Share

KABANATA 02

Author: MissLuzy
last update Last Updated: 2025-02-10 14:30:41

Tahimik lang si Celestine sa front seat habang nagmamaneho habang katabi si Carlie sa passenger seat. Tinatahak na nila ang daan patungo sa lugar nila Chiara upang dumalo sa nalalapit na nitong kasal. Huwebes ngayon at sa Sabado na ang kasal nito at sa Boracay iyon gaganapin kaya doon sila magtutungo. Wala siya sa mood, itong katabi niya lang ang mukhang hindi mapakali sa inuupuan at mukhang sabik na sabik na sa kasal ng kaibigan.

"Oh my gosh, I'm so much excited for Chiara's wedding! I just can't believe that she is getting married so soon. I'm so excited to meet her, Sis!" Nasasabik at puno ng kaligayahan nitong sambit na ikinailing niya lang.

"Oo nga eh, kulang na lang ikaw na ang ikasal. Mas excited ka pa nga kesa dun sa ikakasal." Inirapan siya nito na hindi nakawala sa kaniyang paningin.

"Seriously, Sis. Is that how you treat me? You're so mean to me na ah? Grabe ka na. But don't worry, I already told Chiara that after she gets married, I will be next." May gulat na napalingon siya sa katabi na bahagya pang kumunot ang noo nang marinig ang sinabi nito. Ang alam niya kasi wala pa itong naging karelasyon kaya mukhang nagbibiro lang yata ito.

"Oh, nagulat ka yata ah. Wait, don't tell me-" saglit itong natigilan sa pagsasalita at gulat na humarap sa kaniya, "You didn't know that I was in a relationship? Oh my god! Nahuli ka na sa news, Sis! Maglilimang taon na kami ng boyfie ko next month, I thought you knew it na."

"Hindi ka naman nagkukuwento sakin. Malay ko bang may boyfriend ka na pala?" Patuloy lang siya sa pagmamaneho habang nakatuon ang tingin sa daan.

"Alright, I'm sorry I didn't tell you about it. Masyado ka kasing busy sa work mo. Ngayon lang naman kita naisturbo kasi nag-aalala na rin ako sayo. Buti nga eh sumama ka sakin ngayon." Ngiti nito sa kaniya na nagtaas baba pa ng kilay.

"Hindi naman talaga ako sasama kung hindi mo lang ako pinilit noh." Tama nga naman siya. Hindi naman talaga siya sasama subalit pinilit talaga siya nito. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag sa takot na gawin nito ang pagbabantang tatawagan ang ex-boyfriend niya na ayaw na ayaw talaga niyang makita buong buhay niya.

Nang makarating sila dun ay nagpareserve na sila ng isang unit sa may malapit na Hotel at nagcheck in agad.

Makalipas ang Sabado ay ginanap na ang kasalan nila Chiara at ang magiging asawa nito. Labis ang kasiyahan at kagalakan ng mga taong imbitado sa okasyong iyon lalo na si Carlie na puro palakpak ang ginagawa at ngiting-ngiti pa sa saya. Samantalang siya ay ngiting napipilitan lang ang iginagawad. Hanggang sa reception nga na ginanap lang sa Hotel na chineck-in-an niya eh wala pa rin siya sa mood. Ayun nga nasa hulihan pa siya na table umupo habang umiinom ng wine. Kung bakit ba kasi siya sinama ni Carlie dun gayung wala naman siyang hilig na dumalo sa mga ganung okasyon.

Natigil lang siya sa pag-iinom ng wine nang tumunog ang hawak niyang phone. Kaagad na niyang nalaman na galing sa kompanya niya ang tumatawag kaya tumayo na siya at naghanap ng lugar na hindi maingay bago sinagot ang tawag.

"Hello. I'm attending an event today, I'm not in my office. Let's just talk tomorr-" Hindi na niya natapos ang sinabi nang nalaman mula sa isang empleyadong tumawag ang isang kagimbal-gimbal na balita.

Nagalit pa siya noong una pero nang maintindihan ang sitwasyon ay pinilit rin niyang maging huminahon. Ayaw niyang matakot sa kaniya ang mga empleyado. Nainis lang talaga siya sapagkat mukhang kailangan niyang bumalik sa opisina niya ng wala sa oras. Ibinaba na niya ang tawag at kaagad lumapit kay Carlie.

"Hey Carlie, I'm sorry but I have to go back to the company. Something bad happened, I had to fix the mess."

"Ganun ba? Okay, then just be careful on your way back. Magpapaiwan na ako dito, magpapasundo na lang ako sa boyfriend ko tomorrow. Ako na din ang magdadala sa mga naiwan mong gamit. Take care, Sis."

"Okay, See you." Humalik siya sa pisngi nito at kinuha ang shoulder bag sa table na inuupuan bago lumabas dun sa reception. Paglabas niya sa may hallway kaagad niyang pinindot ang press button ng elevator. May nasalubong siyang tatlong lalaki na lumabas sa elevator kaya napagilid siya para padaanin sila bago pumasok sa elevator. Napatingin siya sa oras sa kaniyang phone, it's already past 10pm.

Kung minamalas nga naman, anong oras na saka pa lang magkakaroon ng problema sa kompanya niya at nagkataon pa na wala siya. Pagdating niya sa parking lot ay dimeretso kaagad siya sa kotse niya at nagmaneho.

Ilang oras ang lumipas ay sa wakas nakarating na siya sa paroroonan. Kaagad na ipinark ang kotse at lumabas dun. Pagpasok niya sa kompanya ay nagmamadaling tinungo niya ang elevator.

Nang makaakyat na siya sa pangatlong palapag ay tinungo na kaagad niya ang opisina. May lumapit sa kaniya na isang empleyado na sa tingin niya ay ang tumawag at nagreport sa kaniya kanina.

"Ma'am, s-sinabihan ko na po siya kanina pa na p-parating na po kayo. But he keeps on shouting at us while looking for you. We can't stop him. I-I'm sorry for the trouble, Ma'am." Bakas ang pagkabalisa ng pagkakasaad nito at mukhang kinakabahan sa maaari niyang itugon.

Tuloy pa rin siya sa paglalakad at bakas ang seryoso ng kaniyang mukha na para bang wala lang iyon para sa kaniya. Ngunit sa loob niya ay kinakabahan na siya, ramdam rin niya ang panginginig ng dalawang kamay kaya ikinuyom niya iyon upang walang makahalata.

"It's Okay. Just go back to your work. I'll take care of it." Kalmado niyang saad sa empleyado na agad naman itong tumalima patungo sa pwesto at ibinalik ang sarili sa ginagawa.

Nang nasa tapat na ng pinto si Celestine ng kaniyang opisina ay nagpakawala muna siya ng paghinga bago pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto. Bumungad sa kaniyang harapan ang iritableng mukha nito habang kaharap ang isa sa empleyado niya na nakayuko, mukhang hiyang-hiya na ito dahil siya ang pinagbubuntungan ng galit ng lalaking kaharap. Nakaramdam naman kaagad siya ng awa rito.

"Mr. Delacruz, I can take care of it. You can go now, thank you." Agad itong tumalima at lumabas sa opisina niya.

Nakataas ang kilay na tinitigan niya ang nasa harap niya saka lumapit sa table niya pagkatapos ay umupo sa swivel chair niya.

"Tell me what's your problem. Why are you here at this hour?" Malamig ang tonong tanong niya rito habang nakakrus ang dalawang kamay. Pinakititigan niya ito ng mabuti, he looks so tired, drunk and terrible but she doesn't care at all.

"How cold. You're not the Celestine I know before. Why suddenly change?" Binigyan niya ito ng isang simpleng ngiti.

"Nagbabago talaga ang ugali ng isang tao at normal lang iyon, Harold. Ganun rin ako. Well, hindi naman masamang magbago ng ugali, diba? In fact, being cold is one of my favorite attitudes and you know that. Kaya wala pa rin namang nagbabago sakin. So far, normal pa rin naman akong tao. Ikaw ba Harold, normal ka rin ba?" Nakita niya ang pagtiim-bagang nito sa huli niyang sinambit.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Kiss Of The Wind Book 1   SPECIAL CHAPTER 2

    After that incident, tumawag ako ng security guard at pinadala sa kulungan ang lalaki. Pinakalma ko si Celestine and handed her a glass of water. I could tell that she was uncomfortable and scared. It makes my heart clenched seeing her like that. Nalaman ko na yung lalaking nagtangka ng masama sa kaniya ay ang ex-boyfriend niya. Aba, ang lakas talaga ng loob ng siraulong iyon. Kung hindi lang ako dumating, marahil ay natuloy niya ang balak niya kay Celestine. But fortunately I came and I won't let that happen to her again. No one dares to touch or hurts her again. Nainis ako sa mga sinabi niya sakin noong gabing iyon. How could she say that? Para bang nagsisisi siya sa halik namin. But I'm sure of it, nagustuhan niya rin iyon. I could see it in her eyes. She likes it too. Binigyan ko siya ng space at umalis sa cottage niya. But damn, I can't get her out of my mind. Kinabukasan ay magdamag akong naglasing. Habang iniisip ko iyon ay nasasaktan ako. Feeling ko parang rejected na na

  • Kiss Of The Wind Book 1   SPECIAL CHAPTER 1

    Jhairo's Story,I thought love was eternal and unconditional. When entering into a relationship, love knows no bounds. And love is the best thing in the world. That made me question myself, why can't I? I have no flaws, no insecurities, and I can do everything I want. I have everything. But why wasn't I even allowed to be loved? Am I not good enough? Is my love not good enough? I have an ex-girlfriend and I love her more than anything else. I did everything for her and even gave my whole love to her. I trusted her just how much she trusted me. Kahit kailan ay hindi ako tumingin sa iba dahil para sakin sapat na siya at ni minsan ay hindi ko naisip na lokohin siya. I never cheated on her even once because I knew myself that she's the only one I needed and I've wanted in my life. But she broke me. She broke my heart and my trust. Ang malala pa, siya mismo ang umamin na gusto niya ang pinsan ko. The worst thing is he got her pregnant. She admitted in front of me how she loves the man. S

  • Kiss Of The Wind Book 1   CELESTINE'S PAST

    "Tama ba ang desisyon mo, Sis? Bibigyan mo siya ng chance sayo?" Tiningnan ko si Carlie nang may ngiti sa labi habang inaayos ang papeles na pinapagawa ni Daddy sakin. "Oo, Carlie. Saka ano namang masama dun? Gwapo naman siya, may kaya rin. At pinakita niya rin kung gaano siya kainteresado sakin." Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Carlie dahil sa sinabi ko. Hindi naman daw siya tutol. Ang palagi niya lang pinapaalala sakin ay kung kakayanin ko ba gayong unang karanasan ko pa lang ito, na magkaroon ng isang karelasyon. No boyfriend kasi ako since birth kaya wala pa akong experience sa mga ganitong bagay. May mga nagkakagusto sakin. May mga time na nagkakaroon rin ako ng crush, kapag feeling ko lang. Ngunit hanggang doon lang ako. Ewan ko ba, mas focus lang yata ako sa magiging future ko that time.Ngunit iba ngayon. Nag-iba ang lahat ng iyon nang makilala ko si Harold. Ang lalaking dumating sa aking buhay. "Bukod pa dun, pareho kami ng interes. Alam mo bang mahilig din siyang gum

  • Kiss Of The Wind Book 1   JHAIRO'S PAST

    "Huyy, ano yan?" Kaagad kong tinigilan ang pagsusulat sa papel at itinago iyon sa aking bulsa. Kasalukuyan akong nakaupo sa ilalim ng puno na madalas naming tambayan ni Cecille, ang kababata kong kaibigan. "Wala." Umiwas ako ng tingin at umayos ng upo. "Sus, tinatago mo pa." Anas naman ni Cecille bago umupo sa tabi ko. "Love letter iyang sinusulat mo noh?" "It's not a love letter." Pagtatannggi ko. Ayaw kong malaman niya. Hindi muna sa ngayon dahil hindi pa ako handa. Highschool pa lang kami at marami pa akong pangarap. Pangarap para sa future namin. Gusto ko, pag-umamin na ako ay iyong handa na ako. "Speaking of which, may mga nagpapadala ng love letter at gifts sakin sa bahay. Minsan naman nilalagay sa locker ko sa school. Ni hindi ko malaman kung sino kasi anonymous lang ang nakalagay. Pa-mysterious, amp.." Nagkunwari akong walang alam at walang pake. Kahit ang totoo naman ay ako ang nagpapadala ng mga love letters at gifts sa kaniya. "So, you have an admirer, huh? Good for

  • Kiss Of The Wind Book 1   KABANATA 16

    Naalimpungatan siya nang may mainit na kamay ang humawak sa pisngi niya. Agad siyang nagising nang maalala na nakatulog na pala siya. Tiningnan niya ang paligid niya. Nasa kotse sila kanina nang makaidlip siya kaya nagtaka siya kung bakit biglang nasa hindi pamilyar na silid siya ngayon."Welcome home." Tumingin siya kay Jhairo nang may pagtataka."Nasan tayo?" Tumayo siya at tumingin sa may balcony. Lumapit siya dun at tiningnan ang buong paligid. Naalala niya ang dalampasigan sa Resort na pinuntahan niya nang makita niya ang dagat sa di kalayuan. Nakikita rin niya ang papalubog na araw na senyales na malapit nang dumilim. Naramdaman rin niya ang paghalik ng malakas na hangin sa kaniyang balat. Tila bumalik siya sa lugar na iyon. "Ano sa tingin mo? Maganda ba dito?" Nilingon niya ang binata habang nangingilid ang mga luha sa mata niya."Bakit mo ako dinala dito? Ano na naman bang pakulo mo?" Nagtataka itong lumapit sa kaniya."Anong pakulo ba ang sinasabi mo, Celestine? Pinatayo ko

  • Kiss Of The Wind Book 1   KABANATA 15

    Nang matapos siyang kumain ay nakaramdam naman agad siya ng antok kaya umidlip muna siya. Hindi na niya nalaman kung ilang oras siyang tulog. Basta nagising na lang siya na may tumatapik sa kaniya."Ma'am, kailangan na po kayo sa meeting. Ikaw na lang po ang inaantay nila sa conference room.""Talaga ba? Anong oras na ba?" Tanong niya sa empleyado bago inayos ang sarili."11:30 am po ang simula ng meeting. 12 pm na po ngayon. Late na po kayo ng kalahating oras." Napahawak na lang siya ng ulo nang mapagtanto iyon."Sige, pupunta na ako." Hindi na niya pinansin ang sariling ayos at agad na tumungo sa conference room.Nang makapasok siya roon ay laking gulat niya nang nasa harap niya ang taong hindi niya inaasahang makita. Nakaupo ito sa dulo ng mesa habang kaharap ang mga kleyente at kasosyo nila. Tahimik siyang umupo at pinilit na huwag iyon bigyan ng pansin.Naging maayos naman ang meeting nila kahit na minsan ay malapit na siyang makaidlip sa sobrang antok. Kaya nang matapos ang meet

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status