เข้าสู่ระบบSylaila POV“Ako na ang maghahatid kay Isla sa school, ikaw, dito na muna sa farm,” sabi ni Nardo pagkagising namin ngayong umaga.“Hindi ba ako magtitinda sa palengke ngayong araw?” tanong ko sa kaniya habang nagtataka.“Naisip kong kailangan mo rin ng pahinga. Nitong mga nagdaang-araw kasi ay panay tinda at pagha-harvest mo ng mga gulay at prutas, kaya gusto ko, kahit isang araw manlang ay nakakapagpahinga ka,” nakangiting sabi niya.Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sa tingin ko ay ito na ang paraan niya para bumawi sa mga tampuhan namin nitong nakaraang linggo.“Sige, kung ‘yan ang gusto mo.”Masaya kong ginayak si Isla, pinaliguan, sinuotan ng school uniform niya at saka inipitan ang buhok. Tama naman si Nardo, minsan ay kailangan ko rin ng pahinga kahit isang araw.Pagkatapos kong igayak si Isla, naihanda naman na ni Nardo ang almusal. May bagong saing na kanin, piniritong saging na saba, piniritong tocino, piniritong itlog at saka nilagang okra, talbos at talong.“Wow, may gu
Chusan POV“What the fuck!” paos kong mura habang pilit inaabot ang cellphone sa sahig. Pagtingin ko sa screen ko, halos mawalan ako ng ulirat.37 missed calls. Halos lahat galing sa manager ko.May ilan ding unknown number na tumatawag.At mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang pangalan ng network na paulit-ulit na tumatawag.Bigla akong napabangon kahit sobrang sakit ng ulo ko.“Oo nga pala, guesting ko ngayong umaga sa morning show na iyon!”I feel like my whole body suddenly got cold, even though my stomach is churning from the hangover.I completely forgot that I have a morning show today at ang call time ay 8AM. I looked at the wall clock and saw that it was 12:47 PM.“PUTANGINA!”Tumayo ako at naglakad paikot sa kuwarto ni Calder. Dito na ako nakatulog nung malasing ako kagabi. Wala na silang lahat, ako na lang ang natira, lintek!Pakiramdam ko sasabog dibdib ko sa kaba. Hindi lang simpleng no-show ito. Contracted guesting ‘yon. May promotional appearance akong dapat gawin
Sylaila POV“Girl, saang lugar ka ba talaga galing?” basag ni Doti sa katahimikan.“Bakit mo naman natanong?”Nakatingin siya sa balat ko. Pati na rin sa balat ni Isla na nalalangoy sa mababaw na bahagi ng ilog. Nandito kasi kami ngayon sa dulo ng Calye Karunsil.“Kasi, ang puti mo kahit ilang taon ka nang nandito sa Amontala small town. Hindi manlang umiitim ang balat mo. Kutis artista ka at kutis mayaman talaga,” sagot ni Dotie habang manghang-manghan sa balat ko.“Sabi nga nung mga suki ko sa palengke, hindi raw ako bagay na tindera roon, mukha raw akong mayaman,” natatawa kong pagbibida sa kanila.“Totoo naman, e, mukha kang taga city, hindi tagarito sa probinsya,” sabi pa ni Rasha.“Huwag na huwag ninyong sasabihin ‘yan kapag kasama natin si Nardo, magagalit iyon, baka tanggalan kayo ng trabaho sa farm namin,” sita ko sa kanila habang nag-iihaw kami na kami ng manok.Napangiwi ang mukha ni Mishalyn. “Ewan ko ba diyan kay Nardo. Ang dami rin atang lihim. Bakit ayaw niyang sabihin
Chusan POVPaglapag na paglapag ko rito sa Pilipinas after three years, puntod ni Sylaila ang una kong pinuntahan.I’ve been really busy these past few years because of the TV series, the movie, and various projects I did in Korea.May dala akong bulaklak at kandila. Inaya ko si Sera dito kanina pero ayaw niya, pagod daw siya at may jetlag, kaya pinili na lang mamahinga sa condo namin.“How are you, Sylaila? How are you and Baby Nari doing up in heaven?” tanong ko kay Sylaila kahit alam kong hindi naman siya sasagot.Kung buhay pa siguro silang dalawa, baka nagsasalita at naglalakad na si Baby Nari ngayon. Baka mag-asawa at masayang-masaya kami ni Sylaila. Kahit limang taon na siyang wala, sariwa pa rin sa puso ko ang lahat ng alaala naming dalawa.Even though Sera Park is my girlfriend now, parang mas matimbang pa rin sa puso ko si Sylaila.Hindi ko mapigilang maiyak sa tuwing maaalala ko ang lahat ng masasayang ginawa namin noon ni Sylaila.Tandang-tanda ko pa, nagkakilala kami noon
Sylaila POVSimula pa kahapon ay hindi na kami masyadong nagkikibuan ni Nardo. Nung hindi siya pumayag sa pangalawang pag-aaya ko na pumunta sa Manila ay nagtampo na rin talaga ako ng husto sa kaniya.Pero kahit na hindi ko siya kinikibo, hindi pa rin niya kinakalimutan ang tsaa o kape ko kapag nagwo-work ako rito sa farm. Araw-araw, hindi niya kinakaligtaan ang pagtitimpla ng tsaa at kape sa akin. Iniwan lang niya ang pagkain at maiinom ko sa may lamesa sa gitna ng farm, na kung saan ay merienda-han place koMag-isa ako ngayon dito sa gitna ng farm. Namimitas naman ako ng sili kasi balak kong gumawa ng chili garlic. Ubos na kasi ang mga stock ko sa kubo at ang paninda ko na rin.“Ila!” sigaw bigla ni Aling Doreng, kaya nagulat at napatayo ako.“Aling Doreng, nandito na po pala ulit kayo!” sigaw ko rin habang nakangiti.Si Aling Doreng kasi ay pinaka-kinakainggitan kong taga-rito sa Amontala.Bakit?Pabalik-balik lang naman kasi siya sa Amontala at sa Manila City. May cake shop si Ali
Sylaila POVNasa palengke ako rito sa Calye Lumipak. Dito kasi sa calye na ito ang lugar kung saan maraming nagbebenta ng iba’t ibang pagkain. Nasa puwesto na ako, habang nakabalandara ang mga gulay at prutas na pinitas namin sa farm kahapon.Maya maya pa ay dumating na ang isa sa mga suki ko.“Ila, magkano itong petchay mo?” tanong ni Ate Lala.“Sampung piso na lang ang isang tali para sa iyo, Ate Lala,” sagot ko sa kaniya. “Kakapitas lang niyan at fresh pa,” dugtong ko pa para ma-salestalk ko siya.“Halata naman, kaya nga palagi akong napapabili sa iyo,” sagot niya habang patuloy na namimili ng petchay na gusto niya. “Ito oh, okay na sa akin ang tatlong tali,” sabi pa niya, sabay abot nung tatlong taling petchay. Sinupot ko iyon at saka ko tinanggap ang binayad niyang trenta pesos.Napansin kong napatingin siya kay Isla. “Ila, napaka-cute talaga ni Isla, habang lumalaki. Habang tumatagal din at lalo ata siyang nagiging parang Koreana dahil sa singkit nitong mata,” sabi pa ni Ate Lal
Ilaria POVMay malamig na dumampi sa pisngi ko. Hindi ko agad mawari kung ano ba iyon. Basta, parang amoy gamot. O amoy alcohol ata. May mahinang ugong ng electric fan at isang ilaw na tumatama kahit nakapikit pa ang mga mata ko. Parang nanghihina ako, ramdam ko ‘yun kahit nakapikit pa ako.“Il… Il
Ilaria POVHindi nagpatalo ang mama ni Keilys. Akala ko mapapahinga na ako sa mansion, pero hindi.Pagod pa rin ang katawan ko mula sa pamimili kahapon, pero ito namang si Mama Keilani ang gumawa ng lakad. Sa totoo lang, hanggang ngayon, parang panaginip pa rin sa akin ang milyon-milyong ginastos n
Ilaria POVTapos na ako sa pagbabasa ng librong pinapabasa sa akin ni Papa Sylas. Mukhang soon ay isasabak na talaga nila ako sa paghawak ng business nila. Nakakainis nga kasi marami-rami pa raw akong kailangang basahin na libro. Ihahanda raw iyon nila Mama Keilani at Papa Sylas bago sila bumalik s
Ilaria POVParang panaginip pa rin ang lahat kahit nakasuot na sa daliri ko ang singsing na binigay ni Keilys. Nakatayo ako sa gitna ng resort, hawak ang kamay ni Keilys, habang nakatingin sa buong paligid. Kanina, sa sobrang dilim, napakapangit ng lugar na ito, pero ngayong maliwanag na, aba, napa







