Share

Chapter 6

last update Last Updated: 2024-07-09 20:30:26

JANNA

"Ikaw ba, kuya Gerald, gusto ba ng mommy mo ang girlfriend mo?" tanong ko sa kanya, "hindi ba siya nakikialam sa feelings mo?"

"Hindi. Isa pa, matanda na ako. Hindi na sakop ng mommy ang buhay pag- ibig ko," sagot niya sa akin, "marami kayong tauhan no?"

"Nasa thirty yung dito sa lugar na ito," sagot ko sa kanya. "Pero gusto ba ng mommy mo ang girlfriend mo?"

"Mabait si Lizzy, isa pa, mabait siyang guro, kaya wala akong makitang dahilan upang ayawan siya ng mommy. In fact, gusto na nga niya kaming lumagay sa tahimik, upang magkaroon na kami ng mga anak," sagot ni kuya Gerald sa akin.

Kung gayon, napakaswerte pala niya, at hindi niya problema ang kanyang ina. Nakaramdam ako ng habag sa aking sarili at napaluha, na agad niyang napansin.

"Oh, what's wrong?" nag aalala niyang tanong sa akin, "may nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?"

Umiling ako, saka ngumiti, "wala, medyo naiinggit lang ako sayo, kasi hindi mo kailangang ipaglaban ang sarili mo. Hindi ko katulad."

"Bakit ka ba papayag na magpakasal kay Mang Arnold? " tanong niya sa akin. Nakarating na kami sa dulo ng tabakuhan, na ang karugtong ay mga puno ng molave, na sa pamilya naman ni kuya Gerald.

"Ayokong suwayin ang daddy. Masama siyang magalit,"umiling iling pa ako, "magkaiba ng klase ang buhay na pinanggalingan natin, saka masyadong makaluma ang daddy, kaya nahihirapan ako lalong mag explain sa kanya."

"So, para sayo, okay lang na pagdisisyunan ng daddy mo ang buhay mo? paano ang kalayaan mo? bata ka pa Janna, at malamang, marami ka pang pangarap sa buhay, ganito ba ang gusto mong sapitin? Nakita ko sa hitsura ng matandang yun, na hayuk na hayok siya sayo. Kung hindi ako dumating, malamang, nagawan ka na niya ng masama!"

"Ma-maraming salamat kuya Gerald, pero, wag mo na sanang masabi kay daddy ang nakita mo, baka mamaya, panindigan pa iyon ni Mang Arnold, lalo oang madali ang buhay ko este ang pagpapakasal ko sa kanya," pakiusap ko sa kanya, "baka akalain niya, nagpagalaw na ako sa matandang iyon.

"Yan ba talaga ang gusto mo?" tanong niya sa akin, dama ko ang awa sa kanyang tinig.

"Siyempre, kung may pagkakataon, ayoko ng ganitong buhay. I mean, yung buhay pag aasawa. 4th year college na ako, at mukhang hindi na ako paaaralin pa ng daddy. Ang sabi niya sa akin, ang babae naman daw, kapag nag asawa, para na lang sa bahay."

"Napaka makaluma naman pala ng daddy mo no?"

"Oo, tingnan mo, ang mommy ko, pirming nasa bahay lang. Gustuhin man niyang magturo, hindi na siya payagan ng daddy. Sapat naman daw sa amin ang kabuhayang ipinundar niya."

"Yun na nga, may pera naman kayo, bakit kailangan pang isakripisyo ka niya? ng dahil lang sa dangal? bullshit na dangal yan!"

"Eh.. alam mo naman dito sa amin, mahalaga iyon.." nginitian ko na lang siya, "doon tayo sa side na yun.." inaya ko siya sa isang maliit na patubig. "Itong hose na ito ang ginagamit namin pandilig. bawat sulok dito, meron niyan. Madalas, tatlong katao ang nagtutulong tulong para mahawakan ang hose na iyan."

Kinuha niya ang sinasabi kong hose, "ang laki nito ah, siguradong abot ito hanggang sa kubo."

"May palaisdaan din kami, katabi ng palaisdaan ng tita mo. Mga hipon at alimango din ang naroon. Gusto mo rin bang puntahan?" tanong ko sa kanya.

"Next time na lang Janna, medyo hapon na kasi." sagot niya sa akin.

"Doon tayo sa kubo, parang napansin ko si Miggy na dumating. Marahil may padalang meryenda ang daddy.." nauna na akong maglakad sa kanya. Napapansin ko na malalim ang iniisip niya, "bakit para kang nagiexam sa isipan?"

"Wala naman, may naalala lang ako. Oh, dahan dahan, at baka-- aaaw.." napangiwi siya sa sakit. Nasabit ang kanyang paa sa nakausling bato.

"Naku, okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

Nagmamadali siyang tumayo at iniunat unat ang paa. "Sasabihan sana kita na baka mapatid ka, ako pala ang madadapa hahaha"

"Ang gwapo.." wala sa sariling nasabi ko. Natigilan siya pagtawa, at napakunot ang noo.

"Ano?" tanong niya habang nakatitig sa akin.

"Ah, ano.. ahm.. parang may kwago.." napatingin ako sa mga puno ng molave.

"Kwago? ng ganitong oras?" parang diskumpiyado siya sa sinabi ko, na totoo namang dahilan ko lang. Nakakahiya kapag inamin ko sa kanya kung anong sinabi ko. Nagagwapuhan lang naman ako sa kanya.

"Ah, wag mo ng isipin yun, tara na nga.." tinalikuran ko na siya.

Napakamot na lang sa ulo si Gerald saka napangiti. Alam niya sa sarili kung ano ang nasabi ko sa kanya. Hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin, nahiya na lang ako.

"Ate, ipinapadala ni daddy," si Miggy iyon, "pancit bato at coke."

"Naku, mukhang masarap nga," sabi ni Kuya Gerald.

"Aalis na ako, may basketball kami ngayon," hindi na ako hinintay sumagot ng kapatid ko, iniwan na lang kami ni kuya Gerald.

"Janna," tawag niya sa akin.

"Ano?" tanong ko sa kanya habang inilalabas ang pagkain.

"Kung magtitiwala ka sakin, kaya kitang tulunga."

"Saan?"

"Kung paano mo maiiwasan si Mang Arnold."

Nagliwanag ang aking mukha sa kanyang sinabi, at nakasilip ako ng kaunting pag asa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Kung Isusuko ko ang Langit   Chapter 41

    Tuluyan na kaming naghiwalay ni Lizzy.. Akala ko, ay totoong kaya niyang magtiis, hindi pala. Nakipagrelasyon siya sa isa kong kaibigan hanggang sa siya ay tuluyan ng magbuntis.Alam kong kasalanan ko naman iyon, nasaktan ako, dahil buntis na siya ng tatlong buwan kahit dalawang buwan pa lang kaming hiwalay, dahil lang sa ego.Nakatingin ako sa bintana, habang pinapanood si Janna na ihatid si mommy sa kotse. Pupunta si mommy ngayon sa conference ng mga kababaihan.Habang pinapanood ko ang aking asawa, nakikita ko ang mga katangiang gusto ko sa isang babae..…Tahimik siyang gumalaw, may mahinhing kilos na hindi pilit. Maingat siyang magsalita, mapagmatyag, at palaging inuuna ang iba bago ang sarili. Hindi siya katulad ni Lizzy—na palaban, mapusok, at laging gustong siya ang nasusunod. Si Janna, sa kabila ng katahimikang iyon, ay may lakas din. Hindi siya mahina. Lalo ko iyong napatunayan nang hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang kasal namin, kahit batid niyang hindi pa ako gana

  • Kung Isusuko ko ang Langit   Chapter 40

    POV: JannaNapalunok ako habang nakatitig sa mga mata ni Gerald. Ramdam ko ang bigat ng kanyang sinabi—ang pangakong gusto niyang subukan. Ngunit hindi ko alam kung kaya kong tanggapin iyon nang buo.Mahal ko ba siya?Hindi ko alam. Hindi ko matiyak kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Gerald. Ang alam ko lang, siya ang lalaking pinakasalan ko. Siya ang pumigil sa kasal ko kay Arnold. Siya ang nagprotekta sa akin, kahit hindi ko hinihingi.At ngayon, heto siya, nakatayo sa harapan ko, inaalok ako ng isang bagay na matagal ko nang hiniling.Pero tama pa ba ito?Bumuntong-hininga ako at bahagyang umatras. "Gerald... Hindi kita pipilitin kung hindi ka pa sigurado."Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. Para bang hindi niya inaasahan ang sagot ko."Alam kong hindi basta nawawala ang pagmamahal mo kay Lizzy," pagpapatuloy ko. "At ayokong maging dahilan para pilitin mong kalimutan siya."Saglit siyang natahimik. Kita ko ang emosyon sa kanyang mukha—pagkalito, lungkot, pero m

  • Kung Isusuko ko ang Langit   Chapter 39

    Napabuntong-hininga ako. Nakaupo lang si Lizzy sa harapan ko, hinihintay ang sagot ko, pero wala akong maisagot. Para akong sinasakal ng mga salita niya, para bang sa isang iglap, naunawaan ko ang bigat ng lahat ng ito.Mahal ko si Lizzy. Hindi ko iyon matatakasan. Pero narito si Janna—ang babaeng pinakasalan ko, ang babaeng hindi ko kayang lokohin. Kahit kailan, hindi siya nanghingi ng pagmamahal na hindi ko kayang ibigay. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para sa kanya, pero alam kong hindi ko rin siya kayang saktan."Gerald, bakit tahimik ka?" tanong ni Lizzy, at doon ko napagtantong matagal na pala akong walang imik.Napatingin ako sa kanya, sa mga matang minsang naging tahanan ko. "Lizzy, hindi kita gustong saktan."Natawa siya, pero puno ng pait. "Pero iyon ang ginagawa mo, Gerald. Sinaktan mo ako. Pinili mong pakasalan siya. Hindi mo ako pinili."Alam kong totoo ang sinasabi niya."Pero hindi ko rin kayang saktan si Janna."Nanatili akong nakatitig sa kanya, umaasang mai

  • Kung Isusuko ko ang Langit   Chapter 38

    Sa loob ng kwarto, napabuntong-hininga ako at dumapa sa kama. Nangingilid pa rin ang luha ko, pero hindi ko pinayagang bumagsak ito. Hindi ko alam kung pagod lang ako o talagang may kung anong bumibigat sa loob ko.Si Lizzy.Mahal ko siya, alam ko iyon. Pero ngayon, hindi ko alam kung paano siya pipigilan sa sakit na nararamdaman niya. Dapat ba akong bumigay? Dapat ko ba siyang habulin? Pero paano si Janna? Ang asawa ko.Napapikit ako, bumabalik ang alaala ng huling beses kaming nagkita ni Lizzy bago ako ikinasal."Gerald, sabihin mo sa akin... wala na bang pag-asa?""Lizzy, hindi ito tungkol sa atin. Kailangan ko siyang pakasalan para hindi siya mapasakamay ni Arnold. Hindi ito tungkol sa pagmamahal.""Pero bakit pakiramdam ko, ako ang nawalan?"Nang mga panahong iyon, hindi ko pa nararamdaman ang bigat ng mga desisyon ko. Pero ngayon, habang naglalakad siyang palayo, habang sinasabi niyang pagod na siya—mas lalo akong natakot. Baka isang araw, hindi na lang siya lumingon.At hindi k

  • Kung Isusuko ko ang Langit   Chapter 37

    "Lizzy!" tawag ko kay Lizzy habang nagmamadali siyang naglalakad. Hindi siya sumakay sa kotse na maghahatid sa kanya pauwi, bagkus, parang lalakarin niya ang kahabaan ng kalsada.Inabutan ko ang kanyang braso, at agad ko iyong hinila.."Ano ba, Gerald.. uuwi na ko!" may luhang sagot niya sa akin, "magpahinga ka na kung pagod ka.""Ano bang nangyayari sayo?" hindi ako makapaniwala na magwowalk out siya "bakit ba?""Bakit? talagang tinatanong mo ako Gerald, kung bakit? ano sa palagay mo?" nakasimangot na sagot niya, "hindi mo ako tinatawagan, walang text, or kahit emails! habang kayo ng babaeng iyon ay magkasama, tapos, tatanungin mo ako kung ano ang nangyayari sa akin? aba naman! ang galing naman ng tanong na yan!"Natigilan ako sa kanyang sinabi. Ang buong akala ko ay naiintindihan ako ni Lizzy sa lahat ng nangyayaring ito. Hindi ko akalain na nagtitiis lang pala siya."Pero Lizzy, napag usapan na natin ito, hindi ba?" ang aking tinig ay parang nagtatanong. Ayokong dumating kami sa pu

  • Kung Isusuko ko ang Langit   Chapter 36

    Walang nagsasalita sa amin ni Gerald habang nasa sasakyan. Tila ba may pader na biglang humarang sa pagitan naming dalawa. Nahihiya naman akong Mauna, sapagkat naaalala ko kung ano ang eksena naming dalawa kaninang umaga. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na magkayakap kami at magkadikit ang aming mga katawan. Namula ng husto ang aking mukha ng maisip ang bahaging iyon. Lalo pang napadagdag sa aking iniisip ang hiling ng aking mga magulang na magkaroon na kami ng anak pagbalik doon. Paano naman kami magbibigay ng anak, kung kahit halik ay hindi naman namin ginagawa. Nag uumpisa ng mabagabag ang aking kalooban sa parteng iyon. "Anong iniisip mo?" si Gerald na ang bumasag ng harang na pader sa aming dalawa. Ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin sa daan habang ang kanyang bibig ay bigla ng nagsara. Paano ko ba sasabihin sa kanya kung ano ang aking nadarama? "Ah-- eh-- wala naman," nauutal kong sabi habang kinukutkot ang aking mga kuko, "nahihiya lang ako sa sinabi ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status