naman siya, susulitin ko na para isang galitan na lang.Basta, ayoko munang umuwi ng maaga.Ngayon pa nga lang ako nag-e-enjoy sa masarap na almusal, pauuwiin na agad ako. Magiging matigas muna ang ulo ko ngayon. Minsan lang ito, aba, hindi naman ata ay palagi akong good girl sa amo kong si boy presa. Dapat, may nakikita rin siyang bad side sa akin. Lalo na’t pinainit din ni Ceska ang ulo ko ngayon

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 69)

    Keilys POVPagkatapos kong tanungin si Manang Lumen sa update kung nasaan na si Ilaria, nilapitan ako ni Manang Lumen habang may hawak siyang cellphone. May pag-aalangan sa kilos niya, kaya agad akong napatingin sa kaniya.“Sir Keilys,” sabi niya, sabay abot ng phone sa akin. “Ito po, nag-send ng picture si Ilaria sa akin. Nasa may bamboo supplier daw siya, doon na nag-almusal”Kinuha ko ang cellphone at agad kong nakita ang litrato ng pinasa niya kay Manang Lumen. Nakita ko sa picture si Ilaria, nakangiti, habang kasama sa Kiyo sa pag-aalmusal. Mukha pang nag-effort ang Kiyo na iyon sa pagkaing hinandan niya kay Ilaria.Hindi ko napigilan ang inis na naramdaman ko. Matigas ang ulo ni Ilaria. Kahit nagalit na ako sa kaniya kagabi, lumalapit at nakikipag-usap pa rin siya sa lalaking ‘yon.“May shortage na ba ng pagkain sa villa?” tanong ko kay Manang Lumen. “Or did we run out of breakfast today, Manang? Bakit kailangan pa niyang mag-breakfast somewhere else?”“Hindi naman po, Sir,” aga

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 68)

    Ilaria POVPagkatapos kong maligo, nagsuot lang ako ng simpleng damit na pang-araw-araw. Nagpulbo lang ako at konting liptint, saka ako lumabas ng kuwarto. Nang makalabas na ako, tumuloy agad ako sa kusina para magtanong kay Manang Lumen kung may almusal na rin ba. Ngunit bago pa ako makakain, naalala ko ang isa sa mga pinaka-importanteng kailangang maasikaso ngayong araw, ito ay ang pagbili ng mga kawayan para sa sagala at parada na malapit nang mangyari.Isa ‘yon sa mga task ni Sir Keilys bilang hermano mayor, pero siyempre, dahil may bisita siya ngayon—si Iliana—at nadagdagan pa ng isang malditang Ceska, ako na naman ang kailangang umako ng trabaho. Okay lang naman sa akin. Kung tutuusin, mas gusto ko pa nga ‘yon kaysa magpaiwan sa villa kasama ang malditang si Ceska.Ilang beses ko na ring napapansin ang pagiging cold ni Sir Keilys ngayong umaga kaya parang ayoko muna rito talaga sa villa. Parang may pader sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung iniisip lang niya na kailangan

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 67)

    Ilaria POVNang imulat ko ang mga mata ko, napabalikwas agad ako ng bangon.“Bakit... bakit ako nasa loob ng kuwarto ni Sir Keilys?”Napakamot ako ng ulo. Ang huling natantandaan ko, nakaupo ako sa sahig sa tapat ng pintuan ng kwarto niya, hinihintay siyang lumabas. Sa tagal niyang lumabas, nakatulog na ako doon. Pero, paanong nandito na ako at hindi manlang ako nagising nung makarating ako rito?Agad akong bumangon, pero maingat akong inayos ang sapin ng kama. Sa lambot at bango ng kama at mga unan niya, napasarap ang tulog ko tuloy. Niligpit ko ang mga unan at inayos ang mga tiklop ng comforter. Panay ang buntong-hininga ko habang ginagawa ito. Nahihiya ako. Hindi ko alam kung si Sir Keilys ba ang naglipat sa akin dito. Paano niya ako nabuhat? At bakit hindi manlang ako nagising?“Anong nangyari kagabi?” tanong ko sa sarili ko habang kinukusot ang mata ko.Kahit tulog pa ang katawan ko, napilitan akong lumabas ng kuwarto. Dapat makalabas ako rito bago may makakita pa sa akin. Ayokon

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 65)

    Keilys POVEksaktong alas-tres nang tumunog ang alarm clock ng cellphone ko. Hindi ko namalayanng nakatulog na talaga ako ng husto dito sa sofa sa sala ng villa. Agad akong napabalikwas at pinatay ang alarm. Ilang segundo lang ang nakalipas nang marinig ko ang pagbukas ng gate at ang pagpasok ng sasakyan sa loob ng bakuran ng villa.Alam ko na agad kung sino iyon.“She’s here,” bulong ko habang mabilis na inayos ang sarili. Nagmadali akong pumunta sa banyo para maghilamos, magsuklay at magsuot ng mas maayos na shirt. Hindi puwedeng mukhang bagong gising lang ako sa pagharap sa bestfriend ko. Matagal din kaming hindi nagkita, kaya gusto ko namang maayos ang unang bungad ko sa kaniya.Pagbalik ko ulit sa sala, pumwesto agad ako sa may pinto. Ilang sandali lang ay bumukas na ito. Bumungad sa akin si Iliana na may bitbit pang isang maleta. Nakangiti siya sa akin, gaya ng dati. Para bang hindi lumipas ang ilang buwan na hindi kami nagkita.“Keilys! You look like you just woke up,” natatawa

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 64)

    Keilys POVSa sama ng loob ko sa kaniya, tiniis ko kahit makailang beses niyang pinarinig na hindi siya aalis sa labas ng pinto ng kuwarto ko. Gutom na gutom na ako, gusto ko nang kumain, kaya lang malala ang inis na nararamdaman ko sa kaniya kaya tinitiis ko talaga.Tumingin ako sa orasan ng cellphone ko. Ala una na ng madaling-araw, dalawang oras na lang ay parating na si Iliana.Bumangon ako para uminom ng tubig. Kaya lang patingin ko sa pitcher sa may table, ubos na pala dahil sa kakainom ko simula pa kanina. Tubig ang ginawa kong pangtawid gutom.Hindi ko na talaga kaya, kumakalam na ng husto ang sikmura ko kaya pinakiramdaman ko ang pinto. Dahan-dahan akong naglakad papunta doon. Dinikit ko ang tenga ko sa kahoy at saka ko pinakiramdam ang labas. Wala naman akong narinig na kung ano. Parang wala na rin siya kaya mukhang makakalabas na ako ng kuwarto ko.Nung desidido na akong buksan ang pinto, boom! Biglang bumagsak sa sahig ang natutulog na si Ilaria.Namilog ang mga mata ko ka

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status