Share

Kabanata 15

KABANATA 15

MATAPOS ang mga pangyayaring iyon, minabuti kong umiwas na lang. Mas lalo lang akong mabubuwisit kapag nakikita ko si Mama na pinaglilingkuran ang mala-hari niyang asawa. Hanggang ngayon ay patuloy na nagpapakatanga si Mama. Nakakainis na ang pagiging martyr niya. Ang sarap tayuan ng rebulto. 

Hindi ko siya pinapansin sa tuwing gusto niya akong kausapin. Tinatalikuran ko na lang siya at dumidiretso sa kuwarto. Ayoko munang marinig ang mga paliwanag ni Mama. Mas gusto ko munang lumayo. Gusto ko munang pansamantalang magtago. 

Bumalik ako sa reyalidad nang huminto ang sinakyan kong tricycle sa harap ng bahay namin. Pagtapak pa lang ng mga paa ko sa gate, parang bumigat ang pakiramdam ko. Mas dumoble pa ang kabang nararamdaman ko nang marinig ang malakas na boses ni Papa. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at halos patakbong pumasok. 

Naestatwa ako nang maabutang binubugbog ni Papa si Mama na nagmamakaaw

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status