Share

Chapter Three: Tainted Blood (Part Two)

Natulala ako sa sariling repleksyon habang pinapaagusan ng tubig mula sa gripo ang mga kamay ko.

Napayuko ako at pinagmasdan ang itim na likidong inaanod pababa sa drainage.

'Shae.'

Nag-unahan na namang tumulo ang mga luha ko.

'Patay na si Shae. Pinatay ko si Shae.'

Bumagsak ako sa tiles na nanghihina ang buong katawan. Pilit ko ring pinigilan ang nanginginig kong kanang kamay. Gumapang ako papunta sa ilalim ng sink at niyakap ang dalawa kong tuhod.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko para hindi ko makita ang mga naiwan niyang bakas sa tiles.

Hindi ko na namalayan ang oras magmula nang pinikit ko ang mga mata ko. Naalimpungatan na lamang akong nang marinig ko ang boses ni Vino na puno ng pag-aalala. Nakaupo siya harapan ko, tinatapik ang balikat ko. Kaya naman agad kong napansin ang tagaktak niyang pawis sa mukha at ang natuyong putik sa kaniyang mga kamay at polo.

Kababalik niya lang muli rito mula sa paghuhukay ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status