Nagpalit siya ng damit, balot na balot ang katawan niya ng itim na leggings at itim na hody jacket.
Sa takot na matagpuan siya ng kaniyang tiyuhin. Pinuntahan ni Marga ang bahay ng matalik niyang kaibigan na si Xyriel upang humingi ng tulong sa kasamaang palad, Wala ang buong pamilya nito. Nagwidraw siya ng pera, sapat para pamasahe at pangkain siya. Sumakay siya ng bus na hindi alam kung saan patungo. Walang tigil sa pagluha ang kaniyang mga mata sa tuwing naalala ang masalimuot na sinapit . Her husband divorced her. Her cousin will replace her on her position being Lance Javier's wife. Her family abandoned her and worst, her own Uncle sexually molested her! Nanginginig ang buong katawan niya nang bumalik sa kaniya ang ginawa nito, nanginginig siya. Pinagtitinginan siya ng ibang pasahero ng bus, may isang Ali na lumapit sa kaniya at binigyan siya ng tubig. Nang kumalma ay nagpasalamat siya dito. Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang sumakay ng bus, basta nasa isip niya ay makalayo sa lahat ng nanakita sa kaniya. Ilang oras ang itinagal niya bus hangang sa huminto ito at bumaba ang mga pasahero. Wala pa rin siyang balak na bumaba, hindi niya sigurado kung sa lugar na 'to, ligtas na siya mula sa sarili niyang tiyuhin. “Miss, hindi ka ba bababa?” Tanong ng conductor ng bus. “A-Anong lugar ho ito?” Niyakap niya ang sarili sa iisipin na mayroon itong gawin sa kaniya lalo pa't silang dalawa lang ang nasa loob ng bus. Kung ang sarili niya ngang dugo ay pinagtangkaan siyang gahasain, ibang tao pa kaya? “Napasarap siguro ang tulog mo kaya hindi mo naalala na ang sinakyan mong bus ay papunta Baguio.” Bumaba siya at sumalubong sa kaniya ang malamig na simoy ng Baguio. Maganda ang panahon pero ramdam ang lamig kaya hindi maiwasang yakapin ni Marga ang sarili. Napadaan siya sa isang withdrawal machine at muli niyang sinubukan na mag withdraw, hindi na siya nagtaka na nakablock na ang kaniyang account. Huminga siya ng malalim dahil sasapat naman para sa isang buwan ang pera na winidraw niya kanina. Pang-upa ng matitirahan at pang-kain. Naghahanap siya ng murang matitirahan pero bigo siya, lahat nang taong pumupunta dito ay hotel ang tinutuloyan o kaya't merong kaanak. Wala siyang kakilala dito at wala rin siyang alam na ibang mapupuntahan. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang naglalakad hangang sa matagpuan niya ang isang maliit na kainan. Nabuhayan pa siya nang makita na naghahanap ng waitress. Pumasok siya sa loob at bumungad sa kaniya ang isang Ginang, nagpupunas ng mesa na sa tingin niya ito ang may-ari. “Magandang araw ho...” Kuha niya ng atensyon nito. “Magandang araw naman. Kakain ka ba o hindi?” Sa boses nito ay halata ang pagiging prangka at strikta. “Opo... Nakita ko rin na naghahanap kayo ng waitress— “May alam ka ba sa kusina?” “Opo!” Iyon ang kinalakihan niyang parte ng bahay, ang magluto. Tiningnan siya nito mula ulo hangang paa. “Naglayas? Nagtatago? May tinatakasan? Wala akong paki-alam kung ano ang pinanggagalingan mo basta masinop at masipag ka sa trabaho, tatanggapin kita.” “Maliit lang itong shop ko kaya huwag kang umasa ng mataas na sahod. Ayoko ng palpak at tatanga-tanga, bawat mali kaltas sa sweldo!Lwede ka nang magsimula bukas! Kung hindi mo gusto ang patakaran, lumayas ka na.” Deritsahang sabi nito habang inihanda ang pagkain ko. “Tawagin mo akong Madam Pilipang.” Tinaasan siya nito ng isang kilay. “Marga ho.” Pakilala niya. “May isa pa ho akong problema, Madam Pilipang.” Pabagsak nitong nilagay sa mesa ang baso na may lamang tubig. “Pwes problema mo na 'yon!” Kung sa pagiging masungit nito at prangka higit na mas maayos naman kaysa sa Auntie Sonya niya. Hindi makakaila na mabait ang nasa likod nang masungit nitong awra. Wala itong alam na pwede niyang matuluyan. Pinagbigyan siya nito na gawing tuluyan ang shop sa gabi bagay na pabor kay Madam Pilipipang dahil may magbabantay sa shop. Libre na 'yong pagtulog niya sa shop, pabor naman kay Marga basta may matutuluyan siya. Isang buwan na ang pananatili niya sa Baguio. Sa gabi ay walang tigil sa pagluha ang kaniyang mga mata, gabi-gabi siyang minumulto ng kawalang-hiyaan na ginawa sa kaniya ng sariling tiyuhin. Hindi lang sa sakit nang paghihiwalay nila ni Lance ang dinaramdam niya kundi sa takot na makita siya ng Uncle Arthuro. Kilala niya ito, makapangyarihan ito at kaya nitong magbayad ng tao na hanapin siya. Gagawin nito ang bagay na gusto nitong gawin sa kaniya. Sa bawat araw na lumilipas minamahal niya ang kaniyang trabaho, hindi lang dahil sa madami siyang nakakasalamuha kundi may natutunan siyang mga luto mula kay Madam Pilipipang. Akala niya'y simple at hindi kapansin-pansin ang kainan nito ngunit laging gulat niya na dinudumog ito ng turista. Isang araw, nagising si Marga na hinahalukay ang kaniyang sikmura, dali-dali siyang nagtungo sa banyo at nagsusuka sa toilet bowl. Hinang-hina siya sa kakasuka nang puro laway at pinagpapawisan siya ng malamig. “Ano bang nangyayari sa'yong babae ka ah? Kanina ko pa napapansin na matamlay at masama ang timpla ng mukha mo! Madaming costumer oy!” Nagulat siya sa biglaang pagsulpot ni Madam Pilipipang sa kaniyang likuran at iritable ito sa kaniya dahil kanina pa siya pabalik-balik sa banyo. Nang matapos ang trabaho, lumabas siya upang bumili ng gamot sa malapit na drug store. Nahagip ng mata niya ang pregnancy test, hinawakan niya ito sa iisipin na hangang ngayon ay hindi pa rin siyang dinadatnan at iba ang kaniyang pakiramdam. Bumili siya ng pregnancy test at agad na sinagawa ang test nang makabalik sa shop na tinutuloyan niya. Kinakabahan siya sa magiging resulta, hindi niya alam kung ano ang gagawin lalo pa't, walang-wala siya kahit maayos na matutuluyan. Isang buwan na siyang nagtitiis na natutulog sa lapag ng shop: sapin ang pinagtagpi-tagping karton. Ang kaniyang maleta ang magsisilbing unan, ang tuwalya na nagsisilbing kumot sa gabi. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang pregnancy test ng lumabas na ang resulta. Sunod-sunod na tumulo ang kaniyang luha ng makita ang dalawang guhit: positive! “I-I'm pregnant . . .” Lance Javier.•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°• 𝐉 𝐀 𝐘 𝐏 𝐄 𝐈 ' 𝐒 M E S S A G E Hello, dearest readers!🙋♂️ Marhay na aldaw, kaninyo ngamin!🤍 I am happy to announce and proudly said that LANCE JAVIER (Pendilton Heir Series 3) officially reached the unending forever!🔥✨ While writing this story their so many struggles happened to my life and one of the most painful is that I lost one of my biggest supporter, a person who make me feel special and be proud of. — My dear grandfather!😥 That's why I dedicated LANCE JAVIER to my Lolo Pablo in heaven.🤍 It his 25th days in heaven today. (November 21.)🙏✨ Of course, I want to express my gratitude for your unending support and loved for LANCE JAVIER.♡ No perfect words can explain how thankful I am.🙏✨ Thank you for giving time and read my LANCE JAVIER. Silent readers or not. Thank you for the gems, comments, reviews, and recommending LANCE JAVIER to others. And; Thank you for being part of this journey of mine. I kno
It's a grandiose garden wedding of the year in Paraiso De Pendilton! Ang ilang hektarya at malawak na magandang harden ay nagmistulang tahanan ng mga diwata. Ang mga landscape, puno at bulaklak ay mas nabigyan ng buhay dahil sa napakagandang disenyong pangkasal. Nakahanda na ang lahat ang ikakasal na lamang ang hinihintay. Ang mga bisita ay isa-isa nangsidatingan at ang kanilang mga suot na para bang may kumpetisyon sa palakihan ng milyong ginastos para sa araw na 'to. Naka-puwesto na ang mga bisita sa kani-kanilang assigned table at pinag-uusapan ang pinaka-engrandeng kasal na hindi nila papalampasin. Mapapanuod rin ito live sa telebesyon. Don Leon look young at his white two-piece suit. Napatingin siya sa kaniyang mamahaling pambisig na relo dahil limang minuto na ang lumipas ay wala pa rin si Lance. Sininyasan niya si Nelson. Nang makalapit ito ay nagtanong siya. “Where's Ailancer? He's supposed to be here before the bride walk in the aisle.” “Parating na siya, Don Leon.” “S
Sa kasalukuyan, kakalapag pa lamang ng eroplanong sinakyan ni Lance. Nakangiting nilapitan niya ang apat niyang tauhan na nakatayo sa tabi ng limousine. “Hello boys!” Bati niya. Nakangiting sinalubong siya ni Rigor at kinuha ang luggage niya, kinamayan niya si Sid at yumakap naman si Mason. “Welcome boss!” “Welcome!” “Boss, na miss kita!” Nabaling ang atensyon niya kay Rob na nakayuko at nakatayo lamang sa gilid. Hindi maiwasang malungkot ni Rob dahil hindi buo ang tiwala sa kaniya ng boss dahil sa nangyari dito, isa sa siya sa pinagdudahan. Tinap ni Lance ang balikat ni Mason bago nilapitan si Rob. “Hello, son!” Nag-agat ng tingin si Rob sa boss at tipid na ngumiti. “Welcome boss.” Binuksan niya ang backseat ng sasakyan. Suminyas si Lance na lumapit sa kaniya si Rob at hinawakan niya ito sa balikat. “I know you are upset and there is nothing to blame but me, I am the one who give the idea. Pardon... Pardon me son! Look, you believe me or not, I doubt that you would do that
Seven Months Ago... Unang araw... Sa fire exit ng hospital, kinausap ni Scott ang mga tauhan ni Lance. Gusto niyang malaman ang lahat ng detalye ng lahat ng pangyayari. “Who's this fucking Rob?” Tanong ni Scott habang nakatingin sa larawan ni Rob sa phone niya. Gusto niyang mahuli ang salarin sa lalong madaling panahon. “King, bago naming kasamahan. Anak ni Semon na dating kanang-kamay ni Arthuro Quisora.” Tugon ni Sid. Knowing that Lance killed Arthuro's right-hand, the father of that fucking Rob, he has a motive. And one more thing, Lance suspect Rob about the death threat. “I want this fucking bastard dead!” Scott ordered. “Teka! King, hindi mo pwedeng gawin 'yan. Si Boss nga ang pumatay sa tatay niya pero alam kong hindi magagawang traydorin ni Rob si Boss! Malaki ang tiwala ko sa kaniya na hindi siya babaliktad!” Mason defended Rob. Masamang tingin ang itinapon ni Sid at Rigor kay Mason. May tiwala sila kay Mason pero kay Rob? Una pa lang, duda na sila dito! “Pwede ba, M
Pitong buwan ang nakalipas... Sakay nang black lamborghini si Miscy, nang makarating sa kaniyang destinasyon binuksan niya ang driver seat. Pagtapak niya sa semento, tumunog ang takon ng boots niya, na may limang pulgada. Isinuot niya rin ang purong itim na mamahaling shades bago binuksan ang backseat at kinuha ang dalawang maliit na basket na may lamang lavender flowers. Nakalugay ang tuwid, mahaba at itim na itim niyang buhok. She's wearing a black sports bra, pinatungan niya iyon ng itim na blazer na kapares ng suot na itim na slacks. At sinamahan niya pa ng itim na mataas na boots. Miscy savagely hot and classy in black! Napakaganda at mataas ang kumpiyansa sa sarili na tinahak niya ang mahabang pathway ng sementeryo. Sa likod ng maamong mukha, sakit at pangungulila ang kaniyang nararamdaman. Huminga siya ng malalim at tipid na ngumiti ng ilang metro na lang ang layo sa pakay niyang mga puntod. Hangang ngayon nasasaktan pa rin siya sa iisipin na wala na ito. Sa tuwing dumada
Sa Paraiso De Pendilton, Natambak ang mga guwardiya sa labas na malapad na gate nang dumating ang isang funeral homes service na may kulay gintong hearse, may gintong kabaong sa loob nito. Kinatok ni Mason ang bintana ng driver, “Boss, anong problema?” Nakangising sumulyap ang driver, “Boss, ang problema 'yang mga bantay niyo! Ayaw kaming papasukin!” “Ako ba ginagago mo? Walang patay dito! Umalis na kayo bago pa ako mawalan ng pasensya!” Singhal ni Mason. Nabu-bwesit siya dahil naiisturbo ang trabaho niya dahil hindi mapalayas-layas ng mga tauhan niya at mga guwardiya ang mga ito na kanina pa nagpupumilit na pumasok. Isa pa si Rob sa kinakaasar niya dahil sabi nito ay pabalik na pero ilang oras na ang lumipas hindi pa rin dumarating! Samantala, naglakad-lakad sa hardin si Don Leon nang marinig ang kagulogan sa labas ng gate. “Anong kagulogan 'yon?” Tanong niya kay Nelson. “Titingnan ko, Don Leon.” Tinanguan niya si Nelson, “Tara, samahan mo ako!” Nagsitabihan ang mga tauh