Share

Chapter Twenty-six

WHAT SHOULD I DO?

Dahlia's Pov

Kinabukasan ay pinatawag ang lahat ni Bernard sa laboratory. Mag-isa akong pumunta roon dahil ang kasama ni Lexux ay si Blyte, syempre.

"Dahlia.." tawag ni Keo sa akin.

"Hi, Keo," natigilan ako saglit nang maalala ang sinabi ni Lexux na bawal ako makipag-usap sa iba.

May inis akong nadama dahil sa isipin na kasama niya si Blyte kaya kahit nandidiri ako ay nakipag-usap ako kay Keo. Nagseselos ako kaya gusto ko suwayin siya ngayon.

"Keo, baka mamaya paglalamayan ka na namin," pagsalita ni Ace na bagong dating lamang.

"Tingnan mo si Lexux, Keo," dugtong ni Prixel.

Sabay namin nilingon ang pwesto ni Lexux at nakatingin pala siya sa amin. Halos manginig ako sa kinatatayuan ko dahil sa malamig niyang titig sa akin.

"Wala akong ginagawa mga pre," pangangatwiran ni Keo.

"Nakalimutan mo na ba na pinagbantaan niya tayo noon? Bawal natin lapitan si Dahlia," wika ni Ysay sabay senyas sa mga kaibigan niya na pumunta na sa puwesto nila.

Napayuko ako nang hindi pa rin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status