FAZER LOGINIliana POVParang nagdilim ang buong mansion nung ibalita ng doctor na biglang naging comatose si Vandolf. May malaking crack pala sa ulo niya kaya halos naliligo ito sa sarili niyang dugo. Nag-iiyakan tuloy sina Romad, Jinx at Wook. Pati ang helltrace ay nalungkot dahil sa sinapit ng leader ng bloodtrace.Sinabi ko naman sa mga doctor na gawin ang lahat para mapabuti ang lagay ni Vandolf. May pag-asa pa naman daw sabi nila. Pero iyon nga lang, kaunti lang. Pero aasa kaming magiging okay siya.“Ipaghihiganti ka namin, Vandolf,” galit na sabi ni Romad.“Humanda sila,” sabi naman ni Wook.Inaya ako ni Zariyah sa labas. Nag-usap kaming mabuti. “Gusto mo bang tapusin na agad natin ito?” seryoso niyang tanong.“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kaniya.“Tayo na ang sumugod sa kaniya. Maunti na lang kasi sila. Kayang-kaya na natin silang ubusin. Hindi kasi maganda na palagi na lang tayong nagkukulong dito. Kapag naubos na natin sila, pare-pareho na tayong malaya,” paliwanag niya kaya na
Iliana POVOne week nang wala si Kuki. Miss na miss ko na siya. Nakakainis pa dahil hindi siya nagme-message. Hindi rin siya sumasagot sa phone call ko at pati na rin sa social media. Hindi ko na tuloy alam kung ano nang nangyari sa kaniya.May kumatok sa pinto ng kuwarto ko. “Pasok,” sabi ko. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang kasambahay.“Ma’am Iliana, pinapatawag daw po kayo ni Miss Zariyah,” sabi nito.“Sige, susunod ako, sandali lang,” sagot ko sa kaniya. Bago ako lumabas ng kuwarto, napatingin pa ulit ako sa cellphone ko. Wala pa rin talagang paramdam si Kuki. Pakiramdam ko, pinag-trip-an na lang niya ako nung huling magkita kami, kunyari ay niligawan niya ako pero ang totoo ay joke time lang iyon. Naiinis ako sa kaniya.Pagbaba ko sa ibaba, nakita ko si Zariyah na naghihintay sa may sala. Tumayo siya nung makita akong palapit.“Gusto ko nang makaharap si Jate,” pagpaalam niya sa akin. After one week, heto na si Zariyah, nakakapaglakad na at nakakatayo na siya.“Halika, sund
Iliana POVAko ang naghatid kay Kuki sa airport. Pero may escort ako. Nasa kabilang sasakyan na nasa likod ang helltrace at bloodtrace. Hindi hinayaan ni Mama Davina at Papa Braxton na mag-isa akong babalik sa mansion. Mahirap na raw, baka sundan ako ng mga kalaban.“Huwag ka nang sumama pa sa loob. Dito na lang ako,” sabi ni Kuki habang nakatitig na mabuti sa akin. “Salamat sa paghatid din,” dagdag niya.Hinawakan ko ang kamay niya. “Again, kinalulungkot ko ang nangyari sa papa mo. Basta, kapag need mo ng help, magpapa-book agad ako sa china. Susundan kita doon para tulungan kita,” pangako ko sa kaniya.“Promise?” malungkot niyang tanong.Tumango ako. “Tatapusin ko lang agad itong mga mangkukulam kong tiyuhin at tiyahin, pagkatapos susundan kita sa China,” sagot ko.Ngumiti siya saka hinila ang mukha ko. Kapagdaka na lang niya akong hinalikan. “Bago ako umalis, gusto ko sanang ma-sure na naka-safe na ang puso mo dito sa loob ng puso ko,” sabi niya matapos akong halikan.“A-anong ibig
Iliana POV“Malaking kawalan sa grupo nila Harry ang dami ng napaslang ninyo,” sabi ni Papa Braxton.“At tiyak na gigil na gigil sa galit ngayon si Venice,” sabi naman ni Mama Davina.“Ganito kaalisto ang lahat ng tauhan natin. Hinandan namin silang mabuti para sa ganitong sitwasyon. Tignan mo, wala ni isang patay sa mga tauhan natin. Sugatan lang ang ilan sa kanila,” sabi ko habang proud sa sarili.“Excuse me po, pero handa na ang almusal,” sabi ng isang kasambahay.Tinignan ko siya habang nakangiwi. Gusto kong magtaray pero pinili kong magtimpi. Nakaharap kasi kami sa maraming bangkay, tapos almusal ang kasunod? Parang hindi ko ata kayang kumain agad kapag ganito.“Sige na, kakain kami kapag gutom na,” sagot ni Mama Davina sa kaniya. Maging siya ay tila nagtitimpi na rin sa pagiging maldita.“Iwan ko na muna kayo. Kailangan kong kausapin si Kuki,” paalam ko sa kanila.Naglakad ako papunta sa kuwarto ni Kuki. Simula kasi kanina nung matapos ang labanan, hindi ko na siya nakita. Nag-a
Iliana POVNarinig ko ang sunod-sunod na sigaw sa labas. Nagising ako doon kasi may speaker din talaga sa loob ng kuwarto ko para mabilis kong marinig kung may kalaban bang darating. Tumingin ako sa orasan, halos madaling-araw na pala.BEEP…BEEP…BEEP...Biglang umalingawngaw ang alarm ng phone ko. Sobrang lakas nun kasi naka-set up talaga na todo para magising ako. Doon na ako tuluyang napabangon.Kasabay nun ang pagtawag ng isa sa mga security guard sa labas, Agad kong sinagot para malaman ko kung anong nangyayari.“Hello, anong nangyayari ngayon sa labas?” tanong ko agad sa kabilang linya.“Ma’am Iliana, may grupo ng mga armadong lalaki sa labas ng gate. Mukhang—”“Assassins?” putol ko agad sa sasabihin niya.Napabuntong-hininga siya bago ulit sumagot. Nagtataka siguro siya dahil alam ko na agad. “Opo, ma’am, mga assassin nga.”Dahil doon ay lalo akong napatayo at naghanda. “Buksan niyo ang outer perimeter. Huwag niyong papasukin sa main hall hangga’t wala kami,” utos ko, habang k
Iliana POVGising na si Zariyah nung pumasok ako sa clinic nung hapong iyon. Nadatnan ko rin na nagpapaliwanag na siya sa asawa niya. Nung marinig kong parang galit na galit si Hendrix, hinayaan ko muna silang dalawa na mag-usap.Pumunta na lang ako sa kuwarto ni Jate. Nadatnan ko siyang gising pero nakahiga.“Iliana?” tawag niya sa akin. Lumapit ako at saka ko pinamulsa ang kamay ko.“Bakit?” tanong ko.“Nakabalik na si Tita Davina sa inyo. Bakit hindi niyo pa ako pinapakawalan?” tanong niya sa akin habang parang bangkay na hindi makagalaw.“Dahil pagbabayaran niyo pa ang lahat ng kasalanan ninyong mag-iina sa amin,” seryoso kong sagot sa kaniya.“Isa pa, ilang araw ko nang hindi magalaw ang katawan ko. Anong ginawa ninyo sa akin? Bakit bigla akong naging baldado?”Napangisi ako. “Ganiyan kasi ang ginawa niyo sa mama ko nung una. Kaya ginaya lang niya. Ayan, ikaw naman ang nabaldado ngayon.”“Putangina kayo! Mga hayop! Wala kayong awa!” sigaw niya. Iyan na lang ang tanging nagagawa n
Ilaria POVKagagaling lang namin sa ilog. Kahit medyo mga pagod, napagkasunduan naming dumalaw sa sementeryo. Si Toph kasi, hindi nakapunta nung lamay ni Nanay Laria. Gusto niyang bumisita at mag-alay ng bulaklak sa kaniya.“Sigurado ka, Ilaria, tutuloy tayo, puwede namang kapag wala kang pasok?” t
Ilaria POVHindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nang makita kong tangay-tangay na ng ilog si James. Ang lakas ng agos, malalim pa iyon, at kung sinong hindi sanay lumangoy sa ganitong klaseng lakas ng alon ng tubig ay siguradong malulunod. Pero sa halip na matakot, parang may kung anong puwe
Keilys POVNakauwi na kami sa villa. Kasama ko na ulit dito sa bahay sina Manang Lumen at ang Tatay ni Ilaria na si Tatay Iggy. At sa unang pagkakataon mula nang magkasakit sila Manang Lumen at Tatay Iggy, nakangiti na ulit silang dalawa.“Salamat talaga, Keilys,” sabi ni Tatay Iggy habang inaakay
Ilaria POVAlas-singko pa lang ng umaga, gising na gising na ako. Ang araw na ‘to kasi ang simula ng clinical rotation namin sa Saint Evania Medical Center, isang malaking ospital sa isang bayan na kilalang disiplahin sa training ang mga student na nurse.Graduating na talaga ako kaya may mga ganit







