Mula sa masakit na karanasan sa unang pag-ibig, tatlong taon ang lumipas nang mapagpasyahan ni Celestine na ituon na lang ang sarili sa kompanyang naman mula sa nagretiradong ama. Sa mga papeles at tanging sa trabaho na lamang niya ibinuhos ang buong atensyon upang makalimutan ang masalimuot na karanasan mula sa dating nobyo na nangloko at ginamit lang siya para sa pera niya. Hindi naging madali para sa kaniya ang lahat ngunit minabuti niyang huwag nang pagtuunan pa ng pansin ang paghanap ng lalaki na para sa kaniya o kung meron ba talaga. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang lalaki na bigla na lamang sumulpot sa kaniyang buhay. Hindi niya inaasahan na makakatagpo ng isang gwapo at matipunong nilalang na kahit ang ipis ay maaring mahumaling rito. Sa bawat araw na magkasama sila sa isla ay hindi mapigilang mas nahulog pa ang kaniyang loob sa lalaki. Paano na niya mapipigilan ang malalim na nararamdaman gayung alam naman niyang hindi rin magtatagal ay maghihiwalay rin sila ng landas dahil aalis rin siya sa lugar na iyon matapos magbakasyon? Kakayanin niya kayang mawalay sa piling nito o hahayaan na lamang ang kung anuman ang nararamdaman para sa binata?
Lihat lebih banyakHindi na halos makatayo si Celestine sa swivel chair na inuupuan niya sa loob ng kaniyang opisina at mukhang wala na talaga siyang balak pang tumayo dun. Halos magdamag siyang nakababad sa mga papeles na mukhang makapal pa kahit na ilang pahina na ang tiningnan at inalisa niya. Ni kahit umagahan o tanghalian ay isinawalang bahala niya na lang.
Kung hindi lang sana umuwi sa probinsya ang sekretarya niya ay may katulong sana siya sa pag-aasikaso sa mga papeles nila ngayon, kahit papano sana ay nagkakaroon siya ng oras para magpahinga. Pero kanino pa ba siya aasa kundi sa sarili niya lang. Sa ngayon ay siya na muna ang gagawa ng lahat ng mga gawain sa kompanya na ipinamana sa kaniya ng kaniyang retiradong ama. Simula nang ipinamana na sa kaniya ang kompanya ay naging gawain na niyang magpuyat at magbabad sa laptop. Araw-araw ay ganun ang ginagawa niya, pupunta siya ng opisina para magtrabaho magdamag tapos uuwi sa condo niya na pagod at gigising naman kinabukasan ng maaga na puyat. Naging routine na niya iyon at sa halos tatlong taon ay nasanay na rin siya sa ginagawa. Ano pa bang magagawa niya? Sa kaniya ipinamana ang kompanya bilang nag-iisang anak ng mga magulang niya kaya wala na siyang ibang pagkakaabalahan pa kundi ang itutok ang sarili para sa kapakanan ng kompanya. After all, siya rin naman ang makikinabang sa benefits and shares na makukuha nila. "Aba, Sis. Baka hindi ka na abutin ng trenta anyos niyan at mas mauna ka pa kay Lola Tisay na maiburol dahil sa lagay mong iyan. Naku, baka pinababayaan mo na ang sarili mo dahil sa kakatutok mo dyan sa trabaho mo ah?" Saad sa kaniya ng pinsan na si Carlie habang nagtitimpla ng kape. Ang lola nilang magpinsan ang tinutukoy nito na nasa halos nobenta anyos na ang edad ay nakakalakad at malusog pa rin ang pangangatawan. Hindi nila ito mabisita dahil abala siya sa trabaho niya at malayo rin ang probinsya kung saan nakatira ang Lola nila. 'At dinamay pa nga si Lola Tisay.' Napahawak na lang sa leeg si Celestine at ini-stretch ito dahil kanina pa siya nangangalay kakayuko kakaasikaso sa mga papeles sa kaniyang harapan. "Hindi ko naman pwedeng pabayaan lang na nakatambak ang mga ito dito." Saad niya rito habang nakatutok pa rin ang tingin sa papeles na hawak at nililipat ang pahina nito. "Nasan ba ang sekretarya mo? She can help you with that or much better na siya ang gumawa niyan. Anong silbi ng pagiging sekretarya niya kung sayo lang din naman iaasa ang lahat ng gawain na siya dapat ang gumagawa? Ano, ikaw na lang ba palagi ang aasahan?" Iritado nitong sambit at naglapag ng tasa sa lamesa niya. "Thank you." Kinuha niya ang tasa at ininom ang tinimplang kape na hindi inaalis ang tingin sa papeles na hawak. "Wala siya ngayon, nagleave siya ng letter for excuse. Kailangan niya daw kasi puntahan ang tatay niyang may sakit sa probinsya nila para alagaan. Lumala na daw kasi ang kalagayan kaya kinailangan nang dalhin sa hospital. Kaya pinayagan ko na siya. Alangan naman na pagbawalan ko, kawawa naman yung tao." Paliwanag niya. Palipat-lipat lang siya sa ginagawa, pupunta ang tingin sa laptop para magcheck at mag-analisa ng files tapos babalik ulit sa papeles. Minsan naman ay sinisingit niya yung pagsusulat ng sariling kwento saka inililimbag. Matagal na rin siyang nagplano na magpatayo ng sariling bookstore sa harap lang ng kompanya niya na matatapos na sa susunod na buwan. "Pero hindi mo naman kailangan na gawin yan lahat. Dapat nagpatawag ka na lang sa pwedeng gumawa niyan at pumalit muna sa sekretarya mo habang wala pa siya. Baka nakakalimutan mong ikaw ang Boss dito ah. Oo nga't parte na ng trabaho mo bilang Boss dito na tulungan ang mga empleyado sa mga gawaing pangkompanya, pero hello! You don't need to work it all, as if na kaya mong ihandle lahat." Napailing-iling na lang siya sa mga sinasabi nito habang patuloy pa rin sa ginagawa. Kinuha nito ang isang papel sa lamesa niya saka inisa-isang tingnan. Pinukol niya pa ito ng masamang tingin nang magtangka na naman itong magbungangera tungkol sa mga papeles niya kaya itinikom na lamang nito ang bibig. Si Carlie ay malapit niyang pinsan na tinuring na rin niyang kapatid kaya Sis na ang tinatawag nito sa kaniya. Bata pa lang sila ay magkalapit na silang dalawa. Sa lahat niyang mga pinsan ay ito lang ang malapit sa kaniya. Hindi kasi siya masyadong nakikipagkaibigan nung mga bata pa sila. Si Carlie rin ang lumapit sa kaniya at nakipagkaibigan. Ito rin ang naging dahilan kung bakit nagkakaroon rin siya ng mga kaibigan. Halos araw-araw ba naman itong nagdadala ng mga kaibigan sa kanila para ipakilala sa kaniya. Bungangera rin si Carlie, palasermon sa kaniya at matapang na babae. Maraming nang-aaway sa kaniya na mga babae dati noong high school pa lang sila dahil yung mga hinahangaan nila ay sa kaniya nagkakagusto at nanliligaw, gayunpaman ay hindi siya pinabayaan ni Carlie at ito rin ang nang-aaway pabalik sa mga babaeng maharot. Matanda rin ito sa kaniya ng dalawang taon 27 na siya, 29 naman si Carlie. Kaya palagi rin siguro siyang napagsasabihan nito kapag madalas siyang nakakagawa ng maling desisyon. "Maiba ako, naalala mo ba si Chiara? Yung pinakilala ko sayo last month na kaibigan ko? She is getting married next week and she invited me. Actually, you're invited too that's why I came here to tell you about it." Maarte nitong sambit na hindi niya naman tinapunan ng tingin. "I'm afraid I can't go there, Carlie. As you can see I'm a busy woman and there's still a lot of work to do that I still need to finish. Infact, I don't attend events like that, I might get bored if I go there." "Oh, really! Kaya di ka na makahanap ng makakarelasyon eh. Masyado kang workaholic. Para sabihin ko sayo Sis ah, hindi ka matutulungan niyang pagbababad mo sa work to get a happy life. It doesn't suit you, honestly." Maarte nitong saad. "Matanong ko nga, ikaw ba Sis eh may balak pang mag-asawa or kahit maghanap man lang ng makakarelasyon? You're already twenty-seven this year and after three years from now, thirty ka na. But guess what? Siguradong hindi ka pa mag-aasawa sa edad na iyon with that case. Just look at you now." Umupo ito sa isang silya at nag Indian sit pagkatapos ay ipinagkrus ang dalawang braso sa ibaba ng dibdib. "Hayy naku Sis, masyado mong tinutuon ang sarili mo sa trabaho, can't you atleast do something else other than work? Like, magbakasyon ka muna or pumunta ka sa mga places na makakapaglibang sayo. Or maybe, subukan mo ulit na makipag-date with some other guy. Malay mo may makita ka nang tamang tao na para na talaga sayo." Saad ulit nito na nakapagpatigil sa kaniya. Naisip na rin niya ang tungkol sa bagay na iyon ngunit sa tuwing nais niyang subukang muli ay naaalala lang niya ang mga masaklap na nangyari sa kaniya sa dating karelasyon tatlong taon na ang nakakalipas. Tila isa itong bangungot na hindi na mawala-wala sa kaniyang isipan na hanggang ngayon ay dala-dala na niya. Mukhang ayaw pa nga yata siyang payagan ng tadhana na lumigaya dahil palagi na lamang siyang napag-iiwanan ng mga lalaking dumaan na sa kaniyang buhay kaya palagi rin siyang nasasaktan. Kaya mas pinili na lamang niyang maging single at kung pagpipilian siya ay siguradong mas pipiliin na lamang niyang maging single hanggang sa pagtanda. Tama na iyong nakaranas siya ng sakit mula sa mga lalaking dumaan na sa kaniya. Sa katunayan ay marami naman talagang nagkakagusto sa kaniya. Maganda naman kasi talaga siya. Ewan niya lang kung bakit sa dami ng pwedeng magustuhan niya ay yun pang manloloko at manggagamit na ex niya ang napili niya. Kaya sobra talaga ang panghihinayang niya kung bakit iyon pa ang naging boyfriend niya.After that incident, tumawag ako ng security guard at pinadala sa kulungan ang lalaki. Pinakalma ko si Celestine and handed her a glass of water. I could tell that she was uncomfortable and scared. It makes my heart clenched seeing her like that. Nalaman ko na yung lalaking nagtangka ng masama sa kaniya ay ang ex-boyfriend niya. Aba, ang lakas talaga ng loob ng siraulong iyon. Kung hindi lang ako dumating, marahil ay natuloy niya ang balak niya kay Celestine. But fortunately I came and I won't let that happen to her again. No one dares to touch or hurts her again. Nainis ako sa mga sinabi niya sakin noong gabing iyon. How could she say that? Para bang nagsisisi siya sa halik namin. But I'm sure of it, nagustuhan niya rin iyon. I could see it in her eyes. She likes it too. Binigyan ko siya ng space at umalis sa cottage niya. But damn, I can't get her out of my mind. Kinabukasan ay magdamag akong naglasing. Habang iniisip ko iyon ay nasasaktan ako. Feeling ko parang rejected na na
Jhairo's Story,I thought love was eternal and unconditional. When entering into a relationship, love knows no bounds. And love is the best thing in the world. That made me question myself, why can't I? I have no flaws, no insecurities, and I can do everything I want. I have everything. But why wasn't I even allowed to be loved? Am I not good enough? Is my love not good enough? I have an ex-girlfriend and I love her more than anything else. I did everything for her and even gave my whole love to her. I trusted her just how much she trusted me. Kahit kailan ay hindi ako tumingin sa iba dahil para sakin sapat na siya at ni minsan ay hindi ko naisip na lokohin siya. I never cheated on her even once because I knew myself that she's the only one I needed and I've wanted in my life. But she broke me. She broke my heart and my trust. Ang malala pa, siya mismo ang umamin na gusto niya ang pinsan ko. The worst thing is he got her pregnant. She admitted in front of me how she loves the man. S
"Tama ba ang desisyon mo, Sis? Bibigyan mo siya ng chance sayo?" Tiningnan ko si Carlie nang may ngiti sa labi habang inaayos ang papeles na pinapagawa ni Daddy sakin. "Oo, Carlie. Saka ano namang masama dun? Gwapo naman siya, may kaya rin. At pinakita niya rin kung gaano siya kainteresado sakin." Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Carlie dahil sa sinabi ko. Hindi naman daw siya tutol. Ang palagi niya lang pinapaalala sakin ay kung kakayanin ko ba gayong unang karanasan ko pa lang ito, na magkaroon ng isang karelasyon. No boyfriend kasi ako since birth kaya wala pa akong experience sa mga ganitong bagay. May mga nagkakagusto sakin. May mga time na nagkakaroon rin ako ng crush, kapag feeling ko lang. Ngunit hanggang doon lang ako. Ewan ko ba, mas focus lang yata ako sa magiging future ko that time.Ngunit iba ngayon. Nag-iba ang lahat ng iyon nang makilala ko si Harold. Ang lalaking dumating sa aking buhay. "Bukod pa dun, pareho kami ng interes. Alam mo bang mahilig din siyang gum
"Huyy, ano yan?" Kaagad kong tinigilan ang pagsusulat sa papel at itinago iyon sa aking bulsa. Kasalukuyan akong nakaupo sa ilalim ng puno na madalas naming tambayan ni Cecille, ang kababata kong kaibigan. "Wala." Umiwas ako ng tingin at umayos ng upo. "Sus, tinatago mo pa." Anas naman ni Cecille bago umupo sa tabi ko. "Love letter iyang sinusulat mo noh?" "It's not a love letter." Pagtatannggi ko. Ayaw kong malaman niya. Hindi muna sa ngayon dahil hindi pa ako handa. Highschool pa lang kami at marami pa akong pangarap. Pangarap para sa future namin. Gusto ko, pag-umamin na ako ay iyong handa na ako. "Speaking of which, may mga nagpapadala ng love letter at gifts sakin sa bahay. Minsan naman nilalagay sa locker ko sa school. Ni hindi ko malaman kung sino kasi anonymous lang ang nakalagay. Pa-mysterious, amp.." Nagkunwari akong walang alam at walang pake. Kahit ang totoo naman ay ako ang nagpapadala ng mga love letters at gifts sa kaniya. "So, you have an admirer, huh? Good for
Naalimpungatan siya nang may mainit na kamay ang humawak sa pisngi niya. Agad siyang nagising nang maalala na nakatulog na pala siya. Tiningnan niya ang paligid niya. Nasa kotse sila kanina nang makaidlip siya kaya nagtaka siya kung bakit biglang nasa hindi pamilyar na silid siya ngayon."Welcome home." Tumingin siya kay Jhairo nang may pagtataka."Nasan tayo?" Tumayo siya at tumingin sa may balcony. Lumapit siya dun at tiningnan ang buong paligid. Naalala niya ang dalampasigan sa Resort na pinuntahan niya nang makita niya ang dagat sa di kalayuan. Nakikita rin niya ang papalubog na araw na senyales na malapit nang dumilim. Naramdaman rin niya ang paghalik ng malakas na hangin sa kaniyang balat. Tila bumalik siya sa lugar na iyon. "Ano sa tingin mo? Maganda ba dito?" Nilingon niya ang binata habang nangingilid ang mga luha sa mata niya."Bakit mo ako dinala dito? Ano na naman bang pakulo mo?" Nagtataka itong lumapit sa kaniya."Anong pakulo ba ang sinasabi mo, Celestine? Pinatayo ko
Nang matapos siyang kumain ay nakaramdam naman agad siya ng antok kaya umidlip muna siya. Hindi na niya nalaman kung ilang oras siyang tulog. Basta nagising na lang siya na may tumatapik sa kaniya."Ma'am, kailangan na po kayo sa meeting. Ikaw na lang po ang inaantay nila sa conference room.""Talaga ba? Anong oras na ba?" Tanong niya sa empleyado bago inayos ang sarili."11:30 am po ang simula ng meeting. 12 pm na po ngayon. Late na po kayo ng kalahating oras." Napahawak na lang siya ng ulo nang mapagtanto iyon."Sige, pupunta na ako." Hindi na niya pinansin ang sariling ayos at agad na tumungo sa conference room.Nang makapasok siya roon ay laking gulat niya nang nasa harap niya ang taong hindi niya inaasahang makita. Nakaupo ito sa dulo ng mesa habang kaharap ang mga kleyente at kasosyo nila. Tahimik siyang umupo at pinilit na huwag iyon bigyan ng pansin.Naging maayos naman ang meeting nila kahit na minsan ay malapit na siyang makaidlip sa sobrang antok. Kaya nang matapos ang meet
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen