Kaia Aurora Esguerra is trying to outrun a past soaked in blood. Her family was ambushed, and she barely made it out alive. Since then, nightmares and guilt haunt her every night. Then she meets the new doctor at her school--Adin Mauricio delos Angeles. Tahimik. Maalalahanin. Magaan kausap. And for some reason, she's drawn to him. Deeply. But Adin isn't just a doctor. He's an assassin on a mission. And Kaia is his final target. Pero hindi niya magawang tapusin ang misyon. So he walks away--thinking it's enough to save her. But salvation comes with a price. At minsan, ang taong gusto mong iligtas... siya rin ang taong kayang wasakin ka.
Lihat lebih banyakKaia's POV
Umuulan. Hindi naman gano'n kalakas, pero sapat na para lumabo ang kalsada at 'yong windshield ng sasakyan. Galing kami sa isang exclusive event--isa sa mga sosyal na gabing palaging dinadaluhan ng parents ko. Nasa likod ako, nakahilig ang ulo sa kandungan ni Mommy. Sa bawat dampi ng kamay niya sa buhok at likod ko, unti-unti akong dinadapuan ng antok. Medyo malalim na ang gabi. Halos wala na kaming kasabay sa daan. "Matulog ka muna, Kaia," bulong ni Mommy. Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pagsulyap ni Daddy mula sa front seat. May ngiti sa mga mata niya--'yong pagod pero kuntento. Tumango ako nang marahan at ipinikit ang mga mata ko. Pero ilang segundo lang ay biglang pumreno ang driver. Mabilis akong napamulat habang si Mommy naman ay napasigaw. Kumapit ako sa front seat para bumangon, pero napalingon ako sa unahan. Doon ko nakitang may nakaharang na isang itim na van. Hindi pa man ako nakakagalaw ay bumukas na ang pinto no'n. Sunod-sunod na bumaba ang mga lalaking may takip ang mukha. Nahagip ng mga mata ko ang mga dala nila, subalit bago pa man rumehistro sa akin ang lahat ay hinila na kaagad ako ni Mommy. Narinig ko ang takot at nagpa-panic na sigaw ni Daddy, pero nasapawan 'yon ng sunod-sunod na putok. Nakakabingi. Nakakakilabot. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Kaagad akong niyakap ni Mommy nang sobrang higpit habang umiiyak. Parang sinusubukan niya akong protektahan sa lahat ng puwedeng mangyari. Subalit makaraan lang ang isang segundo ay narinig ko ang pagdaing niya. Naramdaman ko rin ang biglaang pagluwag ng yakap niya sa akin. Parang bigla naubos ang lakas niya at unti-unting dumadausdos ang katawan niya pababa sa sahig ng sasakyan. May naramdaman akong malagkit na pumatak sa may buhok ko, na hindi ko matukoy kung ano. "Mommy..." nanginginig ang boses ko habang tinatawag ko siya, pero mas malakas pa rin ang ingay ng mga putok. Hihigpitan ko na sana ang pagkakayakap sa kanya ngunit hindi ko nagawa nang isang matinding init ang biglang dumampi sa may bandang itaas ng likod ko. Parang may pumasok na mabigat sa likuran ko dahil bigla akong nakaramdam ng panghihina. Hindi ko na nagawang yakapin pa si Mommy. Para akong pinunit sa parteng 'yon, at may mainit na tumulo sa loob ko papalabas. "K-Kaia..." Mahinang tawag ni Mommy. "H-hide... u-under... s-seat..." Ang bawat salita ay parang hinihila na lang niya mula sa natitira niyang hininga. Gusto ko. Gusto kong sumunod. Gusto kong gumalaw. Pero hindi ko magawa. Ni makapagsalita, hindi ko na kaya. Nahihirapan na rin akong huminga. Parang hinihigop ako ng upuan pahiga rito. Nagsisimula na ring mamanhid ang pakiramdam ko. Pinilit kong panatilihing bukas ang mga mata ko kahit na nagdodoble na ang paningin ko. Nanatili rin namang buhay ang mga putok ngayong gabi. Gusto kong gumapang. Gusto kong lumabas ng sasakyan, pero hindi ko kaya. Paglipas ng ilang sandali ay biglang tumahimik ang paligid. Parang pinatay ang lahat ng tunog. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko para tawagin si Mommy o si Daddy ngunit walang boses na lumalabas. Dumako ang paningin ko sa unahan at nagimbal nang makita si Daddy na nasa pagitan ng mga upuan. Dilat ang mga mata niya at may kung anong mantsa sa mukha. Halos sumayad na ang ulo niya sa sahig. Agad kong tiningan ang gawi ni Mommy at nakita siyang nakaupo sa sahig habang nakasandal sa pintuan. Mayroong dugo na tumutulo mula sa bibig niya. Kusang tumulo ang luha ko sa mga mata habang nakatingin kay Mommy. Gusto ko siyang lapitan, pati si Daddy ngunit hindi ko magawang kumilos. Maya-maya pa ay narinig kong bumukas nang pwersahan ang pintuan sa tabi ko. May dumating ba? May sasalba ba sa amin? Sana ay hindi pa huli ang lahat. Pilit kong maaninag ang taong dumungaw sa akin pero malabo na ang paningin ko. Hindi ko makita nang malinaw ang mukha niya kahit na wala itong anumang takip sa mukha, 'di tulad ng mga lalaking bumamaba roon sa sasakyan. Ngunit sa ayos ng bibig niya, alam kong nakangiti siya. At hindi ito ang ngiti na dapat makita sa ganitong sitwasyon. Walang puso. Walang simpatya. Wala akong nagawa nang marahas niyang hilahin ang braso ko upang idapa ako sa upuan. Hindi ko na magawang umangal. "You'd be surprised how little time the body takes to shut down from blood loss," aniya, kalmado at halos malambing ang tinig. "I won't even need to waste a bullet." Mahina siyang tumawa saka na lumayo.Kaia's POVTahimik lang akong nakaupo sa passenger's seat ng sasakyan habang binabagtas ang daan pauwi sa bahay.Wala naman ding kibo si Uncle Romy na abala sa pagmamaneho. Mukha ring nagmadali siyang pumunta sa eskwela para lang masundo ako.Dapat talaga ay sa mga ganitong oras, nasa opisina pa siya. Pero dahil siya ang tinawagan ng clinic dahil sa nangyari sa akin, heto na siya.Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng guilt. Pakiramdam ko ay nagiging pabigat na ako sa mga taong nakapaligid sa akin."Sorry, Uncle..." usal ko makaraan ang ilang sandali. "Pasensiya na po kung naabala ko pa kayo." Pilit akong ngumiti nang tumingin ako sa kanya.Mabilis naman niyang sinalubong ang mga mata ko, halatang ang pagtutol dahil sa sinabi ko."Hinding-hindi ka naging abala sa akin, Kaia," umiiling niyang turan. "Lalo na sa mga ganitong pagkakataon, okay?" May ngiti sa labi niya, at kahit bahagya lang, ramdam ko ang bigat ng responsibilidad na pinili niyang yakapin para sa akin. Siya ang taong nakit
Kaia's POV Isang malakas na buntonghininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin dito sa banyo. Ngayon ay nakikita ko na ang ebidensya kung bakit ayaw maniwala sa akin ni Dr. Adin na hindi ako kulang sa tulog. There are dark circles under my eyes that I didn't notice lately. Sobrang halata sila dahil maputla ang balat ko. Ang payat na rin ng Kaia na nakikita ko sa harapan ko. Hindi ito ang unang beses na nakita ko ang sarili ko sa salamin, ngunit ito pa lang yata ang unang beses na masuri ko nang husto ang hitsura ko. I don't look good--just like how I've been feeling these past years. I once relied on sleeping pills just to get some decent sleep... until one night, I stopped caring about the dosage--only to wake up again in a hospital bed the next morning, disappointed I ever did. Hindi ko alam kung bakit pilit nilang ibinabalik ang taong gusto nang mawala. Pagkatapos kong hilamusan ang mukha ko at tuyuin ay naglakad na ako patungo sa classroom. Da
Kaia's POV There was a strange kind of noise that filled school hallways every Monday morning. Hindi maingay, hindi rin tahimik. Parang background static sa buhay ng ibang tao. Mga estudyanteng nagmamadaling pumasok sa klase, mga tawanan sa may lockers, at konting sigawan mula sa outside covered court. Normal. Iyon ang sabi nila. Pero sa akin, hindi pa rin. Humugot ako ng isang hininga at mahigpit na hinawakan ang strap ng bag ko. Narinig kong may tumawag sa pangalan ko mula sa likuran kaya napilitan akong lumingon kahit na ayoko. Nakita kong kumakaway sa akin ang isang babaeng mula sa student council habang malapad na nakangiti. Kasama pa niya ang mga kaibigan niya na nakatingin din sa akin. Mabagal lang akong tumango saka na ipinagpatuloy ang paglakad. I used to be like that. Talkative. Approachable. Even funny, according to my mom. She even called me her chatterbox. But now, I barely say five words before noon. Although, alam ko kung bakit sila nagiging approachable sa
Kaia's POV Tahimik sa loob ng therapy room. Wala kang ibang maririnig kundi ang tunog ng wall clock sa likuran ni Dra. Emma Aballe. Sunday na naman. Lumipas ang buong linggo na hindi ko man lang namamalayan. Nasa parehong upuan ako rito sa silid, 'yong malapit sa pintuan. Hindi sa bintana. At hindi ko alam kung bakit ito ang madalas na pinipili kong pwesto, hindi lang dito sa clinic. Siguro... dahil sa mga nangyari apat na taon na ang nakakalipas? Hindi ko masabi. "How's your week, Kaia?" Tanong ng doktora tulad ng nakasanayan. Pormal pero may lambing. Palaging gano'n. "Still alive." I shrugged. "I guess." Tumango-tango siya, halatang naghihintay ng susunod kong sasabihin ngunit hindi ko na iyon dinugtungan pa. At mukhang nakuha na niya 'yon dahil ngumiti siya. "Still alive is good." Is it? Gusto kong itanong ngunit pinili ko na lang manahimik at paglaruan ang zipper ng suot kong jacket upang maiwasan ang tingin niya. Nakita ko sa sulok ng mata ko na may bago siyang halam
Kaia's POV Umuulan. Hindi naman gano'n kalakas, pero sapat na para lumabo ang kalsada at 'yong windshield ng sasakyan. Galing kami sa isang exclusive event--isa sa mga sosyal na gabing palaging dinadaluhan ng parents ko. Nasa likod ako, nakahilig ang ulo sa kandungan ni Mommy. Sa bawat dampi ng kamay niya sa buhok at likod ko, unti-unti akong dinadapuan ng antok. Medyo malalim na ang gabi. Halos wala na kaming kasabay sa daan. "Matulog ka muna, Kaia," bulong ni Mommy. Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang pagsulyap ni Daddy mula sa front seat. May ngiti sa mga mata niya--'yong pagod pero kuntento. Tumango ako nang marahan at ipinikit ang mga mata ko. Pero ilang segundo lang ay biglang pumreno ang driver. Mabilis akong napamulat habang si Mommy naman ay napasigaw. Kumapit ako sa front seat para bumangon, pero napalingon ako sa unahan. Doon ko nakitang may nakaharang na isang itim na van. Hindi pa man ako nakakagalaw ay bumukas na ang pinto no'n. Sunod-sunod na bumaba ang mga
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen