MasukKuki POVTanghali na nang umalis ako sa mansion. Hindi ako umalis para gumala. Wala pa naman akong gagawin. Ang task pa kasi ni Iliana sa ngayon ay puro exercise na magpapalakas pa sa katawan niya. Nabo-boring na rin ako. Sayang ang araw ko kung tatanga lang ako. Hindi pa naman ako sanay nang walang ginagawa sa isang araw.May mas mahalaga akong gagawin ngayon.Habang nagmamaneho ako ng kotse palabas ng gate ng mansion ay naalala ko ang mukha ni Iliana. ‘Yung hawak niyang espada niyang si Lilix.At ‘yung paraan ng pagtingin niya doon. Parang bata na nakahanap ng paborito niyang laruan.Napangiti ako nang bahagya. Hindi ko akalain na sa lahat ng armas na puwedeng piliin ng isang taong gustong matuto lumaban ay espada pa talaga ang pipiliin niya.Baril ang madalas gamitin ngayon. Mas mabilis makapatay at mas praktikal.Pero ang espada?Iba iyon. Mas mahirap. Mas personal. At kung ako ang tatanungin ay mas delikado.Pero kung iyon ang gusto niya, sige. Iyon ang ihahanda ko para sa kanya.
Iliana POVNakaupo ako sa sofa sa living room habang hawak ang cellphone ko. Katatapos lang ng exercise ko kanina kasama ang Helltrace at Bloodtrace, pero kahit pagod na ang katawan ko ay hindi pa rin mapakali ang isip ko.Paulit-ulit na naman sa utak ko si Mama Davina.Nasaan na kaya siya ngayon? Kumain na kaya siya? Okay lang kaya siya?Minsan iniisip ko, baka takot na takot na siya. Baka hinihintay niya ako. Baka umaasa siyang darating ako para iligtas siya.Patayo na ako para umakyat sa kuwarto ko nang tumunog ang cellphone o. Napatingin ako sa cellphone. May bagong message na dumating.Napakunot ang noo ko. Unknown number ang nakita ko sa screen.Pero nang buksan ko ang message ay anlaki ang mata ko.Nag-message sa akin ang pekeng Lola Daryl.Nanigas ang katawan ko. Ito talaga ang hinihintay ko nitong mga nagdaang araw. Sa wakas ay nagparamdam na ulit sila.Hindi na ako nagpatumpik-tumpik na basahin ang message.“Iliana, sumuko ka na. Wala kang mapapala kung ipaglalaban mo pa ang
Iliana POVPagdating namin ni Vandall sa mansion ay halos hindi ko na maitago ang excitement ko.Hawak-hawak ko pa rin ang espada na nakabalot sa tela. Kahit mabigat ito ay hindi ko ito pinabuhat kay Vandall. Gusto ko ako mismo ang may hawak.Pakiramdam ko kasi ay parang espesyal ito. Parang may kakaibang koneksyon na agad ako sa espada.Habang naglalakad kami papasok sa malaking pintuan ng mansion ay hindi ko maiwasang ngumiti.“Miss Iliana,” sabi ni Vandall habang nakatingin sa hawak ko. “Sigurado ka talagang gusto mong gumamit ng espada?”Tumingin ako sa kanya. Kanina pa kami magkasama sa labas pero ngayon lang talaga siya nagtanong.“Oo, Vandall.”“Hindi ito biro,” sabi niya agad. Alam ko naman iyon pero alam ko rin na napagsasanayan naman ang lahat ng bagay. Lalo na ang paggamit ng espada.“Alam ko.” Nginitian ko siya para ipakitang seryoso ako. “Pero gusto ko pa rin talaga.”Hindi na siya nagsalita pa. Tumango na lang siya.Pagpasok namin sa loob ng mansion ay napansin kong tahi
Iliana POVAnong oras na, pero hindi pa rin ako makatulog. Tumingin ako sa wall clock ko dito sa kuwarto ko, halos mag-a-alas onse na ng gabi.Panira kasi ang tinimplang kape ni Kuki kanina. Nakatambay ako nung alas sais sa terrace ng mansion nung lumapit siya. Aba, nagulat na lang ako dahil may dala-dala na siyang kapeng mainit. Dalawa iyon, isa sa akin at isa sa kaniya. Ininom ko at nasarapan ako. Uwi raw niya kasi galing sa China. Pero, putek na ‘yan, heto ang epekto, hindi ako makatulog. Hinding-hindi na ako titikim ng kape niya. Daig ko pa nakapag-adik, gising na gising pa ang diwa ko hanggang ngayon.Napaupo ako sa kama at kinuha ang remote ng TV sa side table.“Manood na lang kaya ako,” bulong ko sa sarili ko.Baka sakaling antukin ako. Binuksan ko ang TV at nagsimulang mag-scroll sa mga movie channels.Romance. Drama. Comedy.Pero hindi ko alam kung bakit, hindi ako interesado sa mga iyon ngayon.Hanggang sa may napili akong isang pelikula. Action movie.Nagsisimula pa lang ka
Iliana POVOras na para kumilos. Tama na ang pagkakaroon ko ng distract kay Kuki. Dapat ko nang sundin ang sinabi ng doctor ko kagabi.Ang dami kong kailangang gawin. Uminom ng vitamins. Kumain ng mga pampalakas lalo at mag-exercises.Pagbangon ko sa kama ay agad kong kinuha ang maliit na tray sa lamesa kung saan ko inayos kagabi ang lahat ng vitamins at supplements.Tinitigan ko ang mga bote. Vitamin B complex, vitamin C at magnesium.At ilang protein supplements na ibinigay ng doktor.“Okay,” bulong ko sa sarili ko. “Simulan na.”Isa-isa kong ininom ang mga iyon kasama ng isang basong tubig.Habang ginagawa ko iyon ay naaalala ko ang sinabi ni Doc kagabi. Kailangan mong ihanda ang katawan mo. Kung mahina ang katawan mo, hindi mo kakayanin ang training.Napahinga ako nang malalim. Para kay Mama Davina, laban, sisipagin ko ang mga dapat gawin.Pagkatapos kong magbihis ng workout clothes na isang simpleng sports bra at training leggings ay lumabas na ako ng kuwarto at dumiretso sa tra
Kuki POVAlam ko na sinusundan ako ni Iliana. Sa totoo lang, ilang minuto pa lang mula nang pumasok ako sa mall ay ramdam ko na agad. Isa iyon sa mga bagay na hindi mo na maaalis sa katawan kapag matagal kang nabuhay bilang assassin. At iyo ay ang pakiramdam kapag may taong nakatingin sa’yo o sumusunod sa mga galaw mo.Una ko siyang napansin sa reflection ng salamin sa isang clothing store. Nasa likod siya. Kunwari tumitingin ng damit.Pero halatang nakasilip sa akin. Pagkakita ko palang sa kaniya ay natatawa na agad ako. Pero hinayaan ko siyang mag-enjoy sa pagsunod sa akin. Nagkunwari akong walang alam.Pumasok ako sa ilang store, nagtingin ng mga shirt, pantalon, at sapatos. Kahit saan ako pumunta, nandun din siya at palihim na nakasilip.Kung hindi lang ako sanay, baka hindi ko mapansin.Sumunod siya at tinignan siguro kung totoo ang paalam ko sa kaniya kanina. Iyon agad ang naisip ko.Kaya nang makarating kami sa parking area, doon ko na siya hinuli.“Lumabas ka na.”Halos marini







