/ Romance / Kakaibang Tikim / Season 5 (Chapter 66)

공유

Season 5 (Chapter 66)

last update 게시일: 2026-04-02 23:06:31
Iliana POV

Parang nagdilim ang buong mansion nung ibalita ng doctor na biglang naging comatose si Vandolf. May malaking crack pala sa ulo niya kaya halos naliligo ito sa sarili niyang dugo. Nag-iiyakan tuloy sina Romad, Jinx at Wook. Pati ang helltrace ay nalungkot dahil sa sinapit ng leader ng bloodtrace.

Sinabi ko naman sa mga doctor na gawin ang lahat para mapabuti ang lagay ni Vandolf. May pag-asa pa naman daw sabi nila. Pero iyon nga lang, kaunti lang. Pero aasa kaming magiging okay siya.

LiaCollargaSiyosa

Sorry kung paisa-isa ang update. Holy week, may pabasa sa street namin kapag ganitong panahon. Maingay sa labas at nasa bahay ang lahat ng kaanak. Mahirap mag-focus sa pagsusulat kapag maingay, kaya babawi po ako after nitong holy week. Maraming salamat po at mag-ingat po ang lahat.

| 6
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (2)
goodnovel comment avatar
Malou
maraming salamat sa update nyo ng story
goodnovel comment avatar
aira
thanks author hehehe ...
댓글 더 보기

최신 챕터

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 66)

    Iliana POVParang nagdilim ang buong mansion nung ibalita ng doctor na biglang naging comatose si Vandolf. May malaking crack pala sa ulo niya kaya halos naliligo ito sa sarili niyang dugo. Nag-iiyakan tuloy sina Romad, Jinx at Wook. Pati ang helltrace ay nalungkot dahil sa sinapit ng leader ng bloodtrace.Sinabi ko naman sa mga doctor na gawin ang lahat para mapabuti ang lagay ni Vandolf. May pag-asa pa naman daw sabi nila. Pero iyon nga lang, kaunti lang. Pero aasa kaming magiging okay siya.“Ipaghihiganti ka namin, Vandolf,” galit na sabi ni Romad.“Humanda sila,” sabi naman ni Wook.Inaya ako ni Zariyah sa labas. Nag-usap kaming mabuti. “Gusto mo bang tapusin na agad natin ito?” seryoso niyang tanong.“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kaniya.“Tayo na ang sumugod sa kaniya. Maunti na lang kasi sila. Kayang-kaya na natin silang ubusin. Hindi kasi maganda na palagi na lang tayong nagkukulong dito. Kapag naubos na natin sila, pare-pareho na tayong malaya,” paliwanag niya kaya na

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 65)

    Iliana POVOne week nang wala si Kuki. Miss na miss ko na siya. Nakakainis pa dahil hindi siya nagme-message. Hindi rin siya sumasagot sa phone call ko at pati na rin sa social media. Hindi ko na tuloy alam kung ano nang nangyari sa kaniya.May kumatok sa pinto ng kuwarto ko. “Pasok,” sabi ko. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang kasambahay.“Ma’am Iliana, pinapatawag daw po kayo ni Miss Zariyah,” sabi nito.“Sige, susunod ako, sandali lang,” sagot ko sa kaniya. Bago ako lumabas ng kuwarto, napatingin pa ulit ako sa cellphone ko. Wala pa rin talagang paramdam si Kuki. Pakiramdam ko, pinag-trip-an na lang niya ako nung huling magkita kami, kunyari ay niligawan niya ako pero ang totoo ay joke time lang iyon. Naiinis ako sa kaniya.Pagbaba ko sa ibaba, nakita ko si Zariyah na naghihintay sa may sala. Tumayo siya nung makita akong palapit.“Gusto ko nang makaharap si Jate,” pagpaalam niya sa akin. After one week, heto na si Zariyah, nakakapaglakad na at nakakatayo na siya.“Halika, sund

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 64)

    Iliana POVAko ang naghatid kay Kuki sa airport. Pero may escort ako. Nasa kabilang sasakyan na nasa likod ang helltrace at bloodtrace. Hindi hinayaan ni Mama Davina at Papa Braxton na mag-isa akong babalik sa mansion. Mahirap na raw, baka sundan ako ng mga kalaban.“Huwag ka nang sumama pa sa loob. Dito na lang ako,” sabi ni Kuki habang nakatitig na mabuti sa akin. “Salamat sa paghatid din,” dagdag niya.Hinawakan ko ang kamay niya. “Again, kinalulungkot ko ang nangyari sa papa mo. Basta, kapag need mo ng help, magpapa-book agad ako sa china. Susundan kita doon para tulungan kita,” pangako ko sa kaniya.“Promise?” malungkot niyang tanong.Tumango ako. “Tatapusin ko lang agad itong mga mangkukulam kong tiyuhin at tiyahin, pagkatapos susundan kita sa China,” sagot ko.Ngumiti siya saka hinila ang mukha ko. Kapagdaka na lang niya akong hinalikan. “Bago ako umalis, gusto ko sanang ma-sure na naka-safe na ang puso mo dito sa loob ng puso ko,” sabi niya matapos akong halikan.“A-anong ibig

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 63)

    Iliana POV“Malaking kawalan sa grupo nila Harry ang dami ng napaslang ninyo,” sabi ni Papa Braxton.“At tiyak na gigil na gigil sa galit ngayon si Venice,” sabi naman ni Mama Davina.“Ganito kaalisto ang lahat ng tauhan natin. Hinandan namin silang mabuti para sa ganitong sitwasyon. Tignan mo, wala ni isang patay sa mga tauhan natin. Sugatan lang ang ilan sa kanila,” sabi ko habang proud sa sarili.“Excuse me po, pero handa na ang almusal,” sabi ng isang kasambahay.Tinignan ko siya habang nakangiwi. Gusto kong magtaray pero pinili kong magtimpi. Nakaharap kasi kami sa maraming bangkay, tapos almusal ang kasunod? Parang hindi ko ata kayang kumain agad kapag ganito.“Sige na, kakain kami kapag gutom na,” sagot ni Mama Davina sa kaniya. Maging siya ay tila nagtitimpi na rin sa pagiging maldita.“Iwan ko na muna kayo. Kailangan kong kausapin si Kuki,” paalam ko sa kanila.Naglakad ako papunta sa kuwarto ni Kuki. Simula kasi kanina nung matapos ang labanan, hindi ko na siya nakita. Nag-a

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 62)

    Iliana POVNarinig ko ang sunod-sunod na sigaw sa labas. Nagising ako doon kasi may speaker din talaga sa loob ng kuwarto ko para mabilis kong marinig kung may kalaban bang darating. Tumingin ako sa orasan, halos madaling-araw na pala.BEEP…BEEP…BEEP...Biglang umalingawngaw ang alarm ng phone ko. Sobrang lakas nun kasi naka-set up talaga na todo para magising ako. Doon na ako tuluyang napabangon.Kasabay nun ang pagtawag ng isa sa mga security guard sa labas, Agad kong sinagot para malaman ko kung anong nangyayari.“Hello, anong nangyayari ngayon sa labas?” tanong ko agad sa kabilang linya.“Ma’am Iliana, may grupo ng mga armadong lalaki sa labas ng gate. Mukhang—”“Assassins?” putol ko agad sa sasabihin niya.Napabuntong-hininga siya bago ulit sumagot. Nagtataka siguro siya dahil alam ko na agad. “Opo, ma’am, mga assassin nga.”Dahil doon ay lalo akong napatayo at naghanda. “Buksan niyo ang outer perimeter. Huwag niyong papasukin sa main hall hangga’t wala kami,” utos ko, habang k

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 61)

    Iliana POVGising na si Zariyah nung pumasok ako sa clinic nung hapong iyon. Nadatnan ko rin na nagpapaliwanag na siya sa asawa niya. Nung marinig kong parang galit na galit si Hendrix, hinayaan ko muna silang dalawa na mag-usap.Pumunta na lang ako sa kuwarto ni Jate. Nadatnan ko siyang gising pero nakahiga.“Iliana?” tawag niya sa akin. Lumapit ako at saka ko pinamulsa ang kamay ko.“Bakit?” tanong ko.“Nakabalik na si Tita Davina sa inyo. Bakit hindi niyo pa ako pinapakawalan?” tanong niya sa akin habang parang bangkay na hindi makagalaw.“Dahil pagbabayaran niyo pa ang lahat ng kasalanan ninyong mag-iina sa amin,” seryoso kong sagot sa kaniya.“Isa pa, ilang araw ko nang hindi magalaw ang katawan ko. Anong ginawa ninyo sa akin? Bakit bigla akong naging baldado?”Napangisi ako. “Ganiyan kasi ang ginawa niyo sa mama ko nung una. Kaya ginaya lang niya. Ayan, ikaw naman ang nabaldado ngayon.”“Putangina kayo! Mga hayop! Wala kayong awa!” sigaw niya. Iyan na lang ang tanging nagagawa n

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 227)

    Ilaria POVPanay ang tawag at message pala ni Keilys buong maghapon. Ni hindi ko nagawang mag-cellphone dahil sa sobrang busy ko kay Loraine. Maghapon ko siyang inasikaso at inusap. Maghapon din kaming nagbabangayan, pero nauwi na rin iyon sa paghawak ko sa kaniya sa leeg. Nakiusap at nagmakaawa si

    last update최신 업데이트 : 2026-03-30
  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 212)

    Ilaria POVHindi ko alam kung saan itinatago ni Lorcan ang mga sikreto niya, pero kung gaano siya kagaling magtago ng ebidensiya, ganoon din siguro kagaling magtago ng kasamaan.Ilang beses na akong umikot sa kuwarto niya pero wala akong makitang kung ano, kainis. Mukhang maingat din talaga ang hay

    last update최신 업데이트 : 2026-03-30
  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 214)

    Ilaria POVHindi ako mapakali. Hindi mawala sa isip ko ang nakita kong maliit na box sa closet room ni Lorcan. Isang sikreto na maaaring magpabagsak sa buong pagkatao niya o magpatunay na totoo ang hinala kong may kinalaman siya sa pagkawala ni Joshua.Kaya pagpasok ko ngayon sa mansiyon, buo na an

    last update최신 업데이트 : 2026-03-30
  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 209)

    Ilaria POVBack to Manila na kami ni Keilys. Tumawag kasi si Rica sa akin, today na niya dadalawin ang bruha niyang tiyahin na si Loraine, ang mama ni Lorcan. Kaya, kahapon palang, lumuwas na kami ni Keilys at natulog sa condo niya.Ngayong umaga, maaga akong umalis ng condo ni Keilys para puntahan

    last update최신 업데이트 : 2026-03-30
더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status