3:00 PM
Love? Sa murang edad pa lang ito na agad ang salitang gumugulo hindi lang sa isip ko, pati na rin sa puso ko.
Masarap magmahal ng isang tao na nagsisilbing inspirasyon mo sa lahat ng bagay. Iyong tipong ang sarap gumising sa umaga kapag litrato niya ang una mong makikita. Ang sarap pumasok sa school dahil nandoon 'yong inspirasyon mo. Iyong tipong mapapangiti ka na lang ng wala sa oras dahil bigla siyang papasok sa isip mo.
"Hay, Aden," bulong ko sa aking sarili habang nakangiti.
Bakit ba kasi nagkagusto ako sa isang lalakeng suplado, isnabero, walang pakialam sa paligid, walang pakialam sa tao at mas lalong walang pakialam sa mundo. Oo gano'n siya dahil matagal ko na siyang kilala. Tatlong taon ko na siyang crush kaya ultimo kaliit-liitang detalye ng buhay niya, alam ko. Nakakahiya man aminin pero minsan na niya akong naging stalker.
Kahit minsan nga hindi ko pa siya nak
The Most Painful GoodbyeDalawang taon na ang nakalipas, mula ng nangyari ang isang bagay na lubos kong pinagsisisihan sa buhay ko.Ako raw ay isang babaeng bato. 'Yan ang sabi nila sa 'kin. Hindi ako marunong magpakita ng emosyon sa mukha ko. Hindi ako palangiti. Wala akong imik. Hindi rin ako pala-kaibigan.Wala naman akong galit sa mundo. Sadyang lumaki lang ako na ganito. Walang love sa paligid ko.Sa katunayan nga, 'yung nanay at tatay ko'y hindi sweet sa isa't-isa. Para raw kaming mga robot. Hindi marunong ngumiti, walang nararamdaman. Pero nagkakamali sila.Ganito man ako, pero hindi ako robot. Nararamdaman ko rin ang nararamdaman nila. Tao rin ako. Marunong makaramdam ng paghanga sa isang tao.Minsan nagkagusto na rin ako sa isang lalake.
UNREGISTERED NUMBER"May nag-GM na naman!" inis na sambit ko habang nakatitig sa cellphone ko."Bakit ba kasi hindi ka na lang magpalit ng number para wala ng nagtetext sa 'yo?" sagot ng pinsan kong si Erie habang nasa sala kami ng bahay nila at fo-foodtrip."Tinatamad ako, e. Ang hassle no'n dahil isa-isa ko pang ise-save 'yung mga numbers sa contacts ko dahil lahat 'yon naka-save sa simcard." Bumuntong hininga ako. "Bakit ba kasi hindi sila makaintindi ng tagalog? Tagalog na 'yon, a. Hindi na nga ako kasali sa clan! Maliwanag naman 'yon 'di ba?" buwisit na sambit ko sabay kain ng piatos.Madalas kasi akong makatanggap ng napakaraming mensahe galing sa mga taong hindi ko kilala. Nakakabadtrip. Nakakainis. 'Yung tipong tatanungin mo kung sino siya tapos pagtitripan ka pa? Kaasar!Naka-encounter na ako ng sari-saring uri ng tao dahil sa text. Ako kasi yung tipo
C IS FOR Z"Zenaide, bakit wala ka pa rin boyfriend?" tanong sa 'kin ng kaklase kong si Ferlyn."E, kasi naman 'yung nagugustuhan niya, maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi siya magugustuhan," sabat pa ni Nicolette sa tono na parang nangangasar pa.Napakunot ang noo ni Ferlyn. "Ha? Bakit? Dahil ba may girlfriend na?"Biglang natawa ang lukaret kong kaibigan. "Girlfriend? Baka---" Kaagad kong tinakpan ang bibig niya at palihim siyang pinanlakihan ng mata.Muli akong bumaling kay Ferlyn. "Ha? Wala pa sa isip ko 'yan. Aral muna," pagdadahilan ko at inirapan ang intrimitidang ito.Hinila ko siya at pumunta muna kami sa Cafeteria. "Ikaw talagang babaita, napakadaldal mo!"Bumungisngis lang siya. "Alam mo, friendship. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng straight na lalaki sa mundo, si C2 pa ang napili mo."Pinanlakihan ko siya ng mata. "C2 ka riy
NOTEBOOK OF LOVELahat ng tao ay may kan'ya-kan'yang crush sa mundo. Minsan nga tinanong ako ng kaklase ko kung sino ang crush ko. Hindi ako nakapagsalita dahil 'yung mismong crush ko ay nakatingin sa amin.Sinabi ko na lang na wala lalo na't chismosa pa 'yung kaklase kong nagtanong sa 'kin. Sigurado ako na makakarating kaagad 'yon sa crush ko at iyon ang isang bagay na kinatatakutan ko.Oo, duwag ako sa nararamdaman ko. Ayokong malaman niya, ayokong maging awkward kami sa isa't isa. Pero sabagay, hindi naman talaga kami close e. Pero kahit na. Ayokong malaman ng iba ko pang mga kaklase na may gusto rin ako kay Janus.Hindi kasi ako katulad ng iba na nagpapakamatay pa sa kilig kapag nakikita 'yung crush nila. Hindi ako katulad ng iba na very vocal sa nararamdaman nila to the point na ipagduldulan nila sa harap ng mga crush nila ang mga salitang, "Hi, crush! I exist!" Hindi ako gano'n ka-OA sa nararam
HI, I'M FEY"Kurimaw ka! Bumalik ka rito!" sigaw ko, matapos akong takbuhan ng tinaguriang bully lord ng school namin na nagngangalang Fey?Bumuntong hininga ako. Hay, naku! Hindi ko alam. Hindi ko mahuli-huli ang kurimaw na 'yon. Daig pa ang kabayo sa bilis ng takbo. Naalala ko nga noong una ko siyang nakita. Hindi ko akalain na siya pala ang damuho na pumiperwisyo sa mga miyembro ng Student Council na ako mismo ang Presidente.Napansin ko na may isang lalaking nakatingin sa' kin. Hanggang sa lumapit siya. He looked absolutely familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.Napangiti siya and I find him so cute."Hi, I'm Fey," sabi niya at inilahad pa ang isang kamay niya sa harap ko.Biglang nagsalubong ang kilay ko. "Ayokong ma-offend ka pero, are you gay?"Napahinto siya sandali. "Sa gwapo kong 'to? Bakla ako?" Bigla
SENTIMENTAL VALUE"Hello, Robemel? Nand'yan ka pa ba? Hindi nga kasi ako puwede sa linggo dahil may tatapusin pa ako sa opisina. Alam mo naman 'yung mukhang surot kong boss di ba? Mukhang type pa yata ang lola mo dahil ako na lang ang palaging nakikita. Nakakaloka!" natatawang biro niya na sinamahan niya pa ng pag-ikot ng kaniyang mata. "Basta doon pa rin tayo magkita-kita ah? Miss na miss ko na kayo ni Sheena," sabi niya sa kaibigan.Kanina pa pala ito tumatawag sa kanya. Niyaya siya nito para makapagbonding na sila ulit. Isang buwan kasi siyang subsob sa trabaho kaya hindi niya nagawang makipagkita sa mga kaibigan niya. T'yak na nagtatampo na sa kanya ang kaibigang si Sheena. Gusto niya kasing ipunin ang mga ibinabayad sa kanya sa tuwing mag-o-overtime siya para ipambayad sa mga pinagkakautangan niya. Hindi niya lang masagot dahil nasa loob niya ng opisina ng kaniyang boss. Wala itong ginawa kundi talakan siya sa araw na ito.
BESTFRIEND-ZONEDHave you ever heard bestfriend turned into lovers? Cliché sabi nila. Pero para sa 'kin hindi cliché 'yun dahil hindi naman kami gano'n ng bestfriend ko.Hindi ko naman ginusto ang ma-fall sa bestfriend ko. Basta isang araw nagulat nalang ako dahil sa tuwing may mga lalaking umaaligid sa kanya, hindi ko maiwasan makaramdam ng matinding selos. Iyon bang parang gusto kong sabihin sa lahat na akin siya pero hindi naman puwede. Iyon bang nagseselos ako kahit wala naman akong karapatan pero hindi ko maiwasan dahil mayro'n akong nararamdaman.Paano nga ba kami naging magbestfriend ni Ramina? Ganito 'yon, sabi ng Mommy ko, sumisibol pa lang daw kaming dalawa ni Ramina sa tiyan ng mga Mommy namin, ginusto na nila na maging magbestfriend kami. Simple lang, dahil mag-bestfriend si Mommy at 'yung Mommy niya.Noong mga bata kami naging mahirap sa 'kin ang lahat dahil hindi pala-labas ng bahay
HER BIRTHDAY WISH"I love you and I want to be with you forever."Inilapit niya ang kanyang mukha sa 'kin kaya naman unti-unti akong napapikit. Our faces are just inches away. Konti na lang at..."Larena!"Napadilat ako at kaagad na bumalik sa reyalidad nang marinig ko ang pamilyar na tinig ng kaibigan kong si Timmy."Timmy naman e! Ang epal mo. Nandoon na e, hahalikan niya na ako. Nagtatapat na siya sa 'kin. Magiging kami na! 'Tapos bigla kang pumasok sa eksenang atribida ka! Asar ka naman o!" buwisit na sambit ko sabay simangot."Ayan ka na naman e. Wala ka bang ibang alam gawin sa buhay mo kundi pagpantasyahan si Ble---"Namilog ang mata ko at tinakpan ko kaagad ang bibig niya. Sumenyas pa ako na manahimik siya."Huwag ka ngang maingay! Pag may ibang nakaalam no'n, lagot ka sa 'kin!" pagbabanta ko.