Beranda / Semua / Kismet / Chapter 3

Share

Chapter 3

Penulis: MD Rosario
last update Terakhir Diperbarui: 2021-06-12 17:26:59

>iii<

"You alright?" tanong ni kuyang gwapo. 

Tumango lang ako habang nakatingin sa labas. Alam kong derecho lang din ang tingin niya sa daan kahit hindi ko siya tignan. Ramdam ko ang coldness ng boses nya. Kanina pa kami nakaalis sa hotel at hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. Ayoko munang magtanong sa kanya. Ayoko munang makipag-usap sa kanya. Hanggang ngayon ina-absorb pa ng utak ko ang mga nangyari kanina. Parang nahihirapan akong tanggapin na nagkaganun si Jake. Maswerte ako at may mabuting loob na tumulong sa akin. Everything felt like a whirlwind. Nalilito na ako. Naguguluhan. Pinagkatiwalaan ko siya, ee, tapos binalak niya akong pagsamantalahan? Hindi ko alam kung trauma ba tong nararamdaman ko, parang hindi ko alam kung paano na ako makikiharap sa iba. Baka mamaya may makilala akong tulad ulit ni Jake, tapos hindi na ako makaligtas? Paano kung wala ng kuyang gwapo na tutulong sakin sa susunod? Tapos narito ako sa loob ng sasakyan ng isang taong hindi ko naman kilala at hindi ko din alam kung saan papunta. 

Nagulat ako ng may kamay na humaplos sa mukha ko. Agad akong napalingon sa kasama ko sa kotse. Noon ko lang namalayan na huminto na pala ang kotse pero sa gilid lamang ng highway. 

"Don't cry," nangungusap ang abuhing mga mata nito. Hindi ko pala namalayan na umiiyak na ako. Nakitaan ko siya ng concern pero agad ding nawala at napalitan ng matigas nitong anyo. Feeling ko tuloy itinatago niya ang totoong nararamdaman niya. Misteryoso.

Bakit kaya? Ako lang naman ang makakakita bakit kailangan pa niyang itago? Hindi naman masamang maging concern sa iba. Sabagay, sino ba naman ako. 

Maya-maya ay kumunot ang noo nya habang nakatitig saken. 

"Why are you looking at me like that?" tila naiiritang tanong nito. 

Umiling lang ako bilang sagot. Pero nanatili pa din akong nakatingin sa kanya. Nakakunot pa din ang noo niya, palagay ko iniisip din niya kung ano ang iniisip ko. Noon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa ginawa niya kanina. Naalala ko na naman yung pagbuhat nya saken. Ang sarap sa pakiramdam ng nasa bisig nya. Parang gusto ko nalang na nandun ako. Parang ayoko ng umalis. It felt like home. Home? Home! Muntik ko nang makalimutan, yung mga kaibigan ko? Paano ako pupunta dun? Teka, saan ba papunta dun? Nasaan na ba ako? Bigla tuloy akong napalingap-lingap sa paligid. Anong lugar na ba to? 

"What's the problem?" 

Nahalata yata ni kuyang gwapo na nataranta ako kaya biglang nagtanong. Oo nga pala, nakatingin pa rin sakin to. Nang lingunin ko siya lalong nangunot ang noo niya, naiinis na ang itsura nya. Hindi ko pa nga pala sinasagot ang tanong niya. Hay naku, pasalamat ka gwapo ka. 

"Aa, kuyang gwapo, nasaan na ba tayo?"

"You don't know?"

"Taga-probinsya kasi ako, di ako taga dito. Saka pwede bang wag kang mag-english? Marunong akong mag-english pero nasa Pilipinas tayo no’."

Napapalatak pa ito bago ibinalik ulit sa daan ang tingin. Binuhay niya ulit ang makina at tahimik na nagmaneho ulit. Derecho lang ang tingin nito sa daan kaya malaya ko siyang napapagmasdan. Gwapo talaga ni kuya. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, malalim ang mata mukha tuloy siyang may lahi. Sabagay, sa slang na pananalita saka sa kulay ng mata obvious naman. Tapos manipis at pink ang labi, parang ang sarap halikan. Ano kaya pakiramdam ng mahalikan? Masarap daw yun sabi ng iba. Hindi ko pa kasi natitikman. Nagkaboyfriend na ako dati pero hindi ko pinapayagang makascore, hindi ko naman kasi mahal talaga ee. Tulak lang ng barkada. Sabagay, dalawa pa lang naman nagiging boyfriend ko. Ayoko kasi ng papalit palit. 

Ano ba yan kanina lang iniisip ko yung nangyari tapos ngayon boyfriend naman. Pambihira. Napapabuntong hininga nalang tuloy ako sa mga nangyayari. Buti nalang nandyan si kuyang gwapo kung hindi baka wala na ang bataan ko. Mariin akong napapikit nang maalala ko yung kanina. Thank you po Lord nakita ko si kuyang gwapo kung hindi po dahil sa kanya hindi ako maliligtas. Oo nga pala, hindi pa ako nakakapag-thank you kay kuyang gwapo. 

"Kuyang gwapo", tawag-pansin ko sa kanya kaso parang deadma lang sya. 

Napabuntong hininga lang sya at hindi tumingin. Parang masama sa loob nya na niligtas niya ako. Parang nagsisisi tuloy ako na sa kanya ako tumakbo pero kung hindi dahil sa kanya napahamak na ako. Utang na loob ko sa kanya ang kaligtasan ko. Nakakasama naman ng loob, parang nagsisisi siya na niligtas niya ako base sa itsura nya. Masama pa yata ugali ng savior ko. 

"Kuyang gwapo-" 

"It's Marione," naiiritang putol nya saken. Gwapo na mukha pati pala pangalan. Tapos ang bango pa nya, lalo ko pang naaamoy yung pabango niya dito sa loob ng kotse. Hay, ayaw pa niya yatang tinatawag na gwapo. Pambihira, yung iba nga tuwang-tuwa na tinatawag na gwapo tapos siya naman, ayaw. Hindi ba siya aware kung gaano siya kagwapo? O aware na talaga siya? Sabagay, gwapo nga, masungit naman. Hay, sungit naman ng savior ko. 

"What is it?" malumanay na tanong niya. Napansin na siguro niya na nagsusungit na siya sa akin. 

"Aa, gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mo kanina. Tatanawin ko iyong malaking utang na loob."

Tinignan niya ako mula sa sulok ng kanyang mga mata. Saglit lang iyon at ibinalik na niya ulit ang tingin sa daan. 

"Who's that guy chasing you?"

Akala ko hindi na siya magsasalita pagkalipas ng ilang minutong pananahimik. Gusto ko pa namang marinig ang boses niya bago kami maghiwalay. Tsk. Hiwalay talaga? Para kasing music sa tenga. Sarap pakinggan. Teka, kailan pa naging masarap sa pandinig yung boses ng tao? Sa kanta, oo, pero sa pagsasalita, parang hindi naman. Bakit ba parang ang weird ko? 

"Dominique, right? Is he your boyfriend?" kunot-noong tanong niya sakin. 

"Hindi ko sya boyfriend."

"Then why is he after you? Are you a criminal?"

“Hindi!”

“Then why?” tila nauubusan ng pasensyang tanong niya.

Parang bumalik yata lahat ng nangyari kanina. Kung anong klaseng emosyon ang nakita ko sa mata nya. Kung paano niya ako habulin. Mariin kong ipinikit ulit ang mata ko. 

"Kaibigan ko siya. Matagal na. Kaso nag-cross the line siya kaya nasira ang friendship namin." Bumuntong-hininga muna ako bago ipagpatuloy ang kinukwento ko. Parang gusto kong umiyak, hindi dahil sa nasirang friendship kundi dahil sa takot. "Naging okay naman kami, ee, kaso bigla nalang niya akong gustong pagsamantalahan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Kung bakit bigla nalang ganun. Nagtiwala pa man din ako sa kanya."

"Never trust anyone too much next time. If that happens again, you'll never know if there will be someone who's willing to help you." 

Nang tingnan ko siya, seryoso lang siyang nakatingin sa daan. Ibinaling ko nalang din ang tingin ko sa daan. Nasermonan pa tuloy ako ngayon. Para namang inulit lang nya yung iniisip ko kanina. Narinig ko pa syang napabuntong hininga. 

"Where to? " 

Nagtataka namang napalingon ako sa kanya. Nakatingin siya sakin at naghihintay ng sagot. Pagkatapos nito, makikita ko pa kaya ang mga matang yan? Di ba sabi nila, beauty is in the eye of the beholder? But his eyes were beautiful already. Teka ano konek? Ano ba tong pinag-iisip ko. Gusto ko ng katukan ang sarili ko.

Something crossed his eyes but he blinked back immediately and turned his gaze back to the road. 

"Where will I take you?"

Doon ko lang naintindihan ang gusto niyang itanong kanina. Agad ko namang naisip ang mga kaibigan ko. 

"Pwede ba sa bus terminal sa Cubao?" alangan ang tanong ko kasi baka out of the way, ibaba na lang niya ako bigla sa isang kanto. 

"Will you be safe there?" concern evident in his voice though he didn't want to show it. Napangiti tuloy ako ng palihim. Nakakatuwa na concern siya sakin kahit kakikilala niya lang sa akin. Siguro instinct nalang kasi iniligtas niya ako. Hay, ano ba pinag-iisip ko? 

"Oo. Nandoon ang mga kaibigan ko, may usapan kaming duon magkikita kita."

Nangunot noo na naman sya sa sinabi ko. Oo nga pala, sinabi kong kaibigan ko si Jake baka iniisip niya na mga lalaki yung kikitain ko. Baka iniisip niya na baka mapahamak na naman ako. 

"Mga babae yun. Sila ang kasama ko bago ako mahila nung Jake na yun." 

Tumango lang sya at nanatili na lang na tahimik. Paminsan minsan ay nahuhuli ko siyang sumusulyap sa gawi ko. Nagtataka siguro kung bakit tahimik ako. Wala naman kasing pag-uusapan saka ayoko namang usisain sya. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Kismet   Chapter 30

    >xxx<Hindi ako mapakali habang nasa byahe kami ni Marione pauwi ng Pangasinan. Gusto ko sanang ako nalang ang umuwi para hindi na siya maabala pero nagpumilit pa rin siya. Isa pa ay hindi din daw sya mapapakali kung pababyahehin niya akong mag-isa kaya sumama na siya. Hindi ko naman maialis ang isip ko sa pamilya ko at sa sinabi ni Angelo sa linya kanina. Inatake daw si tatay na siya namang ipinagtataka ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala sa lahi nila ang may sakit sa puso kaya hindi ko malaman kung bakit siya bigla nalang inatake.Sa tana kasi ng buhay ko ay ngayon lang inatake sa puso si tatay. Halos halukayin ko na ang utak ko sa posibleng dahilan para atakehin ito pero wala naman akong maisip. Wala naman kasi silang sinasabing problema sa lupang sinasaka nila, hindi rin naman ako pumapalya sa pagpapadala sa kanila buwan-buwan.

  • Kismet   Chapter 29

    >xxix<Halos inip na inip ako sa maghapon habang hinihintay na gumabi. Ewan ko ba kung bakit ganito. Hindi rin kasi maalis sa isip ko si Marione at sa kung ano na ang estado namin. Maging ang tungkol kay Mira ay hindi rin maalis sa isip ko. Ayokong manghusga pero hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong kung bakit at paano niya nagawang maglihim sa akin ng tungkol kay Jake.Napabuntong-hininga ako habang nakapalumbaba sa may counter at nakatunghay sa mga naglilinis na mga kasamahan ko sa buong restaurant. Sarado na rin kasi kami at naglilinis na lamang bago umuwi. So far wala pa naman nakakapansin sa pagtunganga ko dito kaya't malaya pa rin akong namamahinga. Nakakatuwa din kasi silang pagmasdan na habang abala sa pagpupunas ng mga lamesa at pagma-mop sa sahig ay walang katapusan ang chismisan nila at labasan ng sama ng l

  • Kismet   Chapter 28

    "Why don't you turn around so we can talk properly, wallflower?" panunubok ko sa kanya ng wala akong makuhang reaksyon.Nakalimutan na kaya niya ako? Shit! Just the thought of her forgetting me, pisses me off. How dare her forget me so easily while I'm still stuck here wanting to see her again. Nauubusan na ako ng pasensya ng hindi ko man lang siya nakitang natinag sa kinatatayuan. Didn't she want to see me? Napakuyom ang kamay ko."Or should I call you , Dominique, Miss wallflower?" Ani ko na sadyang hinaluan pa ng sarkasmo. I am Marione Alistair Eldritch, CEO of the well-known Eldritch Hotels Inc. and son of the shipping magnate, Marcus Eldritch. She can never get rid of me. Even if she tries to forget me, well, too bad. I'll never let her.

  • Kismet   Chapter 27

    >xxvii<I snarled at her but she just stared at me like she was still shocked by what she did. She looked horrified while tears brimming down her beautiful face. My hands itched to wipe off her tears. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkaalarma nang makita ko siyang nanginginig. Parang may kung ano tuloy sa akin na parang gusto siyang hilahin at ikulong sa mga bisig ko."Miss, you alright? Are you hurt?""Dominique!"Someone from afar shouted. Nakita kong nanginig lalo ang dalaga saka atubiling lumapit sa akin. I guess that was the guy who ran after her a while ago.I can't help but to stare at her eyes. Para kasing nang-aakit iyon na tumingin dito kahit na hilam na ito ng luha at nababahiran ng takot. Nainis ako bigla. Why does these eyes have to be shadowed wit

  • Kismet   Chapter 26

    >xxvi<*Marione's*I went straight to my parents house pagkatapos kong maihatid si Nikki sa trabaho. Bumusina ako para ipaalam ang pagdating ko at para na rin pagbuksan ng gate. Hindi rin naman nagtagal at pinagbuksan din ako.Agad akong nagmaniobra papasok at nag-park sa may garahe. It was a huge space packed with cars in different sizes before. But now, it was only my parents' was there. Well, my brother and his wife already have their own house and family anyway.Pagkaibis ko ay may naghihintay agad na maid sa akin para kunin ang dala kong coat at case. Pagkaabot ay dumiretcho na ako sa loob ng malaking kabahayan. Pagkabukas ko ng pinto ay ang pamilyar na malaking chandelier sa taas ng malawak na sala ang nabungaran ko. Sa magkabilang gilid naman ay ang eleganteng hagdan na halatang alaga sa linis. Habang nagmamasid

  • Kismet   Chapter 25

    >xxv< MALIWANAG na sa labas ng magmulat ako ng mata. Ang sarap ng tulog ko kagabi. Nanaginip pa yata ako na katabi ko daw si Marione. Natigilan ako ng may maramdaman ako na marahang paghinga sa tabi ko. Lilingunin ko na sana ito ngunit hindi ko na nagawa dahil nakasiksik ang mukha nito sa leeg ko. Agad na gumapang ang kilabot sa buong katawan ko. Bibiling na sana ako ngunit hindi ko rin nagawa dahil naroon din ang braso nito sa may tiyan ko at ang mabigat niyang hita na nakadantay sa binti ko. Hindi ako makagalaw pero ayos lang. Ang sarap matulog na katabi siya. Kung sana ay laging ganito ang magigisnan ko sa umaga. Nuon ko napansin ang kumot na nakapatong sa amin. Wala naman akong kinuhang kumot kagabi dahil di ko naman akalain na dito na kami makakatulog. Natigilan ako ng may maalala.&n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status