Share

Kabanata 52

Tinaasan ng prinsesa ng kilay ang lalaking kaharap. "At sa tingin mo, matatalo mo kami gamit ang palakol na iyong hawak?" tanong nito.

Hinila ni Alea si Areya paatras at siya na ang humarap sa lalaki. "Kasamahan ka ni Dargon, hindi ba? Nasaan ang inyong hari?"

Biglang tumawa ang lalaki. "Nais mo yatang mapadali ang iyong kamatayan. Huwag kang mag-alala, ako na ang tatapos sa inyo." Tumakbo ang lalaki papalapit sa kanila. Agad din namang sumeryoso ang mukha ni Alea. Hinawakan niya ang kamay ng prinsesa at sinama sa paglaho. Lumitaw sila sa likuran ng lalaki at agad na sinipa ni Alea ang likod nito. Nawalan ng balanse ang lalaki at tuluyang nasubsob sa lupa. Tumama naman sa likod ng hita nito ang palaso na pinakawalan ni Areya. Sinundan pa nito ng isa pang tira at tumama naman ito sa braso ng lalaki. "Ahhh!" Sigaw ng lalaki.

"Hindi na ba iyan makakatayo?" tanong ni Alea.

"Pinahiran ko ng lason ang dulo ng aking mga palaso. Nakakasiguro akong hind
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status