Share

Kabanata 19

KABANATA 19

HALOS patakbo akong naglakad papasok sa loob ng ospital. Hindi ko maitago ang pinaghalong saya at lungkot sa aking matamlay na ngiti, ngunit ngayon, mas nangingibabaw ang saya sa puso ko. Katulad ng dati, napahinto ako sa labas ng pinto ng kuwarto ni Mama. Hindi ako makagalaw. Hindi ako handang makita siya na wala pa ring malay.

Huminga ako nang malalim. Kailangan kong labanan ang takot ko. Hindi dapat ako maging mahina. Magiging matatag ako. Kailangan ako ni Mama. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Mariin akong napalunok kasabay ng dahan-dahang paghakbang ng mga paa papasok sa loob. 

Hindi ko inialis ang tingin ko kay Mama. Habang palapit ako nang papalapit sa kan’ya, pabigat nang pabigat ang pakiramdam ko. Parang daan-daang naglalakihang bato ang nakadagan sa dibdib ko. 

Mas lalong sumikip ang dibdib ko nang muli kong makita ang sandamakmak na aparatong nakakabit sa kan’ya. Mga aparatong

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status