Share

Kabanata 23

Maagang nagising si Alea. Nakarinig siya ng katok sa pinto ng silid kaya nilapitan niya ito. Ang kaibigan niyang si Iris ay hindi pa nagigising at humihilik pa nga ito. Nang mabuksan ang pintuan ay agad niyang nakita ang kaibigang si Ash na nakatayo sa labas ng pintuan.

"Kumain na kayo para maihatid ko na kayo pabalik," walang emosyong sabi ni Ash.

"Okay ka lang ba, Ash? Bakit parang ang tamlay mo yata ngayon?"

"Ha? Ah pagod lang siguro."

"Ah sige, susunod na lang kami. Gigisingin ko muna si Iris."

"Sige." Agad na tumalikod si Ash at naglakad paalis. Nagtataka si Alea sa inaakto ng kaibigan. Hindi siya sanay na gano'n ang lalaki. Sanay siya na masayahin lang ito at mapagbiro.

Ginising ni Alea ang kaibigang si Iris. Hindi pa sana ito babangon ngunit pinilit niya ito. Tinapik-tapik niya ang mukha nito para magising.

"Ano ba, Alea inaantok pa ako eh," reklamo ng kaibigan. 

"Gising na! Hinihintay na tayo ni Ash!" 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status