Share

Chapter 4

"Leonardo!Please mag-usap tayo,"humihingal na sinabi ni Minerva.

Hinawakan niya ang braso nito.Nang humarap ito sa kanya at makita niya na ang paghihirap sa mga mata nito ay gusto niyang haplusin ang mukha nito.

She just couldn't stand seeing him hurt.Parang binibiyak ang puso niya.Ganoong-ganoon ang pakiramdam niya ng iwan niya ito.Pero hindi na niya iiwan ito ngayon.Hindi na niya ito isusuko.

"Tigilan mo na to,Minerva,"nakiki-usap na sabi nito.

"No!I love you,Leonardo."

Umiling-iling ito.

"You don't love me.Dala lang yan ng guilt."

Napabuga siya ng hangin."Believe me,Leo.Mahal talaga......"

Sa gulat niya,hinila nito ang kamay niya at isinadlak siya sa malapad na katawan ng punong malapit sa kinaroroonan nila.Itinukod nito ang kamay sa gilid niya samantalang ang isa ay mariing nakahawak sa braso niya.When he leaned towards her,she felt his harsh breathing fanning her face as he gazed at her intently.

"Ano ang pakiramdam ng hindi paniniwalaan ang nararamdaman mo?"puno ng hinanakit na tanong nito.

"That was the same thing you did to me,Minerva!You are very selfish,do you know that?You left me all alone."

Pigil ang mga luhang nagbaba siya ng tingin.

"I-I'm s-sorry."

"You're sorry won't get us anywhere.The damage is already done."

Nagtaas siya ng tingin dito."Leonardo..."

Ano ba ang pwede niyang sabihin para maglubag niya ang loob nito?Her love for him is not enough.

"You stole my dreams,my happiness and my heart Minerva."

Yumuko ito para itago ang luhang namalisbis sa pisngi nito.Subalit hindi iyon nakaligtas sa kanya ng maramdaman niyang pumatak iyon sa kanyang braso.

"Alam mo bang hinabol pa kita hanggang sa airport n'ong araw na umalis ka?Pero kahit pa siguro ipa-freeze ko lahat ng flight sa airline company ay hindi parin kita mapipigilang umalis.Why?Because you had already decided to leave me.Kung gusto may:paraan..kapag ayaw may:dahilan.Ikaw ang nagturo no'n sa akin."

Nanginginig ang isang kamay na hinaplos niya ang pisngi nito upang punasan ang luha nito.Hindi siya inawat nito.She wanted to cry,too.Hindi niya inaakalang iiyak ito sa harap niya.She must have hurt him terribly,and that's why he couldn't forgive her.

"Wala akong masasabi kundi patawad,Leonardo.I'm really really sorry.Nang mga panahon iyon nabulag ako sa mga pangarap ko.Sana maintindihan mo.I grab the apportunity to work in other country and let you suffer alone from missing me.Marami akong issues sa buhay at gusto kong maayos yon para maging karapat-dapat ako saiyo.

You,see mas marami kang pangarap kaysa sa akin noon,Leo.

Ikaw ang dahilan kung bakit nangarap akong maging masaya."

"Nangarap kang maging masaya,pero hindi sa piling ko," sabi nito sa mapait na boses.

"You could've just told me that.Maghihintay naman ako.Hindi yong pananiwala mo ako sa lahat ng kasinungalingan mo noon.You broke my heart big time,lady.Wala nang mas sasakit pa sa ginawa mo."

"Akala ko kasi...."

Napaluha narin siya.Triple ang sakit na tumatagos sa puso niya kapag nakikita niya itong nasasaktan.

"Tama ka napaka-selfish ko.Sa kagustuhan kong maging masaya sa career na pinili ko,isinuko ko ang pagmamahal ko saiyo.Ano'ng magagawa ko?This is my big dream.."

Sa pagkadismaya ay unti-unti siyang binitawan nito.

"Sa mga sinabi mo,lalo ko lang napatunayan kung gaano mo ako ginustong saktan.Let's stop this,Minerva."

She reach out to touch his face.Pero iniwas nito ang mukha nito sa kanya.Muli,parang piniga na naman ang puso niya.Mangiyak-ngiyak na pinagkasya na lamang niya ang sarili sa pagmasid dito.

"For the last time pagbigyan mo naman ako.Magkita tayo sa Paradise Resort bukas."

"I don't know,Minerva."

Walang lingod-likod na umalis ito.

Nanghihinang napaupo siya sa damuhan.Daig pa niya ang drama queen sa primetime telenovela.

"Hintayin kita sa birthday ko,"usal niya na parang kaharap pa rin niya si Leonardo.

Magkasiklop ang palad ni Minerva habang hinihintay si Leonardo sa Paradise Resort,isang beach resort na pag-aari nito.

Umaga palang ay t-in-ext na niya ito kung anong oras sila magkikita.Hindi kasi niya ito matawagan.

'Dumating ka Leo,naku!Pag hindi ka dumating.....'Humugot siya ng malalim na hinihinga.'Basta hihintayin parin kita.'

Waiting for the end of forever----it doesn't matter when because deep inside,you are willing to wait for that person even if takes forever.

Ganoon niya kamahal si Leonardo.

Malapit ng maupos ang scented candle sa ibabaw ng mesa ng dumating si PrettyMae.

"Minerva,bakit hindi nalang kayo sa loob mag-dinner.Mukhang uulan na,oh."sabi nito.

Umaling siya."No,it's,okey.Dito ko sinabing magkikita kami kaya dito lang ako maghihintay."

"Naku,kapag nakita ko yang tinamaan ng lintik na Leonardo na 'yan,mata lang niya ang walang latay sa ginagawa niya saiyo."

"Hayaan mo na siya,PrettyMae.Ako naman ang nagkasala sa kanya."

PrettyMae pouted her lips.

"Pero kahit na.Hindi ka niya dapat pinaghihintay ng ganito."

Hinawakan niya ang kamay nito.

"I'm okey.Hindi ako aalis hanggat hindi siya dumarating kahit pa umulan ng malakas,"desididong sabi niya.

****

Leonardo Pov:

"Diyan tayo sasakay?"nanlaki ang mga matang turo ni Mercy sa motorsiklo ni Leonardo.Inakay kaagad niya ito pababa ng building at dinala kung nasaan naka park ang motorsiklo nito.

"Ano bang masama kung dito tayo sasakay?Marunong naman akong magdrive,"giit nito sa kanya.

"Ayokong sumakay sa motor mo.Baka mahulog pa ako diyan,"natatakot na sabi niya.Hindi pa siya kailan man nakaangkas ng motorsiklo.

"Eh,kung ayaw mo,eh,di huwag,"inis naring sabi nito.

Isinuot nito ang helmet nita at sumakay sa motorsiklo.Nataranta siya.

"Teka lang,"hinila niya ang damit nito bago nito mapaandar ang motorsiklo.Nilingon siya nito.

Inalis nito ang helmet at nakangiti na humarap sa kanya.

"Sasakay karin pala ang dami mo pang reklamo,"iling-iling na sabi nito.

Sinunod niya ito at sumakay sa motorsiklo.Nang makasakay siya ay huminga siya ng malalim.Bakit ang lakas ng tibok ng puso niya?She could feel his back againts her.Hindi siya mapakali sa kanyanh kinauupuan.

"Ready kana?"narinig niyang tanong nito.

"Oo",sagot niya.

"No,you're not."

Nagulat siya ng lumingon ito sa kanya at kinuha ang magkabilang kamay niya at inilagay iyon sa baywang nito.

"Gusto mo bang mahulog?Kailangan mo kumapit sa akin para hindi ka mahulog.,"narinig pa niyang sabi nito.

Kaya naman niyang humawak sa mga handle sa likuran.Hindi na niya kailangan humawak sa baywang nito.Nagdulot kasi iyon sa kanya ng libo-libong boltahe ng koryente nadumaloy sa katawan niya.

Hindi na siya naki pag argumento rito ng tumatakbo na ang sasakyan.Napapikit siya ng bumilis ang pagpapatakbo nito.Napahigpit ang kapit niya rito.

"Leonardo,wag mo bilisan,please.Mamatay ako sa bilis mong magpatakbo,"saway niya rito.

Narinig pa niya tumawa ito.Mayamaya ay bumagal na ang takbo nito.Kinalma niya ang sarili at dinama ang malakas na hangin na tumatama sa balat niya.

Sa kabuuan ng byahe ay pinakikiramdaman niya ang tibok ng puso niya.Bakit pabilis ng pabilis iyon?Hindi niya maintindihan.Napakalapit ng katawana nila sa isat-isa.Tila walang hangin na makadaan doon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status