CHAPTER NINETEEN: TUTOR✧FAITH ZEICAN LEE✧SATURDAY, 7:30 A.M nang pumunta kami ni mommy, daddy at Summer sa mansyon nila Chloe. Naisip kong isama si mommy dahil nag-usap na kami na siya ang magpapaalam kay Mr. at Mrs. Herald para hiramin si Poppy. Dahil kahit papaano ay gusto kong i-consider ang mararamdaman ng fiancé ko. Ayokong saktan ang damdamin ni Chloe, lalo na at nagsisimula na siyang magduda sa akin sa pagbisita ko sa kanila nitong nakaraang linggo.Sa halip kasi na tatlong beses lang ako noon dumadaan sa kanila, naging araw-araw ‘yon simula nang bigyan ko ng pera si Poppy. Walang palya ang naging pagpunta ko sa kanila, at sa tuwing darating ako roon, bukod sa pasalubong na dala ko para kay Chloe ay lagi rin mayroon si Poppy. At kapag naroon na ako, lagi kong kinukumusta si Poppy, kaya pati ang parents nila ay mukhang nakahalata na rin.Nga pala, hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam na may cell phone na si Poppy. Noong nakaraang araw ay tumawag sa akin si Poppy bandang a
CHAPTER TWENTY: NAGBABAGANG BALITA NI HOPIA✧FAITH ZEICAN LEE✧HINDI ko alam kung gaano katagal akong nakaidlip sa kama ni Summer. Boses ni Poppy ang gumising sa akin dahil naririnig ko siya, kinakabisa niya ang alphabet from A to Z. Wala si Summer sa tabi niya, mag-isa siya ro’n sa study table. Wala na rin si Love at Hope sa tabi ko.Hindi ko makapa ang phone sa bulsa ko kaya ‘yong suot kong relo na lang ang inangat ko para tingnan ang oras. 1:22 P.M na pala. Bakit hindi man lang nila ako ginising?“Kuya Faith?” Nabaling ang tingin ko kay Poppy nang tawagin niya ako. Nakatingin siya sa akin at bahagyang nakangiti. “Kabisado ko na ‘yong A to Z,” proud niyang sabi, malapad ang ngiti niya.Ngumiti rin ako at bumangon sa kama para lapitan siya. Tumayo ako sa tabi ng inuupuan niya at tiningnan ang mga sinulat niya roon. Sa unang page ay puro letrang “Aa” sa ikalawa naman ay “Bb” at ang sumunod ay “Cc”. Naisulat na niya hanggang “Jj”. Hindi gano’n kaganda ang sulat niya, pero naiintindihan
CHAPTER TWENTY-ONE: CONTINUATION NG TSISMIS NI HOPIA✧FAITH ZEICAN LEE✧“Ano ‘yon?” nagmamadaling tanong ni Summer, na kay Hope pa rin ang tingin nito. Maging ako ay naiinis na dahil nabibitin ako sa kuwento niya. Para siyang nananadya.Hope leaned forward slightly, resting his elbows on his spread knees. His hands were clasped together under his chin, fingers intertwined. He paused for a moment, then turned to look at me with a thoughtful expression.“Faith, ano’ng gagawin mo kapag nalaman mong hindi pala dapat si Chloe ang fiancé mo?” tanong niya, dahilan ng pagkunot ng noo ko.“Ano’ng ibig mong sabihin?” I asked. Sa kaniya pa rin ako nakatingin—lahat kami ay nasa sa kaniya ang atensyon, habang siya ay nakabaling naman sa akin.“Alam mo ba kung bakit napaaga ang engagement mo? Dahil gusto ni Mr. at Mrs. Herald na si Chloe ang mapangasawa mo. Pero kung natatandaan n’yo ‘yong sinabi sa atin noon ni Lolo Don A, kapag twenty-five na raw tayo ay ‘tsaka natin ma-me-meet ang match n’ya par
CHAPTER TWENTY-TWO: A GLIMPSE TO POPPY'S LIFE ✧FAITH ZEICAN LEE✧ “It’s okay, Poppy. Hindi ka naman namin pipilitin magkuwent—” “Mahal na mahal po ako ni daddy dati,” mahinang sabi ni Poppy, dahilan ng pagtahimik ni Mommy. Nakayuko na muli si Poppy sa mga kamay niya at ‘yong daliri niya ang nilalaro niya. “Noong bata ako . . . s’ya palagi ‘yong kasama ko. Sabay kaming kumakain palagi. Kapag may sakit ako, hindi s’ya napapakali. Kapag malungkot ako dahil nami-miss ko si mommy, gagawin n’ya lahat para lang mapasaya ako. P-Pero . . . simula po noong dinala ni Mommy Jody si Ate Chloe sa mansyon . . .” napahikbi si Poppy, “—hindi na n’ya ako pinapansin. Lagi na lang s’yang galit sa ‘kin. Lagi n’ya akong pinagagalitan kahit wala naman akong . . . g-ginagawang masama. Tapos . . . simula noon, h-hindi na rin n’ya ako tinatawag na anak. Laging si Ate Chloe na lang. H-Hindi na rin n’ya ako gustong makasabay sa pagkain kaya lagi akong huling kumakain kapag tapos na sila. Tapos ‘yong pagkain ko
CHAPTER TWENTY-THREE: POPPY’s POV꧁ POPPY ꧂KINABUKASAN. Linggo, ay maaga pa rin akong nagising kahit pa medyo late na akong nakatulog kagabi dahil sa dami ng mga inaral ko. Matapos kasi namin mag-aral ni Ate Summer, pagdating ko sa guestroom na inihanda sa akin ni Tita Keycee ay nag-aral pa ulit ako gamit ang mga learning apps na inilagay ni Kuya Faith sa cell phone ko. Buti na lang ay naituro niya ‘yon sa akin kung paano gamitin kaya naman ‘yon ang pinagpuyatan ko kagabi.Gayon pa man, kahit puyat ay nagawa ko pa rin magising nang maaga dahil sanay na ang katawan ko. Sanay ako na maikli lang ang tulog at kung minsan nga ay mababaw pa. Ewan ko kung bakit, pero simula noong nangyari ang isang insidente sa buhay ko noong five years old ako, ay hindi na ako nakakatulog nang mahimbing hanggang ngayong nag-seventeen ako.Nga pala, kumakailan ko lang nalaman na seventeen na pala ang edad ko. Noong tinanong ako ni Kuya Faith sa harap ng hapag-kainan sa mansyon noong nagkasabay-sabay kami at
CHAPTER TWENTY-FOUR: FAVORITE COLOR: WHITE✧FAITH ZEICAN LEE✧KASALUKUYAN akong abala sa sa trabaho nang bumukas ang pinto ng opisina ko at sumulpot si Summer at Poppy. Nagulat ako at agad napatayo sa upuan ko dahil hindi ko inaasahan na pupunta sila rito.“Surprise!” Summer exclaimed, nakataas pa ang kamay. Si Poppy naman ay tahimik sa tabi niya, pero bahagyang may ngiti sa labi habang nakatingin sa ‘kin.“Ano’ng ginagawa n’yo rito? ‘Di ba dapat nasa bahay kayo at nag-aaral?” I walked over my desk para i-guide sila sa couch na nasa loob ng opisina ko. Sinundan nila ako roon, naupo sila.“Nagpaalam naman kami kay mommy at daddy para lumabas. May kinailangan lang bilhin na learning materials, then nag-date kami ni Poppy sa street market. Tapos tinanong ko s’ya kung gusto n’yang makita ang working place mo bago umuwi. She said yes, kaya dito muna kami dumiretso,” litanya ni Summer habang si Poppy naman ay iginagala ang tingin sa palibot ng opisina ko. “Pero ‘wag kang mag-alala. Alam kong
CHAPTER TWENTY-FIVE: OVERNIGHT✧FAITH ZEICAN LEE✧“SABI mo busy ka at may kailangan tapusin?” May bakas ng pagkainis sa boses ni Chloe, pero halatang nagpipigil, habang salubong ang kilay niyang naktitig sa ‘kin. “Ano’ng ginagawa ni Poppy rito?”I exhaled deeply bago siya sagutin. “Kasama n’ya si Summer. Lumabas sila saglit at dumaan dito sa opisina.” Kasunod ng sinabi ko ang pagbukas ng pinto ng opisina at pagpasok ni Summer kaya nakahinga ako nang maluwag.“Oh, Ate Chloe? Narito ka pala?” Naglipat-lipat ang tingin ni Summer sa amin ni Chloe, mukhang na-gets niya agad ang nangyayari kaya agad niyang nilapitan si Poppy at humawak sa braso nito, habang na kay Chloe pa rin ang tingin. “Mauna na kami ni Pops. Dumaan lang kami saglit dito dahil may kailangan ako kay Kuya. Kaso biglang tumawag si Tita Baby kaya iniwan ko pansamantala si Poppy. Sige, ha? Una na kami. Bye.” Hinila na niya agad si Poppy palabas.As the door closed, leaving just Chloe and me in the office, I heard her sigh, as
CHAPTER TWENTY-SIX: CHLOE'S DARK SIDE✧FAITH ZEICAN LEE✧PAGBUKAS ko sa pinto ng kuwarto ko, agad din akong natigilan doon sa tapat. Hawak ko pa rin ang doorknob at hindi ako natuloy humakbang dahil sa natanaw kong suot ni Chloe. Instead na suotin niya ang ternong pajama na hiniram ko kay Summer, T-shirt ko ang suot niya. Mukhang nanguha siya sa cabinet ko.There shouldn't have been anything wrong with that. But the problem was, she was only wearing a T-shirt that reached down to her thighs, just enough to cover her underwear. Besides that, she wasn't wearing anything else below.“Sorry, babe. Hindi kasi ako sanay magsuot ng damit ng iba. Pero itong T-shirt mo, okay naman. Mas komportable ako rito.” Ngumiti siya nang malapad.Nag-aalinlangan man ay napilitan na akong pumasok sa loob at kinabig ko ang pinto pasara. Hindi ko ‘yon ni-lock. Dumiretso ako sa kama at pumuwesto na sa gilid para magkaroon siya ng space. But instead of lying down beside me, she walked over to the door and lock