Share

kasunduan

"What?" Magpapakasal ka? Are you out of you Mind?" Hindi makapaniwala si Mart sa naging desisyon ng kaibigan na si Nikko. Ilang araw na lang kasi at nakatakda na silang umalis patungong New York ngunit bigla-bigla itong nagbago ng isip.

"Brad, they left me no choice. Kung hindi ako magpapakasal, ipapakulong nila ako." Sagot naman ni Nikko.

"Brad, tinatakot ka lang nila. Bakit? Nabuntis mo ba? Hindi naman, ah. May nangyari lang sa inyo at normal na 'yon sa panahon natin. Ano sya si Maria Clara?" Mart try all his Best to convince his Best Friend. Gusto nyang ipaintindi rito na pwede naman syang hindi magpakasal. Pwede nyang takasan ang pagkakamali nitong nagawa sa seniors Nights.

Nikko look problematic. Huminga ito nang malalim at nagyuko ng ulo. "Hindi mo kasi ako naiintindihan. Ang hirap ipaliwanag, e. Pero isa lang ang sigurado ngayon, hindi ba ako makakasama sa 'yo sa New York." Malungkot nyang pagkakasabi. Napaka importante noon kay Nikko. Ang mag-abroad at doon magtrabaho. Kaya nga lang, hindi na nya iyon matutupad dahil sa obligado nyang pakasalan si Sabelle.

"Teka--teka nga! Seryoso? Damn! Naiintindihan mo ba 'yung sinasabi mo? You might lost your Dreams? Brad, ang ganda ng oppurtunity na nag-aantay sa 'tin sa States. Doon kikita ka ng malaki at maibibigay mo ang pangangailangan ng pamilya mo. Kung magpapakasal ka, para mo na ring sinira ang buhay mo. Isa pa, ang hirap makisama sa babaeng hindi mo naman mahal." Dagdag pa ni Mart. Ngunit nananatili pa ring nakayuko si Nikko. "H-hwag mong sabihin na may gusto ka roon sa babae na 'yon?"

"Gagu, wala! Paano ako magkakaroon ng pagkagusto roon gayong wala akong matandaan sa nangyari sa 'min. I'm totally wasted that Night. Naaawa lang ako sa kanya, alam ko kasing sa pagkakamali kong iyon nasira ko ang future nya. Parehas nasira ang pangarap namin."

"Okay. I get it. Dont worry. I will help you. Kung anu't-anuman, magsabi ka lang. Im one call alay, Brad. Pero sayang talaga." Bakas sa boses ni Mart ang labis na pang hihinayang. His giving Nikko assurance na kahit nasa ibang bansa na sya ay hindi iyon magiging dahilan para hindi nya ito matulungan.

Samantala,

After 4 days, tumulak na papuntang New York si Mart at doon nagsimulang magtrabaho bilang head manager sa kanilang kompanya. Mart is smart and responsible to his work at his first Week. Ipinapakita nya sa kanyang mga katrabaho na hindi lang dahil anak sya ng may-ari kaya sya nabigyan ng magandang posisyon. Pinakita nya na deserving sya talaga.

Tuwing gabi naman ay tinatawagan naman nya ang kanyang matalik na kaibigan na nasa Pilipinas. Kumustahan at kuwentuhan para maibsan ang kanyang paninibago sa bagong lugar na ginagalawan nya.

"Kumusta? Kumusta ka na?" Tanong ni Mart mula sa kabilang linya.

"Eto, ayos naman. Malungkot dahil nanghihinayang na dapat nandiyan rin ako kaso wala, e. Ibang landas na ang tinatahak ko ngayon."

Ang dami sanang nais na ikuwento ni Mart sa kaibigan tungkol sa gaanong kaganda ang lugar na napuntahan nya at kung gaano kadali ang trabaho nya ngunit malaki ang kita ay mas pinili na lang nyang huwag na munang ikuwento. Mas pinili nyang makinig sa pinagdaanan ng kaibigan.

"Damn! Brad, alam kong hindi ka masaya sa pinili mo. Pwede ka pa namang umatras sa kasal na iyan, e. Tumakas ka na at sumunod rito. Keep it secret. and the rest, ako na ang bahala sa 'yo. Sumunod ka na lang dito." Pangungumbinsi nya rito.

"Hindi na p-wede, e."

"Bakit naman?"

"Bukas na ang kasal namin kaya hindi na 'ko makakaatras pa."

Bukas na kasi ang kasal nila ni sabelle. Ang mga magulang nito ang nasunod kung kailan at saan gaganapin ang kasal nila.

Sa totoo lang din, hindi malaman ni Nikko kung tama ba ang pagpayag niya sa kasal. Naisip nya ang sinabi no Mart na mahirap makisama sa taong hindi mo mahal. Yes, gusto nyang panagutan ang nagawa nya rito ang iniisip nya lang ay kung ito nga ba ang talagang solusyon. Buhat rin kasi nang may nangyari sa kanila noong seniors night ay hindi na muli nya nakita ang dalaga. At ngayong kausap nya ang kaibigang si Mart at kinukumbinsi pa sya nito ay parang nagbabago na tuloy sya ng isip.

"Bukas? Ang bilis naman, ata? Siguradong sigurado ka na ba? Wala nang atrasan?"

Dito na tahimik ng ilang minuto si Nikko. Actually, may punto naman ang kaibigang si Mart at tama rin ito, na maaari pa syang Tumakas.

"Brad! Brad, mamaya nalang at..." pinatay na ni Nikko ang linya dahil biglang dumating ang mga magulang ni Sabelle. Sumadya talaga ang mga ito upang kausapin sya ng masinsinan.

Kahit na masama ang loob ng ina nyang si Ellen sa sa hinihingi nh mga ito ay pinakitunguan pa rin ang mga ito ng maayos.

"Mare, maupo muna kayo. Ano ba ang atin at gabi na ay nasadya pa kayo?"

"Mare?" Parang nagulat pa si Daisy sa tinawag sa kanya ni Ellen. Nagulat rin ito sa naging reaksyon nya kaya bigla syang bumawi. "Ahh, oo Mare. Hehehe. Pasensya ka na kung naabala kita ng ganitong oras. Hindi kasi ako mapakali, pasensya ka na kasi iniisip kong baka hindi sumipot ang anak mo bukas." Pagtatapat ni Daisy sa ina ni Nikko.

"Hindi, Mare. Nag-usap na kami ng anak ko. Ang totoo nyan, alam kong napipilitan lang sya. Alam kong ganun rin ang anak mo. Alam kong parehong labag sa kalooban nila ang pagpapakasal pero dahil nga mas importante sa inyo 'yung iisipin ng ibang tao kaya may kasalan Bukas. Mare, sa totoo lang, nakaalis na sana ng bansa ang anak ko ngayon kung hindi ito nangyari. Tinutupad na sana ang mga pangarap nya ngayon. Iyon nga lang, na-disgrasya nya ang anak mo at maling takbugan nya ang responsibilidad pero matanong lang kita Mare, iyong anak mo ba, sigurado na bang payag syang maikasal sa anak ko gayong hindi naman nila mahal ang isa't isa? Ang inaaalala ko lang e... baka kung kailan araw na ng kasal nila ay sya naman itong magbago ang isip.?" Diretsahang sabi ni Ellen. Sa sitwasyon kasing ito ay sila ang lugi.

Natahimik tuloy si Daisy. Iniisip a g sinabi ng kanyang Soon to be kabalae. Ang kaso kasi ay ito na lang ang nakikita nilang paraan upang matigil na ang chismis na naging sanhi na ng depresyon ng kanyang anak. Isa rin itong aral at parusa sa kanilang anak dahil kung hindi naman ito pumatol kay Nikko ay hindi sya malalagay sa sitwasyon na ito. "Mare, naiintindihan kita at paumanhin na rin kung ganito. Ang sakin lang, dapat nilang harapin ang kapalit ng mga nagawa nila. Hindi ba't ganito naman nung araw?" She is referring to her life before. Na malawakan o yakapin ka lang ng isang lalaki ay obligado ng pakasalan mo ito.

Hindi na kumibo si Ellen. Kesa kung ano pang saloobin nya ang mailabas nya sa kanyang bibig ay pinili na lang nya itong ngitian. " kaya nga Mare." Pagsang ayon nya kunwari. "O, sya. Sige na. Bukas na lang, Mare. Hwag kang mag-alala. Hindi tatakbo ang anak ko."

KINABUKASAN.

Araw na ng kasal nila Nikko at Sabelle. simpleng kasalan lamang ito dahil nga biglaan at kulang sa preparasyon.

nauna ng dumating ang pamilya ni Sabelle sa Munisipyo at kapwa silang mga nakasuot ng puti.

napakaganda ni Sabelle suot ang kaniyang wedding dress na kulay puti na hindi lalagpas ng tuhod. Lace at off shoulder ang design nito na tinernohan nya ng 2 Inches na kulay puti ring sandals. Simple lang din ang ayos ng kanyang buhok. kuinulot lang ang laylayan at mayroong clip sa gilid. natural din ang kaniyang kagandahan kaya kahit simpleng Make up lang na gawa ng kanyang ina lang at talagang dalang dala nya. para syang hindi ikakasal kundi para syang isang diwata sa kagubatan kung saan nakakasilaw ang kagandahan.

oo. wala sa loob ni sabelle ang pagpapakasal kay Nikko. pinilit lamang sya ng mga magulang nya para maiiwasan ang kahihiyan at masamang tingin sa kanya ng mga tao. pero sa loob loob nya ay hindi pa sya handa na pasukin ang buhay may asawa lalo na sa edad nyang 18 lang na dapat ay ineenjoy pa ang buhay. ngunit gaya nga ng sermon ng kanyang ama ina, lahat ng kamalian ay. ay kabayaran. at ang pagkakamali nyang iyon ang nagdala sa kaniyang ganitong sitwasyon.

isang beses pa lang nyang na-memeet si Nikko kaya wala syang ideya kung anong klaseng pag-uugali ang meron ito kaya naman doble-doble ang kabang nararamdaman nya ngayon.

"nasaan na ba 'yung nga 'yon? anong oras na, ah? 39 minutes na silang Late. huwag nilang sabihin na hindi sila sisipot." wika ng ina nya na mukha ng galit dahil sa tagal ng kanilang pag-aantay sa kabilang partido.

"oo nga. inam inam ng usapan kagabi. aba!! huwag nila tayong susubukan! kahit na makarating tayo kay Tulfo, ilalaban ko ang ginawa nila sa anak ko." ang ama naman nyang si Junior ang nagsalita.

Si Sabelle naman ay tahimik lang na nakaupo. naririndi sa kanyang mga magulang. "nay, 'tay! ano ba kayo? pwede bang kumalma lang kayo? pinagtitinginan na nila tayo, oh!"

"ano? paano kami kakalma? mag-iisang oras na tayong nag-aantay dine."

sa isang banda, naisip nga rin ni sabelle na baka nga hindi na sisipot si Nikko sa kasal nila. kanina pa kasi nagtatanong ang staff ng munisipyo at hinahanap ang mapapangasawa nya dahil naiisip na raw si Mayor na syang magpakasal sa kanila.

"kapag daw po after 10 minuto at wala pa rin ang kabilang partido ikakansel na raw po 'yung schedule nyo ngayon. may ikakasal pa raw ho kasi mamaya maya." saad ng sekretarya ng Mayor.

bigla tuloy napatingin sa relos so Sabelle. Ang mga magulang naman nya ay panay ang pakiusap na kung pwede ay bigyan pa sila ng kalahating minuto para mag-antay ngunit hindi pumayag ang staff ng munisipyo.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status