Home / Romance / Kakaibang Tikim / Season 5 (Chapter 44)

Share

Season 5 (Chapter 44)

last update publish date: 2026-03-19 14:09:26

Kuki POV

Isang linggo na ang lumipas mula nung halos mamatay ako habang tinatakbo sa ospital. Halos isang linggo na ring pinapahirapan ni Iliana ang pinsan niyang si Jate. Grabe, halos pumayat na sa hirap ang babaeng iyon. Halos araw-araw ba namang pagod sa paglilinis ng kung ano-anong sulok ng mansion. Halos lahat ng gawain ng kasambahay ay siya na ang gumawa. Hindi pumapayag nang hindi sumusunod si Jate, palagi niya itong kinukuryente. Kaawa-awa, talaga namang sa kaniya na binuntong ni ang ga
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
aira
ayeaahhhh magaling na pwd na umpisa ang laban thanks papa sylas
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 61)

    Iliana POVGising na si Zariyah nung pumasok ako sa clinic nung hapong iyon. Nadatnan ko rin na nagpapaliwanag na siya sa asawa niya. Nung marinig kong parang galit na galit si Hendrix, hinayaan ko muna silang dalawa na mag-usap.Pumunta na lang ako sa kuwarto ni Jate. Nadatnan ko siyang gising pero nakahiga.“Iliana?” tawag niya sa akin. Lumapit ako at saka ko pinamulsa ang kamay ko.“Bakit?” tanong ko.“Nakabalik na si Tita Davina sa inyo. Bakit hindi niyo pa ako pinapakawalan?” tanong niya sa akin habang parang bangkay na hindi makagalaw.“Dahil pagbabayaran niyo pa ang lahat ng kasalanan ninyong mag-iina sa amin,” seryoso kong sagot sa kaniya.“Isa pa, ilang araw ko nang hindi magalaw ang katawan ko. Anong ginawa ninyo sa akin? Bakit bigla akong naging baldado?”Napangisi ako. “Ganiyan kasi ang ginawa niyo sa mama ko nung una. Kaya ginaya lang niya. Ayan, ikaw naman ang nabaldado ngayon.”“Putangina kayo! Mga hayop! Wala kayong awa!” sigaw niya. Iyan na lang ang tanging nagagawa n

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 60)

    Iliana POVHindi puwedeng dalhin sa ospital si Zariyah kasi baka doon na siya tuluyang patayin ng mga kalabanan. Kaya naman nagpagtawag si Mama Davina ng mga private doctor at nurse para dito na lang gamutin si Zariyah. Agad din nilang hinanda ang lahat ng kakailanganing gamit para magamot at maligtas ang buhay niya.Kinailangang salinan ng dugo si Zariyah sabi ng doctor. Mabuti na lang at magka-blood type sila ni Vandolf. Siya na ang nagsabing sasalinan niya ng dugo si Zariyah. Lahat ng kailanganing gamit ay pinabili aga ni Mama Davina para masagawa agad ang paggagamot kay Zariyah. Gaya ko, malaki rin talaga ang utang na loob ni Mama sa kaniya kaya gusto nitong bumawi. Kung hindi kasi dahil kay Zariyah, hindi siya makakawala sa kamay nila Tito Harry at Tita Venice.Pagkatapos ng lahat, sa wakas ay nagpapagaling na lang si Zariyah. Naroon na ito sa clinic na ginawa na rin dito sa mansion. Ito ay para kapag may nasugatan din na iba sa amin, mayroon na kaming sariling gamutan dito sa ba

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 59)

    Iliana POV“Anong nangyayari? B-bakit kailangan naming sumama sa inyo? Bakit sinasabi mong kami ang pakay nung dalawang assassin na iyon?” sunod-sunod na tanong ni Hendrix nung aminin na namin ni Kuki sa kaniya ang lahat-lahat.Lumapit si Kuki sa kaniya. “Hendrix, puwede bang doon na tayo mag-usap nang mabuti sa mansion nila Iliana? Mabuti pa’y sumama na muna kayo ni Ariyah sa amin. Doon na rin kayo magkikita at mag-uusap ni Zariyah. Susunod siya sa atin.”Napatitig na lang si Hendrix sa amin. Parang nagdadalawang-isip kung sasama ba siya o hindi. Kaya doon ko na ginamit ang susi ko. Kinuha ko ang cellphone ko at saka ko pinakita ang video ni Zariyah. “Panuorin mo ‘to, Hendrix,” sabi ko sa kaniya.Tinanggap niya ang cellphone ko. Nang ma-play niya ang video, seryoso niya itong pinanuod.“Hendrix, asawa ko, patawad sa mga ginagawa kong hindi mo pa alam hanggang ngayon. Pero saka na ako magpapaliwanag. Mas mabuti kung sumama na muna kayo kina Iliana. Doon tayo magkita-kita sa bahay nila

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 58)

    Iliana POVHuli na para hindi kami magpakita. At hindi rin naman ubrang umalis na lang bigla dahil mission naming makuha sina Hendrix at Ariyah. Hindi naming puwedeng pabayaan ang mag-ama ni Zariyah. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya, kaya gagawin ko rin ang lahat para maprotektahan at maligtas ang mga mahal sa buhay ni Zariyha. Ngayon ako babawi sa kaniya.“Ang lakas ng loob n’yo,” sabi ni Portia, habang iniikot ang leeg niya. Bumaba na kasi kami ni Kuki sa sasakyan para magpakita sa kanila.“Sinasabi na nga ba’t taksil na si Zariyah,” dagdag ni Raica, habang nanlilisik ang mga mata niya sa amin ni Kuki.Wala na, tuluyan na nilang nalaman ang sikreto namin ni Zariyah. Pero parang ganoon na rin kasi balak na rin nilang kunin ang mag-ama ni Zariyah. Siguro ay para mahawakan sa leeg si Zariyah, na hindi namin hahayaang mangyari.Kulang pa man ako sa mga totoong battle, pero mukhang ngayong umaga, mararanasan ko na ang isa sa mga matinding totoong laban sa mga walangyang assassin na

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 57)

    Kuki POVNag-message si Zariyah kay Iliana. Ang sabi nito, tignan at protektahan ang asawa at anak niya. Ito ay dahil naghihinala na sa kaniya sina Harry at Venice. Kaya anumang oras daw ngayon ay pupuwede siyang tumakbo at umalis sa kanila.Malaki ang utang na loob sa kaniya ni Iliana kaya agad-agad ay aasikasuhin namin ang sinabi nito.Madaling-araw ngayon, heto, kasama si Iliana, umalis kami para puntahan ang asawa at anak ni Zariyah. Gamit-gamit ang isang van. Kailangan kasi naming ilayo ang pamilya niya.“Kuki, gusto ko ng kape?” inaantok na sabi ni Iliana. Katabi ko siya rito sa harap. Ako ang nagda-drive. Alas tres ng madaling-araw nung tumawag sa kaniya si Zariyah. At kahit inaantok at pagod dahil sa battle niya kagabi, heto, nagawa niyang bumangon pa rin para tulungan naman si Zariyah.“Sige, dadaan tayo sa coffee shop,” sagot ko habang naghahanap na malapit na madadaanang kapihan. “Gusto ko rin kasi ng cake, o kahit anong matamis, need ko ng energy dahil kulang na kulang ang

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 56)

    Iliana POVMas lalong lumalakas ang loob namin ni Kuki, lalo na’t dumating na ang iba pang tauhan nila Mama Davina. Nagulat pa kami ni Kuki nung makita naming halos bato-bato ang katawan ng mga farmers na mandirigma na iyon. Sabi ni Mama Davina, sila ang itatapat sa mga higanteng lalaking tauhan nila Tito Harry at Tita Venice.May dala-dala pa silang buntis na babae. Ewan ko kung anong plano ni mama doon. Pero mukhang mahalaga ito sa kaniya.“Anong plano mo ngayong araw?” tanong ni Kuki habang papunta kami sa training field.“Battle ulit. This time, si Nomad naman ang susubukan kong labanan,” sagot ko sa kaniya habang diretsyong nakatingin sa daan.“Sigurado ka?” tanong niya, habang dahan-dahan niyang iniikot ang hawak niyang balisong.Ang talim nito ay kitang-kita ang kislap dahil sa sikat ng araw. Nakaisip tuloy ako bigla ng gagamitin ko. Kinuha ko na rin tuloy ang balisong na nakita ko dito sa training field.“Tara, gumamit tayo ng armas, Nomad,” aya ko sa kaniya pagharap ko sa gru

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 132)

    Ilaria POVSa park ng school kami huminto. Sa damuhan, naglatag na kumot si Rook, pagkatapos ay saka nilapag at hinanda ni Vandall ang box ng pizza, box ng chicken wings, box ng donut at mga milktea. May tubig din naman. Ang dami, at ayon sa kanila, utos ito ng bossing nila. Siyempre, walang iba ku

    last updateLast Updated : 2026-03-27
  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 109)

    Ilaria POVHindi ko alam kung bakit parang ang bigat ng dibdib ko habang nasa loob ng kotse, papunta kami nila Sir Keilys sa bahay nila Kiyo. Kanina pa ako tahimik habang pinagmamasdan ang madilim na kalsada habang binabaybay ng headlights ang bawat lubak at tahimik na poste.Gabi na kasi, ‘yung ti

    last updateLast Updated : 2026-03-26
  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 146)

    Ilaria POVNakita kong nakatingin si Vandall sa akin habang naglalakad ako pabalik sa inuman.“Bakit?” tanong ko sa kaniya nang huminto ako. Nadaanan ko kasi siya sa may lutuan ng mga karne, siya ang nagbabantay doon ng mga pork chop na pinupulutan.“Eh, para kang natipalok na hindi ko maintindihan

    last updateLast Updated : 2026-03-27
  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 140)

    Ilaria POVPagkababa pa lang namin ni Toph sa sasakyan, ngiting-ngiti na agad si Toph. Bitbit namin pareho ‘yung mga paper bags ng pagkain. Kahit nakasaklay siya, sige pa rin sa pagtulong sa pagbitbit ng dala-dala naming pagkain, na sinadya naming order-in para iuwi dito sa villa ni Sir Keilys.“Na

    last updateLast Updated : 2026-03-27
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status