KABANATA 14
MAS lalong lumala si Papa. Pati ang titulo ng bahay naming ay hinahanap at balak isangla. Hindi lang iyon. May natuksalan si Mama pero patuloy niya itong itinatanggi.
Naabutan ko si Mama na nasa likod ng bahay at naglalaba. Napansin kong nakatulala siya sa hawak na puting polo ni Papa. Para bang iniinspeksyon iyon ng mga mata niya. Pinagmasdan ko lang siya. Mayamaya pa, napansin kong bigla na lang siya naluha.
Lumapit ako kay Mama at walang habas na inagaw ang hawak niya. Nagulat siya at sinubukang agawin ang damit, ngunit nagmatigas ako at pilit iyong inalayo. Nanuot sa ilong ko ang pambabaeng pabango na nakakapit sa polo. Napansin ko rin ang ilang bahid ng pulang lipstick doon. “Hindi naman ganito ang amoy ng pabango mo, ‘di ba, ‘Ma? Hindi ka rin naman nagli-lipstick.”
Mataman akong tinitigan ni Mama.
“Isa lang ang ibig sabihin nito.” Napalunok
KABANATA 15MATAPOS ang mga pangyayaring iyon, minabuti kong umiwas na lang. Mas lalo lang akong mabubuwisit kapag nakikita ko si Mama na pinaglilingkuran ang mala-hari niyang asawa. Hanggang ngayon ay patuloy na nagpapakatanga si Mama. Nakakainis na ang pagiging martyr niya. Ang sarap tayuan ng rebulto.Hindi ko siya pinapansin sa tuwing gusto niya akong kausapin. Tinatalikuran ko na lang siya at dumidiretso sa kuwarto. Ayoko munang marinig ang mga paliwanag ni Mama. Mas gusto ko munang lumayo. Gusto ko munang pansamantalang magtago.Bumalik ako sa reyalidad nang huminto ang sinakyan kong tricycle sa harap ng bahay namin. Pagtapak pa lang ng mga paa ko sa gate, parang bumigat ang pakiramdam ko. Mas dumoble pa ang kabang nararamdaman ko nang marinig ang malakas na boses ni Papa. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at halos patakbong pumasok.Naestatwa ako nang maabutang binubugbog ni Papa si Mama na nagmamakaaw
KABANATA 16NOON ay iniisip kong totoo ang kasabihang pantay-pantay tayong nilikha ng Diyos. Pero nagkamali ako. Kung pantay-pantay ang lahat, bakit pakiramdam ko, ako lang ang nakakaranas ng ganito? Bakit pakiramdam ko, ako lang mag-iisa ang lumalaban? Bakit ako na lang palagi? Ano ang mayroon ako at ako ang kan’yang pinili?Bakit ako?Gusto ko nang lumabas sa ospital na ito. Ayoko nang makita si Mama na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Sana ay ako na lang ang nabundol ng sasakyan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.“Elyne.” Sa kabila ng ngiting iyon ni Roan, alam kong nalulungkot din siya sa nangyari kay Mama. Umupo siya sa tabi ko. “Kumusta na si Tita?”Bumuntonghininga ako at dahang-dahang umiling.“Huwag kang mag-alala. Magigising din siya.” Hinaplos ni Roan ang likod ko. “Bibilisan niya ang paggising dahil alam niyang naghihintay ka.&rdquo
KABANATA 17HUMINGA ako nang malalim upang humugot ng lakas ng loob. Nang dumilat ako’y dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko papasok sa loob ng isang maliit kapilya dito sa Ospital.Hindi ko alam kung sa’n ako humugot ng lakas ng loob para gawin ‘to, pero habang palapit ako nang papalapit sa maliit na altar, may kung ano sa dibdib ko na nagpapabigat ng aking pakiramdam. Bawat hakbang na ginagawa ko’y parang tinutusok ang puso ko sa hindi malamang dahilan.Tahmik ang buong lugar dahil walang ibang tao kundi ako. Pinili kong umupo sa gitna at mataman Siyang pinagmasdan. Napagtanto kong matagal na pala mula noong huling beses na humuharap ako sa Kan’ya. Limot ko na nga ‘yung huling beses na dumalaw ako sa tahanan ng Diyos.“Hindi ko alam kung bakit ako narito. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa ‘kin para pumunta rito,” halos pabulong na sabi ko. “
KABANATA 18BIGLANG kinuha ni Sister Lovelle ang dalawang kamay ko at marahan na hinawakan ang mga ito. Muling gumuhit ang bahagyang ngiti sa labi niya.“Ibinigay Niya ang pagsubok na ‘yan dahil alam Niyang kaya mo. Alam Niyang ikaw lang ang may kakayahang makalampas sa pagsubok na ibinigay Niya sa ‘yo. Naniniwala Siya sa kakayahan mo.”Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko, kasabay nang muling pagtulo ng butil ng luha sa aking pisngi.Naniniwala Siya sa ‘kin dahil alam Niyang kaya ko? Pero bakit pakiramdam ko hindi? Bakit pakiramdam ko ito lang ang pagsubok na hindi ko kayang lampasan?“Kung iniisip mong pinaparusahan ka ng Panginoon, nagkakamali ka. Sinusubok ka Niya.” Marahan niyang pinisil ang mga kamay ko. “Inihahanda ka lang Niya. Magtiwala ka sa Kan’yang plano. Hindi sa pansamatalang sakit na nararamdaman mo, Everlyne.”Ngumit
KABANATA 19HALOS patakbo akong naglakad papasok sa loob ng ospital. Hindi ko maitago ang pinaghalong saya at lungkot sa aking matamlay na ngiti, ngunit ngayon, mas nangingibabaw ang saya sa puso ko. Katulad ng dati, napahinto ako sa labas ng pinto ng kuwarto ni Mama. Hindi ako makagalaw. Hindi ako handang makita siya na wala pa ring malay.Huminga ako nang malalim. Kailangan kong labanan ang takot ko. Hindi dapat ako maging mahina. Magiging matatag ako. Kailangan ako ni Mama. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Mariin akong napalunok kasabay ng dahan-dahang paghakbang ng mga paa papasok sa loob.Hindi ko inialis ang tingin ko kay Mama. Habang palapit ako nang papalapit sa kan’ya, pabigat nang pabigat ang pakiramdam ko. Parang daan-daang naglalakihang bato ang nakadagan sa dibdib ko.Mas lalong sumikip ang dibdib ko nang muli kong makita ang sandamakmak na aparatong nakakabit sa kan’ya. Mga aparatong
KABANATA 20ELYNE, nasabi sa akin ng Papa mo ang ginawa mo. Bakit naman ginagawa mo ‘yon, Anak? Hindi tamang gawain 'yon ng isang menor de edad pa lang na kagaya mo. Hindi tama ‘yon kaya sana’y ‘wag sumama ang loob mo kung pinagalitan ka man ng Papa mo. Gusto lang niyang ipaalam na mali ang ginagawa mo. ‘Nak, sabi ko naman sa ‘yo kung may problema ka nandito lang ako 'di ba? Hindi lang ako makakasagot pero handang makikinig si Mama sa ‘yo. Sabihin mo lang sa ‘kin ang lahat. Handa akong gumawa nang paraan upang resolbahin ang problema mo sa abot nang makakaya ko, dahil ayokong nakikitang nagkakagan’yan ka. Ayokong panoorin ka lang na sirain mo ang buhay mo nang wala man lang akong magawa. Ayokong sayangin mo ang buhay na binigay sa ‘yo ng Diyos. Kung naiintindihan mo lang sana ako’y mas madali sanang ipaliwanag sa ‘yo ang lahat. Pero sana’y matuto kang pahalagahan a
KABANATA 21HINDI ko alam kung saan ako humugot ng lakas dahil kahit nanginginig na ang buong katawan ko, nagawa ko pa ring ilipat ang kuwaderno sa susunod na pahina.Elyne, Anak, alam mo ba’ng hindi ako naniniwala sa mga akusasyon ng Papa mo sa ‘yo? Pero nang makita ko ang mga larawan ninyo ng nobyo mo, parang bumagsak sa akin ang mundo. Masakit. Nasaktan ako. Bakit mo ginawa ‘yon? Paano kung mabuntis ka? Masyado ka pang bata, Anak. Hindi mo dapat ginagawa iyon dahil ayokong matulad ka sa akin. Ayoko, Elyne. Hindi ko kakayanin. Hindi ako tututol sa pakikipagnobyo mo pero sana, unahin mo muna ang pag-aaral. Mas mahalaga ‘yan, ‘Nak. Patawad kung wala akong nagawa nang pagbuhatan ka ng kamay ng Papa mo. Mahal na mahal kita. Alam kong galit ka pero sana ay bumalik ka na. Umuwi ka na, ‘Nak. Pakiusap.Hindi ko na mahabol ang aking hininga sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi k
KABANATA 22HUMIGOP ako nang isang malalim na hininga, bago ako nagdesisyong pumasok sa isang silid na nagsisilbing hintayan ng mga taong gustong bisitahin ang mga ka-anak nilang nasa kulungan.Ito ‘yung lugar na sinasabi nilang para sa mga taong makasalanan.Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko sa lugar na ‘to. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa ‘kin para pumunta rito. Hindi ko alam kung saan ako humugot nang lakas ng loob para harapin pa siya matapos ang ginawa niya. Hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon ko oras na makita siya ulit. Hindi ko alam. Dahil ang tanging alam ko lang, kailangan ko ng kasagutan.Kailangan kong mabigyan ng paliwanag ang aking nalaman. Kailangan kong alisin kung ano man ‘tong bumabagbag sa ‘kin. Kailangan kong malaman ang katotohanan. Alam kong siya lang ang makakasagot at makakapagbigay nang katotohanan na gusto ko.