" Nak may inaasahan ka bang bisita?" Sigaw ni mama sa mula sa sala."Po?""May magandang sasakyan sa labas, baka kako bisita mo""Wala po akong inaasahang bisita ma, baka po sa kapitbahay natin." sagot ko. Andito kami ngayon ng mga anak ko sa kwarto binibihisan ko sila dahil pupunta kaming mall kasama si Daphne. Kapag wala akong pasok pinapasyal namin ni Daphne ang kambal. Lagi ko siyang kasama kasi masyadong malikot ang kambal mahihirapan ako pag ako lang ang magdadala sa kanila. Buti na lang at supportive din na ninang si Daphne, itinuturing niyang mga anak ang kambal ko."Jill don't be kulit, alis na tayo." saway ni Vonn sa kambal nito. Inuna ko kasi siyang ayusan. He is wearing brown khaki short paired with white polo and white sneakers. Ang pogi tingnan ng anak ko kahit maliit pa. Pinugpog ko ito ng halik. "Mama bilis na, ninang is outside" minamadali na ako nitong lalaki ko. Di ko kasi matapos tapos itong pag-aayos sa mahabang buhok ni Amara kasi sobrang likot niya."Wait lang
Ilang hakbang palang ang aking nagawa ng biglang narinig kong tinatawag ang mga bata. Para akong nabingi sa aking narinig. Hindi ako lumingon at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ng mga bata habang patuloy na naglalakad. Ramdam kong nakasunod sila sa amin. Halos lumabas na ang aking puso sa aking dibdid sa sobrang kaba. Nagsimula ng mamawis ang aking kamay. God, please not now. Hindi pa ako handa."Let's go Baby. Mama is not feeling well." mahinang kong sabi sapat lang na marinig ako ng mga bata. Halos nakakaladkad ko na sila sa bilis ng aking pagkakahila sa kanila. Hindi ko na natiis pa at kinarga ko na si Vonn habang si Daphne ay mabilis ding kinarga si Amara.Nalilitong nakatitig sa akin si Vonn. Habang si Amara naman ay tahimik lang. Alam kong naguguluhan ang mga bata sa ikinikilos ko. Ito ang unang pagkakataong nagmamadali kaming lumabas ng mall." Hey kids, wait." tawag ng lalaki."Don't look, Vonn." warning ko sa kanya, pero dahil hindi ko hawak si Amara siya ang lumingon sa
Nanatili lamang akong tahimik sa likurang bahagi ng sasakyan habang bumabyahe kami pauwi sa bahay. Katabi ko si Vonn, habang nakakandong naman si Amara kay Daphne. Si Miss Belle naman ay nasa harapan nkaupo at si Derick ang nagmamaneho. Si Derick at Amara lamang ang nag-uusap simula pa pag-alis namin sa mall. Sa sobrang daldal ng lalaking ito, tiyak na magkakasundo talaga sila ni Amara. Daig niya pa si Vonn sa kakulitan niya. Sobrang kabaliktaran sa pag-uugali ng kapatid niya. "Pretty what do you want from tito, when I visit you again?" tanong nito kay Amara at tumingin pa sa salamin Nang-aasar talaga ang kumag na 'to. Hindi man lang nagtanong sa akin kung okay lang ba magdala siya ng kung ano-ano para sa mga bata. Para ano? Suhol?"Hmm.." nakataas pa ang kamay ni Amara at nakaturo kanyang sintido na tila nag-iisip kung anong hihingin sa tito kupal niya. " Elsa & Anna po 'yong big. " she giggled and even clap her hands. Excited lang anak?"A'ryt! Elsa & Anna coming for the prett
"Upo ka muna nak." seryosong bungad ni Papa sa akin. Kahit hindi man nila ako tatanungin kung sino yung naghatid alam kong nagtataka sila kasi ito ang unang beses na may naghatid sa amin maliban kay Luke na palagi naming kasamang mamasyal na nakasanayan na din nila mama."Alam namin ng mama mo na nasa tamang edad ka na. Alam mo na ang tama sa mali at ayaw namin na pangunahan ka sa mga desisyon mo. Wala kaming tutol kung sakaling isang araw maisipan mong umibig ulit. Pero isa lang ang hihilingin namin sayo, piliin mo yung taong mamahalin ka buo pati ang mga anak mo." Tumango ako. Ito ang unang beses na nagbukas si Papa ng ganitong usapin. "Si Luke, hindi ko alam kung anong tunay na namamagitan sa inyo pero ito lang ang masasabi ko sa kanya. Mabait siyang tao, magalang at mapagmahal. Kung sakaling darating man ang araw na magkabutihan kayo, hindi kami tututol ng mama mo. Pero kung sakali ding hindi mo kayang ibigay ang pagmamahal na nararapat sa kanya, payo namin sayo, ngayon palang
"My college life is not perfect. I used to juggle work and school in order for me to survive. Being in a place where you don't have any relative or someone to help you in times of need is so tough that sometimes makes me think if I still have to pursue my dream.I came from a poor family. My father is a farmer and my mother is a plain housewife but, that doesn't stop me in dreaming big. I'm not saying this to humiliate my family or to gain sympathy, instead I am sharing this to serve as an inspiration to all. Destiny is really good when I got the chance to get the scholarship in the university where I started my journey as an accountancy student. I get the chance to do my first step towards my dream.Sometimes things don't get better, but I have to learn to live with the situation. I have to fix what I can and adapt to what I can't, that's my way of coping up.I was on my last year in college when fate challenge me with its own game . I had to encounter the most painful yet the bes
I froze on the spot. My heart thumped so fast na pakiramdam ko lalabas na ito sa aking dibdib. I felt my throat dried up at parang may bumabara dito. Pero hindi ako dapat magpadala sa aking nararamdaman. I have to show him that I'm no longer the submissive and pathetic Margaux he used to know.I'm not scared of him, not anymore. Natatakot lang ako para sa kambal. Kahit sabihin kong may sapat na akong kita, kayang-kaya niyang kunin sa akin ang mga bata. And worst, baka ilayo niya pa ang mga ito sa akin.Abot-abot na ang kaba sa aking dibdib. Kahit hindi ko siya lingunin alam kong nakatayo siya ilang dipa lang mula sa akin. Kailangan kong lumabas. Hindi pa ito ang panahon para magkita kami lalo na at padating na si Daphne kasama ang kambal. Hindi sila pwedeng magkita ng mga bata.Pero kapag tumayo ako, mapapansin niya agad ako. Wala akong ibang daanan. Alam kong kahit matagal na panahon nang hindi kami nagkita alam kong kilala niya pa rin ako.But I have to think of a way how can I get
Pagdating namin sa bahay nung araw na yun humingi ako ng tawad sa mga bata. I don't know exactly kung para saan, siguro para sa paggiging makasarili ko at sa pagtago ko sa kanila. Masisisi ba niya ako? Sobrang sakit ang ginawa niya sa akin. Hindi ko makakalimutan ang pagtaboy niya sa akin kahit anong pagmamakaawa na ang ginawa ko sa kanya. Mas pinaniwalaan niya pa ang mga sinabi ni Jana kesa sa akin.That night before ako umuwi dito sa amin pinuntahan ko pa siya sa condo niya. Nagawa kong pakiusapan ang gwardiya ng kompanya nila na ibigay sa akin ang kanyang address. Nung una ayaw pa ibigay sa akin pero nagmakaawa ako dito.Ilang beses na akong nagdo-door bell pero hindi pa rin ako pinagbubuksan. Sinabi naman ng receptionist na andito siya sa unit niya kaya alam kong nasa loob lang siya. Hindi ko alam kung haharapin niya ako pero kahit ilang oras pa ako maghintay dito sa labas gagawin ko makausap ko lang siya. This is my last chance, if I have to beg gagawain ko. Ganun ko siya ka
"Mama who is he po?" dinig kong tanong ni Amara sa akin."Baby please go to your room muna okay? Mama will talk to the visitor first anak." hindi ko na nagawang sagutin ang tanong niya sa akin.Tiningnan ko si Jam para kunin niya muna si Amara at dali-dali akong lumapit sa tabi ni Vonn na hanggang ngayon ay nakikipagsukatan pa din ng tingin sa lalaking kaharap nito.Hindi ko alam kung anong nasa isip ng anak ko ngayon dahil parehas ang uri ng tingin nito sa tingin ng ama niya. Blangko ang mukha ni Vonn. Hindi mababakasan ng anumang emosyon para sa taong nasa harapan niya ngayon. "They're my..." hindi niya natapos ang kanyang gustong sabihin. Matapang kong sinalubong ang mga mata. Ang mga mata niyang kulay abo na dati ay puno ng galit ay naging malamlam ngayon. May kakaibang emosyon akong nakita sa mga mata niya. "Margaux?"I didn't answer him, instead hinarap ko ang aking anak. Dahan-dahan kong pinihit ang katawan niya paharap sa akin."Vonn, a-anak." Lumuhod ako para magpantay a