Share

Kabanata 16

KABANATA 16

NOON ay iniisip kong totoo ang kasabihang pantay-pantay tayong nilikha ng Diyos. Pero nagkamali ako. Kung pantay-pantay ang lahat, bakit pakiramdam ko, ako lang ang nakakaranas ng ganito? Bakit pakiramdam ko, ako lang mag-iisa ang lumalaban? Bakit ako na lang palagi? Ano ang mayroon ako at ako ang kan’yang pinili? 

Bakit ako?

Gusto ko nang lumabas sa ospital na ito. Ayoko nang makita si Mama na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Sana ay ako na lang ang nabundol ng sasakyan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

“Elyne.” Sa kabila ng ngiting iyon ni Roan, alam kong nalulungkot din siya sa nangyari kay Mama. Umupo siya sa tabi ko. “Kumusta na si Tita?”

Bumuntonghininga ako at dahang-dahang umiling. 

“Huwag kang mag-alala. Magigising din siya.” Hinaplos ni Roan ang likod ko. “Bibilisan niya ang paggising dahil alam niyang naghihintay ka.&rdquo

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status