Share

Kabanata 29

Patuloy na tumatakbo nang mabilis ang kabayong kanilang sinasakyan. Nakakapit nang napakahigpit si Alea kay Yulan at wala na siyang ibang narinig pa kundi ang dumadagundong na tunog nang pagtakbo ng kabayo kasabay ng mabilis na pagkabog ng kaniyang dibdib. Natatakot siya na baka mabugahan sila ng apoy ng dragon. 

Kinalma ni Alea ang kaniyang sarili ipinikit na lamang niya ang kaniyang mga mata. Naniniwala siyang hindi siya pababayaan ng lalaking kasama. "Handa ka na ba, Spedd?" rinig niyang tanong ni Yulan sa kabayo.

Binuksan ni Alea ang kaniyang mga mata at nakitang lumiko sila at bumalik sa dating dinaanan. Sinalubong nila ang dragon imbis na tumakbo palayo rito. Mas lalong lumakas ang kabog sa dibdib ni Alea at pakiramdam niya ay mas mabilis pa ang pagtibok nito kaysa sa takbo ng kabayong sinasakyan.

Akala ni Alea ay mauulam na sila ng dragon ngunit bago paman sila mabugahan ng apoy ay ibinato na ni Yulan ang kaniyang espada at tumusok ito sa puso ng

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status