LOGINDavina POVAmoy ubas na agad, nakaka-miss, shit! Iyon agad ang sumalubong sa akin pagdating namin dito sa malaking grapes farm ng pamilya ko.Huminto ang sasakyan sa gitna ng malawak na lupain na alam kong isang daang hektarya ng ubasan. Naalala ko, ito ang business na naunang hawak namin ni Sylas noong mag-asawa pa kami. Kung hindi ko siguro nilandi si Braxton noon, baka hanggang ngayon ay mag-asawa pa rin kami ni Sylas.Pagbaba ko roon, mas lalo kong naramdaman ang simoy na hangin na isa rin sa na-miss ko rito.“Okay ka lang?” tanong ni Braxton habang nakatingin sa akin. Napahinto kasi ako habang nakatingin sa buong paligid.Tumingin ako sa kanya at saka ako ngumiti. “I’m perfectly fine! It’s just that I still can’t quite believe we’re free again. We’re no longer in prison.”Simula nung makalaya ako sa kulungan, pati na rin sa pagkukulong sa akin ng pinsan kong si Harry, pakiramdam ko, binigyan talaga ako ulit ni Lord ng bagong buhay. Hindi para gumawa na naman ng masama kundi para
Iliana POVPag-uwi namin sa mansion, sa banyo ang tuloy ni Mama Davina. Hindi naman sa pagiging maarte, pero nung kasama namin kasi siya kanina sa sasakyan ay may amoy. Hindi ata siya nakakaligo ng maayos doon. Pero sabi naman niya, pinapaliguan siya minsan nila Zariyah, pero madalian. Hindi na masyadong nakukulkol ang balat. Halos sabon na nga lang daw ang gamit pati sa buhok niya kaya naging sobrang dry na ng buhok nito. Ngayon, ayon, nakababad pa siya ngayon sa bathtub. Habang naliligo, naka-wine pa. Iyon daw kasi ang nakasanayan niya noong okay pa ang buhay nila ni Papa Braxton. Hinayaan ko na lang, mukhang miss na miss na niya ang ganoong buhay.Habang naliligo siya, kino-contact ko naman si Zariyah. Siyempre, kahit natakas na niya ang Mama Davina ko, sinigurado ko pa ring magiging okay siya. Nakatanggap ako ng message sa kaniya. Ang sabi niya, huwag tumawag kasi nagkakagulo na ngayon doon sa hideout dahil sa paghahanap sa Mama Davina. Natuwa akong malaman na wala silang alam na
Davina POVHabang mabilis ang pagtakbo namin ni Zariyah, ramdam kong malagot-lagutan agad ako ng hininga. Pero kinakaya ko kasi gusto ko nang makatakas. Tagaktak na ang pawis namin kasi masyado palang malayo ang palabas ng gubat na ito.Halos magkakalahati na kaming tumatakbo, minsan, napipilatan ako ng tumigil para magpahinga. Hinahayaan naman ako ni Zariyah dahil baka malagutan na ako ng hininga. Pero sampung minuto lang, pagkatapos ay takbo na ulit.Sa kalagtinaan nang pagtakbo namin, biglang sumulpot ang isang armadong lalaki.“Miss Zariyah, anong ibig sabihin nito?” tanong ng lalaking iyon habang nanlalaki ang mata. Nakatutok na agad ang baril nito sa akin.Hindi agad sumagot si Zariyah, pero ‘yung kaba ko, aba, mas lalong tumindi. Pero hindi na ako nagdalawang-isip na kumilos. Sayang ang patalim na hawak ko. Sa isang iglap, mabilis ko itong hinagis sa kaniya. Napangiwi ako nung tumama ito sa mukha niya. Agad tuloy siyang bumagsak sa sahig.“Nice one, Ma’am Davina,” puri ni Zariy
Davina POVTanghali na at isa ito sa masahol na pinagdadanan ko. Sobrang init kasi dito sa kuwarto ko tuwing ganitong oras. Tuwing napakatindi ng sikat ng araw. Wala manlang kasing electric fan. Tinanggalan ako ng lintik na si Venice.Pero ang napansin ko, ngayong araw ay parang may kakaiba. Tahimik ang paligid, sanay na kasi ang tenga ko sa bawat ingay nila tuwing umaga, hanggang hapon.At doon ko narinig ang malakas na usapan nila nung dumungaw ako sa may bintana.“Maghanda na kayo!”Narinig kong sabi ng isa sa kanila. Ang lakas ng boses nito. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko, para makinig.“May training tayo sa kabilang area.”“Lahat kayo ay sasama!”Napakunot ang noo ko. Training sa malayo? Naisip ko agad na pagkakataon na ito para maitakas ako ni Zariyah.Mas lalo akong nakinig.“Yung mga maiiwan, kayo na bahala dito. Bantayan niyo ‘yang babae. Hindi ‘yan puwedeng makatakas.”Narinig ko ang mga paa nilang naglalakad na. Mukhang ngayon din ay aalis na sila.Hanggang sa naging
Iliana POVKatatayo lang namin ni Kuki mula sa maliit na lamesa sa karinderya.“First time ko sa ganito, Iliana, pero tama ka nga, masarap ah,” nakabulong na sabi ni Kuki. Nahihiya siyang marinig nung ibang tao na kasabay naming kumakain.“Sabi ko naman sa iyo. Ako pa ba?” pagmamayabang ko sa kaniya.Pinunasan ko na ang labi ko gamit ang tissue at tumayo.“Okay na?” tanong ni Kuki, na nakasunod sa likod ko.Tumango ako. “Yes, bayad na rin,” sagot ko.Pagtayo namin, bigla namang may sumigaw, kaya kapwa pa kaming nagulat ni Kuki.“Hoy! Huwag kang gagalaw!”Napahinto ako, kasabay ng malakas na sigaw ng lintik na lalaking iyon.Napalingon ako agad.Doon ko nakita ang dalawang lalaking naka-cap, namay hawak na patalim. Ang isa ay agad namang nakalapit sa harap ng kaha. Kinukuha na nito ang mga pera nung ginang na may-ari ng karinderya.“Ilabas mo lahat ng pera! Bilis!”Mangiyak-ngiyak ang ginang na may-ari ng karinderya.“Kuya, huwag naman, pinuhunan ko lang ‘yan.”Pero hindi sila tumigil
Iliana POVPumunta ulit kami ni Kuki sa bahay ni Zariyah para makibalita. Dito sa loob ng bahay ni Zariyah ay masyadong tahimik kapag ganitong oras.May amoy ng lutong ulam na parang kakahain lang kanina. Sa tingin ko ay parang sisig pork, kasi iyon ang naaamoy ko talaga.Lumabas na sa kuwarto si Zariyah. Naglakad siya palapit sa amin dito sa maliit na sala nila.Tinitigan ko si Zariyah. Seryoso na naman ang mukha niya. Kapag nandito kami sa bahay niya, para bang naaamoy kong kabado siya at hindi komportable.“Kumusta ang plano?”Hindi na ako nagpaligoy-ligoy. Gusto ko na agad malaman kung nag-uumpisa na ba siya? Kung nakausap na ba niya ang Mama Davina ko at ipinaalam na sa amin na ang panig ni Zariyah.Huminga siya nang malalim bago sumagot. “Hindi kasi madali iyon, Miss Iliana.”Oo, minadali ko talaga siya. Kasi, baka kako may magawa agad siya. Alam ko kasing magaling siyang assassin, so, baka naman may magawa agad siya. Saka, inaasahan ko pa naman na ngayong araw ay mailalabas na
Keilani POVMatapos ang mga pasabog naming rebelasyon ni Sylas, ramdam ko pa rin ang tindi ng excitement sa buong event hall. Pero hindi pa tapos ang engrandeng selebrasyon.Ngayon pa lang magsisimula ang tunay na pagdiriwang.Pagkatapos ng announcement, dumiretso kami sa main showroom ng Merritt L
Keilani POVMas maaga akong nakauwi sa mansion kaysa sa asawa ko. Hindi na muna kasi ako nagpunta sa training ko sa martial arts dahil busy ako ngayong buong maghapon.Pagdating ko, nagbihis na agad ako ng pambahay at saka ako dumiretso ako sa kusina. Nandoon sina Manang Letty at ang iba pang kasam
Keilani POVNgayon na ang araw. OMG, kinakabahan ako na medyo masaya at excited.Ito na ang araw ng pagbubukas ng Merritt Luxury Motor Company ko.Pagkagising ko pa lang, alam ko nang magiging makasaysayan ang araw na ito para sa amin ni Sylas. Hindi lang ito tungkol sa kumpanya ko, ito rin kasi an
Keilani POVNakatayo ako sa harap ng isang napakalaking gusali, nakatingala, habang unti-unting nilalamon ng isip ko ang katotohanang ito na ang magiging opisyal na kumpanya ko.Nasa harap na ako ngayong ng Merritt Luxury Motor Company na binigay sa akin ni Sylas.Dalawang buwan ko na itong pinag-a







![Chasing Mr. Billionaire [SSPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)